webnovel

Kabanata 303

Nag iintay na sa baba ang lahat lalong lalo na si Herald na may dala pang red roses para kay Kelly.

Nakaupo si Herald katabi si Yumi "wala pa ba sila?"

"Pababa na rin daw po Ma'am." Ang sabi nung babaeng staff ni Mr. Guievarra na nag bigay ng tea kila Yumi at Herald.

"Matuto kang mag intay!" Ang pagalit na sambit ni Herald at dali-dali na rin namang umalis yung staff pag ka bigay nya ng tea dun sa dalawa.

"Mag intay? Mag iisang oras na tayo dito pero wala pa rin sila!"

Hinila ng pwersahan ni Herald si Yumi at ang higpit talaga ng pagkakahawak nya sa kamay nito at bumulong sya "wala kang karapatang mag reklamo dahil ako ang lang susundin mo. Nagkakaintindihan ba tayo?!"

"O—Oo."

Hinigpitan pa lalo ni Herald ang pagkaka hawak nya kay Yumi "aray…nasasaktan na ko."

"Wala akong pakilam! Tandaan mo andito tayo para umarteng totoo tayong may relasyon. Kaya umayos ka kung ayaw mong ngayon rin ilabas ko dito ang tinatago mong baho!"

"Wa—Wag…maawa ka kapag nalaman ni Patrick ang tungkol dun sigurado akong sasabihin nya yun sa parents ko."

"Kaya umayos ka!"

Binitawan nya ng may kasamang pwersa si Yumi ng biglang nagkagulo na dahil sa wakas dumating na rin ang KelRick "wow!!!" ang naging reaksyon ng lahat at habang papalapit yung dalawa at para namang huminto ang mundo ng mga taong nakakakita sa KelRick dahil sobrang elegante ng datingan nung dalawa, yung charm nila parang kumikislap na nakakasilaw.

"Napaka ganda nya…" Ang manghang mangha na sambit ni Herald at napa tayo pa nga sya sa kinauupuan nya habang naka tingin lang sa kanya si Yumi na para bang nag seselos kahit deep inside hindi dapat sya makaramdam ng selos dahil ang lahat sa kanila ni Herald ay isang palabas lang.

Samantala habang papalapit naman ang KelRick kila Mr. Guievarra…

"Wifey, pinagtitinginan nila tayo." Ang sabi ni Patrick na naka white black americana with pink carnation sa may bulsa ng coat nya at talagang kapansin pasin ito dahil sa black turtle neck nyang panloob na si Kelly mismo ang pumili. Habang naka black pants at black leather shoes naman ito at suma total para lang syang aattend ng awards night pero kabogera dahil from Gucci ang mga kasuotan nya. Tinanggal nya pa yung coat nya at lalong namangha ang mga tao dahil bumakat sa suot nyang panloob ang laki ng braso nya dahil sobrang bulky nito.

"Like what I have said dapat maging star tayo. Ngumiti ka lang hayaan mo lang sila." Ang sagot naman ni Kelly na naka white maternity dress with hoodie na may naka sulat na Celine, suot nya rin yung hoodie pero hindi fully cover ang ulo nya dahil naka ladlad ang buhok nyang naka big curly at nakalabas rin ang bangs nya na may gold clip na Channel design may suot rin syang necklace na Channel rin pati ang suot nyang sing-sing sa may right index finger nya at wedding ring kapansin pasin rin ang black high cut shoes na from Balenciaga na may maliit na bulaklak ng pink carnation na may bilog na diamond sa gitna ng petals nito sa mag kabilang sapatos. Ang simple lang ng outfit nya pero dahil sa mga kasuotan nyang puro branded talagang ang lakas ng impact nya sa lahat lalong lalo na kay Mr. Guievarra dahil napahanga sya sa style ni Kelly.

"Gorgeous!" Ang sabi ni Mr. Guievarra ng makalapit sa kanya ang KelRick "iha, napaka ganda mo I like you." Hinawakan nya pa ang kamay ni Kelly sa sobrang pag hanga nito.

