webnovel

Itch: Short Story Comic Script

Title: Itch

Writer: IaneNavarro

Genre: Mystery / Horror / Gore

Page 1

Panel 1:

Narration: Isang maulang araw, sa Barrio Malinis….

Establishing Shot: Ipakita ang barangay na may "Barrio Malinis" na arko tapos may paparating babae.

Guide: Lumang setting. Umuulan.

Character guide: Babae/Itch--- sexy, mahaba ang buhok na naka suot ng itim na raincoat na lampas talampakan at may mahabang sleeves at hood; hindi kita ang magandang mukha; aninag lang.

Panel 2:

Guide: Lumapit ang bagong dating na babae sa isang taga-barangay.

Panel 3:

Narration: Unti-unting iaabot ng babae ang kamay sa isang lalaki, at ng makita ang makinis at maputing kutis nito…

Page 2

Panel 1:

Narration: ay agad ding nahulas ang balat…

Guide: Huhulas ang balat ng babae at aagos ang dugo mula dito.

Panel 2:

Narration: at nakaramdam ng kati sa kamay ang taga-barangay at…

Guide: Hindi matatakot ang taga-barangay sa nakita, mas mag f-focus lang sya sa nangangating kamay.

Panel 3:

Guide: Nasasarapan na kinakamot ng taga-barangay ang kanyang kamay dahil sa kati hanggang sa mag dugo na ito.

Panel 4:

Guide: Magtatakbuhan habang sumisigaw ang iba pang nakakita.

Page 3

Panel 1:

Establishing Shot: Nakangiting naglalakad ang babae sa kalsada habang nagsisigawan, nagtatakbuhan at nagtatago ang mga tao sa takot na makita sya. Umuulan.

Panel 2:

Tao: Si Itch! Nandyan na si Itch! Magsitago na kayong lahat! Wag nyo syang titignan!

Panel 3:

Establishing Shot: Close-up kay Itch na naglalakad. Nakangiti.

Page 4

Panel 1:

Establishing Shot: Classroom.

Guide: Contemporary setting.

Teacher: Okay class, magkakaroon tayo ng camp sa isa sa pinaka lumang barrio dito sa bansa, ang Barrio Malinis. Please make sure na napirmahan ng inyong mga magulang ang waiver. No waiver, no camp. Is that clear?

Class: Yes maam!

Panel 2:

Guide: Nag-uusap usap ang mga estudyante.

Panel 3:

Leah: Di ba may kwento kwento dun sa barrio na yun?

Character Guide: Leah--- Kakambal ni Loisa, mas maganda ng bahagya kay Loisa. Mahinhin at matatakutin.

Mark: Alin? Yung tungkol sa Itch?

Character Guide: Mark--- Pinaka matalino sa klase. May salamin, the usual geek pero medyo gwapo naman.

Page 5

Panel 1:

Maria: Lumalabas daw yun tuwing umuulan…

Character Guide: Maria--- Class President, mabait, maganda pero strikto.

Kenneth: Kasi daw uso yung kati-kati!

Character Guide: Kenneth--- Gwapo, matangkad, makulit pero mabait. Boyfriend ni Loisa.

Panel 2:

Guide: Tumatawa lahat. Kahit si Leah na medyo takot pa rin.

Panel 3:

Loisa: Hindi naman yun totoo. Panakot lang yun sa mga bata.

Character Guide: Loisa--- Kambal ni Leah. Magkamuka talaga silang dalawa. Mas madaldal at masayahin.

Maria: oo nga, hindi naman papayag ang school na doon magpunta kung delikado diba?

Panel 4:

Leah: Sabagay…

Page 6

Panel 1:

Establishing Shot: Umuulan sa labas ng Meat Shop sa Barrio Malinis.

Guide: Comtemporary Setting.

Panel 2:

Establishing shot: Sa loob ng shop, Nakaharap ang butcher. Kita ang likod ni Itch, nakaharap siya sa butcher.

Butcher: Ano pong hanap ninyo?

Panel 3:

Itch: Gusto kong makita kang masaya…

Guide: Ipakita ang magandang mukha ni Itch. Nakangiti, habang nahuhulas ang balat ng unti-unti.

