webnovel

Our Unexpected Love Story (Tagalog)

Adolescente
Terminado · 26.6K Visitas
  • 4 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Chapter 11 Prologue

Prologue

- Hannah's POV -

"Kailangan mong gawin." Madiin na saad ni Mommy.

"Hindi ko naman po sinabi hindi." Saad ko.

"Sige mag beauty rest ka muna. Para maganda ka bukas." Saad ni Mommy at saka ako iniwan sa kwarto ko. Napabuntong-hininga naman ako paglabas nya.

Sana tama itong gagawin ko. Sana maging masaya ako.

Wala sa sariling kinuha ko ang phone ko at tinawagan isa-isa ang mga kaibigan ko para papuntahin sa kasal ko bukas.

Hindi ako masaya, hindi din ako malungkot. Dahil don sa lalaking mapapangasawa ko, matutupad na ang pangarap ko.

Pagkatapos kong tawagan sila isa-isa ay dinapuan ako ng antok. Nang magising ako ay alas-syete na ng gabi. Bumaba ako sa kusina para kumain pero may bisita si Mommy sa baba.

"Pumayag na ba ang anak mo para bukas?" Tanong ng ginang na kasama ng ina nya.

"Mabilis syang pumayag. Siguro ay gusto na talaga nyang tuparin iyon pinakamalaking nyang pangarap." Saad ng Mommy nya na may kalungkotan. "Mare.... Sigurado ka bang magiging masaya ang anak ko sa anak mo?" Tanong ni Mommy. Tumango lang ang ginang at ngumiti.

Parang nakahinga din ako ng maluwag dahil sa ina na ng pakakasalan ako nanggaling na magiging masaya ako. Umatras ako ng ilang hakbang at humakbang ng dire-diretso sa kusina at kung saan nya nakita ang mga ginang.

"Ohh, Hija? Bakit gising ka pa?" Tanong ng Mommy nya.

"Nagugutom ako, Mom. Kanina pa akong tanghali natutulog, kasi sabi mo magbeauty sleep ako para sa kasal bukas." Sagot ko at naghanap ng pagkain. Alam kong pinapanood nila ako habang naghahanap.

"Pagkatapos mo dyan ay matulog ka na ulit ha?" Tanong ng Mommy nya.

"Yes, Mom." Sagot nya at nginitian ang ina nya.

- Jacob's POV -

"What?!" Malakas kong sigaw habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila, napatayo pa.

"Anak, promise. Para ito sa ikaw bubuti mo." Saad ni Mommy.

Tsk! Ikabubuti? Kalokohan!

"Tsk!" Singhal ko at naupo ulit.

"Papayag ka ba, hindi?" Tanong ni Dad.

"Payag." Saad ko at sumimangot.

"Papayag din naman pala, ehh." Saad ni Mommy at parang nakahinga ng maluwag.

"Bukas na ang kasal, ok? Magready ka na." Saad ni Daddy at iniwan na ako sa kwarto ko.

"Mom? Bukas? Bakit parang minamadali nyo kami?!" Angal ko.

"Akala ko ba payag ka na? Pumayag na sila sa kasal bukas. Ikaw lang ang hindi. Mag-isa kalang, marami kami. Tumigil ka na ha!" Saad ni Mommy at saka umalis kasabay ni Daddy. Napabuntong-hininga naman ako.

Pano na ang mga babaeng gusto akong maging boyfriend? Ayoko namang mangbabae pag may asawa na ako. Tsk! Hindi na ako binata bukas! Nakakainis!

"Tatawagan ko na ang mga kaibigan ko." Bulong ko sa sarili ko. Dali-dali kong dinail ang number ni Neo at kaagad naman nyang sinagot pagkatapos ng dalawang rings.

"Hello, bro. Gigimik ba tayo?" Tanong ni Neo.

"Bro.... Mauuna akong magpakasal sa ating lahat." Malungkot kong saad.

"What?! Pano yun? Wala ka namang girlfriend?!" Saad ni Neo sa kabilang linya.

"Arrange Marriage, bro."

"Parang teleserye lang, ahh." Komento ni Neo.

"Tsk! Tumigil ka nga!" Saad nito.

"Goodluck, man. Hahahaha!" Saad nito at pinatay na ang tawag. Naaasar naman akong napabuntong-hininga. Nahiga nalang ako at pinabayaan ang sarili kong makatulog.

Nangmagising ako ay bumaba ako para kumain. Pagbaba ko ay nakita kong nakabihis si Mommy kaya nilapitan ko sya para tanungin.

"Mom, saan ka pupunta?" Tanong ko at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Pupunta ako sa bahay ng mapapangasawa mo."

"Sama ako!" Mabilis kong saad.

Wala ako sa sarili nyan!

"Hindi pwede. Bukas mo pa sya makikita." Saad ni Mommy at akmang tatalikod na pero hinawakan ko ang siko nya.

"Mom, what's her name?" Tanong ko ng puno ng kuryusidad.

"Hannah Levis. Ok ka na? Jacob Lovera?" Tanong ni Mommy na parang nagagalit na. Binitawan ko na ang siko nya at umalis na sya. Napabuntong-hininga nanaman ako.

--- To Be Continued ---

También te puede interesar

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS