Aliyah's Point of View
NAKATINGIN lang ako kay Onemig habang nagsasalita siya.Pilit kong iniintindi kung bakit ganoon na lang kung manipulahin siya ni Monique. Gusto kong marinig ang mga dahilan nya.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong pero naunahan na nya ako.
" Lagi nya akong tinatakot na sasabihin nya kay lola Marta na hindi totoo ang lahat sa amin. Alam nya kasi na labis ang pagkatakot ko na ma-stroke muli si lola. Ayoko kasi na ako ang maging dahilan kung muling ma-stroke si lola Marta at maging dahilan pa ng pagkamatay nya. Hindi ko na gustong maulit yung katulad ng nangyari kay Monty na namatay sa harap ko mismo at ako yung dahilan. Imagine what I've been through that time. I can't even have a proper sleep because of guilt. Kaya nga inako ko yung responsibilidad nya kila lola Marta kahit marami akong naisakripisyo ng dahil dun. Kasama ka na. Dahil yun sa guilt at hindi ko na hahayaang mangyari ulit yon. If I can just undo everything that happened-—" he paused then heaved a deep sigh. Puno ng pagsisisi ang mukha nya. Nakaramdam naman ako ng awa. Naintindihan ko sya.
" Onemig kahit ako ang asawa mo, ayaw kong kwestyunin ka sa mga naging desisyon mo. Alam ko naman na ginawa mo lang ang inaakala mong tama. May kasalanan din ako dahil iniwan kita nung mga panahon na kailangan mo ako. I'm sorry about that.Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit hinahayaan mo si Monique na manipulahin ka? Maging kami ng anak mo ay hinahayaan mong
ganunin nya? " tanong ko.
" I'm sorry kung ganon ang tingin mo. Gaya nga ng sabi ko, iniiwasan ko lang na gumawa sya ng gulo na maaaring ikasawi pa ni lola Marta. Ayoko din na mas lalo ka nyang awayin kapag nakita nyang pinapanigan kita. Hindi nya alam na anak natin si Guilly, kaya lang naging ganun ang trato nya sa bata ay dahil anak mo ito. May galit sya sayo simula nung mapasok nya ang kwarto ko a year ago. Nagwala siya dahil sa mga nakita nya. Mabuti na lang at check up ni lola Marta non at si mommy ang kasama nya. Nalaman nya na engaged na tayo nung umalis ka. Simula nun
lagi nyang isinusumbat sa akin na kaya pala hindi ko sya mapakasalan ng totoo at hanggang ngayon magkahiwalay kami ng room ay dahil umaasa pa rin ako sayo. Isa pa yon sa panakot nya sa akin na sasabihin nya kay lola Marta. Ayokong madamay ka pa. Mabuti na lang hindi nya alam na kasal tayo kundi baka mas lalong malaking gulo. Sorry baby kung tingin mo na parang minamanipula nya ako. Pinoprotektahan lang kita at gayun din si Guilly. " mahabang paliwanag nya.
" Naiintindihan ko na, kaya lang si Guilly, mas lalo ka nyang inayawan dahil dun sa ginawa ni Monique sa kanya. " may dumaang sakit sa mga mata nya ng marinig ang sinabi ko.
" I'm sorry about Guilly. Hindi ko sinasadya yung unang encounter namin, mali ako dun. Maisip ko pa lang kasi na may ibang lalaki na humawak sayo para na akong bulkan na gustong sumabog. Ni hindi ko nakita yung physical features ni Guilly na sa akin nya halos nakuha. Binulag ako ng matinding selos.Yung nangyari naman sa pagitan nila ni Monique, nasaktan ako pero pinili ko na hindi kumibo. Ayoko lang kasi na makahalata si Monique na may kaugnayan ako kay Guilly.Baka mas lalo lang nya itong gawan ng hindi maganda.Gusto kong bumawi sa anak natin. Sana hindi pa ganun kahuli ang lahat para sa aming mag-ama. "
" Hindi ko ipagdadamot sayo si Guilly kung sakali pero hindi ako sigurado kung matatanggap ka kaagad nya . Nagkaroon sya ng takot sayo dahil dun sa mga nangyari. "
" Gagawin ko ang lahat para mapalapit sa kanya. " puno ng conviction na turan nya.
