-Athena Brix Alexandro-
5 years later..
"Hi Kuya! Nandito na naman kami ni Jerix, hehe, nakukulitan ka na ba? Hmp! May announcement lang kasi kami. " pagkausap ko sa punto ni Kuya.
"Oy, Ethan, 'wag kang makulitan sa 'min, okay? Nandito kami para kausapin ka tungkol sa kasal namin ng kapatid mo. O, 'wag mo 'kong mumultuhin, ha? Si Athena ang gustong magpakasal, hindi ako, " sabi ni Jerix na dahilan para hampasin ko s'ya.
"Kapal ah! "
"De, biro lang, " sabi nito saka tumawa. Natawa na lang din ako.
Limang taon na pala ang nakakalipas simula nang mangyari 'yong gulo sa Dark Glazer Academy. Limang taon na rin simula nang mabigyan ko ng hustisya ang kuya ko. Nang mahuli si Miss Celestine ng mga pulis ay hindi s'ya nilagay sa presinto, dahil ayon sa mga ito at sa mga doktor, she's a psychopath, kaya imbis na sa presinto ang bagsak n'ya ay sa mental hospital s'ya nakulong. And, last year lang, nalaman namin na patay na s'ya. She died because she killed herself, siguro nagsisi na, ewan.
Nang makalabas kami sa DGA ay napagdesisyunan naming mag-aral ulit ni Jerix, kasama 'yong anim. Si Clyde naman ay kinuha ng magulang n'ya at dinala sa States. Isang taon lang ang inaral namin dahil ni-review naman ng school na pinasukan namin ang mga previous school records namin. Funky, Kean and Khal took Mass Communication, while Zeffrey, Gray and Harry took BS in Accountancy. Akalain mo nga 'yon 'no, may tinatagong talino pala ang anim. Si Jerix at ako naman ay Education ang kinuha naming course and I'm happy to say that we're both Teacher already! Ako ay nagtuturo sa Elementary as a Mathematics Teacher, while him, teaching High School students as an English Teacher.
"Grabe 'no? Ang tagal na pala natin? " rinig kong sabi ni Jerix. Nag-indian sit naman ako at saka sumandal sa balikat n'ya.
"Oo nga, eh. Akala ko ay hindi rin tayo magtatagal dahil ang dami nating pagkakaiba. " natatawang wika ko. Totoo naman kasi, lalo na sa ugali. Mas babae pa s'yang kumilos sa 'kin, samantalang ako ay parang tibo na kinaiinis n'ya! Ayaw n'ya raw na gan'on ako. Basta, mas matured kasi s'ya sa 'kin ta's ako naman 'tong may pagka-childish, pake n'ya ba? Jinowa-jowa n'ya ako tapos magrereklamo s'ya? Tch. Minsan naman kapag trip ko, sinisipa ko s'ya, isa rin 'yon sa kinaiinis n'ya, ba't daw kasi ako naninipa ng walang dahilan. Hay nako. Pakiramdam ko, kami na ang pinaka-weird na couple, muntik na kaming magsapakan lalo na kapag selosan na ang usapan. Gwapo rin kasi 'tong si Jerix, lapitin ng mga chix, kahit nga si Ereya nahulog sa mukha n'ya, pwe!
Speaking of Ereya, she's happy with Funky na. Si Funky agad na nagandahan kay Ereya no'ng pinakilala ko s'ya rito, after three years of them being together, ayon nagdecide nang magpakasal! Naunahan pa ako -__-
Mabuti nga at natagalan ni Funky ang ugali n'ong babaeng 'yon, sobrang arte! Akala ko naman nag-bago na, jusko, hindi pa pala! Ba't ba ako nai-stress sa babaeng 'yon?!
"Athena.. "
"Hmm? "
"Tayo ka. " aba, inutusan pa ako! Tumayo na lang at nagulat naman akong lumuhod s'ya. Omg, don't tell mw magpo-propose s'ya ulit?
"No'ng nag-propose ako sa'yo last week, wala akong singsing na naibigay sa 'yo kasi biglaan, pero ngayon meron na.. " natawa ako sa kanya.
"Ano ka ba, okay lang naman kung wala kang singsing, ang mahalaga ay sa'yo ako ikakasal! "
"Eh, sa 'kin, hindi okay 'yon. Kaya ngayon ko gagawin ulit, nagdadalawang-isip ako kasi baka magalit ka, kasi sa sementeryo ako magpo-propose ulit, pero bahala na! Athena Brix Alexandro, will you spend the rest of your life with me and as Mrs. Han? "
A tear escaped in my eyes. Argh! Ba't ba gan'to?
"Of course! Yes! I will spend the rest of my life as Mrs Han! "
"Akala ko hindi ka magye-yes, eh, kasi sa sementeryo ako nag-propose, " sabi n'ya. Natawa naman ako.
"Kahit saan ka pa mag-propose, basta ikaw pa rin ang magiging groom ko ay malamang oo ang sagot ko. " nakangiting saad ko sa kanya.
"Saranghae, Athena. " 'eto na naman po s'ya at nagiging Korean na naman.
"Nado Saranghae, Jerix. " and as I said that, he kissed me on the lips. Bigla namang humangin nang malakas.
"Nako, lagot tayo kay kuya, dito pa daw tayo nagharutan, " I joked.
"Jerix.. " tawag ko sa pangalan n'ya.
"Hmm? "
"Mahal Kita. "
"Mas mahal kita. "
The End.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.