webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
35 Chs

Reception

Sa sobrang tuwang nararamdaman ko at kiliti sa puso ko, napatakbo nalang ako palayo sa kaniya at sinabihan siyang wag muna akong sundan bago ako umalis kasi baka mamaya wala na talaga akong mukhang maiharap sa kaniya.

Bumalik ako sa reception.

"Oh Gab? Tapos na kayo mag usap? Bakit namumula ka?"-Yra

Yra!! Dapat ba malaman ng mga pinsan niya kami na? Pero nakakahiya! Baka pag isipan nila ako ng gold digger. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Tama bang naging kami?

Gusto ko siya pero ang kumplikado!

"Favour Yra"

"Ha?"

"Pahinging tubig."

"Tubig?- uh- ok, wait.. don't pass out ok?"

Nag mamadali siyang umalis at kumuha ng tubig habang ako napa upo nalang sa may table namin. Wala ang mga pinsan niya at mukhang siya lang mag isa ngayon sa table.

"Here"

Mula sa pag kakahawak ko sa dibdib ko ay kinuha ko agad ang tubig at ininom, nasamid pa ako ng konti.

"Did something happen to you and LJ?"

Lalo lang ata akong nag init sa tanong niya.

"Yra? Ilan na ang naging ex ni Lexie?"

"Ex? You mean a previous relationship?"

Tumango ako.

Napatingin siya sa taas at saka nag isip ng malalim. Nag bilang pa siya sa kamay niya at nanlumo ako sa dami ng binibilang niya.

"Ganiyan karami?"

Baka isa ka lang din sa collection niya Gab. Pero hindi naman siya gano'ng tao diba?

"Just kidding, she's not interested to someone else except to you."

Gulat ako

"Sa'kin?"

"Yeah.. sobrang obvious na, hindi mo ba ramdam?"

May nararamdaman naman ako kaso that what's friends for lang ang tumatatak sa'kin.

"K-kasi-"

"What's really happening? Should I ask her?"

May nginuso siya sa likod kaya napa tingin ako doon.

Bigla akong tumalikod para matago ang mukha ko.

It's Lexie talking to other visitors.

She's really looks like a professional the way she stand and talk, eh ako? Napulot niya lang ako dito sa school na 'to at niligtas lang sa baliw kong manager dati.

"Kahit tanungin mo siya hindi naman 'yan sasagot sa'yo, baka sungitan ka pa."

Tumusok nalang siya ng steak na parang hopeless at kinain.

"So? What's the deal? You look like you're going to pass out."

Hinawakan ko ang kamay niya sa mesa kaya gulat siyang tumingin sa'kin.

"Namumula ba ako? Mukha ba akong kinikilig? Anong itsura ko?"

Napamaang lang siyang tumingin sa'kin.

"What?"

"K-kasi-"

"Kinikilig ka kay LJ?"

Sinenyasan ko siya ng huwag siyang maingay

"Shh.."

Bigla siyang natawa ng pagak.

Huwag kang tumawa tawa diyan, nababaliw na ko dito sa itsura ko tapos tumatawa ka pa?

"Why don't you tell her what you feel-"

"Hey, low down your voice."

Mariing bulong ko sa kaniya

"Sorry HAHAHA"

Kami na pero grabe tong epektong to.

Pasabog ka nang pasabog.

"Hi girls"

Umupo si Lance sa tabi ko.

"Hi"

Magandang ngiting bati ko. Tama lang timing niya para sa iba naman nabaling ang atensyon ko.

"Lance?"-Yra

Ngumiti si Lance

"Bakit hindi ka pa kumakain Gab? Gusto mo bang kuhaan kita ng food?"

"Hindi hindi.. Pfft.. kukuha na rin ako maya maya."

"Hey Lance, don't you dare to do anything if you still want to live"-Yra

Tinawanan siya ni Lance. Anong pinag uusapan nila?

"Do you have a boyfriend Gab?"

Nag init ang mukha ko sa tanong niya dahil naalala ko nanaman ang tagpo kani kanina lang.

"W-wala"

Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo pero masakit ding ideny ka ng girlfriend mo, buti nalang wala dito si LJ.

May bigla nalang nag lapag ng pagkain sa harap ko at saka nag lagay ng upuan sa pagitan namin ni Lance.

"LJ?"-ako

"Nice"-Yra

Nailagay ng maayos ni LJ ang upuan niya sa pagitan namin at saka siya tumingin kay Lance.

"Why are you here?"

Seryosong tanong ni LJ

"Hi Lexie, pwede na ba kitang ligawan?"

Nanlaki ang mata ko at saka siya dinungaw dahil nga naka harang si LJ.

Ligaw?! Hell! No way!!

"Stupid"-Yra

Humawak ako sa braso ni Lexie.

Tama nga, hindi na talaga magandang ideya ang patagong relasyon pero hindi naman ako pwedeng mag pa basta basta.

"You creep me out"-LJ

"Why?"

"Stop asking stupid question Lance"

"Masungit ka pa rin?"

"Sa'yo lang"

"Why? Because I'm special to you?"

