webnovel

Ang Korte sa Umaga

Editor: LiberReverieGroup

"Hayaan na kung ganoon. Dahil wala naman akong ginawa sa mga sinasabi nila na ginawa ko," malamig na tugon ni Munan. Gayunpaman, alam niya sa sarili na ang duda ng mga tao ay lalong lumala. Ang mga bagay ay nagiging mahirap na.

Nakatanggap ng balita sa mga pangyayari ang Xi family. Kahit na malalim na ang gabi, wala ni isa man ang natutulog; ang lahat ay nagising para pag-usapan ito.

Ang katotohanan na na-frame muli si Munan ay isa na namang sorpresa sa kanila. Nakakulong na ito at hindi pa din siya hinahayaan ni Saohuang.

"Ang Feng Saohuang na ito ay tila isang asong ulol na hindi niluluwagan ang pagkakasakmal sa atin!" Galit na reklamo ni Jiangnian.

Seryosong nagpaliwanag si Lolo Xi, "Dahil sinimulan niya ang pananabotaheng ito, siyempre, hindi siya titigil nang basta-basta. Mukhang sinisigurado talaga niyang durugin ang buong Xi family!"

"Masyado tayong naging pabaya. Hindi natin nalaman na napakarami niyang tauhan at ang pinakamalala pa ay ang mga tauhang iyon ay sobra ang tiwala sa kanya kahit na nasakripisyo na sila. Ang Saohuang na ito ay masyadong matalino at tuso," mabagal na sabi ni Jiangsan.

Tumango si Lolo Xi. "Sumasang-ayon ako, ang binatang ito ay masyadong nakakatakot. Para sa kapakanan ng tagumpay, handa siyang ibigay ang lahat. Sa pagkakataong ito, kapag nagawa nating makakuha ng ebidensiya ng kanyang mga kriminalidad, kailangan nating madurog siya ng tuluyan."

"Gayunpaman, matagal nang wala sina Mubai at Xinghe, kailan sila babalik ng dala ang ebidensiya? Bukas ng umaga ay pupunta na sa korte si Munan." Ang mga kilay ni Jiangnan ay nakakunot na sa pag-aalala.

Maawtoridad na sinabi ni Lolo Xi, "Isa lamang itong pagpapakita sa korte. Kahit na matapos ang hatol, maaari pa tayong umapila. Hanggang may pagkakataon pa, hindi tayo dapat na sumuko!"

"Kokontakin na ba natin si Mubai?" Biglang tanong ni Jiangsan. Matapos umalis ni Mubai, hindi pa nila kinokontak ito. Kapareho din ng hindi pagkontak sa kanila ni Mubai. Ang kawalan ng komunikasyon na ito ay para sa pagtatago ng kanilang mga bakas.

Gayunpaman, sa pagkakataong ito, ay nag-aalala na sila ng husto sa sitwasyon ni Mubai at napapaisip na tungkol sa pag-unlad ng kanilang ginagawa.

Umiling si Lolo Xi. "Huwag muna, hindi tayo dapat na madulas sa panahong ito. Bukas, kami ni Jiangsan ang pupunta sa korte, manatili ka dito sa bahay kung sakaling may emergency."

"Opo." Bahagyang tumango si Jiangsan.

Ihaharap si Munan sa korte militar, kaya naman nakasara ito sa publiko. Gayunpaman, dahil sa kakaibang katauhan nina Elder Xi at Jiangnian at ang kanilang relasyon kay Munan, ay napagbigyan silang makapasok.

Gayunpaman, si Jiangsan ay maiiwanan sa may pintuan, kaya naman wala siyang magagawa kahit na pumunta pa siya.

Nang gabing iyon, ang buong Xi family ay maligalig. Kapareho din ito ng kay Munan.

Ang totoo, isa itong nakakapag-alalang gabi para sa maraming partidong may kinalaman dito. Mayroon itong pakiramdam ng katahimikan bago ang pagdating ng bagyo.

Kung walang aksidente, isa itong higanteng tama sa Xi family.

Ang tanging bagay na magagawa ng Xi family ay bigyan ng pinakamahusay na abogado si Munan. Hanggang tumatanggi si Munan na aminin ang kanyang sala, ay mapapahaba pa nila ang mga paglilitis. Natural, gagawin ito ni Munan. Kahit si Saohuang ay alam na ang hatol na napatunayang nagkasala ito ay hindi maibababa sa mga panahong ito.

Gayunpaman, ayos lamang ito dahil hanggang hindi nalilinis ni Munan ang kanyang pangalan, hindi magtatagal at ipapahayag ng korte ang kanyang sala. Oras na lamang ang binibilang hanggang ang apoy ay tupukin ang Xi family.

Habang iniisip ito ng Xi family ay iniisip din ito ng maraming tao. Nag-aalala sila sa kinabukasan ng Xi family. Nitong mga nakaraan, palagi na lamang nasasangkot sa gulo ang Xi family. Pakiramdam ng karamihan na ito na ang katapusan para sa Xi family.

Kahit ang Xi family ay ito rin ang nararamdaman.

Hindi nila alam na ang mga magbabago ng kanilang kapalaran na sina Xinghe at Mubai, ay pauwi na...