Panel 4:

Establishing Shot: Butcher, nagkakamot ng mukha hanggang sa sobrang kati pa rin at kutsilyo na ang ginamit na pang-kamot.

Guide: Walang pakialam ang butcher kung dumudugo na ang mukha, basta nasasarapan lang siya sa pagkamot.

Page 7

Panel 1:

Establishing Shot: Nag-kkwentuhan na mga magkakapitbahay sa Barrio Malinis.

Panel 2:

Babae: Nabalitaan nyo ba yung nangyari dun sa may Meat Shop? Namatay daw yung butcher.

Babae2: Oo nga, grabe ano? Sino kayang gagawa ng ganun?

Panel 3:

Babae 3: Baka si Itch yun….

Page 8

Panel 1:

Babae: Ano kaba! Imbento lang yun ng matatanda dito sa barrio.

Babae 2: Binalatan daw yung mukha, may tao bang nasa matinong pag-iisip ang gagawa nun?

Panel 2:

Babae 3: Bahala kayo, iba pa rin ang maingat. Wala namang mawawala kung maniwala tayo dun.

Babae: Nababaliw ka na mare. Siya, siya, magsasampay na ko bago pa bumuhos ang ulan.

Babae 2,3: Sige mare, ingat ka.

Page 9

Panel 1:

Establishing Shot: Mga estudyanteng bumababa mula sa bus, maraming dalang gamit.

Panel 2:

Teacher: Okay class, ilagay nyo muna yung mga gamit nyo sa mga rooms ninyo. Bumalik kayo dito after 15 minutes para sa first activity. Okay?

Class: Yes maam!

Page 10

Panel 1:

Guide: Mga estudyante naglalagay ng mga gamit sa kani-kanilang rooms.

Panel 2:

Establishing Shot: Corridor.

Kenneth: Beh, saan yung room mo? Sa Room 105 ako eh kasama ko si Mark.

Loisa: Room 204 kami nina Leah at Maria.

Kenneth: Tatlo lang kayo? Buti pa kayo, kami apat!

Panel 3:

Maria: Guys, bumalik na daw dun in 2 minutes.

Kenneth: Dakilang president ka talaga Maria!

Panel 4:

Guide: Ngingiti si Maria.

Page 11

Panel 1:

Establishing Shot: Nasa isang hall lahat sila naka upo habang nag sasalita ang teacher sa harap.

Teacher: Yung mga kasama niyo sa kwarto ay ang magiging ka-grupo nyo sa mga activity natin dito sa camp.

Panel 2:

Guide: Makikita sa powerpoint ung listahan ng mga grupo.

Teacher: So, for our first activity, kailangan ninyong magtanim ng tag-iisang puno bawat miyembro ng grupo. Alam nyo namang nagpunta tayo dito para tumulong sa mga tao dito, hindi para mamasyal lang.

Panel 3:

Guide: Makikitang nag-tatanim ang bawat grupo.

Page 12

Panel 1:

Guide: Habang nagtatanim ay biglang uulan.

Panel 2:

Student: Nakuuu! Umuulan na, lalabas na si Itch!

Guide: Inaasar nila si Leah na takot kay Itch.

Panel 3:

Guide: Tatawanan ng mga estudyante si Leah.

Teacher: Hindi totoo si Itch kaya itigil nyo na yan.

Panel 4:

Students: Yes maam!

Guide: Pero tumatawa pa rin sila ng palihim.

Page 13

Panel 1:

Teacher: Oh, sumilong muna tayong lahat!

Guide: Teacher nakaharap sa mga estudyante.

Panel 2:

Establishing Shot: Tumatakbo ang mga estudyante pabalik sa hall.

Page 14

Panel 1:

Establishing Shot: Sa di kalayuan, makikita si Itch na nakatayo.

Panel 2:

Narrator: Habang pabalik sina Maria, Leah, Loisa, Mark, at Kenneth sa hall ay napansin ni Leah ang babaeng nakatayo sa di kalayuan.

Leah: Guys, nakikita nyo ba yun?

Guide: Tinuturo ni Leah yung babae.

Maria: Yun ba? Malamang taga-dito yan. Tara na, lumalakas na yung ulan.