"No because you're still stupid as before"

Ok? Na fifeel ko na ang pagiging OP.

Tinanggal ko ang pag kakahawak ko sa kaniya nang hindi niya namamalayan, pero syempre malay ko ba kung di niya talaga namalayan.

"That's foul. Anyway, sabi sa'kin ni Carla mag a out of town ka raw para humanap ng new members for CTF. Tuloy na tuloy na ba 'to? Baka mamaya umatras ka nanaman gaya noon at iwan ulit kami sa ere."

Gusto kong mag tanong patungkol sa past nila at sa dating mga balak ni Lexie pero nakakatakot, baka isipin niya na iinvade ko privacy niya dahil kami na kaya nanatili nalang akong tahimik at ina analyze ang bawat sasabihin nila.

So aalis pala siya?

Sa isiping palang na 'yon ay ang dami ko nang pangamba.

Paano kung makahanap siya ng iba doon? I mean mas maraming mas better sa'kin kaya nakaka insecure lang.

May balak naman siyang sabihan ako na aalis siya diba? O baka wala talaga?

Hanggang ngayon kwestunable pa rin sa'kin ang importance ko for her. Ang daming nangyari sa mga oras na nag kasama kami kahit napaka iksing panahon lang.

Parang kahapon lang umiiyak ako dahil nasa hospital si Mama pero ngayon nag rerecover na si Mama at medyo maayos na ang pamumuhay namin. Pero hindi pa rin maaalis sa isip ko ang katanungang hanggang kailan lang ba tong mga nangyayari sa'min? Ano bang mangyayari sa'min kapag nag decide na sila na itigil na ang contract?

Marami pang ibang tanong ang babalot sa'kin ngayon.

She held my hand

"We'll talk later"

She whispered to me.

Bulong na parang may assurance, assurance na gusto kong maramdaman mula sa kaniya.

Hindi ako demanding na tao pero kung paboritong tao ko ang usapan nagiging demanding ako, gusto ko kasi marami siyang oras sa'kin para masulit namin ang bawat minuto, kaya lang hindi rin ako makasariling tao, hanggat kaya ko mag titiis ako lalo na kung pangarap niya ang nasa linya.

Gusto ko maging maayos ang future niya kaya nga gusto kong itago namin tong relasyon namin sa iba lalo na sa mga taong mapang mata dahil paniguradong sila ang sisira sa kinabukasan ni LJ na ako naman ang dahilan.

Kaya nag aalangan din akong pumasok sa relasyon na 'to. Natatakot ako ako pa ang maging dahilan para itigil o huminto siya sa mga gusto niya sa buhay, bagay na hinding hindi ko hahayaan.

"I'm really planning to create a group- wait? Why am I explaining it to you? You have the letter I wrote right? Read it, don't ask me further questions. But

I can assure you that this time, there's no turning back."

"Hanep ka din mag imbita ng member ah-"

"Lance, if you don't want to accept my offering then you're free to turn it down. It's not like I'll beg you to take part in it. Hm?"

Lexie will always be Lexie.

No patience at all. Siya tong nag hahanap ng member tas mas matapang pa siya sa iniimbita niya. Dapat nanunuyo siya.

"Forgive her Lance, she is not good at wooing people. You know that better, right?"-Yra

Natawa si Lance. Ok, mukhang may past nga talaga.

Oo nga Gab! May past nga! Ulit ulit?!

"If you need something from someone, learn to down your pride and your arrogant tone. I know that I'm replaceable but care to think of the plan you've been thinking with me within. I know you have a concrete reason why you chose me first than looking for someone new."-Lance

Tama tama!

"Naka tanggap pa ako ng sermon."

Bulong ni Lexie

"Mukhang hindi ka na nag papa good shot sa lovey-dovey mo ah? Anong nangyari? Ayaw mo na sa kaniya?"-Yra

Nag init agad ang mukha ko kaya nag baling ako ng tingin sa iba.

"Of course not, I'm trying to make myself transparent para wala siyang masasabi sa'kin sa huli na sa una lang ako magaling. Dito natin malalaman kung tatanggapin niya yung ganitong side ko o hahanap siya ng mas mabait sa'kin?"

Hindi nila dinadirect sa'kin pero alam ko namang para sa'kin ang mga salitang binibitawan nila.

Tanggap ko si Lexie sa kahit anong ugali pa ang meron siya. Tanggap ko yang pagka demonyita niya minsan at tanggap ko rin ang pagiging manyak niya, basta siguraduhin niya lang na ako lang ang mamanyakin niya dahil kung may iba pa, hindi na ako mag dadalawang isip na iwan siya kahit pa Mahal na Mahal ko siya.

Kung doon sa taong dahilan ng pag loloko niya nahanap ang kaligayahan na hindi niya sa'kin nakuha then I'll set her free kahit pa masakit sa'kin yun.

"You're dating someone?"-Lance

"Tsk.. napaka chismoso mo."-LJ

"Don't court LJ and Gab I will tell you that it could just broke you into pieces."-Yra

Hahaha binabakuranan na ako ng mag pinsan.