webnovel

The Man From Her Past

I JUST REALIZED na ang pagiging mapride ay sign of immaturity. I did the dumbest thing dahil sa pride ko pero I never regretted it one bit dahil kahit na nawalan ako ng allowance for a week, at least kumita si ate Lorna ng maraming salapi.

I was so pissed off sa lalaking 'yun who shall not be named kaya after niyang bumili ng 20 kwek-kwek balls, I bought everything and sinabi ko kay ate Lorna that she could keep the change.

"Seryoso 'yan? Kakainin mo ang lahat ng 'yan?" sabi niya ng gulat. I smirked and repeated what he said earlier.

"Sino may sabing kakainin ko lahat ng 'yan?" sabi ko with my hands crossed together under my chest.

"So, ibibigay mo sa'kin? Salamat! Nakaka-touch naman." sabi niya with wide smiles.

"Asa ka. Sino may sabing sa'yo ko ibibigay?" sabi ko ng pataray. "Ibibigay ko ang mga kwek-kwek sa mga batang less fortunate sa lansangan."

Nakatitig lang siya sa'kin and it made me super duper uncomfortable.

"Will you please stop looking at me like that? It's annoying, alright?"

"Kung less fortunate din ba ako, magiging mabait ka sa'kin?"

"Hindi. Ipapaubaya nalang kita sa ibang mga galante sa buhay."

This is the very first time na nag-usap kami and wow, he gave me a really 'good impression'.

"Bakit hindi ka pa umaalis? Hindi ba, tapos ka na sa kinakain mong kwek-kwek?" — I lifted my hand and shooed him. — "shoo! Doon ka na, doon ka na!"

"Salbahe mo sa'kin samantalang sa iba, pinagtatanggol mo sila kapag binubully sila."

We're not close but he's talking to me as if we're long-time buddies. Hindi ko nalang siya pinansin at umalis nalang ako ng hindi nagpapaalam. As I walked away, I could hear him calling my name. Bahala siya diyan. Matapos niyang sirain ang pride ko? No thank you.

As planned, ibinigay ko lahat ng kwek-kwek na binili ko to the unfortunate ones lalo sa mga batang nanlilimos sa lansangan. I didn't really like giving moneys sa kanila dahil tingin ko, mas kailangan nila ng pagkain. Saka, paano kung saan-saan lang nila gastusin ang pera, hindi ba? Kaya mas mainam na pagkain ang ibigay. So kapag may mga nanlilimos sa akin, I never gave money. Instead, I gave food na mayroon ako.

Habang ipinamimigay ko ang kwek-kwek balls sa mga batang nakita ko, nakakatuwa na makita ang galak nila sa mukha, pero hindi na ako nagtagal at agad ako umalis kasi baka makita ako ng sundo ko't masermonan pa ako. Nakareserba ang tainga ko para sa sermon mamaya sa bahay dahil sa pagtakas ko.

Nagtira ako ng kwek-kwek para may kakainin kami nila Suzie, ang younger sister ko pati na din sila mama at papa saka mga kasambahay namin. Si Suzie lang ang bunso kong kapatid so obviously, ako ang ate niya.

Habang naglalakad ako pauwi, nagulat ako nang bigla akong may naramdaman na kamay sa balikat ko kaya biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Can you blame me? I'm walking all alone at walang tao sa paligid ko, for some reason kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Pero siyempre, kailangang tapangan. Napatigil ako mula sa paglalakad at napalingon sa likod ko just to see Carl, the one who's so into me for years.

"What the hell, Carl! You scared the hell out of me!" halos pasigaw kong sabi.

"Sorry Claire, my bad," panimula niya saka kinamot ang likod ng ulo niya. "Nakita kasi kita na naglalakad kaya naisipan na din kitang lapitan. Pauwi ka na ba?"

"Oo, pauwi na ako. Bakit ba, ano ang kailangan mo?"

"Wala naman. Gusto lang kitang samahan pauwi para makasigurado na ligtas ka," sabi niya saka binigyan ako ng isang makamandag na ngiti. Usually, effective 'yan sa ibang mga babae but not me. I cannot be tamed that easily. My heart is really hard to tame.

"No thanks," sagot ko. "kaya kong umuwi nang mag-isa. I can get home safe. Hindi mo ako kailangan na ihatid, pero I appreciate your concern." I flashed him a sweet smile.

"No, I insist. Gusto kitang samahan pauwi. Don't worry, aalis din ako agad pag-uwi mo."

I heaved a sigh. "You're not taking a no for an answer, are you not?"

"Yes. Kaya hayaan mo nalang akong ihatid ka to ensure your safety, alright?"

"Fine, fine. Tara na bago sumapit ang dilim."

And with that, Carl walked next to me. Defeaning silence hovered us while we're walking. It made us awkward but he decided to break the awkwardness by starting a conversation.