" Paano mo naman gagawin yun kung nasa paligid lang si Monique? Tama na muna siguro yung magkakilala kayo bilang mag-ama. Malabo pa sa ngayon na mapalapit ka sa kanya dahil baka malaman ni Monique. Tanggap ko na Onemig, na hindi na tayo pwedeng magsama dahil may iba ka ng pamilya. Parang naulit lang sa akin yung pinagdaanan nila mommy noon. Pero kinakaya ko. Aaminin ko, masakit pero dahil nauunawaan kita simula pa sa umpisa, parang nasanay na rin ako. Huwag mo na akong intindihin, kaya kong palakihin si Guilly na mag-isa. " turan ko.
Malungkot nya akong tiningnan. Parang hindi sya pabor sa sinasabi ko. Halatang tutol ang kalooban nya sa gusto kong mangyari.
" No. Dalawa tayo na magpapalaki kay Guilly. Hindi ko hahayaan na lumaki sya na hindi tayo buo. Gagawa ako ng paraan para makasama ko kayo. " saad nya habang matiim na nakatingin sa akin.
" Anong paraan naman ang gagawin mo para makasama kami? Ang liit lang ng Sto. Cristo para hindi makarating kay Monique ang gagawin mo." medyo natatawa ko pang wika.
" Iuuwi ko na kayo sa Tagaytay. " walang gatol nyang sambit.
" What? Seryoso ka? Paano ang trabaho natin dito? Alam mo kung ano ang posisyon ko sa company at hindi ko yun pwedeng bitawan na lang basta. At isa pa, paano ka? Nakatali ka sa responsibilidad mo kay Monique at sa takot mo na may mangyaring masama kay lola Marta na ikaw ang magiging dahilan. Hayaan mo na kasi kami. Magiging kumplikado lang ang lahat kung ipipilit natin yung tayo. " napamaang sya sa sinabi ko. Tila hindi nya inaasahan na ganon ang sasabihin ko.
" Hindi sweetie. Ngayong nandito ka na ulit, sa tingin mo papayag ako na hayaan na lang kita? Ngayon pang may Guilly na tayo? Hindi ako papayag na mawala pa kayo sa akin, gagawa ako ng paraan para makasama ko kayo ng anak natin." determinadong turan nya.
" So paano nga? "
" I'm going to ask you first, willing ka pa ba na makasama ako? " tanong nya na nakatitig sa mga mata ko. Ano ba ang sasabihin ko? Mahal ko sya pero kumplikado ang lahat.
" As much as I want to, things are so complicated now. Ayokong maranasan ni Guilly ang magulong sitwasyon natin kung sakali. With Monique's attitude, I doubt if we can live peacefully."
" Do you still love me sweetie?" tanong nya na tila hindi pansin yung mga sinabi ko.
" Oo naman. Hindi naman nawala yon. " napangiti sya ng malapad sa sagot ko.
" So sapat na dahilan na yon para magsama tayo ulit. Magtulong tayo kung paano natin sosolusyunan ang problema. Kung gusto, may paraan. "
Huminga ako ng malalim at nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi naman ako ipokrita para sabihin kong hindi ko sya gustong makasama. Sa loob ng ilang taon na hindi kami nagkita ay naiisip ko palagi kung ano na ang nangyayari sa kanya. Na sa tuwing tinitingnan ko ang anak namin ay hindi ko maiwasan na asamin na sana maging buo kaming pamilya. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon nya, paano mangyayari yung kagustuhan niya na makasama kami gayong nasa iisang sirkulasyon lang ang ginagalawan namin nila Monique? Paano si lola Marta? Paano kung—?
" I know what you're thinking! "
" Huh? " nagulat ako sa biglaang bulalas nya.
" Gusto mo rin akong makasama. Ngunit iniisip mo kung paano magiging posible yung kagustuhan ko na makasama kayo gayong nasa paligid lang natin yung mag-lola, right?" tama sya ng hinuha.Am I thinking out loud?
