webnovel

Eroplanong Papel

Autor: anryapw
Ciudad
En Curso · 22.7K Visitas
  • 3 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Chapter 1Eroplanong Papel - Unang Paglipad

Nang makita kong may mga bata mula sa elementary division ng university na pinapasukan ko na nagpapalipad ng mga eroplanong papel, naengganyo akong maupo sa isa sa mga wooden benches malapit sa kung nasaan sila.

Pinanood ko kung paano nila masayang ihahagis sa ere ang mga gawa nilang eroplanong papel at aabangan kung saan babagsak ang mga ito at saka pupulutin at ihahagis na namang muli. Paulit-ulit man ang ginagawa nila ay di maikakailang hindi nila iniinda ang pagod at talagang enjoy na enjoy ang mga bata.

Napangiti ako. Siguro naman, lahat ay naranasang pumunit ng papel mula sa mga notebooks natin o sa mga papel na nakalaan para sa mga classroom activities, assignment at seatwork, tutupiin ng ilang ulit hanggang sa makabuo ng isang eroplanong papel at saka paliliparin kasama ang mga kalaro natin. Kung di mo naranasang magpalipad ng eroplanong papel, parang hindi ka na rin dumaan sa pagkabata. Ang saklap ng kabataan mo.

Did I have the smile like these kids' way back when I was their age doing the same thing?

Siguro. Kasi gaya rin naman ako ng ibang mga bata noon eh. Mababaw ang kaligayahan.

Pero, teka, mali ata yung 'siguro' na sagot ko.

Dapat pala, 'oo'. Oo masaya ako nang mga panahong iyon. Alam ko. Tanda ko.

"Andaya naman, e!" palakbay na sana ang isip ko sa nakaraan nang sumigaw ang isang batang babae. Isa siya sa mga nagpapalipad ng eroplano.

"O bakit?" sagot naman nung kalaro niyang lalaki na kapupulot lang ng eroplanong papel nito na bumagsak sa gawing paanan nung batang babae.

"Eh yung elpleyn nyo antagal nung lipad. Yung akin bagsak agad. Andaya!!!"

"Hahaha! Ba'la ka dyan!" mapang asar na sagot nung batang lalaki saka inihagis ang eroplano niya at kumaripas ng takbo kung saan bumagsak ito.

"Daya! Huuu..." paiyak na yung batang babae. Ang cute. Kawawa naman. Tinawanan at inasar lang nung kalaro nya.

Tatayo na sana ako para tulungan yung batang babae dahil baka may mali sa eroplanong papel niya kaya ayaw lumipad nang maayos. Pero may lumapit sa kanya na isa pang batang lalaki na maputi at may makapal na mala-Harry Potter na salamin.

"Uy, Janellie. Bat parang iiyak ka na?" tanong nito.

"E kase, Kristian, andaya eh! Yung mga elpleyn nyo ang ganda ng lipad. 'Tong aken tingnan mo..." sabi naman nung batang babae na Janellie pala ang pangalan, sabay hagis sa ere ng eroplanong papel nya na agad ring bumagsak. "Waaah! Andaya talaga! Mama..."

Pinulot naman agad nung batang lalaki, ni Kristian, yung eroplano ni Janellie at tiningnan ito na animo inieksamin kung nasaan ang mali rito.

He slowly unfolded the part that made the wings of the plane.

"Mali naman kasi yung tupi mo, eh," sabi ni Kristian na tuluyang binuklat ang lahat ng parteng nakatupi.

"Pano ba dapat? Sabi sakin itupi daw na palang talayangel eh. Kaya ayan." ang cute pakinggan ng bulol na pananalita ni Janellie.

"Naku naman. Dapat ganito. Tingnan mo." Sagot agad ni Kristian at saka nag-indian sit sa simento, ipinatong sa may gawing hita ang papel at ipinakita kay Janellie kung paano ang tamang pagtupi.

Pinanood lamang siya ni Janellie habang unti-unti na nyang natatapos yung eroplanong papel.

"Dapat ito itupi mo ng paganito, tapos ito rin...saka ganto...tapos ito...isa pang tupi...jaraaan!"

Nakangiti ng malapad si Kristian habang tumatayo at iniaabot kay Janellie ang eroplanong papel.

"Ihagis mo nga Janellie. Subukan natin."

"Sige ba!" inihagis ni Janellie ang eroplanong ginawa ni Kristian para sa kanya at tuwang-tuwa siya nang magtagal ito sa ere ng ilang segundo hindi gaya nung gawa niya.

"Hala, ang galing! Thank you, Kristian!" tuwang-tuwang sabi niya.

"O, tara na. Pulutin na natin yung elpleyn saka sabay tayong magpalipad."

"Sige!"

I watched them run to the spot where Janellie's paper airplane landed. Pinulot niya ito na hindi na matanggal-tanggal ang mga ngiti sa labi at sabay nilang pinalipad ni Kristian ang kani-kaniyang eroplano.

I can't help smiling. Ang cute kasi nung mga bata.

