webnovel

Imahe (Tagalog)

Autor: Azilan0m
Adolescente
En Curso · 32.1K Visitas
  • 3 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

A girl who lost but someone change her life. (I'am going to complete my synopsis if I already finish my novel.)

Etiquetas
4 etiquetas
Chapter 1Chapter 1

Bored akong nakatingin sa green board habang sinisermonan kami ng teacher pero sila lang hindi naman ako kasama sa gulo nilang ginawa. Kanina pa ako nagpipigil na antukin kasi madaling araw na akong nakatulog dahil sa insomia ko.

Napahikab na lamang ako bigla na talagang inaantok na ako pero saktong napatingin saakin ang nagagalit kong teacher na agad kong ikinatikom. "Stand up!" Turo niya saakin habang nakaturo ang kanyang pamaypay.

Dahan-dahan akong tumayo habang ang mga mata ng mga kaklase ko ay nakatingin saakin. "Inaantok ka ba sa mga sinasabi ko sainyo? Gusto mo bigyan kita ng higaan at kumot!" Pagsermon niya saakin.

Tumayo ako ng diretso. "Huwag na 'po ma'am at saka hindi po ako inaantok sadyang napahikab lang ako." Sagot ko na mas ikinausok ng kanyang ilong.

"Aba! Sumasagot ka pa? Ganyan ka ba tinuruan ng mga magulang mo?" Galit niyang tanong na ikinakulo ko ng dugo. "Excuse me ma'am pero wala akong magulang eh." Matapang kong sagot kaya ang iba ay napasinghap.

"Foul si ma'am don ha?" Bulungan ng mga kaklase ko.

"Silence!" Sigaw ng teacher namin. "Kaya pala ganyan ka umasta dahil wala kang magulang?" Natatawa niyang tanong kaya kinuyom ko ang kamao ko.

"Wala kang alam saakin ma'am at isa pa transferee lang ako dito para paginitan mo 'ko ng ulo mo.Kung may init ka ng ulo sa seksyong ito mas mabuting huwag kana mandamay sa walang kamalay-malay." Galit kong sabi dahil hindi na ako makapagpigil sa kanyang sinabi. Foul na yung sinabi niya, tinamaan na ang mental and emotional ko.

"Teacher ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya na ikinagalit niya. "Estudyante ka lang!" Sagot niya niya ng pagalit. Sobrang bigat na ng tensyon saaming dalawa. "Opo! Estudyante lamang ako na walang magulang at ikaw kaya ang sabihan ko ng ganon satingin mo po sasagutin kita ng ganito? Foul na 'yon hindi mo po ba alam? Kung ibalik ko kaya ang tanong mo po saakin kung ganyan ka din ba tinuruan ng magulang mo?" Kalmado kong sabi habang siya ay hindi napakurap sa sinabi ko. "Sorry for my attitude at kung gusto mo akong ipa-guidance, payag po ako." Dugtong ko pa pero hindi na siya nakapag salita pa.

Bigla na lamang niya iniligpit ang kanyang mga gamit pero bago pa siya umalis ay nagsalita siya. "Maghanap na kayo na bagong magtuturo sainyo." Aniya bago umalis ng kwarto namin. Napa-upo lamang ako at saka ko lamang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa galit na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede.

[Warning: Kathang isip lamang ito at wala akong galit sa mga guro.]

May humagod saaking likuran kaya tumingin ako sa kanya. "Good Job! akala ko hindi mo paglalaban ang sarili mo." Nakangiti niyang sabi at siya ay si Crisa na kakakilala ko lang kanina. "Matagal na kaming naiinis don dahil ni-isa walang nagbalak na magsalita. Palagi niya kaming minamaliit sa kakayahan namin pero ayos na din na napaalis mo siya." Dugtong pa niya kaya napangiti ako.

