Ang alitan ng apat na imperyo ng Atlanta, na nanahimik at natulog sa napakahabang panahon ay muling nagising nang patayin ng Imperial Princess na si Kristine ang sarili niyang kapatid. Kilala sa pagiging malupit na emperador ng Kris ang kanyang ama. At maging siya na sariling anak ay hindi nakaligtas sa kaparusahang ipinapataw sa sino mang nagkasala sa batas.
Ngunit, ang parusang ipinataw ng emperador sa kanya ay ang pagpapakasal sa isa sa mga prinsipe ng tatlong kalabang imperyo. Hindi lamang ito isang kaparusahan kundi isang napakalaking obligasyon.
Sa mga kamay niya nakasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng buong imperyo ng Kris. At kapag nagkamali siya sa pagpili ng mapapangasawa ay tiyak itong ikababagsak ng kanilang kaharian.
Ngunit, papaano nga ba niya ito mapapagtagumpayan kung ang lahat ng imperyong iyon ay hangad ang kanilang pagbagsak? Ano nga ba ang totoong dahilan at pinatay niya ang sariling kapatid? May magagawa pa kaya ang prinsesa upang maitama ang mga nagawang pagkakamali?