webnovel

I'm in love with a Pop Star

Beck is just an ordinary girl. She was kept sheltered by her parents since an only girl. Ever since she was little she dreamed of weird and scary things, people, but what does all this tell her. One night a voice asked her, Who is Christ? Sino si Kristo? Will she be able to answer the QUESTION? Now that she became a big time businesswoman, will she be able to hide her feelings for Liz. And would she be able to face her destiny with a powerful secret group who have been wanting her to join ??? Vic hates Liz but what if tables turned and Liz happens to adore her? Being the CEO and holding power was what she alwasy wanted but what if she needs to rule over the world and need to do it soon? Superhumans are only seen in the movies or you tube vids, what if you yourself is one? What would you do?

Vicky_Manalo_5384 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

I'm inlove with a Popstar (Tagalog version)

THE

WORLD

BEYOND

BY MVMANALO

PERKS COPYRIGHT

COVER PHOTO BY DANIELLE

*****************************************************************************************

What do you think of having a garden in front of your porch? I love sunflowers, roses and orchids but not much of daffodils, gumamelas and bongavillas. Ayyy!, anu bay an? Punyeta ka, di ka ksi tumitingin sa dinadaanan mo!, Hoy, ikaw, oo ikaw!, sigaw sa akin ng isang ale na nabangga ko dangan kasi'y masyado ako'ng naaliw sa mga magagandang bulaklak na animo'ng nakaparada sa Dangwa. Sorry po, manang!, sabi ko humihinin mg pasensiya at napatingin na parang sasabunutan ako ng ale. Anu'ng manang ka diyan, miss pa po ako no!, hay naku, mahuhuli ako

sa trabaho ng dahil sa'yo, galit na sabi ng ale na dali-dali'ns sumakay sa jeepney at may pahabol pang matalim na titig na para bang napatay na niya ako kung di lang ako umilag. Haha!, joke lang!, Marami talaga dito'ng mainit ang ulo sa Manila, kapag namali ka lang ng galaw o kaya tatanga tanga ka, gud lak!, sampal or sabunot ang mapapala mo. Well, 'di pa naman ako nasabunutan pero sa pagtitinda ng bulaklak dito ng sampung taon, sa palagay ko marami ang makaka relat sa akin.

Ngayon ay taong 2030. Buti nga may Dangwa pa kasi dapat ay tatanggalin na itodahil marami na ang nagsitayong mall, shops at mga condominium ditto. Pero, marami kasi ang nakiusap na mahalaga ang lugar na ito sa mga tao lalo na ang Divisoria. Grabe!, kung dati ay di mahulugang karayom ang tao ditto, nang dumating ang pandemaya'ng Covid, unti-unting humina ang mga tindahan at stalls na nagtitinda at kahit ang malls ay nawalan ng customers. Nakakalungkot lang talaga pero, anu'ng magagawa natin, iyon talaga ang resulta ng global warming at climate change. Nga pala, ako si Trudy Sangalang, 18 years old at naktapos ng abogasya sa Universiry fo the Philippines.

At alam ko na kung bakit kayo andito, ay para marinig ang aking kuwento tungkol sa bayan ko at mundo. Oo, may ari ng flower shop ang aking itay na si Mang Terio at Aling Pasing. Nagpaalam ako kay Amang na ako muna ang magbabantay ng shop dahil masama daw ang kaniyang pakiramdam. Si Inang naman ay nag luluto sa isang Cafeteria na ngayon ay restaurant na. Tubong Bulacan ang aking ama at taga Bacolod naman ang aking ina. Kaya minsan sa madalas nasa Paombong kami kapag weekends at kung bakasyon sa eskwela.

Okay, pano nga ba ako napunta sa pagiging abogado at ngayon flower shop keeper na. Eh, kasi, hinihinatay ko pa ang bar examination result na magme-message daw sa aking cellphone tungkol sa resulta. Kung hindi nama daw ay sa email malalaman kung pasado o hindi. So, habang naghihintay ako, di gamitin ko muna ang aking oras sa pagtulong kina amang at inang, naaawa na rin kai ako sa kinila. Ang buhay sa Pilipinas a hindi madali, kahit ngayo'ng taong 2030, marami pa ring mahihirap ang buhay. At kamakailan nga lang tumulong ako sa isang kapit bahay na nagkaroon ng isyu na drunk driving. Tinawagan ako ni Mang Tano na sa gilid ng bahay lang namin nakatira. Totoo nama'ng lasing siya ng araw na yion pero giniit niya na hindi raw siya ang nakasagasa sa isang fishball vendor na malapit sa lang sa may barangay nakapuwesto.

