webnovel

One Shot

I am standing in front of my locker, holding the 4th card letter with the same style that I received three days ago. I called this a mystery letter. It has a sweet scent. The color was just simple. It is a light blue card with black ink that was written in it.

'Hi. Don't be sad. Everything will be alright. Moms always understand their son. :)

4th: lus'

There's no any style in it which I like. The sender maybe knows who am I since she knew that I like color light blue and I like simple. I know the sender is a girl because I don't think a guy would gave me letter. It's weird.

"Hoy! Napa'no ka?"

Nilingon ko si Tiffany na may hinahalungkat na kung ano sa locker niya. She's my best friend since highschool. Same course kami at magkaklase na rin.

I pass the letter to her. "It's the forth letter and it's creepy."

"Oh? That admirer of yours?" sabi niya habang binasa ang nakasulat. Tsaka binalik ulit sa akin.

"She's not my admirer!"

"So who is she? Fairy God mother that sends you letter? You gotta be kidding me Jake," she shook her head.

I chuckle tsaka ginulo ang buhok niya. Kinuha ko pabalik ang letter at nilagay sa bag.

"Tara kain," sabi ko at inakbayan na siya. Hindi ko na muna iisipin 'yong letter, kakain muna ako.

Naglalakad kami sa hallway nang bigla siyang nagsalita, "patingin nga ng mga letters na na-receive mo."

Maraming tao na nakatambay sa hallway which is usual. May nagtatambay, may nagchichismisan at ang iba ay 'tulad lang din namin na naglalakad. Maybe one of these girls is stalking me.

"Why?"

"Wala, gusto ko lang basahin. Nakapagtataka kasi ang mga numbering sa ibaba ng letter at ng mga nakasulat dito."

Oo nga, I didn't even think of that numbers. Besides sa parang ginawang style lang iyon sa letter para magmukhang creepy ay hindi ko naman maintindihan ang mga iyon. It's one word that's not an English word or tagalog.

Kinuha ko sa bag ang mga ito at binigay kay Tiffany. Nilalagay ko kasi iyon sa bag, ewan ko nga kung bakit ko pa iyon tinago.

Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. Napatingin naman ako sa harapan at narating na namin ang cafeteria, hindi kasi ito malayo sa locker namin.

"Find a seat, I will order." Tumango naman siya sa 'kin nang hindi lumingon at nakatuon pa rin ang attention sa letters.

"Anong sa'yo?"

"Same meal," sabi niya. Tumango ako at pumila na. Inorder ko ang paborito niyang pagkain which is ang ham and egg sandwich and pancit canton at sa akin ay dalawang burger. Umorder na rin ako ng dalawang coke in can at bumalik na sa upuan.

"Oh? Ano na?"

"Babasahin ko muna ulit ang mga love letter mo okay? 'Cause there's something fishy in these letters," sabi niya at ngumisi habang ako naman napangiwi.

"Gross. That's not love letters."

She laugh, "Accept it. It's a love letter from your secret admirer." She chuckle while I sigh still looking at her, giving up her remarks about it. I can't win to her any way.

She took a sip of her coke before reading the letters.

"Jake. Notice me.

1st: ego"

This one was quite creepy. How can I notice her when in fact I didn't know who is she.

"Omg! Notice her Jake! Hahaha!"

Sinamaan ko ng tingin si Tiffany sa pang-aasar niya sa akin pero wala lang sa kanya ang tingin ko. Tsk!

"See? I told you, there's something about this number together with a weird word," komento na naman niya. She took a bite of her sandwich then read the 2nd letter.

"Jake, nahihiya akong kausapin ka sa nararamdaman ko. I love you.

2nd: voluntas"

"Omo! Bakit ako ang kinikilig dito ha Jake? So ide-deny mo pa bang love letter 'to?"

Hindi ko na lang siya sinagot at hinayaang mag-side comment sa mga binabasa niya. Yes, I did told her about the letter but I didn't tell her what's written in it. Alam ko kasing mag-overreacting siya. Tulad ngayon.

'Hindi ko alam pero patuloy pa rin akong nahuhulog sa iyo. Sana naman kapag malaman mo kung sino ako, tatanggapin mo 'ko.

3rd: sit'

Nag-eexpect akong marinig ang side comments niya pero napatingin ako sa mukha niya ng bigla siyang tumahimik.

