Hindi gustong pagsalitaan ni Brix ng ganun si Caren, pero kailangan nyang malaman ang totoo.
Kung minsan kasi, hindi nalalaman ng isang tao na mali na ang mga inaasal nya kaya kailangan ding meron magsabi dito. Hindi para ipahiya sya pero para makita nya ang bagay na hindi nya nakikita.
Umalis si Caren na umiiyak sa inis. Ito ang unang beses na pinahiya sya ng isang tao, sanay sya na iginagalang ng nasa paligid nya. Ganun sya pinalaki ng Papa nya.
Gusto nyang magsumbong sa asawa nya pero hindi nya magawa dahil baka isipin nitong isip bata sya.
At nakakahiya din sa mga in-laws nya.
Wala syang magawa, kinimkim nyang magisa ang sama ng loob na nararamdaman.
"Tama naman sila eh, mahina talaga ako at walang alam!"
"Pero hindi lang naman ako ang ganito!"
Sa isip ni Caren, katulad nya, mahina at wala din alam sila Kate at Eunice at nangangapa ding tulad nya.
Pare pareho silang lumaki sa karangyaan kaya hindi sya naniniwalang magagawa din ni Eunice at Kate na mag handle ng isang kompanya.
"Pero hindi ako susuko, lalaban ako!"
"Hindi ako makakapayag na maghariharian ang Berna na yan sa sarili naming kompanya!"
Kaya kinabukasan, nagtungo ito sa opisina at kinausap si Berna.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ni Berna na nakataas ang kilay.
May kutob na sya kung bakit narito si Caren.
"Simula ngayon ako na ang magiging assistant mo!"
Sabi ni Caren na pautos.
"Sorry pero hindi ko kailangan ang isang assistant na arogante!"
Sagot ni Berna.
"Pero ang sabi ng Papa ... "
"Wala akong pakialam sa sabi ng Papa mo! Ako ang nasa harap mo ngayon, kung gusto mong magtrabaho dito mag apply ka ng maayos! Hindi ka pa nga natatanggap may attitude ka na!
Saka, may assistant na ako!"
Ang tinutukoy nito ay ang sekretarya ni Caren nuon. Prinomote nya ito ng hindi tinanggap ni Caren ang trabaho.
"Pero .... "
Hindi makapaniwala si Caren na tatanggi si Berna, akala nya inaantay lang sya nitong magsabi.
"Anong gusto mo Caren, tanggalin sya sa pwesto just to give way to you? Magaling syang assistant at ikaw wala kang alam kaya sino sa palagay mo ang pipikiin ko!"
Mariing sabi ni Berna.
Batid na ni Berna na hindi na nya makukuha ang pagiging director ng NicEd kahit hindi sabihin ni Raymond, kaya dito sya mag fo focus sa kompanya ni Raymond.
At bilang CEO ayaw nya ng incompetent na employee.
"Ang ibig mo bang sabihin, hindi mo ako tatanggapin sa kompanyang ito?"
Naiiritang sabi ni Caren.
"Pwede naman .... kung mag apply ka at subukan mong maging magalang baka sakalaing matanggap kita!"
Sabi ni Berna na may halong pangiinis.
Napipikon man, sumunod na rin si Caren. Na chachallenge sya kay Berna.
Kailangan nyang gawin ito para makita ng Papa nya na kaya din nyang maging katulad ni Berna.
"Sige pumapayag ako!"
"Okey bumaba ka sa HR at magpasa ka ng resumé!"
"Ha? Bakit?"
"Anong bakit? Duon lahat nagpapasa ng resumé kaya duon ka pumunta! Sila ang magsasabi sa'yo kung ano ang mga dapat mong gawin!"
Aalis na si Caren ng magsalita ulit si Berna
"Huwag mong isiping anak ka ng may ari ng kompanya, kaya ipapasa kita!"
Nagpupuyos na sa inis si Caren kita sa mga kamao nyang parang manununtok.
Pero kinalma nya ang sarili at bumaba sa HR. Ang problema wala syang resumé kaya hindi sya tinanggap.
Pauli uli syang sa HR hanggang maitama nya ang lahat.
Hindi nya akalaing ipaparanas sa kanya ni Berna kung paano mag apply ang isang ordinaryong empleyado.
"Grabe, ganito pala kahirap mag apply!"
Dumaan din sya sa mga interview pero sa huli, clerical work ang ibinigay sa kanya.
Nakarating kila Kate at Eunice ang nangyari kay Caren
"Well she need to learn!"
"And she need to start somewhere!"
"Good for her!"
"And I'm proud of you both!"
Sabi ni Edmund.
"Dad it's not us, si Brix talaga ang may malaking ginawa!"
" .... at si Berna!"
Pahabol ni Kate.
Hahaha!"
So, bakit nyo ako gustong makausap?"
Tanong ni Edmund. Iniisip nyang baka humingi ng gift itong dalawa.
"Bakit may gusto ba kayong gift or something?"
"Nope, Dad look at this po."
At ipinakita nila ang mga pics and video na nakuhanan nila sa taong grasa.
"May kutob po kaming si Lolo Lemuel yan!"
Sabi agad ni Kate.
Sumeryoso si Edmund dahil sure nyang si Lemuel nga iyon.
Hindi masyadong malapit ang kuha pero sapat na para makilala sya ni Edmund.
"Saan ito?"
"Sa harap po, sa may parking lot po ng TAMBAYAN!"
Sagot ni Eunice.
"Sayang nga po hindi namin nakuhanan ng mas malapit, nahalata po ata nya na hindi si AJ ang nag dadrive!"
Sabi ni Kate
"Bakit nasaan si AJ?"
"Nasa Hacienda Remedios po?"
"Pagbalik ni AJ, subukan ulit natin, baka lumapit na sya ng mas malapit!"
Sabi ni Kate kay Eunice.
"No! Hindi nyo na kailangang gawin yan at huwag muna kayong pumunta ng TAMBAYAN!"
Sabay kuha ng phone at may tinawagan.
"Ames, alam ko na kung nasaan ang Papa mo!"
***
"Ate Kate, huwag mo ng isipin yun! May reason naman si Daddy, kaya gusto nyang ipaubaya si Lolo Lemuel kay Tita Ames!"
Sabi ni Eunice sa pinsan nya ng makita ang panghihinayang sa mukha nya.
Ganito kasi si Kate pag merong hindi na solve na puzzle.
"Okey lang ako! Don't worry! Pero ... may sasabihin pa
akong isang bagay sa'yo!"
"Ate, kinakabahan ako! Hindi ko alam kung gusto kong marinig ang sasabihin mo!"
"Hahahahaha! Ang cute mo talaga!"
Sabay pisil ni Kate sa dalawang pisngi ni Eunice.
"Gusto ko lang magpaalam sa'yo, bubukod na kasi ako!"
"Bubukod? Lilipat ka na? Ayaw mo ng magstay sa Old Mansion?"
"Yes, cousin!"
"Alam na ba nila Grampy at Granny yan?"
"Hindi pa, sa'yo ko lang sinabi! Nakabili na ako ng condo at wala ng makakapigil sa akin!"
"Hahahaha!"
"Well, good for you!"
Masayang sabi ni Eunice.
'Ako kaya kelan?'
*****
Samantala, ng malaman ni Ames ang location ng ama agad itong umaksyon.
Nagkaroon ng cleaning operation ang kinaroroonan ng TAMBAYAN at kinuha lahat ng pulubi at taong grasa na naroon, isa na ron si Lemuel.