Nahuli siya at humihingi ng danyos ang mama na animo'y nasagasaan daw niya. So, pinuntahan ko at naisip ko na isa rin itong magandang experience sa akin para mka-pagparactice ng aking totoong propesiyon, ang pagiging abogado. Civil rights lawyer ako kung makakapasa sa bar exams. Okay, so, ayun, nga, pinaliwanag ko sa barangay na hindi puwedeng kasuhan ang isang tao hangga't hindi ma-prove na guilty siya sa kasalanang ginawa. Tinanong ko si Maning magfi-fishball kung anu ba talaga ang nangyari, oo nga at nasagi siya ni Mang Tano ng kaunti at nahagip pero dahil sa nakikigitgit siya na dumaan sa kalsada kahit alam naman niyang masikip ang daraanan.

Bumusina si Mang Tano pero hindi narinig ni Manong na naging dahilan na masagi ang kaniyang paninda at nagasgasan siya. Eh, mahina na pala ang pandinig ng fishball vendor, so, nakaligtas sa pagkakakulong si Mang Tano. Nangako siya na babayaran ang mga paninda ng matanda at humingi ng paumanhin. Binigyan naman niya ako ng isang libo at bumulong ng pasasalamat. Si Kapitana Imee ay lubos na natuwa sa nangyari, at least daw walang makukulong ngayon sa knilang maliit na selda sa barangay. Tumawa ako ng todo kasi simple lang naman ang naging isyu at wala naman talagang seryosong kaso sa dalawa. Plus, walang problema na hindi madaan sa pag-uusap at pakiusap. Salamat Trudy ha, sana matupad na ang pangarap mo na maging abogado para matulungan mo kami ditto sa barangay at malay mo sa munisipyo ng Maynila pa, pagbibida ni Kapitana Imee. Hay kapitana, medyo malayu-layo pa iyon. Kasi makapasa man ako siyempre kailangan ko mag-aaply sa mga law firms sa Maynila o kung saan merong opening na trabaho para sa akin, ang pahabol ko habang palabas sa barangay hall.

Naku, huwag ka mag-alala, makakapasa ka, sigurado ako diyan. At maniwal ka sa hindi marami kang matutulungan na tao lalu na ang mga mahihirap ditto at kung saan ka man mapadpad, ang siguradong sagot ni Kapitana. Haha!, magdilang anghel po sana kayo, sige po at walang tatao sa shop, ang sabi ko at dali-daling timakbo sa shop. Umaambon na noon at nangmalapit na ako sa shop atsaka naman bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Hindi ko napansin na may babae pala na nakasilong sa gilid. Dahil ang bubong ng shop ay nakasagad sa at nakadikit sa mall. Parang aakalain mong parte ang shop ng mismong malaking mall na bagong gawa pa lamang noon.

Hi!, sabi ng babae. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kasi may payong na nakaharang, di ba nga umuulan. Makikisilong lang ako, kung okay lang?, dagdag pa niya at isinara ang payong niyang hawak. Tumalikod ako at inayos ang mga bulaklak na nasa harapan ng shop. Mga apat na ledges ang nasa harap at ang marami ay nasa loob ng mismong tindahan. HUmarap ako uli sa kaniya at ngayon nakita ko ang mukha at buhok ng babae. Ah!, okay lang, si…sige!, gusto mo pumasok muna, may upuan sa loob baka mabasa ka diyan?, ang pilit ko na sbi, at hindi ko maubos maisip na makakkita ng isang bababe na ubod ng ganda, parang artista. Sinara ko ang aking bibig kasi nakakahiya, para akong tanga na nakatunganga sa kniya. Kahit ako ay 18 na, marami na rin naman akong naririnig o napapnuod tungkol sa fashion, artista at mga sikat na tao sa Instagram at marami pang iba.