webnovel

Dear You, a billet-doux - Dear Series #1

Fantasía
En Curso · 91.8K Visitas
  • 29 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Three dimensions, one city, a lot of mysteries. How will they unfold them?

Chapter 1Prologue

Dementia

Croatiania

Tao

Corpse City

Iyan ang tatlong dimensyon at ang siyudad na ginawa ng Panginoong Syzygy, ang Panginoon ng Kalawakan. Walang sino man sa tatlong dimensyon at siyudad ang nakakakita sa kanya, maliban sa dalawa, ang mga puso ng dalawang makapangyarihang dimensyon.

Noong unang nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Dementia at Croatiania, dahil sa inggit at kapangyarihang angkinin ang dimensyon ng Tao. Ngunit sa huli, ang panig ng Dementia ang nagtagumpay sa makasaysayang labanan.

Maraming dugo, pawis at luha ang nasayang nang dahil lamang sa pag-angkin ng teritoryong hindi naman sa kanila ibinigay. Maraming tao ang namatay nang hindi man lang alam kung bakit, maraming tao ang nawalan ng mahal sa buhay nang hindi man alam kung bakit.

Sunod na digmaan ay nangyari dalawang pu't taon matapos ang unang digmaan. Kung saan dalawang taong nagmula sa magkaibang dimensyon ang nahulog sa isa't isa. Isa ito sa mga patibong ng mga Croa para makuha ang susi ng Corpse City na hawak ng babaeng pinaikot nila sa pag-ibig. Nagtagumpay sila, ngunit tuluyang minahal ng lalaking Croa ang babaeng Demen kaya siya pinapatay ng Hari ng mga Croa at nilagay ang kanyang kaluluwa sa Corpse City. Nagkaroon ng gulo nang biglang sumugod ang babaeng Demen sa Croatiania na sanhi ng pagkawala ng kaniyang kapangyarihan at hindi makapaniwalang napaikot siya ng dahil sa kanya pagmamahal sa isang Croa.

Bakit nga ba kailangan nilang pag-agawan ang dimensyon ng mga Tao at ang susi ng Corpse City? Ano kayang misteryong nakakapagpaloob sa tatlong dimensyon at isang siyudad na ginawa ng Panginoong Syzygy? Sino ang mga puso ng dalawang dimensyon? Ano ang magiging koneksyon nila sa isa't isa? Sino si Panginoong Syzygy?

Abangan ang kanilang kwento sa pag-ungkat ng mga nakakakilabot at di kapani-paniwalang misteryo.

También te puede interesar

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS