111 Yakap

Traductor: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 111: Yakap

"Huwag kang gagalaw. Hayaan mo muna akong yakapin ka nang saglit." Malambing ang boses ni Qin Chu. Hindi rin alam ni Huo Mian ang gagawin kaya nanatili lang itong nakatayo.

"May nangyari ba Qin Chu?" pakiramdam niya may mali.

Ang taong walang emosyon at mapagmataas katulad niya ay hindi aakto ng ganito.

"Wala lang, medyo pagod kasi ako at gusto lang kita yakapin."

Nakasuot si Huo Mian ng maluwag na yellow pajamas at may Spongebob pattern ito.

Ang kanyang buhok ay hindi nakatali ng maayos kaya medyo sabog at magulo ito.

Sa kabilang banda, nakasuot si Qin Chu ng dark purple dress shirt at mamahaling mga diamond cufflinks.

Tumayo lang siya sa likod nito, at tahimik na niyakap ito, nilalanghap ang kakaibang amoy nito.

Sa ilang saglit lang, ang kanyang hindi mapalagay na puso ay kumalma.

Ang mundo talaga ay mas maayos kapag nandyan si Huo Mian sa kanyang tabi.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

avataravatar
Siguiente capítulo