"Oh? Natahimik ka?" pang-aasar ko sa kanya.

Nabigla ako nang bigla niya akong tiningnan diretso sa mata kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. She looked away.

"H-hindi ko alam pero nalulungkot ako sa message niya. Parang ang lungkot ng taong ito, takot siguro siyang mabusted mo," sabi niya.

Tiningnan ko ang letter at binasa ulit. Nararamdaman ko rin ang lungkot sa letter na ito. But I don't have choice since hindi naman siya nagpapakilala. Ngayon mas gusto kong makilala siya at sino ba talaga siya. Baka may chance pang magkagusto rin pala ako sa kanya.

Naubos ko na ang isang burger ko at si Tiffany ay kinagat ulit ang sandwich niya. Kinuha niya ang last na letter at binasa.

'Hi. Don't be sad. Everything will be alright. Moms always understand their son. :)

4th: lus'

"Ito ang pinaka-creepy," sabi ko at tiningnan siya. Wala siyang sinabi at tumatango-tango lang habang kinakagat ang sandwich. "Why did she know that I am not happy? Kaninang umaga kasi nagkatampuhan kami ni mama right? She knows about me and my mom's misunderstanding too."

"Hindi lang pala siya admirer, stalker din," ang pancit naman ang nilalantakan niya ngayon, "Feel kong kaninang umaga pa niya ito nilagay. Ano sa tingin mo?"

"'yon din ang masasabi ko," natahimik kaming dalawa kasi wala na kaming masabi. Nilalantakan na lang namin ang aming pagkain.

"Gusto mo bang hanapin natin ang admirer slash stalker mo?" Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magtanong. Tiningnan ko siya nang nagtataka. "If you just want it, suggestions right?"

Tumawa naman ako sa kanya, "Nah! Hindi ako interesado. Yes, I wanted to know her pero kung gusto niya akong kausapin bakit hindi sa personal, right? Baka may chance pa'ng magustuhan ko rin siya."

Tumahimik naman siya ng sandali tsaka sumimangot, "KJ nito!"

...

Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa locker. Hindi ko alam kung bakit pero inaasahan kong may letter na naman akong makikita pagkabukas ko.

Nang nasa hallway na ako nito ay may nakita akong isang babae. Maputi ang balat, wavy ang buhok at maganda. Hindi rin mawawala ang pagka-sexy niya sa suot niyang fitted dress na color red. We don't wear uniforms here that's why we're wearing civilians. Except only kapag P.E.

Kumaway siya sa 'kin kaya nilapitan ko pa ito. Parang familiar siya sa'kin.

"Hi Jake!"

Nagulat pa akong ma-realize kong si Janice pala 'to, kaklase namin ni Tiffany noong highschool. Hindi ko nakilala kasi humaba na ang buhok niya at nagpa-bangs na. Besides naging mas attractive na siya ngayon, mas nag-matured siya at mas lalong gumanda. Ang crush ko noon.

"Janice? Ikaw pala 'yan?" awkward na pagkasabi ko. Tumango naman siya sa'kin tas nagulat pa ako nang niyakap ako ng mahigpit.

"Na-miss kita Jake," sabi niya at humiwalay sa yakap. Napakamot naman ako sa ulo.

"M-mas lalo kang gumanda ah," tumawa naman siya saglit, "dito ka pala nag-aaral?"

what kind of question was that Jake? Isn't it obvious that she's a student here? Tsk!

"Kakalipat ko lang dito last two weeks, hinahanap ko kasi kayo ni Tiffany eh ang laki ng university na 'to."

Speaking of Tiffany, may galit pala ang bestfriend ko kay Janice noon. Pero siguro okay na sila ngayon. Matagal na rin naman 'yon.

Naalala ko namang may kukunin pala akong... Hindi, titingnan ko lang pala kung may panibagong letter na naman ba. Tiningnan ko si Janice. "By the way, bakit ka pala nandito?" looking at my locker to let her know what I mean.

Umiwas naman siya ng tingin at parang hindi mapakali, "ah kasi palagi akong pumupunta rito every morning. I have an afternoon class kaya umaga lang ako dito. Tina-timing ko kasi kung kailan ko kayo makita. Simula highschool alam kong pariho kayo ng course na gusto kaya feel kong parihas din kayo ng schedule."

