"Eunice, asan ang kuya ko? San mo sya dinala?"
Naiinis ito dahil hindi man lang ipinaalam sa kanya ang nangyari kay Jeremy. Sya ang kapatid bakit si Eunice agad tinawagan nila, andun din naman sya?
Magkasama silang pumunta ng school para ayusin ang mga credentials nila tapos biglang nangyari ito.
Nagulat si Eunice ng boses ni Elaine ang madinig nya.
Sasagot na sana si Eunice ng biglang magsalita si Mel.
"Sissy pasensya na inagaw ni Elaine yung phone ko! Saan ospital ba dinala si Jeremy? Susunod kami!"
Kanina, sa inis ni Elaine, pinuntahan nya ang classroom ni Mel at sapilitan syang pinalabas. Kilala sya ng professor ni Mel at nalaman nya ang nangyari kaya pinayagan nyang lumabas si Mel.
"Sa Perdigoñez, need ng general check up ni Jeremy para maka sure kung bakit talaga sya nag collapse kanina! Wala pa rin syang malay ngayon!"
Sagot ni Eunice.
Sandaling iniwan ni Eunice si Jeremy sa emergency para sagutin ang phone.
Duon naman nakakita ng pagkakataon si Bea na malapitan si Jeremy.
"Jeremy, mahal ko, ako 'to, si Bea! Jusko ano bang nangyari sa'yo? Pinagaalala mo ako!"
Pabulong nyang sabi.
Maluha luha ito sa sobrang pagaalala nya dito.
Napansin naman sya ni Eunice sa malayo.
Maraming duktor at nurse ang nagpupunta kay Jeremy dahil isang Perdigoñez ang nagdala dito pero hindi maintindihan ni Eunice bakit may kakaiba sa duktor na lumapit sa kanya ngayon.
'Maling anggulo lang ba pero bakit parang hinahalikan nya si Jeremy ko?'
Hindi nagkakamali si Eunice, hinahalikan nga nung duktor si Jeremy pero hindi ito kita ni Eunice sa pwesto nya, kutob nya lang.
Kutob din nyang may something sa duktor na yun na hindi nya maipaliwanag. Kumakabog ang dibdib nya.
"Sige Beshy, puntahan ko na si Jeremy, baka kailangan na ako 'ron!"
Habang papalapit sya kay Jeremy, tumitindi ang kabog ng dibdib nya. Parang gusto nyang lusubin yung duktor at sabunutan, pero pinigilan nya ang sarili.
"Excuse me, doc?"
Napatigil si Bea.
Saktong hinahaplos ni Bea ang mukha ni Jeremy habang nakalapat ang labi nya sa labi nito ng madinig ang tawag ni Eunice.
Bigla syang napadiretso ng tayo pero hindi agad sya kumilos sa pagkakatayo.
Lalapitan na sana sya ni Eunice pero bigla syang nilapitan ng isang residence duon.
"Miss Eunice, mas makakabuti po siguro ilipat natin ng room ang patient. Medyo marami pa po ang gagawin test sa kanya baka po abutin pa ng bukas ang results!"
Habang kausap nito si Eunice, nagkaroon ng pagkakataon si Bea na makaalis.
"Teka doc ..."
Tinawag nya si Bea pero hindi nito pinansin, tuloy tuloy lang ito na parang walang narinig.
"Sino yung duktor na yun?"
Tanong ni Eunice sa residence doctor.
"Po? Sino pong duktor?"
Sinundan nya ang tinitingnan ni Eunice.
"Yung umalis na kagagaling lang dito, kay Jeremy!"
"Ay baka po si Dr. Fuentes, especialista po iyon Miss Eunice sa cardio po!"
"Ha? how old is she?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Eunice. Pakiramdam nya nasa 25 lang yung duktor kaya inassume nya na residence pa lang ito, hindi nya inaasahang cardiologist pala sya.
"Ang alam ko po 26 yrs old na po sya! Pero kahit bata pa po sya, marami pong duktor ang humahanga sa galing nya!"
Hindi maintindihan ni Eunice kung bakit kumukulo ang dugo nya sa babaeng iyon.
'Sino ka ba talaga at bakit iritang irita ako ng makita kita sa tabi ni Jeremy?!'
