Dumaan ang mga puting ulap at sumipol ang hangin.
Lumipad sa himpapawid ang malaking katawan ng Steelfang Howling Firmament Beast. Agad na nagtatakbo sa takot ang ibang mga savage beast noong maramdaman nila ang malakas na aura ng isang Half-Zhizun.
Sa may bahay sa likod ng savage beast, magkaharap na nakaupo si Zhang Xuan at Mo Yu.
"Napakaraming mga savage beast sa ere. Kung hindi dahil sa Howling Firmament Beast, kahit na hindi magiging problema ang kaligtasan natin, mamomroblema pa rin tayo sa kanila."
Ang sabi ni Mo Yu habang nakatingin siya sa labas ng bintana upang obserbahan ang kalangitan.
Tumango si Zhang Xuan bilang pagsang-ayon.
Sa pamamagitan ng mga libro sa library, nagkaroon si Zhang Xuan ng kaalaman tungkol dito.
Mukha mang payapang paraiso ang himpapawid, ngunit yung katotohanan, hindi ito naiiba sa mundo sa ibaba. Sa huli, kinakain pa rin ng malakas ang mahina.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com