What did she say? Every morning? Naalala ko bigla ang sinabi ni Tiffany sa 'kin kahapon na siguro umaga iyon nilagay ng admirer ko ang letter. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka.

"Bakit?" hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon na parang walang dahilan.

"Inaantay kita rito. Baka sakaling makita ko kayo ni Tiffany. N-nakita ko kasi ang pangalan mo sa locker mo kaya rito ako nag-aantay. Hindi ko kasi alam ang schedule mo."

Hindi ko alam kung bakit parang may kulang sa sinabi niya. Bakit naman niya iyon gagawin eh pwede naman siyang mag-message sa FB ko.

"Bakit mo pala ako gustong makita?"

She glance at my locker then look at me, para siyang kinakabahan. "About the letter..." no way!

"Jake!" napalingon ako sa tumawag sa akin at si Tiffany lang pala. Lumapit siya sa 'kin tapos napatingin kay Janice.

"Ah-h sige una na 'ko, baka ma-late pa ako sa klase," sabi ni Janice at nagmamadaling umalis. Ha? Diba afternoon ang klase niya?

"J-janice!" tawag ko pero hindi na siya lumingon pa.

"Anong nangyari do'n?" tanong ni Tiffany tsaka binuksan ang locker niya.

"Ewan, umalis nang dumating ka," sabi ko at binuksan din ang locker ko.

"So anong ibig sabihin niyan? Takot siya sa'kin?" Tiningnan ko siya saglit na nakatingin na rin pala sa akin.

"Diguro hahaha! Aray!" hinimas ko ang aking noo ng pinitik niya iyon.

"Biro lang hahaha," tiningnan ko ulit ang locker at nadismaya ng wala akong makitang color light blue na card. Bakit ba ako nalungkot? Nag-expect kasi akong baka mayroon din ngayon.

"Milagro at hindi na nagpapadala ang admirer ko," sabi ko at sinara ang locker. Napatingin ako kay Tiffany ng sinara na rin niya ang locker niya at humarap sa akin at nag-cross arms.

"So ngayon inamin mo na talagang admirer mo iyon? Tsaka pumunta ka ba rito para lang tingnan kung may sulat?"

"Parang gano'n, curious ako sa susunod na sulat."

Nagtataka naman ako nang biglang ngumiti si Tiffany.

"Oh? What's with that smile?"

"Tell me, are you expecting something from that secret admirer of yours? Nahuhulog na ba loob mo?" Tumawa naman siya nang malakas na ewan ko kung bakit, "Nagbibinata ka na!"

"Stupid," iyon lang nasabi ko sa kakulitan niya. Ang saya niya no? Ang saya!

"Pero may clue ka na ba sa kanya?"

Speaking of!

"Sht! Muntik ko nang makalimutan, may sinabi si Janice sa 'kin about sa letter..." Tiningnan ko siya nang galit-galitan, nanglalaki naman ang kanyang mga maliliit na mata. "At nang dahil dumating ka hindi niya natapos ang sasabihin niya!"

Bumuntong hininga siya tsaka tinaas ang isa niyang kilay at nag-crossed arms. "Wow so ako pa ang may kasalanan ngayon?"

"Yes indeed!"

"aba aba aba che! Bahala ka diyan!" napatawa naman ako ng mag-walk out siya. Nang-isnob pa.

"Hoy! Sandali!" dali-dali kong ni-lock ang locker ko tsaka sinundan siya.

"Inaasar lang kita ano ka ba!" Inakbayan ko agad siya nang maabutan ko siya. 'Di naman niya 'yon pinansin. "Che!" Natawa na naman ako sa maikling galit niya.

"It's okay, kahit hindi niya nasabi ang lahat, alam ko na kung sino ang secret admirer ko."

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang napahinto. "Sino?" tanong niya.

"Si Janice." Hindi ko alam kung anong meron kay Janice ng binanggit ko iyon ay mas lalong nagkasalubong ang kilay niya. "Oh? Anong meron sa kanya at naging ganyan ang reaction?"

Umiwas siya ng tingin at nagbuntong hininga, "Bakit siya? Eh iniwan ka nga niya pagkatapos mong mag-confess sa kanya." Hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkakakunot ng noo niya. Gusto kong tumawa kasi ang cute niya tingnan.

