Lihim namang nasiyahan si Jun Wu Xie. Noong una pa lang ay alam na niyang may kailangan ang mga ito.
Sa kabila ng pagtanggi ni Mo Qian Yuan ay nagpatuloy si Qin Yu Yan: "Ang totoo niyan, ang pagpalit ng nanunungkulan sa Kingdom of Qi ay hindi namin inaasahan. Bago non, ang dating Emperor ay nakipagsundo sa aking ama. Ang dahilan sa pagpunta ni Yun Xian ay para bawiin ang isang bagay, ngunit hindi niya ito alam. Wala na ang dating Emperor, ngunit ang napagkasunduan ay dapat na manatili. Kaya naman, umaasa akong matutulungan mo kaming isakatuparan ang kasunduang iyon."
"Ano ang kasunduang iyon?" Naguluhan naman si Mo Qian Yuan. Wala siyang narinig na lihim na kasunduan sa Qing Yun Clan!
"Ang Soul Jade." Diretsong sagot ni Qin Yu Yan.
"Soul Jade?" Gulat na tanong ni Mo Qian Yuan.
"Oo. Ang Kingdom of Qi ay may dalawang piraso ng Soul Jade. Binigay iyon sa founder ng Kingdom of Qi. Dating buo ang Soul Jade, ngunit ito ay hinati sa dalawa nang mag-umpisa silang mamuno sa kaharian. Ang pinakaunang Emperor ay hinati iyon sa dalawa ang kalahati ay tinago nito, at ang kalahati naman ay iniregalo nito sa kaniyang katoto na nagmula sa ibang pamilya. Ito ay si General Jun Xian. Maaaring symbolic lang para sainyo ang Soul Jade, ngunit napakahalaga nito para sa Qing Yun Clan. Handa kaming ipagpalit ito sa maraming namumukod-tanging elixirs para dito at ang dating Emperor ay sumangayon naman doon. Ang sadya talaga ng aking pagbisita ay para pabalikin si Yun Xian at para na rin hingin ang katuparan ng Qi sa kasunduan. Nauna nang dalhin ni Yun Xian dito ang elixirs at pills. Ngayon naman ay hinihiling kong ibigay niyo ang dalawang piraso ng Soul Jade saamin." Nung una ay banayad ang pagsasalita ni Qin Yu Yan. Ngunit habang nagpapatuloy ito, ay lumalabas sa tono nito ang parang pag-uutos.
Natigilan si Mo Qian Yuan. Hindi niya inaasahan ang paghingi ng mga ito sa Soul Jade.
Ang Soul Jade ay matagal nang nasa Kingdom of Qi, bukod sa simbolo ito ng kingdom's founding glory and honour, maliit lang ang ibang pakinabang nito sa kanila. Kaya naman hindi malaking kawalan kung basta na lang nila itong ireregalo sa Qing Yun Clan.
Ang problema ay ang kalahati nito na iniregalo kay Jun Xian.
Sa kaniyang natatandaan, nang mamatay ang panganay na anak ni Jun Xian na ama ni Jun Wu Xie, ang kalahati ng Soul Jade ay inilibing kasama nito. Kung kukunin nila iyon, kailangan muna nilang hukayin si Jun Gu!
Nagbutil-butil naman ang pawis sa kaniyang noo. Alam niyang narinig ito ni Jun Wu Xie.
Hindi siya nangahas na sabihin sa Qing Yun Clan na ang kalahati ay inilibing ng Jun Family kasama ni Jun Gu. Alam niya ang kayang gawin ng Qing Yun Clan. Talagang agad na huhukayin ng mga ito ang libingan ni Jun Gu para lang makuha ang kalahati ng Soul Jade.
"Sige. Ibibigay ko ang dalawang piraso ng Soul Jade sainyo sa lalong madaling panahon." Masyadong mabilis ang pangyayari at ayaw ni Mo Qian Yuan ang magsalita pa tungkol doon. Sa ngayon ay pumayag muna siya.
Tumango naman si Qin Yu Yan, saglit na kinausap muna nito si Jiang Chen Qing bago ito sinamahan ni Mo Qian Yuan palabas para ang mga ito ay makapagpahinga.
Sa palasyo, sumusukong tinignan ni Bai Yun Xian si Mo Xuan Fei. Binalot siya ng matinding kalungkutan.
"Suko na?" Ang malamig na tinig ay pumaalinlang sa loob ng silid. Nagtayuan sng balahibo niya dahil sa pamilyar na boses na iyon.
Tinanggal ni Jun Wu Xie mga bagay na nagtatago sa kaniyang tunay na itsura at humakbang palapit. Nakabihis pa rin siyang parang isang eunuch. Ngunit ang mukha nito ay malinaw na malinaw kay Bai Yun Xian.
"A....A..." Nahihintakutang tumingin si Bai Yun Xian kay Jun Wu Xie.
"Sa ilalim ng kalangitan, walang makakatulong saiyo kundi ako. Kung alam mo na iyan ngayon, alam mo na rin ang dapat mong gawin." Malamig itong tinitigan ni Jun Wu Xie.