webnovel

This Is Unfair!

Masaya ang lahat para kila Jeremy and Miles. Love is in the air daw dahil nakakakilig ang dalawa.

Marami tuloy ang naiinggit sa dalawa.

Meron din mga nag wi wish na sana sila na nga ang magkatuluyan forever.

Yung iba naman expected na ito dahil bagay na bagay daw sila sa isa't isa "Perfect Couple" ika nga.

Pero meron ding napapaisip

"Bakit ganun? Hindi ba kayo nagtataka? Kung si Miles ang date ni Jeremy bakit si Eunice ang madalas kasama ni Jeremy hindi si Miles!"

"In fact NEVER ko pa ngang nakita personally na magkasama silang dalawa! Sa mga pictures lang!"

"Tell me, meron ba sa inyong nakakita na sweet sweetan sila Jeremy and Miles?"

"Or kahit na hindi sweet sweetan, yung magkasabay lang?"

Walang makasagot dahil true na wala pang nakakita sa dalawa personally na magkasama, or kahit magkasabay lang sa paglakad.

Sa mga pics lang na shinare ng grupo ni Miles.

Mas madalas pa nilang makitang magkasama si Jeremy at Eunice lalo na pag lunch.

Madalas din nilang nakikitang inihahatid ni Jeremy si Eunice sa room at hindi umaalis hanggat hindi ito nakikitang maayos na nakaupo.

Nagkaron tuloy ng palaisipan.

"Totoo nga kayang mag jowa sila Jeremy at Miles?"

"O baka naman si Jeremy at Eunice ang true na mag jowa?"

"Parang ngang mas kapani paniwala nga na true yung Jeremy and Eunice!"

"So kung true ang Jeremy and Eunice, ano yung kila Jeremy and Miles? One sided love?"

Napataas ang kilay ng mga naniniwala kila Jeremy and Miles.

"Excuse me mga mangmang at walang alam! Matagal ng mag jowa sila Jeremy at Miles, wala pa dito sa school yang tabachoy na yan! In fact mag si six years na sila!"

"Talaga? So ibig sabihin love triangle sila?"

"Pero sino ba talaga sa kanila ang love ni Jeremy?"

"Hoy teka, anong love triangle?"

"Walang Jeremy and Eunice! Jeremy and Miles lang ang meron!"

"Ganun? Kung totoo yan bakit binigyan ni Jeremy ng flowers si Eunice?"

"Oonga! .... yung sa Mall!"

"Hindi kaya....."

"Ano yung hindi kaya...?"

"Hindi kaya inaya ni Jeremy si Eunice na maging date sa prom kaya sya binigyan ng flowers?"

Napipikon na ang mga naniniwala sa Jeremy at Miles.

"Ang kukulit nyo! Sinabi ng walang katotohanan yung kay Eunice! Gawagawa lang lahat yan ng tabachoy na yan!"

"Kung ganun, bakit sya may flowers?"

"Bakit sigurado ba kayong kay Jeremy galing yung flowers?"

"Malay mo binili lang ni Eunice yan so it will look like na binigay sa kanya ni Jeremy!"

Si Yna na nananahimik nitong mga nagdaang araw ay biglang sumagot.

"Nope, hindi ko nakita na binigay ni Jeremy yung flowers sa kanya!"

At nakahinga sila ng maluwag ng sumagot si Yna pero sandali lang dahil hindi na nakatiis, sumagot na si Mel.

"Yes, kay Jeremy my friend galing yung flowers! Andun din ako at ito yung dedication!"

Sabay post ng dedication na zinoom nya para makita ng lahat.

"To Eun,

Your so beautiful inside and out!

Jeremy

"OMG! Look at the words, ibig bang sabihin sya talaga ang date ni Jeremy at hindi si Miles?!"

"Waaaahh! That is so unfair!"

"Bakit sya pa Jeremy baby, bakit hindi ako?!"

"Maaintindihan ko pa kung si Miles ang bigyan mo ng flowers at magiging date mo sa prom, pero si Eunice? Yung tabachoy na yun? Waaaah so unfair!"

"Teka sandali! Hindi ako makakapayag!"

"Yung tabachoy na yun ang magiging date ni Eunice?!"

"Bakit? Akala ko ba si Miles ang date ni Jeremy sa prom?!"

"Asus! Nakakaloka talaga kayo!"

Sabat ni Mel.

Hagalpak naman sa katatawa si Kate ng mabasa ang pinagtatalunan nila sa School Website.

Nasa bahay sila ni Eunice sa room nya.

"Sissy mabuti pa sumagot kana at baka atakihin na sa puso yang si Ate Kate sa katatawa!"

"Grabe lakas ng trip nitong pinsan mo! Nakakaloka!"

"Huh? Bakit, anong meron?"

"Jusmiyo itong Sissy ko! Binabash ka na naman sa School Website deadma ka pa rin dyan!"

"Ano ba kasing nangyayari sayo Sissy, bakit ayaw mong sumagot!"

"Tinatamad ako masakit ang puson ko!"

"Sige ako na lang ang sasagot!"

Volunteer ni Kate.

"I hate to disappoint you but...."

"First, it's true na binigyan ako ng flowers ni Jeremy!"

"Second, yes it's true na inaya nya akong maging date sa prom! He ask my father's permission but.."

Hindi ako pinayagan ng Daddy ko! Bata pa daw ako for a party kaya hindi ako ang DATE nya sa prom!"

Nahimasmasan sila ng magsalita si Eunice.

"Nabuhay ulit ang mga hitad?"

"Yehey si Miles talaga ang date ni Jeremy!"

Masayang masaya ang lahat!

"Nope!"

~Eunice

Nagulat sila sa huling sagot ni Eunice.

"Anong Nope?"

"Ooops! Hehe!"

~Eunice

"Anong ooops?!"