Nagbuntong-hininga na lang ako. "Ano ka ba, it's already been a long time ago. Besides I already accepted it that she didn't attracted to me back then. Siguro na-realize na niyang gwapo pala ako at nagustuhan na niya ako. Nahihiya lang siyang mag-confess kasi diba binasted niya ako?" Natawa na naman ako nang napaubo siya sa sinabi ko. Alam kong mag-rereact na naman iyan.

"Tsk! Conceited bastard!" humagalpak na talaga ako ng tawa sa sinabi niya. Sabi ko eh.

Yes wala na talaga sa akin 'yon. It's not a big deal for me already, matagal na 'yon. Pero nang dahil noon hindi na siya gusto ni Tiffany.

"Tama naman ang sinabi ko hahaha tara kain tayo." Iniba ko na lang ang usapan baka mawala pa siya sa mood.

"Ayoko sa cafeteria."

"Saan pala?"

"Sa Mang-Inasal. Gusto kong kumain ng marami, pampaalis ng sama ng loob," sabi niya tsaka naunang maglakad. I chuckled. Tsk! She's this cute when mad.

"Sige tara," sabi ko nang mahabol ko siya. Inakbayan ko naman siya ulit which is I'm used to.

"Libre mo."

"Hahaha nice trick," pagkasabi ko no'n ay tumawa na rin siya, "Ginamit mo pa ang madness effect para malibre tsk!"

Ito ang gusto ko sa bestfriend ko'ng 'to. Madaling mainis pero madaling patawanin. Bilis maging okay. Tsk!

---

Nandito ako sa library, hinanap ang libro na kanina ko pa hinahanap and I am getting frustrated because I can't find it. Maybe that book was not here. I ask the librarian about the book but in my dismay, someone already have it.

I get my cellphone from the pocket of my pants and I chat Tiffany.

'Tiff, I didn't get the book. :('

She's the one who asked me about the book. She really wanted to read it. That book is all about the crime scene, entitled 'Jonathan Kellerman Crime Scene'. She really love mysteries and crime or all about deduction stories.

"Jake!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nabuhayan ako ng loob ng makita si Janice. Ngumiti siya sa akin at lumapit then I smiled at her too.

"Janice, nandito ka rin pala?"

"Yes, I need to study kasi malapit na ang midterm. Ikaw?"

"May hinahanap na libro."

Tumango naman siya sa sinabi ko. Inaya niya akong kumain ng snack sa cafeteria since pareho kami, same afternoon classes. Si Tiff naman ay pumuntang mall may bibilhin daw.

We just ordered burger and a coke and sat to the near vacant seat. I wanted to ask her about something but I hesitate. I am sure that she's the one who sends me letters but I don't know how to approach her first.

First, nakita ko siya sa locker room at tuwing umaga siya mag-aantay sa akin. May chance na tuwing umaga niya iyon ilalagay.

Second, may nabanggit siya kahapon about sa letter. No one knows about it except me and Tiffany. So pa'no niya nalaman ang about doon right? That are the things I am holding to. My curiosity about my admirer's information leads to desperation. And I have to know who she is no matter what.

"By the way, ano nga pala ang sinabi mo kahapon? Yung about sa letter?" It looks like hindi niya pinaghandaan ang tanong kasi nagulat pa siya.

"A-about doon? May letter akong... Ahm..." hindi siya makatingin sa akin ng diretso, causing my suspicion to arouse. Sht! 'di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng husto sa sasabihin niya.

"Nilagay?" Nagulat siya sa sinabi ko. Ako na ang tumapos, siguro nahihiya lang siyang umamin. Nagmukha man akong hambog pakinggan pero sabi ko nga, desperado na ako.

"Right? Tama ba Janice? Ikaw ang naglalagay ng mga letters na iyon sa locker ko habang naghihintay sa akin tuwing umaga?"

Hindi pa rin siya nagsasalita at mas lalo pang lumalaki ang kanyang mata.

Nakatuon lang ang aking attention sa kanya nang biglang may tiningnan siya sa likuran ko kaya napatingin na rin ako. Si Tiffany lang pala. Nagkatinginan kami saglit at parang sinasabi niya sa akin kung anong ginagawa ko ngayon. Hindi ko na nagawang pansinin siya at tumingin ulit kay Janice na ngayon ay nakatitig na rin sa akin.