Panel 3:

Guide: Pinuntahan pa rin sya ni Leah as if in a trance.

Page 15

Panel 1:

Narrator: Pinuntahan ni Leah ang babae ngunit ng malapit na sya ay tumakbo ito palayo.

Leah: Saglit lang po! Hindi namin kayo sasaktan!

Panel 2:

Narrator: Sinundan nila si Leah na hinahabol pa rin ang babae hanggang sa mapunta sila sa isang abandonadong building.

Panel 3:

Maria: Guys…. Kailangan na siguro natin bumalik, anlayo na ng narating natin… Basang basa na din tayo ng ulan…

Mark: Natandaan nyo ba yung dinaanan natin? Mahina ako sa direksyon…

Panel 4:

Loisa: Hindi, pero, hindi ba masaya to? Adventure!

Maria: Ano ka ba Loisa, papagalitan tayo ni maam…

Page16

Panel 1:

Guide: May kumalabog sa loob ng building.

Panel 2:

Kenneth: Baka nasaktan na yung babae, tulungan natin!

Panel 3:

Establishing Shot: Tumatakbo sila papasok sa lumang building.

Page 17

Panel 1:

Establishing Shot: Nakita nila yung babae nakatayo sa isang sulok. Nakatalikod sa kanila.

Panel 2:

Guide: Nilapitan ni Kenneth yung babae.

Kenneth: Ate… okay lang po ba kayo?

Panel 3:

Establishing Shot: Humarap ang babae kay Kenneth.

Guide: Nakaharap si Kenneth, natulala. Nakatalikod ang babae.

Panel 4:

Guide: Nangati ang mukha ni Kenneth at kinamot nya ito.

Panel 5:

Guide: Tumakbo ang babae palayo.

Page 18

Panel 1:

Guide: Humarap si Kenneth sa mga kaibigan, mukhang nasasarapan sa pagkamot ng nagdudugo nyang mukha.

Panel 2:

Establishing Shot: Sa labas ng abandonadong building.

Guide: Maririnig ang sigaw ng mga kaibigan ni Kenneth.

Page 19

Panel 1:

Loisa: Kenneth… anong nangyayari sayo?

Guide: Nilapitan ni Loisa si Kenneth at hinawakan ang kamay nya.

Panel 2:

Kenneth: Ang kati eh… Kailangan…. kamutin… Sobrang kati…

Panel 3:

Leah: Si Itch yung babae na yun!

Guide: Iiyak si Leah.

Maria: Sinasabi ko na eh, dapat bumalik na tayo…

Guide: Pinapatahan ni Maria si Leah.

Page 20

Panel 1:

Guide: Lalapitan ni Mark si Kenneth at pipigilan na kamutin ang sarili.

Mark: Tama na yan Kenneth, dumudugo na mukha mo!

Panel 2:

Kenneth: Makati! Kamutin mo! Kamutin mo!

Guide: Nagwawala na si Kenneth. Nag-aalala si Loisa.

Loisa: Itali na lang natin yung kamay nya sa likod? Baka masaktan nya pa sarili nya…

Panel 3:

Maria: Mabuti pa nga, at bumalik na tayo sa camp.

Panel 4:

Guide: Itinatali na nila kamay ni Kenneth.

Page 21

Panel 1:

Establishing Shot: Papalabas na ng building ang magkakaibigan, pero madilim na at sobrang lakas pa ng ulan.

Mark: Dito kaya muna tayo? For sure hahanapin nila tayo pag nalaman nilang nawawala tayo.

Maria: Sige, ite-text ko si maam.

Panel 2:

Establishing Shot: Nilabas ni Maria ang cellphone pero walang signal.

Panel 3:

Maria: Walang signal!

Page 22

Panel 1:

Guide: Nilabas nila yung cellphone nila isa-isa.

Panel 2:

Loisa: Wala din akong signal!

Mark: Wala din ako…

Panel 3:

Leah: Basang-basa na yung cellphone ko, ayaw na mag bukas…

Loisa: Si Kenneth?

Panel 4:

Guide: Lilingon lahat kay Kenneth na kinukuskos na ang mukha sa sahig habang bumubulong ng:

Kenneth: Ang sarap… Ang sarap…

Page 23

Panel 1:

Loisa: Kenneth!

