webnovel

Tenacious Snow Plum Blossom (2)

Traductor: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pakiramdam din ng pusang itim… ay kailangan talaga nito kalmahin ang sarili.

Matapos ang kakaiba at asiwa na katahimikan na bumalot sa buong silid, si Poppy na nakaupo sa sahig ay hindi mapigilan na tumawa ng mahina. Binaluktot niya ang isang binti at ipinatong doon ang kabilang tuhod, at malamlam na minasdan ang dalawang tao na tagadala ng Ring Spirit na mukhang nabigla sa Tenacious Snow Plum Blossom.

"Kung maaari lamang ay huwag na ninyo siyang pansinin. Ang katauhan ni Tenacious Snow ay talagang ganito." Pakiramdam ni Poppy kung hindi niya susubukan na ipaliwanag ang kasalukuyang kaganapan, ay maaaring "ayusin" siya ni Jun Wu Xie matapos ito.

"Maupo ka muna bago tayo mag-usap." Tumikhim si Jun Wu Xie. Lumbay na naglakad ang Spirit Jade Palace Lord, hawak pa rin niya ang kaniyang sentido.

Kinarga ng Tenacious Snow Plum Blossom si Little Lotus at tumayo sa isang tabi. Mukhang napakasaya ni Little Lotus, kabaliktaran nang makita niya si Poppy. Labis na nagpadala ang Tenacious Snow Plum Blossom kay Little Lotus, lubos na masunurin sa bata, ngunit naisip din ni Jun Wu Xie na may nakikita siyang kaunting bakas ng kawalang-kaya at… hinanakit sa mata nito?

"Katulad din namin si Tenacious Snow, lahat kami ay nagmula sa Spirit World, at noon pa man ay ganito na siya. Ang nakita niyo kanina lamang ay ang kaniyang core personality at ang anyo na nakikita niyo ngayon ay ang pagkukunwari na ginagawa niya tuwing kaharap si Little Lotus." Saad ni Poppy na bahagyang tumawa.

Ipinanganak si Tenacious Snow Plum Blossom na may dalawang katauhan. Si Little Lotus ay mahiyain, si Drunk Lotus ay sumpungin. At ang Tenacious Snow Plum Blossom ay hindi mapigilan na mahumaling sa kapalaluan ng Drunk Lotus, hangad na laging mapalapit dito ngunit palaging binabalewala ng Drunk Lotus, na laging nauuwi sa pagnais ng Drunk Lotus na kalabanin ito hanggang sa huli o hindi niya patatahimik ang bagay na iyon.

Ngunit sa kabila ng malupit na bugbog, ang araw-araw na pag-aaway ay walang malulutas na kahit ano para sa kanila. Kaya naman, kapag hindi ito lasing, si Drunk Lotus ay nagiging si Little Lotus, naging isang tao na kung saan ang kamusmusan na katauhan ng Tenacious Snow Plum Blossom ay walang magawa upang labanan iyon, hindi alam kung paano pakitunguhan ang isang musmos na bata. Ngunit, dahil sa nais pa rin nitong manatiling malapit sa Drunk Lotus, ay ginampanan nito ang papel bilang isang taga-pangalaga kapag may umaapi kay Little Lotus, pinoprotektahan si Little Lotus mula sa ulan at hangin, hangad na makita ni Drunk Lotus ang mabuti sa kaniya.

Subalit…

Ngunit si Drunk Lotus ay patuloy na nasuklam sa kaniya. Ngunit si Little Lotus, ang punching bag ng lahat, ang nagtatak ng imahe ng Tenacious Snow Plum Blossom bilang isang mabuting taga-pangalaga sa kaniyang puso, kaya walang magawa ang Tenacious Snow Plum Blossom kundi ang ipagpatuloy ang pagkukunwari bilang isang taga-pangalaga sa tuwing magpapakita si Little Lotus.

Ang Lord ng Spirit Jade Palace ay nakayuko lamang, walang isang salita na lumalabas sa bibig, tila nakatanggap siya ng isang matinding suntok. Matapos manatiling tahimik ng mahabang oras, itinaas nito ang kaniyang ulo at minasdan ang matayog na Tencious Snow na tuluyang nilupig ng munting Little Lotus.

"At dahil sa ikaw ay maaaring maging ganito, bakit mo ako dinala sa lahat ng iyon noon?"

Sumagot ang Tenacious Snow Plum Blossom na may seryosong ekspresyon: "Kapag wala sa paligid ang munting nilalang, hindi ko kailangan na itago ang tunay kong sarili."

Ang Spirit Jade Palace Lord ay mahabang… mahabang napabuntong-hininga.

Nang makita ni Jun Wu Xie ang Palace Lord sa ganoong estado ay nakaramdam siya ng awa dito. Ngunit ang Spirit Jade Palace Lord ay binalot ng matinding emosyon ang kaniyang puso at hindi niya gaanong batid iyon.

Matapos dumaan sa kaniyang lalamunan ang tubig ay natigilan ang buong katawan niya.

Tinitigan niyang mabuti ang baso na hawak sa kaniyang kamay at lumingon kay Jun Wu Xie na nakaupo sa isang tabi. Ang kamay na may hawak sa baso ay nagsimulang manginig at agad siyang napatayo, at mabilis na naglakad palabas sa silid ni Jun Wu Xie ng walang sinasabi.

Anong nangyari sa iyong Master? Uminom lang naman siya ng tubig at bigla ay tila nakakita ng multo." Masamang tanong ni Poppy. Lagi niyang iniisip na mayroong hindi tama sa Spirit Jade Palace Lord.

Ang Tenacious Snow Plum Blossom ay walang hiya nang magsalita, at kaniyang sinabi: "Nang iugnay ko sa akin ang kaniyang spirit, ang kaniyang utak ay mahina pa noon. Kaya madali siyang maapektuhan at naimpluwensyahan ng mga emosyon na aking nararamdaman. Madalas, kapag hindi ko makontrol ang aking emosyon at nararamdaman, ay gumawa siya ng kung anu-ano. Marahil ay alam mo na kung ano ang sinasabi ko."

Natigilan si Poppy at napangiti.

"Huwag mo sabihin… Hahahaha…"

Nahihiwagaan si Jun Wu Xie sa tawa ni Poppy, walang maintindihan na kahit ano. Matapos ang ilang sandali at sapat na ang pagtawa ni Poppy, ay ipinaliwanag niya kay Jun Wu Xie ang mga uri ng bagay na ginagawa ng Tenacious Snow Plum Blossom.

Siguiente capítulo