"Maling mali siya kung hindi niya dinamay ang magulang ko edi sana hindi siya nag walk out." Sabi ko na may kasamang konsensya. Kumuha ako ng tubig at agad kong ininom dahil parang nakaramdam ako ng pagkatuyo saaking lalamunan.

May pumunta sa harapan ko at agad na ngumiti saakin ng malawak. "Astig mo don, Raven." Aniya sabay taas ng kanyang kamay para makipag-apir saakin na agad ko namang tinugunan.

Kilala nila ako dahil nagpakilala ako sa unang subject namin at ngayon lamang ang una kong pasok pero minalas naman ako. "Walang astig don! Pinaglaban ko lang ang sarili ko." Sabi ko sa kanya na agad naman niyang ikinatango.

Maya-maya pa ay umalis na siya dahil tinawag siya ng kanyang tropa na agad namang bumalik ang aking pagkaantok. "Gisingin mo nalang ako sa next subject." Paalam ko kay Crisa na nasa tabi ko lamang.

"Sige at maaga kitang gigisingin kasi magpapalit pa tayo ng PE uniform." Kalmado niyang sabi. "Sige. Salamat." tugon ko.

Ng dahil sa insomia ko ay nababaliw na ako para sa sarili ko. Palagi kasi akong nag-oover think kaya ang nangyayari minsan sumasakit ang ulo ko kakaisip. Nagiging moody din ako ng dahil doon. Nangyari ito noong nawala ang mga magulang ko.

Kakalipat lang namin ng bahay dahil sa trabaho ng tito ko kaya last week of June lang ako nakapasok at ngayon iyon. Dahil sa pag-walk out ni ma'am ay nagkaroon kami ng isang oras na bakante kaya napahaba ang aking pagtulog.

Maya-maya pa lamang ay may tumapik saaking braso kaya agad akong umupo at inayos ang aking bangs na nagulo. "Tara na magbihis na tayo." Pag-aya ni Crisa kaya nagpasalamat ako sa kanya. Kahit inaantok pa ako ay kumilos na ako agad.

Pagkabihis namin ay nakatulala saakin si Crisa. "Wow! Ang sexy mong tignan sa PE natin!" Mangha niyang sabi hanggang sa sinukat niya ang aking baywang. "Sana all may ganitong balakang." Aniya kaya napatawa ako.

Medyo mataba si Crisa pero cute naman dagdag pa ang kanyang kulot na buhok. "Fit lang damit ko kaya ganyan.Nagkamali ng size si tita." Sabi ko pa.

Pinusod ko ang aking buhok at ganon din si Crisa. "Naku! kahit siguro hindi fitted sayo baka magmukhang sexy ka pa din." Aniya kaya natawa ulit ako sa reaksyon niya. Tumingin naman siya saakin. "Pakiramdam ko natotomboy ako sa'yo." Aniya pagkatapos ay kinindatan niya ako.

"Madaming maiinggit sayo." Dugtong pa niya.

"Edi mainggit sila." Natatawa kong tugon pagkatapos ay dumiretso na kami sa gym. Ang mga kaklase ko naman ay parang mga nakawala sa kulungan ng baboy kung magligalig kaya naman pinituhan sila ng teacher namin.

"Pumila kayo and find your height." Utos ng teacher namin. Dahil nahuli kami ng dating ay nakuha namin ang atensyon ng aking teacher.

"Kayong dalawa, Lead the stretching!" Sabay turo saamin ni Crisa. Pinalakihan ko ng mata si Crisa dahil don. "Sorry nakalimutan kong mahigpit si Sir Leo sa oras." pagkatapos ay napakamot siya sa ulo na ikinailing ko.

Wala na kaming magawa kundi ang sumunod hanggang sa sinumulan na namin ang stretching. Ramdam ko naman ang mga tingin ng kaklase ko at ang ibang lalaki ay pinagpapantasyahan ako. Mga bastos talaga kaya nawala ako sa pagbibilang.