Guide: Lalapit sya kay Kenneth.

Panel 2:

Guide: Nung humarap si Kenneth sa kanya ay sobrang dumudugo na ang mukha nito.

Panel 3:

Guide: Sisigaw si Loisa.

Page 24

Panel 1:

Guide: Umiiyak na si Leah at Loisa. Gulat si Mark. Papaiyak na rin si Maria.

Panel 2:

Maria: Anong… gagawin… natin?

Mark: Hindi ko alam…

Panel 3:

Loisa: Kenneth…. Mahal ko…

Guide: Umiiyak na si Loisa. Inakay nya si Kenneth, pero hindi na ito humihinga.

Page 25

Panel 1:

Loisa: Kenneth? Kenneth? Guys… Hindi na gumagalaw si Kenneth…

Panel 2:

Guide: Lumapit si Mark kay Kenneth at chineck ang pulse nya.

Mark: Wala na sya….

Panel 3:

Guide: Gulat at takot ang lahat.

Panel 4:

Loisa: Kasalanan mo to Leah!

Guide: Tinuro c Leah na galit na galit.

Page 26

Panel 1:

Guide: Sasampalin na sana ni Loisa si Leah pero inawat sya ni Mark.

Loisa: BItawan mo ko!

Panel 2:

Establishing Shot: Nagulat sila ng mapansing nakatayo sa harap nila si Itch.

Panel 3:

Loisa: I..Itch….

Panel 4:

Mark: Guys, takbo!

Panel 5:

Loisa: Si Kenneth!

Guide: Waring babalik para kunin si Kenneth.

Page27

Panel 1:

Maria: Wala na sya beshy… Tara na…

Guide: Hinahatak nya si Loisa.

Panel 2:

Establishing Shot: Tumatakbo sila palayo kay Itch, papasok sa kaloob looban ng building.

Page 28

Panel 1:

Narration: Samantala, sa hall nagkakagulo na ang lahat.

Student: Nakita kopo sila Maria na hinahabol si Itch!

Teacher: Hindi totoo si Itch. Hihingi tayo ng tulong sa mga pulis.

Panel 2:

Establishing Guide: Sa loob ng police station.

Guide: Kinakausap ng teacher ang mga pulis. Nasa likod nya yung ibang estudyante.

Panel 3:

Pulis: Ito po ang unang pagkakataon na kumuha ng mga bata si Itch.

Teacher: Hindi nmn totoo si Itch sir.

Guide: Medyo tumatawa ang teacher.

Panel 4:

Teacher: May nakakita na ba sa kanya?

Pulis: Lahat po ng nakakita sa kanya ay namatay na bago pa nila ma- kwento ang nangyari. Maliban sa isang batang si Leo, na nakaligtas.

Panel 5:

Teacher: Parang alam na alam nyo po ang nangyari ah.

Pulis: Kasi… ako po yung nakaligtas… ako po si Leo.

Page 29

Panel 1:

Guide: Si Leo nag-kkwento.

Leo: Naaalala ko pa noon, bata pa ako. May isang babaeng galing ng Amerika, kaka-lipat nya lang sa kapit-bahay.

Establishing Shot: Amerikana kakalipat lang sa isang bahay. Ipakita ang sampung taong gulang na batang lalaki (pulis ngayon) sa kabilang bahay na nakadungaw sa bintana.

Guide: Lumang setting.

Panel 2:

Leo: Nung una, maayos naman sya. Nakaka-kwentuhan pa nga nila nanay, mabait naman kahit medyo hirap makipag-usap.

Guide: Ipakita na nakikipag kwentuhan ang Amerikana sa mga taga-barangay.

Panel 3:

Leo: Pero paglipas ng ilang buwan hindi na sya lumalabas ng bahay. Kinatok na sya pero pinapaalis nya lang yung mga tao…

Page 30

Panel 1:

Leo: Isang araw, umuulan nun… nung… lumabas sya uli. Naka-kapote syang itim na napaka-haba.

Guide: Ipakita si Itch na lumabas ng inuupahang bahay.

Panel 2:

Leo: Yun ang unang araw ng paghahasik ng lagim ni Itch.