"Y-yes. I'm s-sorry that I had to send you those." Napayuko na siya ngayon, siguro ay nahihiya na nalaman ko. See? My suspicion was right. Hindi ko alam pero mas lalong tumibok ang puso ko sa saya. Wala lang, masaya akong nakilala ko ang admirer ko.

Nilingon ko si Tiffany para sana sabihin na success na nalaman ko na ang sender ng mga mystery letters, pero mukhang hindi siya masaya at nag-walk out. I sighed. Siguro hindi niya pa rin tanggap ang ginawa ni Janice sa akin noon. Mahal talaga ako ng bestfriend ko no? Ako ang nasaktan tas siya ang galit. Tsk tsk tsk. Kakausapin ko na lang siya pag-uwi. Magkapit-bahay lang kasi kami.

Napag-usapan namin ni Janice ang tungkol sa letters, sabi niya nahihiya raw siyang mag-confess sa akin since binasted niya raw ako noon. Doon lang daw niya na realize na gusto rin pala niya ako noong ilang buwan na kaming hindi nagkikita at namimiss niya ako.

Tinanong ko naman siya kung anong ibig-sabihin ng mga salitang nasa ibaba, 'yung about sa numbering pero sabi niya hindi na lang daw niya iyon sasabihin kasi nakakahiya at hint lang naman iyon about sa kanya.

"Pero ipagpatuloy ko pa rin ang pagse-send ng letters kung sakali may gusto akong sabihin," sabi niya tas natawa na kami, "Okay sige, mag-eexpect talaga ako niyan," sagot ko.

---

Inihatid ko siya sa classroom niya at tsaka ako pumunta sa locker, may isang oras pa ako bago ang klase namin ni Tiff. Ahead kasi ng isang oras ang klase ni Janice sa 'min.

Nang buksan ko ang locker, I smiled suddenly when I saw a color light blue card letter. I opened it at mas lalong natawa sa nabasa ko.

'Hey? Nalaman kong may hinahanap kang libro. Sana mahanap mo.'

5th: exceptis

Dinadahilan ba niyang nag-study raw siya sa library kanina? Mas lalo akong natawa sa palusot niya.

---

Two weeks na kaming palaging magkasama ni Janice. Si Tiff naman ay palaging busy. Tuwing e-text ko kung sa'n siya ay sabi niya busy raw siya at hindi na dapat magtanong. OA nun, busy busy-han pala ang drama. Natawa ako sa thought na iyon. It's okay, I understand her anyway kung busy siya. Besides, she can call me anytime if she needs help.

Ilang araw na at hindi na ako sinesend-an ng letters ni Janice kasi sabi niya wala naman daw silbi na since magka-close na kami at balik ulit sa dati ang closeness namin 'tulad noong high school. Isa pa nililigawan ko na rin naman siya. Pero mas gusto ko iyong pinapadalhan niya ako ng letter, corny man pakinggan.

Huling letter na nilagay niya sa locker ko ay 'yung time na niligawan ko siya. At mas lalo pa akong nahulog sa kanya sa huling letter.

"I am happy seeing you happy. Smile for me my dear. :)

6th: vos"

Yes it was just a simple phrases but I find it sweet.

Kinabukasan, sobrang saya ko at hindi ko alam kung paano ko iyon e-explain. Sinagot na ako ni Janice and yes, we are already a couple now. Agad ko naman iyong sinabi kay Tiffany.

"Hey Tiff! I have a good news," masayang pagkakasabi ko sa kanya habang siya patuloy sa pagte-take down ng notes.

"What is it? Bilisan mo, busy 'yung tao," sarap talagang sapakin nito. Ang sungit.

"Meron ka ba?" walang sabi-sabi hinampas niya ako ng kanyang notebook.

"10 seconds to tell me that good news of yours. One!"

Oh diba tingnan mo 'tong abnoy na 'to?

"Hinaan mo ang boses mo baka marinig pa tayo ni prof."

"Two!"

"Kami na."

"Thre.. What?"

"Kami na ni Janice. How happy am I right Tiff?" Hindi siya agad nakapagsalita at hindi ko ma-explain ang mukha niya. Para siyang natatae. Pft! "Alam kong masama pa rin ang loob mo sa kanya pero nagsisisi na siya ngayon sa dati Tiff, patawarin mo na siya."

"M-matagal ko na siyang pinatawad."

"Oh? Bakit ganyan pa rin ang expression mo?"

