Maniwala kayo sa akin, this time, ilalampaso ko si Eunice!
Kabisado ko na sya, napagaralan ko na ang lahat, lahat sa kanya. Nakalimutan nyo na bang magkababata kami?
And this time, sisiguraduhin kong AKO, si Miles Bernardino ang mananalo sa laban naming ito!"
Buong yabang na sabi ni Miles.
Napa 'HAAAY!' na lang ang mga ka partido nya.
Tutal, kung matatalo si Miles wala namang problema dahil pwede naman agad syang makabawi, pwede pa syang tumakbo ulit na Baranggay Captain sa darating na Baranggay election na gaganapin bago matapos ang taon.
Hindi kasi magkasabay ang Local Election at Baranggay Election sa Pinas.
"Okey, pinapayagan ka naming tumakbo pero, kung sakalaing matalo ka at tumakbo ulit na Baranggay Captain, wala na kaming maibibigay na resources sa'yo, kaya pagisipan mong mabuti ang desisyon mo!"
"Hindi ko na kailangan pagisipan pa, nakapagdesisyon na ako! Hindi ko na kailangan tumakbo ulit bilang Baranggay Captain dahil ako na ang nakaupong Mayor sa mga oras na iyon!"
Mayabang na sagot ni Miles.
***
Kaya ng dumating ang araw ng filing ng candidacy, si Miles ang kaunaunahang nag submit.
At si Eunice ay tila walang malay na umpisa na ng filing kungdi ipinaalala ng secretary nya.
"Mayora start na po ng filing ng candidacy, mag pa file na po ba kayo?"
"Ha, umpisa na ba?"
Gulat na sabi ni Mayor Eunice.
"Opo, Mayora! Kelan po kayo magsa submit ng candidacy?"
"Kailangan na ba? Saka na lang, busy pa me!"
At bumalik na ito sa ginagawa nya.
'Haaay ito talagang si Mayora masyadong workaholic!'
'Iremind ko na nga lang ulit bukas!'
Hindi na nya inistorbo si Eunice dahil alam nyang laging last minute ito kung mag submit candidacy.
Nakakalimutan kasi nya ito palagi kahit na laging pinapaalala ng secretary nya.
Pero iba ang dating nito kay Miles.
"Ano na Eunice, natataranta ka na ba sa presence ko kaya hangang ngayon hindi ka pa nag pa file ng candidacy?
Well, mas matakot ka sa unang pasabog ko sa'yo! Hehe!"
Kinabukasan, nagkalat sa social media ang mga cute na pictures ni Eunice nung bata pa at overweight pa sya.
Picture nya na naka PE uniform, naka hawak sa isang silya at hingal na hingal.
Picture nya na natutulog sa klase.
Picture nya na lumalamon este kumain.
At iba't iba pang pictures na nagpapakita ng katabaan ni Eunice.
"Jusmiyo si Mayora ba talaga yan?"
"Ganyan sya kataba?"
"Sigurado ba kayo, hindi ba yan edited?"
"Grabe paano sya pumayat?"
"Baka nagpa lipo?"
"Malamang! Rich naman sya eh!"
Pumapalakpak ang tenga ni Miles sa pasabog nya.
"Grabe, unang pasabog pa lang successful na agad!
Malamang hiyang hiya na yun at sa sobrang hiya, tyak kong hindi na yun lalabas ng bahay! Hehehehe!
Grabe ang galing ko talaga!"
Pero ang sinasabihan ni Miles na hiyang hiya ay kasalukuyang pababa na ng sasakyan nya at papasok na ng Munisipyo.
Nagtataka si Eunice kung bakit tila hindi makatingin ang mga nasa paligid at parang ilag sa kanya.
Bumabati sila pero naiilang syang tingnan tapos ay magbubulungan.
"Oh, bakit, may nangyari ba?"
Tanong nya sa mga nasa paligid.
Nasa lobby pa lang sya ng munisipyo at hindi pa nakakarating sa opisina nya.
Hindi lang nga empleyado ng munisipyo ang mga naroon, may mga private individuals din.