Guide: Ipakita yung present na nangyayari: Kausap ng pulis ang teacher at mga estudyante.

Page 31

Panel 1:

Student: Ano pong nangyari Sir Leo?

Guide: Medyo takot na yung mga estudyante.

Panel 2:

Guide: Kinuha ni Leo ang isang clippings ng dyaryo mula sa kanyang drawer.

Panel 3:

Guide: Inabot nya ito sa teacher na pinakita din sa mga estudyante.

Panel 4:

Establishing Shot: Ipakita ang Clippings na may headline na: "20 katao sa Barangay Malinis patay! 1 bata ang nakaligtas!" Date: July 11, 2003

Guide: Nakalagay sa front page: "Isang babaeng naka-itim na kapote ang sinasabeng gumawa ng karumal-dumal na krimen na ito. Halos 20 katao ang malubhang nabalatan na parang kinamot nila ang mga sarili at puno ng dugo. Isang bata lamang ang nakaligtas…."

Page 32

Panel 1:

Establishing Shot: Ipakita sina Maria na tumatakbo.

Panel 2:

Maria: Nasaan na sya?!

Panel 3:

Guide: Tumigil sila sa pag-takbo para lumingon lingon. Hingal.

Panel 4:

Mark: Wala na yata…

Loisa: Balikan natin si Kenneth…

Page 33

Panel 1:

Leah: Baka nandun pa si Itch… Mapapahamak tayo…

Loisa: Mapapahamak pa rin naman tayo kahit saan na nandyan ang Itch na yan!

Maria: Kailangan nating makabalik…

Panel 2:

Guide: Ipakita na si Mark ay may nakitang lumang papel sa sahig.

Panel 3:

Mark: Guys, tignan nyo ito…

Page 34

Panel 1:

Guide: Ipakita na titignan nila ang nasa papel. May picture nung Amerikana at iba pang detalye na hindi na masyadong mabasa dahil sa sobrang luma at sira sira na din. Makikita lang ang pangalan na Annabeth Chase.

Panel 2:

Mark: Passport to… Annabeth Chase… Bakit ito nandito?

Panel 3:

Guide: Ipakita na napansin ni Leah ang pinto malapit dito.

Maria: Baka galing dito…

Page 35

Panel 1:

Guide: Ipakitang pumasok sila sa pinto.

Panel 2:

Establishing Shot: Madilim sa lugar at matatalisod si Leah sa isang bagay...

Panel 3:

Guide: Nang makita ni Leah na bangkay ito ay sumigaw sya.

Page 36

Panel 1:

Guide: Binuksan ni Mark ang bintana at nakita nila sa kaunting ilaw mula sa labas ang bangkay na halos ilang taon ng nandito dahil buto na lamang ito. May mga ilang buhok na blonde sa bandang ulo. Naka-higa ito na naka-fetal position, malamang ay naka-upo talaga sya at natumba na lang ng mamatay.

Panel 2:

Guide: Ipakita na takot ang lahat.

Panel 3:

Guide: Biglang may nagpipilit magbukas ng pinto.

Page 37

Panel 1:

Leah: A… Anong… gagawin natin?

Mark: Dito sa bintana, dali!

Panel 2:

Guide: Binasag ni Mark ang bintana at dumadaan sila doon, ng mabuksan na ang pinto.

Panel 3:

Guide: Nakita nila si Itch… Nataranta si Leah at nadapa-dapa.

Mark: Bilis! Leah!

Page 38

Panel 1:

Guide: Lumapit si Itch kay Leah.

Panel 2:

Guide: Hinatak ni Loisa ang kambal at tinulak palabas ng bintana.

Panel 3:

Loisa: Patawarin mo ko sa nangyari kanina Leah…

Leah: Loisa…. Hindi!!!

Panel 4:

Guide: Hinatak na nila Maria at Mark si Leah palabas habang umiiyak. Makikita sa background si Loisa na nagkakamot ng paa gamit ang basag na salamin na napulot nya sa sahig.

Page 39

Panel 1:

Leah: Loisa….

Guide: Umiiyak sya habang tumatakbo sila palayo sa building.

Panel 2:

Establishing Shot: Ipakita na papalapit na sila sa isang bahay.