"So, kamusta ka naman?" tanong niya.

"Okay naman. Ito, sikat pa din."

Narinig kong natawa siya sa sagot ko. "Of course, you're still famous. Walang bago 'don," sabi niya tapos ay iniba na niya ang topic. "So, why did you block me?"

"'Cause I was trying to help you move on from me," sagot ko. "Hindi mo pa ba kuha 'yon? Bakit ba ayaw mong sumuko?"

"Gusto ko sanang sukuan ka, pero ayaw ng puso ko kaya heto ako ngayon, nagpapakam-masochista para sa'yo."

I stopped from my tracks and he did the same too. Tapos hinarap ko siya at tinignan ko ng seryoso. "That's the exact reason kung bakit kita blinock para maka-move on ka," sabi ko. I stepped closer and held his cheeks. "Look, Carl, wala akong nararamdaman para sa'yo. We can't be together, alam mo 'yan. Kaya maigi pa na sumuko ka nalang, okay? You've been trying to pursue me for 2 years already, pero walang nangyayari. Don't you think na sign na 'yun to give up?"

Hindi siya umimik at nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nalulungkot at nasasaktan dahil sa sinabi ko at inakto ko.

"I'm sorry, Carl." sabi ko bago ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya.

I kept walking.

He did not follow.

Or so I thought.

Kasi narinig ko na sumigaw siya habang patuloy akong naglalakad palayo.

"Claire Saddie Dela Vega! I love you and I am going to make you mine. Just wait and see."

I just raised my hand up the air and waved as I continued walking.

Bahala siya. Basta ako, sinabihan ko na siya. I did my part.

***

PAGDATING KO sa bagay namin na three-storey home at may rooftop, dumiretso ako sa kusina para ilagay ang mga natitirang kwek-kwek sa plato sa may lamesa at tinakpan ito. Umakyat agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit saka humiga sa kama ko at nagsimulang mag-cellphone. Habang nag-scroll ako sa Facebook, nagulat ako nang bigla akong nakareceive ng isang friend request from that jerk.

1 Friend Request from Brandon Orland.

Sigurado ako na siya 'yun dahil sa profile picture niya. Of course, I didn't accept. Naiinis pa din ako sa kanya but I stalked his account. Para sa isang tahimik na lalaki sa school, nakapublic ang account niya. Saka infairness, mukhang super duper active niya sa Facebook. Walang araw na dumaan na wala siyang post. Wala ba 'tong ginagawang iba aside from school?

I checked his albums and to my surprise, naka-public din ito. I checked his photos from 2004, mga panahong bata palang siya and I must admit na he was cute. I decided to stop stalking him and eventually fell asleep.

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. I woke up at 9 pm. Feeling annoyed, I picked up my phone and the first word I said is, "Ano?"

"Chill bessy," sabi ni Jessica mula sa kabilang linya. "mukhang natutulog ka na ata."

"Yeah. Nagising ako dahil sa tawag mo, thanks to you!"

"Sungit naman ng bessy ko. Tanong lang, nakita mo na showing na bagong movie sa cinema?"

"Hindi pa. Bakit? Gusto mong manood ng cine?" I was expecting for her to say yes, dahil mahilig siyang manood ng movies so imagine my surprise when she said no.

"No, ayoko," sabi niya. "okay, gusto kong manood ng cine but I'd rather watch alone. Sorry! Maybe next time?"

"What? Eh bakit ka tumawag kung pupunta ka ng mag-isa?" sabi ko saka nag-buntong hininga.

"Actually, may isang taong gustong manood ng cine kasama mo."

"Okay, are you planning on setting me sa isang blind date?" Hula ko and I'm sure na tama ako dahil I remembered her convincing me to go on blind dates countless times.

"Yes," sabi niya. I knew it! "don't worry, he's not a stranger and he's a good man. By the way, until pumayag ka, hindi kita tatantanan kasi sigurado ako na tatanggi ka."

"Buti alam mo," sabi ko. "don't try kasi alam kong you already know that I am not going on a blind date."

"Well, let's see about that."

And with that, binaba na niya ang call and immediately went back to sleep.

***

THE NEXT DAY, laking gulat ko nang biglang sumulpot si Brandon Orland, the loser, sa usual table namin ni bessy — ang table sa cafeteria sa school.

As soon as I saw him, I raised a brow at him at hindi nag-salita. Si bessy lang ang nakipag-usap sa kanya.

"Oh, hey Brandon! Andito ka na pala," sabi ni bessy with all smiles. "tara, upo ka dito." Then umurong si bessy to give him a space to seat. I was sitting across him pero never ko siyang tinignan.

Nang naramdaman ko na tinitignan niya ako, I looked up and threw him a very sharp glare. "What are you looking at?"

