webnovel

We Also Have a LIFE!

"Hindi!"

"Ha?"

Naguguluhan si Atty. Reyes sa sagot ni Eunice.

"Anong hindi?"

Tanong din ni Brix.

"Ang ibig sabihin ng HINDI ng pinsan ko ay hindi namin gagawin ang gusto po nyong mangyari Atty. Reyes!"

Paliwanag ni Kate.

"Akala ko ba kaya nyo ako pinapunta dito para malaman ni Caren ang nangyari sa Papa nya? So ibig sabihin concern kayo sa kanya, so bakit hindi nyo sabihin sa kanya ang nangyari sa Papa nya! I'm sure bilang anak magaalala yun sa Papa nya!"

Sabi ni Atty. Reyes.

"Alam na po ni Ate Caren na nastroke ang Papa nya, may 10 days na, nakalagay din po sa sulat ni Tito Raymond sa kanya na nagpapagaling sya!"

Sabi ni Eunice.

"Alam na ni Caren na nastroke si Raymond pero wala pa rin syang ginagawang hakbang?"

Sabi ni Atty. Reyes.

"Exactly! Kaya bakit kailangan pa namin gawin ang sinasabi nyo, waste of time, bakit hindi nyo na lang po sya dalhin sa Papa nya?"

Deretsahang sabi ni Kate.

"Teka, teka, teka! Kanina lang nagtatalo kayong dalawa pero bakit ngayon iisa na ang sinasabi nyo? Akala ko ba kaya nyo ginagawa ito para tulungan si Caren?"

Sabi ni Brix.

"Brix, you know exactly what's the problem!"

Sagot ni Kate.

"Pride!"

Dugtong ni Eunice.

"So the best thing is, dalhin nyo si Ate Caren kay Tito Raymond para makita nya at maintindihan ang sitwasyon nito!"

Paliwanag ni Eunice.

"Pero kabilin bilinan sa akin ni Raymond na ayaw nyang malaman ito ni Caren, kaya hindi ko magagawa iyon!"

Katwiran ni Atty. Reyes.

"Ano po bang kinatatakutan nyo Atty. Reyes? Natatakot po ba kayong mawalan ng kliyente kaya ayaw nyong sundin ang suggestion namin? Bakit hindi po ba kayo close ni Tito Raymond?"

Tanong ni Kate.

Natumbok ni Kate ang dahilan, natatakot syang mawalan ng kliyente.

"Attorney, hindi nyo po ba pwedeng isantabi ang kinatatakutan nyo at tulungan ang kaibigan nyo?"

Tanong ni Eunice.

Alam nyang close sila ni Raymond dahil sa first name nya tinatawag ito.

"Saka sa huli tyak na pasasalamatan pa po kayo ni Tito Raymond kung mapagayos nyo po sila ni Ate Caren!"

Sabi ni Kate.

"Well, I agree with them, Atty. Reyes. Hindi po nila problem ito kung hindi problem natin. Kakausapin ko ang client ko pati asawa nya at kung kinakailangan, pati mga biyenan nya, I'm sure mapipilitan syang puntahan ang tatay nya pag isinama ko ang mga in laws nya!"

Nakangiting sabi ni Brix.

"Paano kung hindi ako pumayag?"

Tanong ni Atty. Reyes.

"Well, pwede naman po natin ilabas sa media ang nangyari kay Tito Raymond. Ano sa palagay nyo Atty. Reyes?"

Sabi ni Eunice.

Napaisip si Atty. Reyes. Hindi ito magugustuhan ni Raymond, kaya nga nya itinago.

"At si Berna?"

Tanong ni Atty. Reyes.

"Well, Berna, is Berna! Nakakaimbyerna sya pero ... she's not our problem! At wala akong planong problemahin sya!"

Sabi ni Eunice.

"Si Ate Caren ang dapat mamroblema sa kanya coz' sooner magiging madrasta na nya ito. At kung ako kay Ate Caren magbebehave na ako!"

Pahabol ni Kate.

Wala ng nagawa si Atty. Reyes. Nagpunta sya dito dahil akala nya kailangan nila ang tulong para makumbinsi si Caren, sa huli sya pala ang makukumbinsi ng dalawa para mag meet ang mag ama.

Akala nya kaya sya inimbitahan ng mga ito dahil natatakot sila kay Berna, baka lumakas ito sa ginagawa nya ngayon.

Akala nya gusto nilang supilin si Berna kaya gusto nilang tulungan si Caren. Hindi pala!

Ngingiti ngiti na lang at iiling iling si Atty. Reyes habang pababa ng condo.

'Sino bang niloloko ko, yung isa isang Perdigoñez at yung isa apo ni General Gene, kaya bakit ko ba naisip na takot sila kay Berna at kailangan nila ang tulong ko!'