And that whole scene was really familiar to me. Parang pinanood ko nga lang na mabuhay ang isang alaala sa hrapan ko. The same thing happened to me when I was a kid.

Mas lumapad na yata ang ngiti ko ngayon habang inaalala ko ang nangyari. It was a beautiful memory... one that I will never forget.

Hindi pa sana ako matitigil sa kangingiti kung di ko pa narinig ang boses ni Fennella, classmate ko sa ilan sa mga subjects na kinuha ko this sem.

"John Nate," sabi niya na nakacross-arms pa sa may harapan ko. "Mag-isa tapos naka ngiting ganyan? Adik ka ba? Ngising aso ba yan o ngising gago?" dagdag pa niya.

Aba loko to ah. Susulpot bigla sa harap ko tapos may ganyang speech? Tindi ah. Iba rin. Badtrip tong babaeng to.

"Oy, Fennella, wag mo nga akong iniistorbo at may iniisip ako, shoo." sabi ko na itinataboy siyang parang aso. With hand gestures pa. "Magkasama naman tayo mamaya sa room. Dun mo na lang ako titigan nang titigan. Magpakasawa ka mamaya. Nagpapahalata ka na namang poging-pogi ka sakin eh." mapang-asar na dagdag ko.

"Huwat?! Ay gago ka nga no? O, ayan!" sabay bato sakin nung kung anong nasa kamay niya na buti na lang nasalo ko. Malamig ah. "Kape yan! Nang nerbyosin ka! At malamig yan nang mahimasmasan ka namang gago ka! Punyeta! Makaalis na nga."

"K'bye. Salamat sa kape in can. Sosyalin! 500 baon!" pahabol ko pa.

Nailing na lang ako. Istorbo sa pagrereminisce yung Fennella na yun.

Dahil nawala yung moment sa utak ko, nilingon ko na lang yung mga bata. Patuloy sila sa paglalaro at pagpapalipad ng mga eroplanong papel. Awtomatikong bumalik sakin yung pangyayaring gaya nung kina Kristian at Janellie. Pareho talaga eh. Kaso nga lang, ako nasa kalagayan nun ni Janellie. Hindi makapagpalipad ng maayos na eroplanong papel at isang batang babae naman ang tumulong sakin- si Karen.

Siya ang dahilan kung bakit nalaman ko kung anong mali sa eroplano ko. Gaya kasi ni Janellie, basta na lang ako makatupi, eh. Basta triangle tapos tupiin kala ko swak na. Di pala.

I can still remember how she threw her plane into the air first and how I followed her and did the same thing, as her plane landed a few meters from us, and how mine landed on that same spot. Halos magkatabi ang mga eroplano namin noon.

Ilang beses naming inulit ang pagpapalipad. Hinayaan kong nauuna siyang maghagis, tapos susunod ako. At naglalanding pa rin yung eroplano ko sa puwesto kung saan naglanding yung kanya.

"Ang galing no," naalala kong sabi ni Karen. "Pareho tayo ng elpot."

Kumunot ang noo ko sabay tanong: Anong elpot?

"Ito." sabi niya at itinuro kung nasaan yung mga eroplano namin. "Yan yung elpot. Dyan umaalis at naglalanding yung mga elpleyn."

"Ha? Di naman elpot tawag dun, eh. Eport!" sabi ko.

"Elpot! Yan sabi ni Mommy ko. "

"Eh narinig ko kaya sa TV. Eport tawag dun!"

"Elpot."

"Eport nga eh."

Elpot. Eport. Airport.

Nabalik yata tuloy ako sa pagngisi. Pinagtalunan talaga namin yun. Di namin alam na pareho lang naman pala ibig naming sabihin. Bulol kasi. At may variety ang pagkabulol.

Pagtapos ng pagtatalo namin kung elpot ba o eport, pinulot namin yung mga eroplano at pinalipad namin na parang limot na agad ang pinagtalunan.

Ganun pa rin. Nauuna siyang magpalipad. At naglalanding pa rin ang eroplano ko kung saan naglanding yung kanya.

Eversince that day, like brother and sister, Karen and I were inseparable. Tapos malapit pa yung bahay namin sa bahay nila kaya lagi kami mag kalaro. Minsan pumupunta siya sa bahay namin tapos maglalaro kami ng kung anu-ano. Minsan naman ako yung pumupunta sa kanila.

Habang nadadagdagan ang mga edad namin sa paglipas ng panahon, walang nagbago sa pagkakaibigan namin ni Karen. If anything, we just became closer.

Kung posible mang may mas ikaka-close pa kami. Para na talaga kaming magkapatid. I shared my dreams, wishes and secrets to her, she shared hers to me.

Paminsan-minsan, bilang pag gunita sa kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin, gumagawa at nagpapalipad kami ng eroplanong papel at gaya ng dati, nauuna siyang magpalipad. Saka maglalanding ang eroplano ko kung saan maglalanding yung kanya. Isang direksyon lang naman kasi kami ng pinaghahagisan eh. At lagi kaming malapit sa isa't-isa habang nagpapalipad na para bang alam namin na gusto namin na iisa lang ang pagbabagsakan namin. Iisang destinasyon lang ang patutunguhan ng mga eroplano namin. Iisang airport.