Napatingin naman si Kelly kay Patrick na para bang nag papatulong na ilayo sya kay Mr. Guievarra "ha…ha…ha…maraming salamat po at nagustuhan nyo ang asawa ko what I mean is ang style nya." Ang sabi ni Patrick at hinawakan na nya ang kamay ni Kelly.

"Ahem…sorry medyo na overwhelmed lang ako sa kagandahan ng asawa mo hindi ko akalain na ganyan pala sya ka perfect."

"Ha…Ha…ha…salamat po pero hindi pa po kami nakin ayos lang po ban a kumain po muna kami?"

"Of course! Kumain muna kayo ayoko namang magutom kayo."

Ngumiti lang naman si Kelly ng biglang lumapit na sila Herald at Yumi "Mr. Santos!!!"

Sumenyas na si Patrick kay Kelly na para sinabing sya si Herald "Mr. Elmedez!"

Kinuha naman ka agad ni Herald ang kanang kamay ni Kelly para halikan sana bilang pag galang pero "ay, nangangating bigla ang kamay ko honey."

Pwersahang nag pumiglas si Kelly sa pagkakahawak sa kanya ni Herald at sinadya nyang patamaan ang ilong nito dahil nalaman nilang retokado pala itong tao.

Nag worried namang agad si Mr. Guievarra habang napahawak naman sa ilong nya itong si Herald "are you okay dear?"

"Ha…ha…okay lang po sya ganyan po talaga ang asawa ko kapag nakakahawak sya ng peke…" tumingin sya kay Herald na para bang nambubuyo ito.

"Really? I pity you my dear but don't worry lahat naman ng accessories na isusuot niyo sa photoshoot ay 100% original.

"Salamat po sa pag intindi sa asawa ko."

"Wala yon maliit na bagay sandali lang ha ipapalayos ko na ang isusuot nyo. Mr. Elmedez ikaw na munang bahala sa mga Santos okay?"

"No problem." Ang sagot ni Herald at nakahawak pa rin sya sa kanyang ilong.

"Okay then, I will go na muna eat well Mr. and Mrs. Santos."

"We will Mr. Guievarra." Ang sagot ni Patrick.

At pagkaalis nga ni Mr. Guievarra nag pakilala naman si Yumi kay Kelly "hi, ako nga pala si Yumi."

Makikipag kamay sana si Kelly pero naisip nyang "ano namang akala nya hindi ko sya kilala? huh!"

"Honey, nagugutom na ko."

"Okay, sorry ha? Buntis kasi ang asawa ko kaya madalas syang gutom." Ang sabi ni Patrick.

"Really? Buntis sya?"Ang sabi ni Yumi at napatingin sya kay Herald na para bang sinasabing "narinig mo ba yon? Buntis ang babaeng gusto mo."

Ang sama naman ng tingin sa kanya ni Herald "yes, and she is one month pregnant to our child."

"Ohhh…I see."

"Sige ha? Kakain na muna kami kayo baka gusto nyong kumain ay…kaso hindi pala kayo naka check in dito sa hotel but don't worry kumain kayo treat ko" Ang sabi ni Patrick na para bang ng iinsulto na naman.

"No need, we ate breakfast na bago kami nag punta dito, Right boyfie?"

Bigla namang naging clingy itong si Yumi kay Herald "ye—yes…sige na kumain na kayo baka malipas ng gutom si Ms. Kelly."

"Huh!" Ang reaction ni Patrick gusto nya sana mag confront kay Herald pero humarang si Kelly.

"You are…"

"Me? I…I'm Herald." Ang ngiting ngiti nyang sambit at tinanggal ang kamay ni Yumi sa braso nya.

"Oh…I see, sorry but hindi ako natawag ng first name basis kung hindi ko naman ka close so I will call you Mr. Elmedez and by the way I'm married to Patrick so you better call me Mrs. Santos. Do you understand?"

"Pffft…" Ang reaction naman ni Patrick at napatingin sa kanya si Herald at umarte syang parang normal lang "sorry…but my wife needs to eat nakakahiya kay Mr. Guievarra ayaw namin syang pag intayin.."

At iniwan na nga ng KelRick yung dalawa "nakakais!!!"

"Mukhang sila nga ang savage couple."