"Ang sungit mo naman," sabi niya. "Ngayon nga lang ako nakisama sa inyo eh. Or wait, galit ka ba dahil sa pag-bili ko ng 20 kwek-kwek kapalit ng isang kwek-kwek na nalaglag dahil sa'kin?"

So he's not insensitive like I thought he was pero kung alam niya naman palang magkaka-dent ang pride ko kung gagawin niya 'yun, why did he do it?!

I didn't speak. I just ignored him kasi I was so pissed at him pa hanggang now. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito?

"Ooh, so nagkausap na pala kayo!" sabi ni bessy saka ngiting-ngiti. I smell something fishy. Anong plano ni bessy? She's making me anxious. Good thing that I am pretty good in hiding my real emotions. Feeling ko kasi, may mangyayari na opposed sa gusto kong mangyari. Kung ano man 'yun, bring it!

"Oo, sa may kwek-kwekan. Nakita ko siyang kumakain doon na parang aso na gutom na gutom." sabi niya.

"Excuse me?! Did you just compare me to a freaking dog?!" I growled at him.

"Maybe?" sabi niya.

Ano bang problema ng lalaking ito? Okay, keep your cool Claire. We have to handle this kind of situation calmly like a normal and matured human being.

"Bakit ka ba nakiki-share dito sa table namin? Why don't you go somewhere else? Table namin ni bessy 'to!" sabi ko and si bestfriend ang sumagot.

"'Wag ka ngang ganyan. He's my childhood friend, remember? So I invited him over," sabi niya.

"Eh bakit ngayon lang?"

"Sino may sabing ngayon ko lang siya inimbitahan? Ilang beses ko na siya inimbitahan pero palagi siyang tumatanggi," — Tumingin siya kay loser saka siya naman ang kinausap. — "bakit nga ba?"

Nagtataka ako kung bakit biglang ang friendly niya kahapon pa. Like, he transformed into someone new. Hindi kaya sinapian 'to ng isang kaluluwang friendly? Okay, not a good joke but nakakapagtaka naman kasi.

"Honestly, gusto kong makilala si Claire ng lubusan lalo nang nakita ko siya kahapon. Hindi ko akalain na simpleng tao lang siya at marunong siyang kumain ng street food." paliwanag niya.

"Don't Claire me, hindi tayo close for the first-name basis," I said sharply. "so are you saying na kaya ka lang nakikipag usap sa'kin ay dahil napagalaman mong I can be a simple girl din?"

"Maybe?"

I snorted. "So are you saying that you were intimidated by my presence dito sa school dahil sa aura na ipinapakita ko? You know and everyone knew that I can do well, right? I always do."

"Daming sinasabi," sabi niya. "at para sabihin ko sa'yo, hindi ako intimidated sa'yo. Bakit naman? Para sabihin ko sa'yo, kayang-kaya ko na magkaroon ng mataas na grades and magandang reputation. Hindi lang ako nakikisali. Alam mo na, partida sa'yo."

What in the effish world?! Napaka — aaarrrrghh! This is the very first time someone dared to talk to me like that. And if tingin niya na I can't stand up for myself, he's wrong. 'Yung ibang tao nga, naipagtatanggol ko, hindi ba?

Before I am able to retort to his statement, he continued speaking. "Gusto lang naman kitang maging kaibigan at tingin ko, kailangan mo din ng isa pang kaibigan bukod kay Jessica. Nagiging comfortzone mo na siya, hindi mo ba nakikita?"

That left me in shock.

"Bessy, tama siya. Hindi ka pwedeng masanay sa'kin. Paano na kung pupunta na ako sa Canada?" sabi ni bessy and she's not wrong about that. Still, kahit anong mangyari, there is no way I'm gonna befriend that guy.

"Magkakaroon naman ako ng kaibigan sa Starlight University once I got in. Saka, it's not like hindi ko kayang magkaroon ng kaibigan." I shrugged.

"Kahit na ayaw mo akong maging kaibigan, I'll make you a friend of mine." sabi niya and I could see the fire on his eyes.

Yep. I'm convinced now that it's either he hit his head or something or sinapian lang talaga ng mabuting espiritu.

"Kung kaya mo," paghamon ko sa kanya as I folded my arms together.

"Let's make a bet, then," sabi niya. "kung hindi kita ma-tatame before grumaduate, gagawin ko lahat ng sasabihin mo pero if I am able to tame you, kinakailangan mong lumabas kasama ko para manood ng cine."

Natawa ako sa kanya. "Thirty days? Come on, be realistic! Tingin mo, kaya mo sa ganun ka-ikling panahon lang?" Napahinto ako sa bigla kong naisip at na-realize na si loser ang plinaplanong ipa-blind date sa'kin ni bessy.

I shot her a glare and she looked the other way while pouting. This girl!