"This is just the look of happiness for me! Got that Jake?" sabi niya habang galit na galit na tumingin sa 'kin. Natawa ako sa kanya tsaka ginulo ang buhok niya.

"You're cute. Thanks for congratulating me."

"No I'm not! Stop dreaming," sabi niya at nagwalk-out. Hindi man lang pinansin si prof tas naiwan pa niya ang binder notebook niya. Tsk! Tsk! Tsk! Siguro meron talaga iyon.

...

Isang buwan na ang nakalipas ng maging kami ni Janice at masaya ako sa aming dalawa. Medyo naging okay na rin sila ni Tiffany pero hindi siya masyadong sumama sa amin ni Janice para raw may quality time kaming dalawa. May nalalaman pang ganon. Kahapon nagpaalam siya sakin na ngayon siya aalis.

Pupunta raw siya sa province nila kung saan naroon sina tita Marjie, ang mama niya. Kaya ngayon hinatid ko siya sa train station.

"Ikumusta mo ako kay tita. Mag-iingat ka d'on," sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin.

"As you wish sir! hahaha," nagsalute siya sa akin kaya nagsalute na rin ako. Para kaming mga tanga. Pagtalikod niya parang may pinahid siya ng kung ano sa mata niya. Siguro eye booger pft!

Umalis na ako d'on nang mag-deport na ang train. Mamimiss ko ang bestfriend ko. Hindi niya sinabi kung kailan siya uuwi, at nakapag-file na rin naman siya ng leave sa school kaya okay lang tsaka tapos na rin ang semi-final exam at siguro babalik siya sa final.

---

Kinabukasan ay nagmamadali akong pumunta sa locker kasi may naalala akong kunin, 'yong notebook ko. Tsk! Ang tanga ko. Puyat kasi ako kasi mag-aalas kwatro ng umaga na kaming natapos ni Janice sa pag-video call kaya parang wala ako sa sarili ngayon. Ano kayang ginagawa ng girlfriend ko? I smile again thinking of her.

Pagkakuha ko ng notebook ay napahinto ako at biglang tumibok ang puso ko ng may makita akong light blue card letter na nahulog sa sahig. Pinulot ko iyon. Isang buwan ng hindi nagpapadala ng letter si Janice sa akin at ano kaya ang pumasok sa isip niya na nagpapadala ulit siya.

I missed this. A thought from myself. Binuksan ko ang letter with a smile pero naglaho iyon at nagtataka sa nakasulat.

'Hey Jake. Sorry I have to do this. I still ache for all this month and I can't handle it anymore. Gusto ko munang huminga, nasasaktan kasi ako. By the way, I have a favor, and that is to listen this music entitled "Beside You- by Mariana's Trench" then I do leave a message at the back. Pls read it.

7th: semper'

Tinignan ko naman ang sinasabi niya at binasa ang likod ng letter. There were seven weird words that is written.

Ego voluntas sit lus exceptis vos semper.

---

Hindi na ako pumasok sa klase at umupo sa sahig dito sa may locker ko. Pinapakinggan habang binabasa ang lyrics ng kanta. It was a sad lyrics.

Nang mag-ring ang bell ay dali dali kong tinext si Janice na makipagkita sa akin sa cafeteria. Bakit niya ito ginawa? Anong ibig niyang sabihin sa letter na ito? Makikipaghiwalay ba siya?

Nakita ko siya sa cafeteria na nakaupo sa isang vacant seat na nakatingin sa akin. Nagsmile naman siya sa akin na parang walang mali kaya napahinto pa ako saglit. Pina-prank ba niya ako? Naguguluhan talaga ako kasi out of nowhere nagpadala siya ng letter sa akin. Umupo ako sa harapan niya at tiningnan siya, para naman talagang walang mali.

"Hi babe! Nakatulog ka ba?" nag-smile ako sa kanya tsaka tumango. "Yes, ikaw ba?" tumango rin siya.

Hindi ko alam pero gusto kong diretsuhin na siya. Para kasing may mali. Hindi ako mapakali.

"Ahm... Babe kasi... Na-miss ko ang sulat mo," tiningnan niya ako ng naka-smile pa rin. "I mean, I miss you sending me letters, bakit mo pala hininto? Please make one for me, I was really moved whenever you sent me letters back then," sabi ko.

"Ahm kasi hindi na ako gumagawa noon, diba sabi ko last na iyong last month? Tsaka may cellphone naman tayo."