"Walang magbabago bestfriend ha." Sabi niya sakin nung araw bago ang graduation namin sa elementary.

"Syempre naman bestfriend."

"Promise?"

"Promise."

And we sealed that promise with paper airplanes we threw into the air. She first. I followed. Hindi maaalis sa isipan ko yung sinabi ko sa kanyang gaya ng may iisa kaming airport simula nung unang magpalipad kami ng mga eroplano na magkasama, walang magbabago.

Naantala ang pagmumuni-muni ko nang mag-ring ang bell at agad na nagsitakbuhan ang mga batang naglalaro patungo sa mga wooden benches kung saan nila ipinatong ang kani-kaniyang mga bags, binitbit ito at pumasok na sa kanilang mga classrooms.

Dumaan pa nga sa harapan ko sina Kristian at Janellie na hawak ang mga airplanes nila. Ang cute talaga nilang tingnan.

Ala-una na ng hapon kaya may klase na ang mga bata. Tapos na ang lunch break. Ako rin nga may klase na.

Pero.

Parang tinatamad akong pumasok eh. Minor subject lang naman yun.

Ok! I'll skip class for today. Ngayon lang naman eh.

Inilibot ko na lang ang paningin ko at pinanood kung paano dumaan sa harapan ko ang ilang elementary, highschool at maging college students na aattend sa mga klase nila.

Hanggang sa matanaw ko sa di kalayuan ang bestfriend ko, si Karen na suot ang unipormeng kakaunting babae lamang ang binabagayan. At isa na sya dun. White blouse, blue skirt. Bagay na bagay sa kanya. Saka magaling talagang magdala ng damit bestfriend ko eh. Kaya kahit anong isuot niya talagang babagay sa kanya.

Mula rito, kita ko na masaya siya. Tawang-tawa sa kung anong sinabi sa kanya nung lalaking kasabay niya, si Ronnie. Tatlong buwan na mahigit na nanliligaw sa kanya.

Dati-rati, makikitaan lang siya ng ganyang kasayang mukha kung lalaki ang kasama niya, kung ako ang lalaking yon.

Hay.

May mga nagbago na talaga.

Marami.

También te puede interesar

Love & Revenge: The Return of the Heiress(Taglish)

COMPLETED Warning: Matured Content inside this Novel. Read at your own risk!!!! Book 1 of this Novel is Titled: Love & Revenge (Shantal Rodriguez & Brent Santillian Story) Book 1 Link : https://www.webnovel.com/book/14895992906120005/Love-%26-Revenge Ivana Huo, a sole descendant of a big conglomerate that rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young age, she suffered her first loss when her Mom died. Later on, her Dad suddenly died too and left her nothing at all. She was thrown away by her relatives who took over her family business. She only had one hope to take back what belongs to her, to marry the second-generation rich descendant of Elite Digital Marketing and Financial Investment Company, Brielle Santillian. She had encountered him during childhood but the young CEO, Brielle Santillian never get involved in any woman. Ivana plans to capture him and marry him to help her take her revenge into her relatives. She forced him to take her as his wife after sleeping with him and threatened him she'll expose their videos and photos that night. Brielle married her for some reason, his family urge him to find a wife but he dare not to mention his parents about their relationship. He helps her to accomplish all her plans but later on, his cold heart couldn't love his wife because he thinks she's nothing but a user. He forced her to sign a divorce agreement but she refuses it at first. Accidentally she heard Brielle's conversation that he will never love her and couldn't forgive her. She silently walked away and leave everything. She knew she's having his child but she was deeply hurt knowing how Brielle felt towards her. Would they still get a chance to fall in love after they met again or would she let go of him even though she had loved him since childhood? This is the sequel to Love & Revenge Story of Brent Santillian and Shantal Rodriguez. Check it out and you will feel the love and hate journey of Brielle's parents. List of my Novels Here in Webnovel 1. Billionaire Defiant Wife 2. The Cage of The Past 3. Revenge to the Devil 4. Winter of the Wolves 5. Love & Revenge 6. My Billionaire Husband 7. Love & Revenge: The Return of the Heiress 8. You Are Mine (English) 9. Memories of the Night If you wish to support me here is my Paypal Account: paypal.me/annaquizo Edited by : Hansweet Kim & Binibini Special Note: If you are looking for a sweet contemporary-romance genre, this novel doesn't have that kind of plot. Most plots of my novel talk about mystery, suspense, and a slice of life. Often FL starts a slow pace of development, from weak to strong. Wanna asked more about the novel join my telegram channel: AnnaShannel_Lin Stories A channel for my exclusive novel followers https://t.me/annashannellinstory

AnnaShannel_Lin · Ciudad
4.8
7 Chs

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Ciudad
4.8
131 Chs

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS