webnovel

The Kiss (Part 2)

This guy just stole my first kiss! He wasn't really kissing me but his lips were just on my lips for like 10 seconds until he fell asleep! Ugh, first kiss sa isang lasing na lalaki na di ko naman kilala. Great, though it felt really...nice. Kung nakita niya lang siguro ang mukha ko, for sure sobrang pulang pula na ako. Shit, ba't ganto? Kinikilig ako...matutunaw na ata ako. I covered my mouth with my hands and squealed. Ang hirap mag-squeal ng tahimik ha.

"Marie? Marie? Gising ka na ba?" Bigla na lang akong nagising sa katok ni Asher sa pinto. Ano ba yan...nakalimutan ko palang i-set yung alarm ng phone ko. Kainis.

"Ohhhhh-" tinakpan ko kagad ang bibig ni Morgan.

"Shhh," bumulong ako sa kanya habang tinutulak siya papunta sa balcony. "Ugh, pano ba ito? Ano kasi, next time ko na lang ipapaliwanag sa iyo ha. Kelangan mo nang umalis. Bilis-"

Inalis niya ang kamay ko, "Teka lang ha, hindi ko kasi matandaan kung anong nangyari kagabi. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Marie? Gising ka na ba? Sino yang kinakausap mo?" lalong lumakas ang pagkatok ni Asher sa pintuan.

Thanks best friend. You just gave my name to a random stranger.

"So Marie, san ba kita pwedeng puntahan-"

"Tumalon ka na lang mula dito ha? Sige na, kelangan ko nang mag-breakfast. Bye!" bumalik ako kaagad sa room ko at nilock ang pintuan papunta sa balcony. Lumabas na rin ako sa kwarto at pingot sa ilong ang sumalubong sa akin.

"Sino naman yung kausap mo kanina? At bat nakalock tong pintuan mo? Hindi mo naman to nilolock a. Kanino rin pala yung jacket at gitara sa living room niyo?"

"Ang dami mo namang tanong," humikab ako bago sumagot.

"Puyat ka ba?" he held my face. "May muta pa."

"Huh? Di ako puyat no! Wala naman akong rason para magpuyat," tumawa na lang ako para hindi niya mapansin.

"Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling," he crossed his arms and cocked his brow. "Kumain ka na nga ng almusal. May nakahanda ng almusal dun si tita-"

"Hindi na ako kakakain ng breakfast. Liligo na ako, baka malate tayo e. Hintayin mo na lang ako sa baba ha," I smiled at him.

Kung di pa ako maliligo, for sure na tatanungin pa ako ni Asher habang kumakain ako. Edi lalo kaming nalate, diba? Hahaha. Anyways, mas matanda sakin si Asher ng isang taon pero mag-best friends kami. Nagkakilala kami sa school nung Grade 3 ako. Naglalaro ako nun sa monkey bars habang hinihintay si Daddy na sunduin ako. Di ko na matandaan nangyari basta nalaglag na lang ako at nagasgasan yun elbow at knee ko. To the rescue naman si Asher na kasama ang papa niyang doctor na may dala-dalang bandaid. Aftter that, sinamahan nila akong hintayin si daddy sa may lobby tapos nagkwentuhan sila. Dun ko nalaman na magkapitbahay pala kami and that's the time na nagstart ang friendship namin. Lagi kaming sabay umuwi at sabay pumasok. Buti nga di kami nagkapalit ng mukha at nagkasawaan e. Hahaha. Pagkagraduate ni Asher, lumipat na sila ng bahay sa kabilang subdivision, naging successful na rin kasi si Tito. Nalungkot ako nun. Di ko naman inisip na mapuputol na friendship namin. Naisip ko kasi na wala na akong makakasabay pagpasok sa school at paguwi. Pero kabaligtaran ang nangyari, we still go to school together and go home together until now. He also cooks food for me since he was in his first year high. He's so thoughtful, right?

"Ui girl, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala diyan," Kayla sat on my desk. "Kakakita ko lang sa class list kanina and guess what."

"Ano na naman ba yang tsismis mo ha? 1st day na 1st day, may tsismis ka na kaagad," Lucy answered.

"Duh, I know everything kaya," Kayla rolled her eyes. "May bago lang tayong classmate and her name's a bit weird ha."

"Bakit naman?" silang dalawa lang talaga ang nag-uusap. I was just sitting there, still reminiscing about my...ugh, kainis. Bakit ko ba iniisip yung first kiss ko?

"Her name's Viola. Viola Schubert. Instrument yung viola so I wonder if she's good at playing instruments since may famous na musician na ang surname ay Schubert, right?

"SC...SCHUBERT?!" Lucy exclaimed. As in sobrang lakas ng boses niya, napatahimik niya ang buong class at napatingin pa sa kanya. Inonominate kita mamaya sa mga officers. "Ohhh....god."

"Okay ka rin lang ba, girl? Baka natutulad ka na dito kay Marie ha. Just tell me, ipapadala ko na kayo sa mental, psychos," Kayla chortled. Psycho ka jan. Sanay na kami dyan, mahilig talaga to mang-asar.

"Tatawa na ba kami? Okay na? Tatawa na kami?" Lucy raised her brow. "Kaya ako ganun nag-react kasi yung crush ko na vocalist ng isang banda, Schubert ang surname."

"Ano bang name? Baka screen name lang niya yung Schubert na iyon," bigla ko na lang natanong.

Lucy took her phone and showed me a picture, "Morgan Schubert! Ang gwapo niya diba? Vocalist siya ng Scream of Poseidon. Kakadiscover ko lang ng music nila nung summer at pramis, sobrang galing niyang kumanta. Lalo pa nga akong nainlove sa kanya nung nakita ko tong mga pictures niya sa net!"

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nung nakita ko ang picture ni Morgan at napahawak na lang ako sa labi ko. Pumasok at lumabas lang sa tenga ko ang mga sinabi ni Lucy samin. Kahit anong pilit mo palang kalimutan ang isang bagay, tao man o pangyayari, mahihirapan at mahihirapan ka lang kung may mga taong magpapaalala sa iyo nito. Lalo na kung ikaw mismo ang hindi makalimot. Ganto ba talaga ang nararamadaman ng isang tao pag hindi na virgin ang lips?

"Marie, okay ka lang ba talaga? Namumula ka...at nakahawak ka pa sa lips mo," buti naman at change topic na si Lucy.

I stood up, "Di ako nakapagbreakfast kanina kasi excited ako sa 1st day of classes at excited akong makita kayo. Punta lang muna ako sa canteen."

"Sama! Nagugutom din-"

Umalis na ako kagad para di na siya makasunod. Di ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. Para akong kinikilig na nagugutom. Halo halo na ata. Medyo nahihilo na nga rin ako. Hindi nga pala ako nagdinner at di rin nagbreakfast.

"Marie Marshall, magho-home room na. San ka pa pupu-"

Shit! Sa sobrang pagkahilo at gutom ko, di ko na namalayan ang staircase at natisod ako sa harap niya at parehong nalaglag sa hagdan. Oo, narinig kita Rave Wilde, hindi mo naman kelangang banggitin ang full name ko pag kakausapin mo ako noh!

"Aw....aw...ouch, ang sakit," parang maluluha na ako sa sakit ng left foot ko.

"Bakit kasi hindi tumitingin sa daan e," inayos niya ang glasses niya, pinapagpagan ang likod at dun ko lang napansin na I was on top of him!

Siguiente capítulo