Maria: Ayun! Humingi tayo ng tulong doon!

Panel 3:

Guide: Pumunta sila sa bahay na yun at kumatok.

Page 40

Panel 1:

Guide: Binuksan ito ng isang matandang lalaki.

Lolo: Anong kailangan ninyo mga bata?

Character Guide: Lolo/Juancho--- Matanda na, mga 60 years old at halos 20 years ng nagsisilbi sa may-ari ng paupahang bahay.

Panel 2:

Mark: Ah, lo, tinatakbuhan po kasi naming si Itch, baka po pwede nyo kaming matulungan…

Panel 3:

Guide: Gulat at halong takot ang nasa mukha ng matanda habang sinasabing:

Lolo: Sige, pumasok kayo. Bilis!

Page 41

Panel 1:

Establishing Shot: Pumasok sila sa isang receiving area na may kadugtong na kusina, mayroon ding apat na pinto sa dulo.

Panel 2:

Lolo: Maupo kayo. Gusto nyo ba ng gatas?

Maria: Maraming salamat po…

Panel 3:

Guide: Ipakita na nagtitimpla ang lolo ng gatas habang nagkkwento:

Lolo: Si Itch… dati syang tenant dito…

Page 42

Panel 1:

Guide: Inabot ng lolo ang gatas sa kanila.

Lolo: Ako pala si Juancho… Ako ang taga-bantay ng bahay na ito.

Maria: Salamat po… So, bakit nyo po naging tenant si Itch?

Panel 2:

Establishing Shot: Makikita si Juancho na kinakausap si Annabeth sa mismong lugar din na yun.

Guide: Lumang setting.

Juancho: Hija, dito ka sa kwartong ito matutulog…

Annabeth: Uhh… Sorry?

Panel 3:

Juancho: Uhh.. I mean you… uhh.. sleep… here… room…

Annabeth: Okay. Thank you.

Page 43

Panel 1:

Establishing Shot: Balik sa present time.

Juancho: Ilang buwan lang ang tinagal nya dito pero sya ang pinaka hindi ko makakalimutan… Sya, sya, gumagabi na.

Panel 2:

Juancho: Dito kayong mga babae sa kwartong to. Ikaw hijo, dito sa kabila. CR itong isa. At, iyong nasa dulo ang dating kwarto ni Itch.

Guide: Tinuturo ni Juancho ang mga pintuan sa dulo ng receiving area.

Panel 3:

Juancho: Kung may kailangan kayo, nandun lang ako sa kabilang bahay. Maiwan ko na kayo.

Maria, Mark, Leah: Maraming salamat po…

Page 44

Panel 1:

Establishing Shot: Makikita si Juancho na uugod-ugod na naglalakad pabalik sa kabilang bahay. Umuulan. May dala syang payong.

Panel 2:

Guide: Nakita ni Juancho sa harapan nya si Itch. Natakot sya.

Juancho: A…Annabeth… Annabeth… Ikaw na ba yan? Nagtago ako sa mga tao para hanapin ka… Alam kong nakaligtas ako kasi hindi mo ako kayang saktan… Mahal ko….

Panel 3:

Guide: Linapitan ni Juancho si Itch at hinawi ang hood nito. Tumambad ang magandang mukha ni Itch.

Juancho: Hindi ikaw si Annabeth!

Panel 4:

Guide: Unti-unti ng nahulas ang mukha ni Itch at nangati na din ang mukha ni Juancho.

Juancho: Ang… ang kati…. sobrang kati…

Guide: Patuloy na kinamot ni Juancho ang sariling mukha hanggang bumagsak na sya sa lupa.

Page 45

Panel 1:

Establishing Shot: Hinatid ni Mark si Maria at Leah sa kwarto nila.

Mark: Okay lang ba talaga na iwan ko kayo dito?

Panel 2:

Maria: Oo… Okay lang kami. Salamat Mark… Magpahinga kana din…

Page 46

Panel 1:

Narrator: Naisipan ni Mark na mag-libot libot sa buong bahay at tignan na rin ang kwarto ni Annabeth.

Establishing Shot: Ipakita na tinitignan ni Mark ang mga picture frames sa may receiving area.

Panel 2:

Guide: Hinawakan ni Mark ang isang frame na may picture ni Annabeth at Juancho.