It feels like it's hard to breath.

"Nakalimutan ko, kailan ka pala last nagsulat sa akin?"

"I told you it was last month. Noong time na niligawan mo 'ko remember?"

Parang biglang huminto ang aking paligid. Hindi ko alam pero mas lalo akong nagulat sa sagot niya. Alam ko talagang may mali eh. Ibig bang sabihin nito hindi siya ang nagpapadala sa akin? Diba sabi niya na siya iyon tsaka tumutugma naman lahat ang hinala ko at inamin niya naman iyon? Naguguluhan na talaga ako at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction.

"What's wrong Jake?"

"Nothing, I am just not feeling well since morning. Siguro matagal ako nakatulog kagabi, insomnia haha."

Lumipas ang oras na kasama ko siya pero hindi ko siya feel ngayon. Para siyang may tinatago sa'kin. At lutang ako sa mga lumalabay na oras.

Dumating ang uwian at pumunta muna ako sa locker para kunin doon ang project ko sa math namin bago ako makipagkita kay Janice. Ihahatid ko pa kasi siya.

Binuksan ko ang locker at kinuha ang portfolio na nasa ilalim ng binder notebook ni Tiff. Noong time na nag-walk out siya sa klase namin ay iniwan niya ito, kinabukasan niyan sinauli ko sa kanya pero sabi niya bili nalang daw siya ng bago at sa akin na muna raw ito. Tsk! Nakakamiss ang babaeng 'yon.

Kinuha ko ang binder niya at ewan, binuksan ko ito. Nakikita ko ang doodle art sa bawat pahina or mga letterings ng kahit ano. May notes din naman siyang tini-take down pero kadalasan rito ay ang pagdra-drawing niya. Tsk! The following next pages ay mga notes na ng iba't ibang subject.

Hay I miss Tiff. Kung sana nandito siya ay eshe-share ko sa kanya ang nararamdaman ko ngayon, siya lang ang taong mapagsabihan ko.

Isusuli ko na sana iyon sa locker pero may nahulog na isang pirasong papel na pamilyar na pamilyar sa akin. Pinulot ko ito at napagtantong hindi pala iyon papel kundi isang card.

A light color blue card. Wala itong nakasulat pero nagsimula akong kinabahan. Nanginginig kong binuksan ang binder ni Tiff sa pinakahuling page kasi may nakasipit na isa pang kapirasong card ang nakita ko pero wala rin itong nakasulat...

Kung sa iba, wala lang na makakita nitong card, sa'kin ay sobrang big deal.

Mas lalong nanlaki ang aking mata ng makita ko ang lyrics ng kantang pinahiwatig sa last letter. Beside you by Mariana's Trench.

Sht! A-ano 'to? Hindi ko na talaga ma-explain ang kaba sa aking dibdib.

Sa likod ng page na sinulatan ng lyrics ay naroon ang mga words na gusto kong malaman. Ang mga weird words noon na ngayon ay may meaning na. Nakahilira itong nakasulat at may meaning.

1st: Ego = I

2nd : Voluntas = will

3rd: Sit = be

4th: Lus = right

5th: Exceptis = beside

6th: Vos = you

7th: Semper = always

I will be, right beside you. Always.

Si...

Si Tiffany?

"Babe!"

Napalingon ako kay Janice at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nang makita ko siya. She smiled at me but I didn't. All this time, she fooled me.

"What's wrong?" tanong niya at lumapit sa akin.

"All this time..." una nagtataka pa siya kung anong sinasabi ko pero nang tumingin siya sa hawak ko ay unti-unting nanlalaki ang kanyang mga mata na para bang nahulaan na niya ang ibig kong sabihin. "Yes right. You fooled me. You lied."

"L-let me explain Jake."

...

Nakasakay ako ngayon ng train, pupuntahan ko si Tiff kasi marami akong tanong sa kanya. I felt sorry for her.

"Bakit mo alam ang tungkol sa letter? Eh hindi naman pala ikaw ang nagpapadala do'n?"

"One time, naabutan ko si Tiffany sa harap ng locker mo, noong time na hinihintay kita. Nagtataka ako kasi palingon-lingong siya sa kanyang paligid na takot na baka may makakakita sa kanya. May ipinupuslit siyang isang card at umalis. Ilang beses niya iyong ginawa kaya kinomfront ko na siya. Inagaw ko sa kanya iyon at nalaman kong letter pala iyon.

