Hindi maalis ang mga ngiti ni Miles dahil parami ng parami ang nakakakita ng mga pictures ni Eunice at lahat hindi makapaniwala sa nakita nila. Gusto rin nya tuloy sumali sa mga nagco comments.
Pero wala ni isa ang nagco comment ng negative at masasakit na salita kay Eunice. Isa pa rin syang Mayor, magdadalawang isip ang gagawa nun sa kanya.
"Hindi pwede ito, kailangan kong masira ng husto ang image ni Ms. Hipo!
Masyado silang takot na takot kay Eunice, kailangan may gawin ako!"
Kaya gumawa si Miles ng fake account hindi lang isa kundi tatlo, para makasagot sa mga comments.
Fake account 1:
"Ano ba yan ang chuba chuba naman pala ni Mayora parang balyena!"
Fake account 2:
"Oonga! Kung ako yan mahihiya akong lumabas! Magtatago na lang ako sa loob dahil nakakahiya!"
Fake account 3:
"Grabeeee! Ang taba tabaaaan nya! Ang pangeeet!!!!!"
Yang tatlong comments na yan ang nagmula sa fake account ni Miles.
"Ayan nasimulan ko na, tyak na may susunod ng magco comments ng negative sa kanya!
Kung kinakailangan na ako ang magsimula ng apoy, gagawin ko, masira ko lang ang pangalan ng Hippopotamus na Eunice na yan!"
Hindi pa sya nasiyahan, nag comments sya ulit gamit pa rin ang mga fake accounts nya.
Fake account 1:
"Balita ko, hindi pa raw nagsa submit ng candidacy nya yang balyenang mayora na yan! Bakit kaya?"
Fake account 2:
"Haaay magtatanong ka pa? Ikaw kayang ma expose na ganyan kadami ang fatty mo lalabas ka pa ba ng lungga? Malamang hiyang hiya na yun dahil na exposed na ang pagiging balyena nya!"
Fake account 3:
"Oonga! Mukha syang hippopotamus sa laki nya, hindi tulad ni Kapitana Miles na super sexy na, napakaganda pa!"
Hindi mapigil ni Miles ang ngiti sa labi nya, humahagikhik pa ito habang pinupuri ang sarili.
'Bakit ba? Anong masama na magsabi ng totoo?'
Sabi nya sa sarili nya.
Author: (rolled eyes)
Pero hindi inaasahan ni Miles na may sasagot sa mga fake accounts nya.
Hindi nila nagugustuhan ang mga negative comments kaya naglabasan sila at ipinagtanggol si Mayor Eunice.
"Ang harsh nyo namang magsalita! Kung makapangit kayo WAGAS! Bakit magaganda ba kayo?"
"Ano naman ang pangit dyan sa mga pictures? Porket mataba lang sya pangit na agad?! Ang cute kaya ni Mayora!"
"Tama! Hindi kapangitan ang katabaan kaya tigilan nyo yan! Napaka judgmental nyo!"
"Saka, old pictures yan, elementary pa ata sya nyan at baby fats ang tawag dyan! Hindi na naman sya mataba ngayon ah!"
Kinuyog ng mga netizen ang mga fake account ni Miles, hindi nya akalaing maraming magagalit sa mga comments ng mga fake accounts nya. Nainis ito at sasagot na sana ng mabasa ang susunod na comments.
"Hoy kayong tatlo na mga fake accounts, tumigil na kayo! Alam naming fake accounts ito dahil iisa lang ang IP address ng tatlong account na 'to!
Bakit akala mo ba hindi ka namin matetrace, Kapitana Miles Bernardino?!"
Natakot si Miles ng mabasa ang comments kaya nag sign off agad sya.
Madaling gumawa ng fake accounts pero hindi madaling itago ang IP address kaya madali syang natrace.
Ngunit, hindi natapos duon ang lahat.
Ang mga tahimik na netizen na nakikibasa lang nung una ay naglabasan at nag comments na rin.
Binaha ng magagandang comments ang mga pictures ni Eunice.