"Ano?"

"Nevermind, kung ako sayo hindi ko nalang papansinin yang dalawang yan kung makikita mo ang lahat ng nandito lalong lalo na si Mr. Guievarra ay manghang mangha sa kanilang dalawa. At kapag ganoon matatabunan na tayo dito."

"Anong gusto mong palabasin? Na loser ako?"

"What I'm trying to say is kapag nag padala ka sa galit mo sa pinsan ko hinding hindi ka mag stand out dito lalong lalo na kay Kelly."

"Nalalaman mo ba yang sinasabi mo? Bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan? Kahit anong gawin mo alam pa rin ng parents mo na may relasyon tayo."

"Bakit? Tinatanong mo kung bakit ako ganito? Dahil sayo! Dahil ni minsan hindi mo naman talaga ako pinansin gusto mo lang sakin ang ma-mamana ko sa mga magulang ko."

"Enough!"

"Alam mo, pagod na rin ako eh pero andito ako dahil andito ka. Alam mo mahal na kita eh kaso hindi worth it mahalin ang gaya mong ganid!"

At iniwan nya si Herald na alam nyang nanggagalaiti na sa galit sa kanya.

"Sir, kailangan nyo na raw pong maayusan..." Ang sabi nung babaeng staff ni Mr. Guievarra na lumapit kay Herald.

"O—Oo sige."

Kahit hindi sabihin ni Herald na gulat talaga sya sa sinabing iyon ni Yumi sa kanya dahil hindi nya inasahang may lihim na pala itong pag tingin sa kanya.

"Wifey, sino ba yang ka text mo? Kumain ka lang ng kumain."

"Ha? Wala ito si Jacob lang nangangamusta."

"Ha? May cellphone na ba si Jacob?"

"Ahh…siguro kay kuya anyways, mamaya pala kapag nag simula na tayong mag photoshoot gusto kong dumikit ka lang parati sakin okay?"

"Oo naman bakit naman hindi eh asawa kita."

"What I mean is wag kang aalis sa tabi ko alam mo namang allergic ako sa mag bagong tao."

"Ahhh…yun ba, hindi ka parin ba sanay? Pero wifey kailangan mo ng masanay sa ganito."

"Alam ko pero iba yang si Herald at Yumi ayoko sa kanila."

"Kahit naman ako, pero wala tayong choice kasi kinuha rin sila ni Mr. Guievarra para maging model."

"Yeah…at alam ko rin na once na lumabas ang magazine maaari rin tayong makakuha ng bagong investors may interview rin tayo mamaya, right?"

"Um. Pero paano mo nalaman?"

"I have many ways sige na kumain ka na para makapag simula na tayos sa photoshoot."

"O—Okay sabi mo eh."

***

Makalipas ang isang oras nakaayos ng lahat at lalong naging bongga ang mag kasuotan ng KelRick dahil summer edition ang bagong release ng clothing line ni Mr. Guievarra kaya kahit buntis si Kelly kitang kita parin ang hubog ng katawan nito sa suot nyang floral dress na kulay indigo with summer hut na abaka habang naka terno naman si Patrick sa kanya floral indigo din ang polo shirt nyang suot at naka white na short "Mr. Santos pwede bang pakibukas ang butones ng polo niyo?" Ang sabi nung photographer.

"Okay." Ang sagot agad ni Patrick at nung bubuksan na sana nya si Kelly na ang gumawa nun.

"Wi—Wifey…"

"Chill, nakatingin si Herald satin kaya umayos ka."

"O—Okay."

At habang binubuksan ni Kelly yung butones ng damit ni Patrick nag patuloy naman sa pag kuha yung photographer na naging candid shot dun sa dalawa.

"Napaka perfect couple po nila noh?" Ang bungad namang sambit ni Sensen habang nasa likod sya nila Mr. Guievarra at na gulat naman ang mga ito sa kaniya.

"Si—Sino ka naman?" Ang sabi ni Mr. Guievarra.

"Ay sorry po kung nagulat ko kayo ako nga po pala ang assistant ni Sir Patrick."