'Grabe yung dalawa, ni hindi ako nakapagsalita! Hehe!'

Sa taas.

"Salamat sa inyo, alam kong hanggang dito na lang ang tulong nyo! Tama ba ko?"

Sabi ni Brix.

"Oo Brix, We also have a LIFE, kaya bakit namin buburuhin sa problema ng iba ang TIME namin!"

Sabi ni Kate.

"Yes, Brix, saka darating na ang may ari ng condo na 'to!"

Sabi ni Eunice na nag ti twinkle twinkle pa ang mga mata ng maalala si Milky nya.

"Uy, excited sya, kinikilig!"

Biro ni Brix

Namula si Eunice. Pulang pula at hiyang hiya.

"Hahahaha!"

Natawa na lang si Kate sa kanya.

*****

Sa Hacienda Remedios.

Pinagiba ni Fidel ang bahay na pinatayo ni Domeng.

"Walanghiya ka Fidel! Bakit mo ginigiba yang bahay ko? Bahay ko yan, ako ang gumastos sa pagpapatayo dyan!"

Singhal ni Domeng na lumusob sa site at sininghalan si Fidel.

Araw araw nya itong ginagawa simula ng mapaalis silang maganak, nagpupunta dito para manggulo.

Hindi lang pera nya ang ipinagpatayo ng bahay na ito, pera din ng asawa nya.

Katunayan, mas malaki ang perang naiambag ng asawa nyang si Rosemarie sa pagpapatayo ng bahay nila pero hindi sya nagrereklamo.

Tahimik lang nyang tinanggap ang kapalaran nila at isa isang hinahakot ang mga gamit na itinabi ng mga tauhan ni Fidel.

Maayos naman ang pagkakalagay ng mga gamit nila, nilagyan pa nga nila ito ng bubong para hindi mabasa o mahamugan.

"Don't talk to me! Talk to my lawyer!"

Sagot ni Fidel kay Domeng at tinalikuran na nya ito.

Wala syang panahon sa panggugulo ni Domeng. Busy sya.

"Aba't... Hoy! huwag mo akong layasan kriminal ka!"

Sigaw ni Domeng pero umalis na ito at hindi na nya nasundan dahil hinarang na sya ng bodyguard nito.

Sa inis ni Domeng ang pinag initan nya ay ang asawa nya na buhat buhat ang mga gamit nila at inilalagay isa isa sa isang side car na hiniram nya sa anak ni Jose.

Wala syang maasahan na maghahakot nito dahil maging ang asawa nya ay hindi rin sya tinutulungan. Palibhasa hindi sya bumili ng mga gamit na ito kaya walang pakialam.

"Walanghiya ka! Anong ginagawa mo dyan? Bakit mo hinahakot yan? Nakakahiya 'yang ginagawa mo, hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao na pulubi na ako at hindi ko na kayang bumili ng mga bagong gamit!"

Singhal ni Domeng na may kasamang sipa kay Rosemarie.

Simula ng mapalayas sila sa bahay ay lagi na itong galit, sinisinghalan at sinasaktan ang asawa pero hindi lang ngayon ito ginawa ni Domeng. Madalas.

Simula ng makasal si Rosemarie kay Domeng ay naging kalbaryo na ang buhay nito, lagi na syang sinasaktan ng asawa lalo na pag nakainom at natalo sa sugal o kahit walang dahilan.

"Walanghiya ka, wala kang silbi! Imbis na tulungan mo ako sa problema natin, anong ginagawa mo? Anong klase kang asawa? Hindi mo na ako binibigyan ng kahihiyan!"

Galit na galit si Domeng, sipa dito sipa duon ang ginawa sa asawa.

"Tama na! Tama na! Huhuhu!"

Iyak ni Rosemarie na namimilipit na sa sakit pero hindi sya tinigilan ni Domeng.

Nadinig ni Fidel ang pagmamakaawa ni Rosemarie.

Agad syang lumapit at sinipa si Domeng na ikinabagsak nito una ang mukha sa lupa.

"Hoy! kriminal! Bakit ka naninipa dyan? Gusto mo akong saktan? Siguro gusto mo akong patayin?"

Sigaw ni Domeng para madinig ng lahat sa paligid.

May mangilan ngilan kasing magsasaka at pamilya nito ang dumaraan duon.

"Hoy, lalaking mukhang butete na walang alam kundi ang manakit ng asawa, huwag kang magbintang dyan! Nasa private property ka na may ginagawang construction so natural lang na delikado dito! Bakit ka kasi kakalat kalat dyan tapos pag nasaktan ka nagrereklamo ka?"

Sigaw din ni Fidel.

"Aba't .... "

Napipikon na si Domeng kay Fidel kaya tumayo ito para lusubin sya pero ...

BLAG!