That time na una mo akong nakita sa harap ng locker mo ay sasabihin ko sana iyon pero sinamaan niya ako ng tingin."

Binigyan ko siya ng time para mag-explain, she confessed to me too that she really fell for me that's why she used those chances. She told me she's regretting it by leaving me back then. Kaya pala galit si Tiff sa kanya.

"Wala, gusto ko lang basahin. Nakapagtataka kasi ang mga numbering sa ibaba ng letter at ng mga nakasulat dito."

Ngayon ko lang napagtanto. Bakit niya nalamang may

numbering ito at may weird na words? Eh yung pang-apat na letter lang ang pinakita ko sa kanya. Oo alam kong may pagkahilig siya sa detective at madali lang niya iyong mapansin. But she just looked to it a mere seconds tsaka binalik na sa akin.

Sa 4th letter. Alam niyang hindi ako okay kasi alam niyang nagka-away kami ni mama n'on. Sa library naman, siya ang nagpahanap ng libro sa akin kaya naka-state sa letter ay 'yung may hinahanap akong libro.

Noong sinabi niya na tuwing umaga nagpapadala ang admirer ko ay hindi iyon totoo. Alam niya ang schedule ko at alam niya kung kailan ako pupunta sa locker ko. May time siya kung kailan iyon ilalagay since kabisado niya ako.

Sa panghuling letter na ako nagtataka. Tsk! The clues were already in front of me but I was blinded by my own suspicions. She's giving me the hint but I didn't take it. I am stupid.

Binabasa ko ulit ang mga letters na hawak ko ngayon at na-realize na ang tanga ko. Isang buwan na eh. Nasa tabi ko lang pala hindi ko pa napansin.

...

"Jake? Oh naparito ka?" I hug her as soon as she opened the door. I missed her and I felt sorry for her.

"I already knew Tiff." Pinakita ko sa kanya ang mga letters na hawak-hawak ko. Nagulat siya sa mga ito at hindi alam ang sasabihin.

"A-ano..." umiwas siya ng tingin. Papasok ulit sana siya sa kanila pero hinila ko ang kaliwang kamay niya at iniharap siya sa akin.

"You never told me. I was oblivious by your feelings towards me and I am sorry."

Yumuko naman siya na parang nahihiya pa rin na malaman kong siya pala ang admirer ko. Hindi ko man lang napansin noon ang mga sudden changes of emotions niya. I didn't noticed it and she's so good at hiding her feelings.

I hugged her then she cried silently.

"I'm so sorry that I hurt you this much. Ito ba ang dahilan kung bakit ka hindi sumasama sa amin ni Janice noon at ang biglaan mo'ng pag-uwi rito ng wala man lang occasion?"

She nodded.

I did a mistake and that's for not noticing her presence and being naive to her feelings. I promise, I'll make it this time.

---

It's already been 14 months since we've been on, and I am really happy being with her. We spent the days, months, and year being a couple and just like other relationship, we're not perfect. We still have any misunderstandings. Any ups and downs situations did happened to us but we didn't leave each other. We're solid as diamond that hard to break and we'll continue this life together for more countless years. I will continue being with her, beside her for the rest of my life. She's my bestfriend and my girl. She's the only one I need in this lifetime. I know it's too cheesy for me to say this but yes, I believed in eternity.

Kay Janice naman okay na kaming tatlo besides may boyfriend na rin siya na nagpapasaya sa kanya. Pinaliwanag naman sa akin noon ni Tiff kung bakit nagpapadala pa siya ng mystery letters kasi takot siyang mabasted at masira ang relasyon ng aming pagkakaibigan.

"What are you thinking?" I look at her with a smile plastered in my face. She's staring at me and I love the way she does it.

"Just randoms. By the way, do you have plans on taking a vacation abroad?" tanong ko habang nilalanghap ang hangin sa gabi. Nandito kami sa street side nagpapahangin, nag-joy ride kasi kami at naisipan naming huminto rito. She place her chin into the fence and look at me.

"Wala pa akong plano. Pero ngayong sinabi mo 'yan may naisip na ako sa vacation ko."

"Mind to share?"

"Anywhere will do as long as you're with me and I am right..." she cut her words and smile at me playfully.

"Right what?"

"Exceptis vos."