webnovel

Horror Tale

Horror
En Curso · 37.8K Visitas
  • 10 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Naniniwala ba kayo sa multo? Aswang? Elemento? Ingkanto? Espirito? Eh, sa mga kaluluwa?? Kasi ako ... OO! Horror Tale allrightsreserved®2017 Copyright©hatethatgurl

Chapter 1ANG IYAK

HTG's|Note : Horror Tale talaga ang title nito . HAHAHA ! Here's the chapter one enjoy reading *wink*

----------------

ANG IYAK

Nasa elementary ako noon ng maranasan ko ito. Kasalukuyan kaming nag kaklasi nun nasa ika-anim na baitang na ako. Tahimik lang ang buong klasi maliban sa guro naming nag sasalita sa harap.

"Grace, samahan mo naman ako sa cr oh!" tawag ko sa katabi ko.

"Claire naman!! Nakita mong nakikinig ako dito eh!! " reklamo niya.

" saglit lang naman. Naiihi na talaga ako eh! " pilit kong sabi sa kanya.

Hindi ko na talaga mapigilan punong-puno na ang pantog ko. Any minute lang babagsak na siya.

" Claire, hindi naman malayo ang cr. Ang lapit lang oh! " turo niya sa kaliwang side ko.

May sinabi ba akong malayo? Nag papasama lang naman ako ha? Tamo tong babaing to -_-

" alam ko. Nag papasama lang naman ako sayo. Takot kasi ako sa madilim no! " totoo naman kasi! Ang dilim sa cr may kaliitan pa. Kaya ayokong mag cr dyan.

" sos! Naduduwag ka lang yata, eh!! " asar niya sa akin.

Napa roll eyes na lang ako sa kanya. Tumayo na ako at nag paalam kay maam na mag ccr lang. Pumayag naman siya. Pag pasok ko pa lang sa loob ng cr bumungad sa akin ang kadiliman.

Oo! Sobrang dilim at tanging timba at tabo lang yung nasa loob. Nag simula na akong maihi pinaandar ko yong gripo para naman mag kaingay.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagiihi ng may narinig akong iyak. pinatay ko yong gripo at pinakinggang maigi. Nang nakomperma kong iyak nga ng isang babae dali-dali akong tumayo.

Lalabas sana ako para tingnan sa kabilang room yung babae. Doon kasi nanggagaling yong iyak niya. Sa pagkakaalam ko walang klasi ngayon sa kabilang room. Dahil may sakit daw yong guro nila. How come may tao sa loob kung wala namang pasok? Baka janitress? pero, wala naman kaming janitress ah? Nagataka man ay binawaliwala ko nalang iyon nang may mapansin akong butas malapit sa faucet.

Dahil sa kuryosidad lumapit ako doon at inilapat ko ang isa kong mata. Inilibot ko ang aking paningin. Kung hindi ako nag kakamali cr din ito.

Mas lalong lumakas ang iyak ni babae. Ilang minuto din akong nakatingin sa loob hindi ko talaga siya makita. Hangang napako ang mata ko sa toilet bowl. Nag taka naman ako dahil may babaeng nakatalikod at may mahabang buhok. Naka uniforme siya ng kagaya ko.

Marahil siya yong umiiyak kanina. Pero, wala naman siya doon ah? Napailing nalang ako at pinagmasdan siya. Ang putla niya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Natatakpan kasi ito ng makapal at mahaba niyang buhok. Nagulantang naman ako ng pumasok si Grace sa loob. Nakalimutan kong mag lock.

" Hoy! Anyari sayo? Lunch break na oh! hindi ka parin lumalabas dyan. Akala ko ba takot ka sa dilim? " wika niya.

Napakibit balikat na lamang ako at lumabas na kami. Nasa canteen kami ngayon kumakain ng tanghalian. Kasama ko tong babaing to kung maka lamon wagas.

" nga pala Claire, sabi ni maam kanina mag eextend daw yong oras natin. Kasi, may mahalaga daw na ituturo si maam sa atin. " usap niya habang kagat-kagat yong fried chicken.

" Whaaat? ibig sabihin matagal tayong makakauwi? " sigaw ko.

Tumango lang siya at nilantakan yong pagkain niya. Nako naman! si maam talaga ang hilig mag extend. Ilang sandali pa tapos na kaming kumain tamang-tama kakabell lang.

3;30 na nag simula ang klasi wala kasi yung isang guro namin sa E.P.P. kaya nag hintay pa kami ng ilang oras. 5;05 na ng hapon kararating lang ng adviser namin at pumwesto na sa harap.

Supposedly uwian na namin ngayon at dapat nasa bahay na ako. Lagot ako nito kay mama hindi pa naman ako nakapag paalam.

" Hoy! Claire samahan mo naman ako. " kulabit sa akin ni Grace. " naiihi na kasi ako. I need to pee. " nakataas lang ang kilay ko sa kanya.

Kapal talaga ng mukha ng isang to oh! Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa napapayag niya ako. Nag paalam kami kay maam pumayag naman ito. Patakbo akong hinila ni Grace sa loob ng cr.

Nag paiwan ako sa labas baka kasi hindi kami mag kasya. Like hello? Nasisikipan nga ako kapag ako lang mag-isa dyan eh!

" pumasok ka kaya. "

" baliw!! Ang sikip kaya dyan hindi nga tayo mag kakasya eh! "

" ano ka ba! Kasya yan tiwala lang. "

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob. Ayaw ko na kasing makipag talo pa sa kanya baka madistorbo lang si maam sa pagtuturo. Tahimik lang kaming dalawa tanging naririnig ko lang yong ihi niya. Hanggang sa narinig ko na naman yong umiiyak kanina.

" Grace! Narinig mo yon? " tawag ko sa kanya na ngayon ay nag aayos ng palda niya.

" ang alin? " tumahimik kami sandali at nakiramdam.

" huhuhuhuhu ... " Mahinang iyak ng babae. Nagka tinginan kami ni Grace sa isa't-isa. Parehong napako ang aming mga mata sa butas dahil doon nanggagaling yong iyak na umalingawngaw sa buong cr.

Naatingin lang kaming pareho sa butas. Nagdadalawang-isip ako kung sisilipin ko pa ba. Hahakbang na sana ako papunta sa butas nang bigla naman akong hilahin ni grace palabas ng cr.

Rinig na rinig ko ang iyak ni Grace at nanginginig sa takot. Pagka labas namin ay pinaulanan kami ng mga katanungan. Pero parehong tikom ang aming mga bibig ni Grace sa pangyayari dahil pinangunahan kami ng takot. Natuyuan ako ng laway at nahihirapang huminga. Napailing lang si maam at sinabing.

" nandyan parin pala siya. " nagugulahan man ako sa sinabi niya napag pasyahan ni maam Cruz na pauwiin na kami.

---

A|N : may nag mumultong babae sa grade six room . Which is yong katabi ng room namin . Nag pakamatay daw ito dahil hindi nakapasa sa exam . Yon ang sabi sa akin noon ng guro ko . I don't know the truth about it. Kaya simula noon hindi na ako nag cr doon . Creepy !

---

También te puede interesar

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
gustó
Últimos
Ebiang_03
Ebiang_03Lv2

APOYOS