Panel 3:

Guide: Mapapansin ni Mark na mag-ka hawak ng kamay sina Annabeth at Juancho. Hindi lang halata sa unang tingin.

Page 47

Panel 1:

Guide: Agad na pinuntahan ni Mark ang dating kwarto ni Annabeth.

Panel 2:

Guide: Pag bukas ng pinto ay makikita ang maraming kandila na walang sindi, mga litrato ni Annabeth at ni Juancho na mukhang nag-ddate.

Panel 3:

Guide: Magugulat si Mark ng biglang nasa likod na nya si Itch.

Mark: A… Annabeth…

Page 48

Panel 1:

Leah: Maria… Nauuhaw ako… kukuha lang ako ng tubig sa kusina….

Maria: Samahan kita?

Leah: Hindi na… okay lang. Salamat.

Panel 2:

Guide: Napansin ni Leah na nakabukas ang pinto ng kwarto ni Itch.

Panel 3:

Establishing Shot: Papalapit si Leah sa kwarto ni Itch.

Page 49

Panel 1:

Establishing Shot: Nakita ni Leah si Itch na hawak ang kamay ni Mark na halos mukha ng naaagnas.

Panel 2:

Guide: Hindi makapag salita si Leah sa takot. Ni hindi sya maka-sigaw.

Panel 3:

Guide: Tumakbo si Leah papuntang kusina at kinuha agad ang bagay na nasa lababo.

Page 50

Panel 1:

Establishing Shot: Sa police station.

Pulis: Maam, may nakakita daw po sa tatlong bata na hinahanp ninyo. Nanduon na po si Leo.

Teacher: Tatlo? Eh, lima silang nawawala!

Pulis: Patuloy pa rin po ang pag-hahanap sa dalawa pa. Sige po, mauna na po ako.

Panel 2:

Guide: Paalis na ang pulis ng pigilan sya ng teacher.

Teacher: Pwede ba kaming sumama?

Pulis: Sorry po. Hindi po pwede. Dito na lang po muna kayo. Ibabalik po namin sila ng ligtas.

Page 51

Panel 1:

Establishing Shot: Sa kusina ng paupahang bahay. Nakatago sa ilalim ng lamesa si Leah, hawak ang isang kutsilyo.

Panel 2:

Guide: Papalapit na si Itch sa kinatataguan ni Leah ng…

Panel 3:

Leo: Tigil!

Guide: Naka-tutok ang baril kay Itch.

Panel 4:

Itch: Gusto kong makita kang masaya…

Guide: Kita ang nakangiti nyang labi na unti-unti ng nahuhulas.

Page 52

Panel 1:

Leo: Ang… ang kati….

Guide: Kinamot ni Leo ang kanyang labi.

Panel 2:

Guide: Sa sobrang kati, kinuha na nya ang ballpen sa bulsa at pinagkamot sa nagdudugong labi.

Page 53

Panel 1:

Establishing Shot: Narinig ni Maria ang komosyon sa labas.

Panel 2:

Guide: Lumabas si Maria ng kwarto at nakita si Itch sa harap ng pulis na may nagdudugong labi.

Panel 3:

Guide: Humarap sa kanya si Itch, kaya agad na tumalikod si Maria at tumakbo.

Panel 4:

Establishing Shot: Nadaaanan nya ang nakabukas na pinto sa dating kwarto ni Itch at nakita si Mark na nakahandusay at puno ng dugo.

Guide: Sumigaw si Maria.

Page 54

Panel 1:

Guide: Napaupo si Maria at napaiyak.

Maria: M…Mark…

Panel 2:

Establishing Shot: Tumayo si Leah mula sa ilalim ng lamesa at sumugod kay Itch.

Panel 3:

Leah: Maria! Takbo!

Panel 4:

Guide: Sinaksak ni Leah ng paulit ulit sa likod si Itch.

Maria: Para kay Loisa! Kay Kenneth! at kay Mark!

Page 55

Panel 1:

Establishing Shot: Bumagsak na si Itch sa sahig at punong puno ng dugo dahil sa pag-saksak ni Leah.