"Raven Gatchalian, stop!" nagulat ako sa pagsalita ni sir saaking likuran. "Next time don't wear fitted uniform, wala tayo sa fashion show." Sermon niya saakin kaya napakagat ako ng labi habang nakatingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Hindi ko naman sinasadya na ito ang masusuot ko dahil nagkamali si tita sa pagpili ng size ko.

"Pasensya na po sir nagkamali kasi ng pagpili ng size saakin si tita." Pagdepensa ko kaya tumango naman siya sa sinabi ko. "Si Crisa na lang mag-lead nababastos ka tuloy." Aniya na ikinapula ng tainga at pisngi ko.

Hindi ko alam na mapapansin niya iyon at malaking pasasalamat ko na pinatigil niya ako sa ginagawa naming stretching. "Salamat po." Ani ko pero si Crisa ay narinig ko ang reklamo niya.

I look at her and I mouted. "Sorry." to her pero nag thumbs up siya saakin at ngumiti. "Okay simulan na natin!" Sigaw ni Sir pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na mukhang binata siya at ang kakisigan niyang taglay. Napapikit na lamang ako dahil sa attraction. Binigyang tuon ko na lamang ang sarili ko sa pagstretching. Sinamahan ni Sir Leon si Crisa na kanina pa namumula kaya natatawa ako sa kanya ng tumabi siya saakin. "May gusto ka ba kay Sir ha?" Pangaasar ko sa kanya kaya napanguso siya sa sinabi ko.

"Sino ba ang hindi magkakagusto diyan? Lahat siguro ng babae dito may gusto sa kanya kaya madami akong karibal sa asawa ko." sabi niya habang nagpapantasya. Natawa naman ako sa inasta niya dahil nagpikit-pikit pa siya ng mata na parang iniisip niya si Sir. Leo.

Napatingin na lamang ako kay Sir na nasa harapan habang tinuturo ang instruction ng aming activity pero bakit nag-slowmo ang kanyang mga galaw sa paningin ko?

🥀

También te puede interesar

The Ideal Man

Laking probinsya pero puno ng pangarap para sa pamilya si Jeanlie Cruz. Average student lang kung maituturing siya pero puno ng determinasyon at pagsisikap na siyang baong inspirasyon niya sa buhay. Dahil malapit siya sa ama, laging laman ng isip na ang ito ang kanyang idolo dala na rin sa taglay nitong sipag na para itaguyod ang pamilya nila. Isang simpleng babae na nangarap ng magandang buhay para sa pamilya. Sa likod ng kanyang taglay na kabaitan isang mapagmahal rin na anak at magandang dalaga. Mga katangiang taglay ng isang Jeanlie Cruz na nagagamit niya sa tuwing sumasali siya ng dance contest at beauty pageant. Nabago ang buhay at pananaw niya ng dumating ang isang Jethro Montenegro, isang kilalang mayamang tagapagmana ng MONTENEGRO CORP-  a multinational company that run a digital marketing ads and shipping line. Sa isang beauty contest na sinalihan ni Jeanlie Cruz nagtagpo ang landas nilang dalawa. Isang probinsyanang dalaga at billionaire bachelor na playboy. Paano babaguhin ang pananaw ni Jeanlie Cruz na ang isang Ideal Man ay hindi ang tulad ng tatay niya. Parang aso’t pusa ang dalawa pero huling tanda ni Jeanlie inalok siya nitong maging mistress at bibigyan ito ng isang anak na maging tagapagmana nito, kapalit ng marangyang buhay na pinangarap niya. Bibigay ba si Jeanlie? O mababago ba niya ang pananaw ni Jethro na magkaroon ng isang masayang pamilya, knowing the fact, that Jethro’s perspective of marriage is boring and tiring obligation. Newbie here. If you want to support me, here's my paypal account. paypal.me/chalian. Thank you.

Chalian_Quizo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
30 Chs

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
gustó
Últimos
Azilan0m
Azilan0mAutor

APOYOS