Hindi naintindihan ni Eunice na selos ang nadarama nya.
Pero ang halik na iyon ni Bea ang nagpabalik sa ulirat ni Jeremy.
Pamilyar sa kanya ang halik na iyon at pilit na hinanap ng labi nya pero biglang nawala dahilan para imulat nito ang mga mata at hinanap ang may gawa ng halik na iyon.
"Eu ... nice..."
"Jeremy! Nagising ka na! Thank God! Anong nararamdaman mo, may masakit ba sa'yo?"
'Si Eunice ba ang may gawa ng halik na yun?'
'Hindi ... imposible!'
Habang iniisip ito, nilalaro laro ni Jeremy ang mga labi nya ng dila nya, tila may ninanamnam.
Napansin ito ni Eunice at muling nakaramdam ng selos.
"Bakit Jeremy, may masakit ba sa labi mo?"
"Huh?"
Nagulat si Jeremy sa tanong ni Eunice, saka nya napansin ang ginagawa nya sa labi nya.
"Uhm, nauuhaw kasi ako! Painom naman!"
Napansin ni Jeremy ang nanlilisik na mata ni Eunice kahit nakangiti ito.
***
Nadala na ng silid si Jeremy ng sabay na dumating sila Kate, Mel at Elaine pati mga magulang nito.
Ayaw pumayag ni Jeremy pero hindi sya makatanggi dahil ramdam nyang hindi maganda ang mood ng nobya.
"Jeremy, anong nangyari sa'yo? Bakit ka nilusob sa ospital?"
Nagaalalang tanong ng mga magulang nito sa kanya.
Pero hindi sila sinagot ni Jeremy, napatingin na lang ito kay Eunice.
Para itong bata nakagawa ng mali at nahuli sa ginagawa nya.
"Eunice?"
"Ano talagang nangyayari dito Jeremy?"
Hindi nakaimik si Jeremy, nahihiya sya sa mga tingin ng mga magulang nya.
Napansin ni Eunice ang palitan ng tingin nila. Napansin din nila Kate at Mel ang reaction ng lahat lalo na si Jeremy.
Hindi maintindihan ni Eunice pero pakiramdam nya outsider sya. Nakaramdam sya ng hiya.
"Tita Elsa, Tito Jerry magandang araw po!"
"Magandang araw din sa'yo iha! Kamusta ka Eunice?"
Nakangiting bati ni Elsa sa kanya.
"Bakit nga pala kayo magkasama ni Jeremy?"
Dugtong ni Jericho.
"Dahil may relasyon sila!"
Si Kate ang sumagot.
"?????"
Muling silang nagpalitan ng tingin. Parang may inililihim.
"... at mukhang hindi ninyo alam!"
Tiningnan ni Kate ng matalim si Jeremy.
"Pasensya Eunice, ang tagal kasi na panahon na hindi ka namin nakita, nagulat lang kami!"
"Okey lang po Tita Elsa! Hindi ko rin po inaasahan na magkikita tayo sa ganitong pagkakataon!"
Katahimikan. Nakakailang na katahimikan.
"Eh, Tita, Tito, since andito na po kayo may makakasama na si Jhay!
Mabuti pa po mauna na po kami, maiwan na po namin kayo at mukhang may kailanga pa po kayong pagusapan!"
Sabi ni Kate.
"Eunice, are you coming with us?"
Tumango si Eunice.
Lumapit ito kay Jeremy at humalik sa pisngi.
"Kailangan mong tapusin lahat ng test, yun ang sabi nung duktor mo na friend mo na tinawagan mo!"
Sabi nito kay Jeremy sabay abot ng phone nya.
Gusto sana nyang tanungin kung sinong duktor na kaibigan nya ang tinutukoy ni Eunice ng maalala nya si Bea.
Ramdam nya sa tono ng boses ni Eunice na nagseselos ito.
Nagpaalam na ng maayos si Eunice sa mga magulang ni Jeremy at pagkatapos ay inaya na nyang umalis sila Kate at Mel.
Pakiramdam nya sinasakal sya ng mga oras na iyon, hindi sya makahinga.
Pagdating sa sasakyan duon na umiyak si Eunice.
"Umalis na tayo please!"
Sa tambayan sila tumuloy kung saan naroon at naghihintay si AJ.