" Yeah right. Yun nga ang pinag-aalala ko bukod dun sa kung paano ko sasabihin kay Guilly na ikaw ang tatay nya. " sagot ko. Bigla syang nalungkot nung banggitin ko si Guilly.
"Mas higit akong natatakot dun sa posibilidad na hindi ako matanggap ni Guilly."
" Mabait na bata si Guilly. Nag-aalala lang ako kung paano ko sasabihin sa kanya na ikaw ang tatay nya na hindi sya maguguluhan. Unang encounter nyo pa lang kasi nasaktan na yung damdamin nya na umabot dun sa pagka-disgusto nya sayo. Isa pa alam nya na ikaw ang tatay ni Travis. Paano kung mabanggit nya kay Travis na ikaw din ang tatay nya? Hindi ka ba mag-aalala na baka malaman ni Monique na anak mo si Guilly? " hindi sya nakakibo sa sinabi ko. Tila siya naman ngayon ang nahulog sa malalim na pag-iisip.
" Gagawa ako ng paraan. But this time, promise me that you will never leave me again. That we're in this together. Please baby, promise me, you'll stay. " nagsusumamong turan nya.
Inabot ko ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit.
" Okay beb, kalimutan na natin yung nakaraan. Let bygones be bygones. Pag-isipan natin kung ano ang maaaring maging solusyon sa problema natin—ng magkasama. " ngumiti sya ng marinig ang sinabi ko tapos itinaas ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya at dinala sa labi nya upang paulit-ulit na hagkan.
Napapangiti lang ako habang tinitingnan ko sya. Parang yung mabigat na nakadagan sa dibdib ko ay biglaang naglaho. Iba talaga yung nagkakausap kayo para nagkakaliwanagan at nagkakapatawaran.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng lisanin namin ang tahimik na lugar na yon. Wala pa kaming konkretong solusyon pero nangako kami sa isa't isa na magkasama kaming gagawa ng paraan. Wala ng aalis at wala ng maiiwan.
Sa bayan na ako nagpababa sa kanya upang doon na lang sumakay ng tricycle pauwi sa bahay. Mahirap na kasi na may makakita sa amin na magkasama. Pinauna nya ako ng ilang minuto at ng mag text ako na nasa bahay na ay saka lang sya umuwi.
Pagdating sa bahay ay agad kong ibinalita sa pamilya ko ang napag-usapan namin ni Onemig. Natutuwa sila na magkasundo na kami pero sa kabila nun, nalulungkot din sila sa sitwasyon namin.
" Sweetie ang sa akin ay payo lang, pero kung susubukan nyo baka sakaling makatulong." turan ni lolo Franz.
" Ano po iyon lolo?" I asked curiously.
" Bakit hindi nyo gawin yung ginawa ng mommy at daddy mo noon ng magka-problema din sila na katulad nyang sa inyo? It seems like history repeat itself. " napatingin silang lahat kay lolo. Tila ginugunita ang mga pangyayari noon na pinagdaanan ng mga magulang ko.
Naaalala ko na inuwi kami ni daddy noon sa bahay namin sa Quezon Ave. ng hindi nalalaman ni tita Marga. Sinabi ni daddy na inilipat sya ng boss nya sa planta at sa bahay na provided ng company sya umuuwi. Ngunit ang totoo, palihim syang umuuwi sa amin ni mommy.
" Lolo ang gusto nga po ni Onemig ay iuwi kami sa bahay namin sa Tagaytay. Paano naman po yung trabaho namin dito?"
" Maraming paraan apo. Hindi ba nagawa nyo na yan noong bago kayo maghiwalay? Tumira kayo sa Tagaytay ng lingid sa kaalaman ng mga tagarito. Ano ang kaibahan ngayon? Pumayag ka na sa gusto nya. Ayusin nyo lang ang schedule ninyo. Mabuti nga yung ganitong alam namin para may back up kayo. " mungkahi ni lolo Franz.