"Anong masama sa pagiging mataba? She is beautiful no matter what they say and those pictures can't bring her down!"
"Yes! Tamah! Ang mahalaga ang accomplishments! Dami na kayang nagawa ni Idol Mayora kumpara sa lahat ng mayor na naupo dyan!"
"Saka, ano bang kinalalaman ng katabaan nya nuon sa pagiging mayor ni Mayora Eunice ngayon?"
"Diko magets kung ano ang gustong ma achieve ng may pakana nito!"
Kaya ang ine expect ni Miles na pagbagsak ng image ni Eunice, kabaligtaran ang nangyari.
Bumulusok pataas ang popularity ni Eunice, lalo na sa mga kababaihan na may katabaan.
"Kung kaya ni Mayora na pumayat, kaya ko rin!"
"Hindi ako taga San Miguel pero idol din kita Mayora Eunice!"
Ang mga pictures na inaasahan ni Miles na magdudulot ng negative impact, naging positive ang dating sa mga netizen.
Napasugod tuloy ang mga kapartido ni Miles.
"Ikaw ba ang nagpakalat ng mga pictures at may gawa ng fake accounts?"
Tanong nila kay Miles.
"Hindi ah! Anong malay ko dyan, baka gawa gawa rin nila Ms. Hipo yan tapos gusto lang nilang ibintang sa akin dahil alam nilang matatalo ko sya!"
Katwiran ni Miles.
Hindi sya aamin kahit anong mangyari.
Bakit naman sya aamin sa bagay na makakasira sa name nya?
"Ms. Hipo? Si Mayora ba ang tinutukoy mo?"
Napakagat labi si Miles.
'Oops nadulas ako!'
Ang isda nga naman sa bibig nahuhuli.
"Eh, kasi nabasa ko lang! Yun ang tawag sa kanya diba, dahil mukha daw syang hippopotamus?"
Katwiran ulit ni Miles.
Pero hindi naniniwala ang mga kapartido nya. Kinakabahan na tuloy sila sa pwedeng mangyari sa darating na kampanya.
"Ano bang ikinakaba nyo dyan hindi pa rin naman sya nag file ng candidacy, hangang ngayon.
Malay nyo totoong natakot ko talaga sya sa mga pictures nya!"
Sabi ni Miles.
Hindi napansin ni Miles ang pag amin nya.
'So, totoo ngang sya ang naglabas ng mga pictures ni Mayora!'
"At malamang yung mga fake accounts totoo ding sya ang may gawa!'
'Bakit ba ang feeling ko wala sa puso nya ang pagsisilbi sa bayan, at ang tangi lang nasa isip nya ay matalo si Mayora?'
"Kapitana Miles, hindi naman natin masasabi kung iyon nga ang totoong dahilan ni Mayora sa dami ng mga good comments sa kanya. Sa tingin ko baka totoong busy lang sya!"
"Saka, ever since naman talaga ganyan na si Mayora. Last minute kung mag file ng candidacy!"
Malay natin baka bukas mag file na sya!"
Pero ang filing na inaasahan nila ay hindi nangyari bagkus ang nag file ng COC sa pagka Mayor ay ang kasalukuyang Vice Mayor ng San Miguel. Si Raymond.
"Mayora, ayan nag file na po ako! Siguro po naman magpa file na kayo ng COC nyo? Last day na po ng filing bukas!"
Sabi ni Raymond kay Mayora.
Hindi sila magka alyado dahil walang partido si Eunice pero malaki ang respeto ni Raymond dito kahit na sampung taon ang tanda nya kay Eunice.
"Okey sige, magpa file na rin ako ng COC bukas! Ikaw lang naman ang inaantay ko, antagal mo kasing magisip dyan!"
Sagot ni Eunice.
At si Miles.
'So, last minute ka pala kung mag file ng COC kaya tyak bukas na yun! Huwag kang magalala Ms. Hipo, may isasalubong akong pasabog para sa'yo sa pag file mo ng candidacy bukas!
Hehehehe!"