Walang makasagot sa kanila. Nahihiya at natatakot sa kanya baka ma offend nila si Mayora magalit sa kanila. Kahit na kilala nila si Mayor Eunice, batid nilang hindi ito marunong magalit.
"Magandang araw po Mayora! Nakita nyo na po ba ang mga pictures nyo sa socmed?"
"Pictures?"
"Opo Mayora, may mga pictui po kayo na kumakalat sa socmed, eto po, oh!
Sabi po nila kayo daw po yan matabang bata na yan!"
Nagulat si Eunice. First time nyang makita ang mga pictures nyang ito.
'Sino kayang kumuha sa akin ng mga ito?'
Nagtataka man inamin pa rin nya.
"Oo ako nga yan!"
Biglang nakatanggap sya ng message galing kay AJ.
[Ang cute pala ng Coffee ko nung bata pa 😍😍😍]
~Milky
[Bakit, hindi na ba ako cute ngayon?]
~Coffee
[Syempre, hindi ka lang cute, adorable pa! 😘😘😘]
~Milky
"Eh, Mayora, ipapadelete ko na po ba yung mga pictures nyo?"
Tanong ng secretary nya.
"Bakit?"
"Baka po kasi makasira sa image ninyo!"
"Bakit naman makakasira? Ang cute ko nga daw dyan sabi ng boyfriend ko!"
Sagot ni Eunice.
"Grabe super sweet naman ng boyfi ni Mayora sana all!"
"Pero Mayora hindi po ba kayo nagagalit sa mga nagpakalat nyan sa social media? Halata pong sinisiraan kayo eh!"
Tanong ng isang civilian.
"Bakit naman ako magagalit? totoo namang mataba ako! Hindi ko ito pwedeng ideny dahil part ito ng maganda at makulay na childhood ko!"
Sagot ni Eunice.
Ganito talaga sya tuwing umaga, bago pumasok ng opisina, nakikipag usap sya sa mga tao na naroon. Kaya madalas maraming nagaabang sa kanya dito.
"Eh kasi po Mayora, sinasabi ni Kapitana Bernardino na kaya daw hindi pa kayo nagsasubmit ng candidacy kasi .... hiyang hiya daw po kayo, nagtatago daw po kayo sa lungga ninyo dahil sa sobrang kahihiyan!"
"Kapitana Bernardino? Sino sya?"
Tanong ni Eunice habang nagiisip.
"Po?"
'Seryoso ba sya, hindi nya kilala si Kapitana Bernardino? Akala ko ba close sila?"
"Si Kapitana Maria Leonida Bernardino po!"
Sagot ng isang empleyado na nagmula sa Baranggay Payak.
Eunice: "?????"
Hindi talaga maisip ni Eunice kung sino ang tinutukoy nila.
"Mayora, si Kapitana Bernardino po ay mula sa Baranggay Payak. Mas kilala po sya sa palaway nyang Miles. Kapitana Miles Bernardino po!"
Paliwanag ng secretary nya.
"Ahh, si Miles!"
Natuwa ang lahat ng makilala na rin sya ni Mayora sa wakas pero ang susunod na tanong nito ay nagpagulat sa kanila.
"Baranggay Captain na si Miles? Kelan pa?"
Lahat: "..."
"Uhm, simula po nung last Baranggay Election, Mayora!"
Paliwanag ulit ng secretary nya.
"Ah ganun ba? Bakit hindi ko sya nakikita sa meeting ng mga Baranggay Captain?"
"Eh kasi po Mayora, lagi po syang late, madalas kalagitnaan na ng meeting dumarating minsan naman po patapos na!"
Sabi ng isang empleyado nya.
"Opo Mayora, kaya ang madalas nyo pong nakikita ay yung kagawad nya na si Val."
"Oh. okey!"
"Mayora, kelan po kayo mag pa file ng candidacy?"
"Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba?"
Biro ni Eunice sa nagtanong.
"Hahahaha!"
"Pwera biro mo Mayora, kelan nga po?"
"Pinagiisipan ko pa!"