webnovel

Ang Sandaling Pagkalito (2)

Editor: LiberReverieGroup

Sumandok si Jun Wu Yao sa ibabaw ng tubig at ibinuhos ang malamig ng tubig sa katawan.

Ang malinaw na patak ng tubig ay tumilamsik sa kaniyang kayumangging balat, umagos sa

kurba ng kaniyang katawan ng dahan-dahan, binalangkas ang bantog na pangangatawan na

naglagay sa lahat ng lalaki sa kahihiyan.

Sa labas ng pintuan ng silid, si Ye Mei na nakasunod sa kaniyang Lord ay narinig ang tampisaw

ng tubig, at nanatili siya sa labas, at hindi naglakas-loob na istorbohin ang kaniyang Lord.

[Hindi madali… para kay Lord Jue…]

Nanatiling nakaupo sa loob ng silid si Jun Wu Xie ng ilang sandali. Ang pusang itim na nagtago

sa isang sulok sa wakas ay naglakad ng dahan-dahan palabas. Sa mga pangyayari kanina, ay

talagang hindi siya gumawa ng anumang ingay, dahil kung hindi ay buburahin siya ng Demon

Lord.

"Ehem… Erm… Mistress… Kung nais mo umiyak…" Saad ng pusang itim habang itinataas ang

munting kamay at tinapik-tapik ang munting balikat nito.

"Gawin mo kung iyong nais."

Nang masaksihan ang kaniyang Mistress na nilalamon, ang pusang itim ay natigagal na halos

lumipad ang kaniyang kaluluwa. Subalit, siya ay walang laban sa dakilang Demon Lord.

Ngayon na nakita niya ang blankong ekspresyon ni Jun Wu Xie, malabo ang naramdaman ng

pusang itim… na ang kaniyang Mistress ay nanlulumo ngayon.

[Ang dakilang Demon Lord na iyon ay sumobra na!]

Matagal-tagal din na tahimik si Jun Wu Xie bago siya lumingon sa pusang itim.

"Bakit ako iiyak?"

"Har?" Natigagal ang pusang itim. Ang reaksyon na iyon ay wala sa lugar!

[Ang Mistress niya ay sinamantala ng dakilang Demon Lord na iyon! Ayon sa karaniwang

lohika, hindi ba't dapat ay umiiyak na siya ngayon?]

"Hindi… sa hindi ko nagustuhan iyon…" Bulong ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa baba.

Bagama't ang utak niya ay nablanko kanina, ngunit hindi siya nasuklam sa haplos ni Jun Wu

Yao. Dahil kung hindi, ay hindi niya papayagan ito na magpatuloy.

"HAR???!!!" Ang pusang itim ay natigagal na halos lumuwa ang mata nito sa pagkakatitig.

[Naiintindihan ba ng Mistress kung ano ang pinagsasabi niya?]

"Tila iba ang pakiramdam na iyon." Saad ni Jun Wu Xie habang bahagyang sinasalat ang

namamagang labi. Lahat ng mga nangyari kanina, ay nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na si

Jun Wu Yao ay naiiba sa ibang tao.

[Hindi tulad ni Jun Qing at Jun Xian, o ni Qiao Chu, Brother Hua at ng iba pa.]

[Ngunit… anong uri ng pakiramdam iyon?]

Hindi siya sigurado, at hindi niya maintindihan.

Ang tanging alam niya ay hindi sa hindi niya gusto si Jun Wu Yao na lumapit ng ganoon kalapit

s akaniya, at hindi siya nasusuklam na mapalapit dito, na umabot pa pagkatapos ng banayad

na halik, ang puso niya ay napuno ng tamis na hindi pa niya nararanasan noon… nabahiran ng

bakas ng pagkalito. Isa iyong tusong emosyon na hindi niya mahawakan at lubusang

maintindihan, tila nais niyang mas mapalapit, ngunit sa parehong pagkakataon ay

naguguluhan, nalilito na hindi niya magawang magdesisyon kung ano ang pakiramdam na

iyon.

Ang tanging bagay na alam niya, ay iba ang nararamdaman niya para kay Jun Wu Yao at sa iba

ng miyembro ng kaniyang pamilya.

Tutal kung titignan ang mga katotohanan, ay walang anumang pampamilyang ugnayan sa

pagitan niya at ni Jun Wu Yao, ang pagtawag niya dito, ay nataon lamang sa pagkakakilanlan

na ibinagay ni Jun Wu Yao sa kaniyang sarili noon. Kahit gaano pa kawalang-alam si Jun Wu Xie

sa mga bagay na tulad nito, ay alam niyang siya at si Jun Wu Yao ay hidni tunay na

magkapatid.

[Hindi magkapatid…]

[Kung gayon ano sila?]

Ang palaging matalino na si Jun Wu Xie kapag nahaharap sa ganitong problema, ay nagiging

hindi sapat ang kaalaman doon.

Lagi niyang nagagawa na matiyak ang kapakinabangan at pinsala ng hindi mabilang na mga

sitwasyon na kanilang kinaharap, agad nasusuri ang masamang plano ng kalaban, gumawa ng

tusong estratehiya at gamitin ng maayos ang kaniyang mga piraso… Ngunit… laban sa kakaiba

at hindi pamilyar na emosyon at pakiramdam, siya ay walang nalalaman.

Napanganga ang bibig ng pusang itim, nakatitig ang mga mata kay Jun Wu Xie na ibang-iba

ang sulyap sa kaniyang inaasahan, at isang masamang pakiramdam ang biglang sumibol sa

kaniyang puso.

[Mahabaging langit!]

[Maaaring ang Mistress… ay umiibig na sa dakilang Demon Lord!!?]

[HINDIIIIIII!!!]