" Tama ang lolo mo sweetie. Kayo ni Onemig ang legal na mag-asawa kaya may karapatan kayong magsama. Kung inaalala nya si lola Marta, nandyan naman sila pareng Migs para suportahan ang plano nyo. I'm sure may maiisip din silang paraan para sa inyo. Nandito lang kami anak. Naniniwala ako na magtatagumpay ang gagawin nyo kung tulong-tulong tayo. " sabi naman ni daddy bilang pag-sang-ayon sa mungkahi ni lolo.
Kinabukasan nagkita-kita na naman kami sa simbahan. Nagka-kwentuhan saglit ang mga oldies sa may parking lot ng simbahan. Samantalang si Travis at Guilly ay nagkayayaang bumili ng toys kasama ang kanilang mga yaya at si Tin.
Hindi ko pinansin si Onemig dahil kasama nya si Monique at naroon din si lola Marta na nakasakay sa wheelchair habang inaalalayan ng private nurse. Palihim naman akong nagpadala sa kanya ng text message na magkita kaming muli dun sa lugar na pinagdalhan nya sa akin kahapon.
Napansin kong kinuha nya ang cellphone nya sa kanyang bulsa at binasa ang mensahe. Isang lihim na sulyap lang ang iginawad nya sa akin tapos nagtuloy na sa kanyang sasakyan kasunod si Monique at lola Marta.
________
" Kanina ka pa?" tanong ko kaagad kay Onemig pagkarating ko pa lang sa tagpuan namin. Sumakay lang kasi ako ng tricycle at nagpababa sa may bungad. Naglakad lang ako papasok sa looban para walang makakita kung sino ang kakatagpuin ko.
" Hindi naman, halos kararating ko lang din. Ano pag-uusapan natin?" tanong nya habang inaalalayan ako papasok sa kotse nya.
" Nasabi ko na sa pamilya ko yung napag-usapan natin kahapon."
" And?"
" Bakit hindi daw natin subukan yung ginawa nila mommy at daddy noon? Kung paano silang nagsama ng lingid kay tita Marga. Susuportahan daw nila tayo dahil karapatan nating magsama bilang tayo ang legal na mag-asawa. " turan ko habang mataman syang nakatingin sa akin.
" See, I told you. Nagawa na natin yan noon di ba? " tanong nya.
" Oo nga. Pero Onemig nag-aalala pa rin ako para sayo. " wika ko sa tono na puno ng pag-aalala.
" Stop worrying. We can do this together. "
" Okay. "
" Kakausapin ko si mommy at daddy tungkol dito sweetie. Alam kong gaya nila tito Nhel ay susuporta rin sila sa atin. "
" Oo lahat sila tutulong sa atin kaya sana maging maayos ang lahat. "
" Magiging maayos ang lahat sweetie magtiwala ka lang. " I heaved a sigh then nodded. Siya naman ay nakatitig lang sa akin. Medyo nailang naman ako.
" What? May dumi ba ako sa mukha? " natatawang tanong ko.
" Wala naman. Na-miss kita sweetie. Na-miss ko yung ganito, yung magkasama tayo. Ikaw ba hindi mo na-miss ito?" medyo nag-init ang mukha ko sa tanong nya. Grabe, kung kailan kami tumanda saka pa ako kinilig.
" Huy wag ka nga!" saway ko sa kanya. Naiilang kasi ako sa paraan ng pagtitig nya. Mayroon ding multo ng ngiti sa labi.
" Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah. Bakit namumula ka dyan? Siguro na-miss mo rin ako noh? " pang-aasar pa nya.
" Oo na. Na-miss din kita." sambit ko.
" Sabi ko na nga ba eh. I love you baby." masayang sambit nya.
" Thank you! "
" Anong thank you? " naasar na tanong nya. Turn ko naman na asarin sya.
" Hahaha.. ano ba beb? Ang daya wala namang ganyanan! " panay kasi ang kiliti nya sa akin.
" Sabihin mo muna yung gusto kong marinig kundi hindi kita titigilan."
" Oo na. Heto na. " sabi ko tapos hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi. " Juan Miguel Arceo, I love you very, very much. Kung hindi rin lang ikaw, wag na lang." then I kiss him fully on the lips.