Panel 2:

Guide: Hingal na hingal si Leah sa ginawa. At dahil curious din sya kung sino yun ay tinanggal nya ang hood nito.

Panel 3:

Guide: Nakita ni Leah ang mahaba at maitim na buhok nito na agad ding nalagas.

Panel 4:

Guide: Tumambad kay Leah ang likod ng ulo ni Itch na puno ng kati.

Page 56

Panel 1:

Guide: Nangati na ang likod ng ulo ni Leah at kinamot nya ito gamit ang hawak na kutsilyo.

Panel 2:

Establishing Shot: Nakita ni Maria ang lahat ng nangyari kaya tumakbo sya at lumabas sa bintana ng bahay.

Panel 3:

Establishing Shot: Sa pag takbo ni Leah, nadaanan nya ang bangkay ni Juancho. Sumigaw sya at patuloy na tumakbo.

Page 56

Panel 1:

Establishing Shot: Umiiyak si Maria habang tumatakbo ng makabunggo nya ang iba pang pulis.

Panel 2:

Pulis: Hija, anong nangyari?

Guide: Hindi makapag salita si Maria kaya tinuro nya na lang ang bahay.

Panel 3:

Pulis: Dalhin sya sa ospital at sabihin sa office na ligtas ang isang estudyante.

Guide: Kausap ng pulis ung isa nyang kasama na agad namang dinala si Maria sa ospital.

Page 57

Panel 1:

Narration: Ng malaman ng guro ang nangyari sa estudyante ay agad nyang pinuntahan ito.

Establishing Shot: Pulis, teacher at ibang estudyante papunta sa ospital.

Panel 2:

Narration: Ikinuwento ni Maria ang lahat ng nangyari sa kanyang guro at sa pulis sa harap ng kanyang mga kaklase.

Guide: Naka-upo sa hospital bed si Maria habang nag kkwento.

Panel 3:

Narration: Kinabukasan ay pinalabas na ng ospital si Maria kaya't nagpasya silang bumalik na sa Maynila.

Establishing Shot: Ipakita sina Maria na palabas na ng ospital.

Page 58

Panel 1:

Establishing Shot: Sa receiving area sa paupahang bahay. Makikitang nakahandusay sa sahig si Leo at Maria, parehong duguan. Halatang wala si Itch kahit saan.

Guide: Yung scene kagabi. May mga pulis na nag-iimbistiga sa paligid at kumukuha ng litrato.

Panel 2:

Pulis: Sir, may nakita pong bangkay sa likod ng bahay; Kinilalang si Juancho Dela Cruz, 60 years old. At yung batang lalaki po sa kwarto ay si Mark Reyes, 16 years old.

Guide: Tumango-tango lng ang pulis.

Page 59

Panel 1:

Establishing Shot: Nakaupo si Maria sa bus, nasa byahe pabalik sa maynila; nakadungaw sa labas ng bintana.

Panel 2:

Guide: Makikita ni Maria si Itch na nakatayo sa gilid ng daanan si Itch. Nakatingin sa kanya at naka-ngiti.

Page 60

Panel 1:

Guide: Makikita ang takot na mukha ni Maria habang kinakamot ang mukha.

Panel 2:

Establishing Shot: Makikita ang magandang mukha ni Itch na nakangiti, at unti-unti ng nahuhulas.

Itch: Gusto kong Makita kang masaya…

END

Summary/ Teaser:

Nakaramdam ka na ba ng kati? Yung tipong pag kinamot mo ay sobrang sarap, tapos pag tingin mo nabalatan na sya at sobrang sakit? Higit pa dyan ang naranasan nina Maria, Mark, Leah, Loisa at Kenneth. Mga estudyante mula sa Maynila na nagpunta sa Barrio Malinis para sa kanilang School Camp. Makakatagpo nila rito ang pinaka-kinatatakutan sa lugar. Makakaligtas kaya sila sa mabagsik na kapalaran?

Lalabas ang iyong takot sa isang simpleng bagay na halos normal mo ng nararamdaman. Matatakot ka sa isang bagay na hindi mo aakalaing maaaring magbigay takot sayo. Tuklasin ang misteryo ng Barrio Malinis. Buksan mo at basahin ang librong ito dahil "Gusto kong makita kang masaya…"