"Ohhh…"

"Alam nyo ba dito lang sila pumayag na maging model kaya sorbang swerte nyo po."

"Ha…ha…ganun ba."

"Swerte rin sila dahil si Mr. Guievarra ang kumuha sa kanila." Ang sabi naman ni Tinay na secretary ni Mr. Guievarra.

"Well, I think it's a tie nalang pero alam mo ba yung beauty ng mag asawang yan ay natural?" Napatingin sya kila Herald at Yumi na nasa isang tabi at nag iintay ng kanilang turn.

"Halata naman sobrang perfect ng ilong ni Mrs. Santos ang tangos may lahi ba sila?"

"Ahhh…wala pure Filipino ang mga magulang ni Madam at si Sir din pero mapuputi ang lahi nila kaya sure ako kapag lumabas na ang anak nila napaka puti."

"Wait, buntis si Mrs. Santos?"

"Ah…oo...one month na syang preggy ngayong araw."

"Pwede bang dun nalang kayo sa isang gilid kung mag kukwentuhan kayo dito? Hindi ako makapag focus dun sa dalawa." Ang sabi ni Mr. Guievarra kila Sensen at Tinay.

"Pasensya na po I just wanna flex lang po kasi pero wag na kayong mag alala pa dahil perfect po na ang magiging shot nyo sa kanila kasi napaka photogenic po kasi nila kaya hindi na kayo mahihirapan pang mag edit pero baka sa iba diyan…abutin kayo ng siyam-siyam para lang mag edit."At napatingin na naman si Sensen dun kila Herald at Yumi na badtrip na sakanya.

"Tinay!!!" Ang pagalit na sabi ni Mr. Guievarra at hinila ni Tinay si Sensen papaalis dun sa location.

"Sa—Sandali lang!"

"Heh! Puro ka daldal hindi mo ba nakikita na iinis na sayo sila Sir Herald."

"Tinay right?"

"How do you know my name?"

"Of course, I know everything pero bago ka mag tanong diyan pwede bang mag request?"

"Ha? Ano naman?"

"Gusto ko sanang mag papasok ka sa location ng mga reporters."

"Ano? Hindi pwede magugulo ang photoshoot."

"Alam ko pero gusto ko lang sabihin sayo na si Mr. Elmedez ay isa ring journalist kaya kung ako sa inyo i-check nyo ang dala nilang mga gamit lalo na yung lalaking kasama nila ngayon tiyak akong pa lihim na kumukha yun ng mga picture yon."

"Ano? Hindi pwede yon!"

"I know plagiarism ang mangyayare kaya kung ako sayo i-broadcast nyo na ang lahat ng mga nangyayare."

"Pero paano mo nalaman? Bakit naman ako magtitiwala sayo?"

May ipinakita si Sensen na picture ni Herald na kasama yung isa pang designer na gaya ni Mr. Guievarra "Sya si Ms. Janica ang mahigpit na kakumpetensya ni Mr. Guievarra."

"Kaya nga, kumilos ka na sabihin mo na agad ang mga nalaman mo sa boss mo."

"O—Okay…eh ikaw ano namang gagawin mo?"

"Don't mind me sige na."

"Um."

At pagka alis ni Tinay nag text agad si Mr. Sensen kay Kelly.

"Ka Ching!"

Dali-dali namang kinuha ni Kelly ang phone nya sa bulsa at nabasa nyang na gawa na ni Sensen yung ipinag uutos nya. "ayos!"

"Wifey?"

"Ha? Wala."

"Happy ka?"

"Um. Kaya maging happy ka rin ha?

"Alam mo parang ang weird mo may ginawa ka bang hindi mo sinasabi sakin?"

"Hmmm? Wala naman but don't worry dahil everything is under my control na. Wahahahahaha…"

"Wi---Wifey…ayos ka lang bang talaga?"

"Um…ang saya-saya. Wooohooo...."

"O—Okay?"

Mahuli nga kaya nila Mr. Guievarra si Herald na may masamang binabalak? Pero bakit kaya sa tingin n’yo alam Kelly at Sensen ang about dun? ooooo.... abangan! (>‿◠)

lyniarcreators' thoughts
Siguiente capítulo