webnovel

Or Else....

At muling humagalpak ng tawa si Kate.

"HAHAHAHAHAHA!"

At natatawa naman syang pinagmamasdan ni Eunice sadyang walang pakialam sa sinasabi ng mga teacher nya.

Ngiting ngiti si Teacher Orly sa ginagawa ni Kate. Buong akala nito ang pinagtatawanan nya ay sina si Eunice at Nicole.

"Sorry, sorry po ulit!"

Maluha luha na sabi ni Kate ng mahimasmasan.

"Tawang tawa ka talaga ha!"

Sabi ni Nicole sa kanya.

"Sorry po, natatawa po kasi ako sa sinabi ni Sir Orly!"

Humahaba naman ang leeg ni Teacher Orly ng mabanggit ni Kate ang name nya. Feeling proud sya.

"Pwede ba namin malaman kung bakit ka natatawa sa sinabi ni Sir Orly?"

Na curious si Teacher Chris. Ibang mag isip ang mga genius gaya ni Kate kaya sya nagtanong.

"Kasi po Sir, last week pa po natapos ang mga questionnaire na gagamitin sa exams! Naka sealed po ito at may pirma ng subject teacher, head ng subject teacher at class advicer. Kaya ..... papaano makukuha ni Principal Cole ang mga questionnaire gaya ng binibintang ni Teacher Orly, e nung Monday lang po sya nag start?"

"Dipo ba nakakatawa yun!"

"Hahaha!"

Nawala ang ngiti sa labi ni Teacher Orly.

Pero nakapag isip naman si Teacher Chris at si Teacher Santi.

'Ano ba talagang nangyayari dito kay Teacher Orly, bakit nya naisip yun?'

'Ano bang tingin nya sa principal tanga?! Magiging principal ba ito kung tatanga tanga ito?'

Medyo napansin nga ni Sir Orly na mali sya dun, wala sya sa timing, masyado kasi syang nagmadali na idawit ang name ng principal na 'to!

Pero syempre, hindi nya aaminin na mali sya kahit obvious pa yan!

"Well still, that can not prove na hindi nag cheat si Eunice sa exams! She need to be punish or else..."

"Or else what Teacher Orly?"

Napipikon na si Nicole sa teacher na 'to.

"Or else mag pe petition ako na matanggal ka sa school na 'to!"

Nagulat ang dalawang teacher na kasama nya.

'Paano napunta sa petition? Kasisimula pa lang ni Mam petition na agad!'

'Bakit ba hindi ko maiwasang mapaisip na parang plinano ni Sir Orly ito at ginamit lang kami?'

"So, yun pala ang target mo ang mapaalis ako... bakit umaasa ka pa rin ba na maibabalik mo si Dennis sa school na 'to sa dami ng kaso nya?"

"Teka Acting Principal, pano napunta kay Principal Dennis ang usapan? Yang anak mong nangongodiko ang pinagusapan natin dito hindi si Principal Dennis!"

"Saka, kumpara sa'yo mas marami namang nagawa yun!"

"Sinong Principal Dennis? Diba "Acting Principal lang din yun?"

"Hoy, si...."

Pero hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nagsalita ulit si Nicole at nilakasan pa nya ang boses nya.

"Anyway, kahit naman anong sabihin ko mali pa rin sa paningin mo kaya mag move on na tayo!"

"Eunice, anong masasabi mo sa mga paratang sa'yo ng mga teacher mo?"

"I'm willing to take another exams po if they want kahit oral exams po, para ma prove ko po na hindi ako totoong nag cheat!"

"Bakit kailangan gawin yan e may evidence na nga e!"

"Sir Orly, kahit bata pa po ako may konti na po ako alam sa law. Alam ko pong bilang akusado may karapatan akong ipagtanggol ang sarili ko, kaya po kung ipipilit nyo po ang evidence na yan pwede po akong humingi ng tulong sa batas mapatunayan ko lang na hindi ko penmanship yan!"

"Ikaw, .... anong batas batas ang pinagsasabi mo?"

"At Sir Santi, pasensya na po kung walang laman ang note book ko kasi ... hindi ko po maalis ang tingin ko sa inyo kapag nagtuturo kayo. Ang galing nyo po kasing magkwento, maayos at detalyado kaya feeling ko nag ta time travel ako!"

"Saka hindi lang naman ako ang hindi nagsusulat ng notes, kahit si Zandro at Louie ganun din!"

"Oo tama ka hindi nga lang ikaw, pati yung dalawa! Paano mo nalaman?"

"Kasi po Sir, lagi po kaming may group discussion about history kaya kahit na natapos na namin binabalik balikan pa namin yung topic!"

"Talaga? Totoo ba yang sinabi mo?"

Nangiti si Sir Santi. Hindi nya ito iniexpect!

Sa lahat ng subject ito ang masasabing pinaka boring na subject para sa mga batang katulad ni Eunice kaya galak na galak ang puso nya ng madinig sa bata na may group discussion sila.

Naisip ni Sir Santi

'Magandang ideya yun ah!'

Feeling proud tuloy sya ngayon.

Napansin sya ni Sir Orly.

'Nalintikan na mukhang nauto na 'tong si Sir Santi!'

"Wait! Sandali lang, Sir Santi! Paano ka nakaka sure na totoo ang sinasabi ng batang yan? Hindi mo ba napansin na inuuto ka na nya para makuha ang simpatya mo!"

"Saka..."

Sabay baling kay Eunice.

"Kahit na sabihin mo pang hindi rin nagsusulat ng notes sila Zandro at Louie, hindi naman sila ang nahuling nangongodiko! IKAW!"