webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Otras
Sin suficientes valoraciones
27 Chs

Chapter 10

-Athena Brix Alexandro-

Nagising ang diwa ko dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ngunit pinili ko pa ring pumikit dahil gusto ko pang matulog.

Ilang minuto pa ay nakaramdam ako na para bang may nakatitig sa'kin, dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at napabangon ako ng mabilis pa sa alas-kwatro ng makita kong nakangiting nakatitig si Funky sa mukha ko.

"Aww! " daing ko dahil nauntog ako sa bakal.

"Hey, are you okay? Anong nangyari? " nagaalalang tanong nya habang tinitingnan ang ulo ko. Agad ko namang tinanggal ang kamay nya sa ulo ko at tiningnan sya ng masama.

"What? " tanong nya dahil siguro nagtataka sya kung bakit ko sya tinitingnan ng masama.

"What?! What-whattin mo mukha mo! Dahil sa'yo kaya ako nauntog! Argh! " sigaw ko sa kanya.

Tatawa-tawa naman syang nagsalita.

"Bakit dahil sakin? "

"Tch. Bakit ka ba kasi nakatitig sa mukha ko ha?! " inis na tanong ko.

"Tumingin ka sa salamin. Hehehe~ " aba't! Wala na lamang akong nagawa at tumingin sa salamin na nandito sa kwarto nya at walanjo! May drawing 'yung mukha ko!

"FUNKYYYYYYY! " sigaw ko at sya naman ay kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto nya. Hinabol ko naman sya ngunit pag-labas namin ay nakatingin sila Jerix, Zef, Kean, Khal, Gray, at Harry.

"Good morning hehehe~ " nahihiyang bati ko.

"Pfft. " rinig kong pagpipigil ng tawa ni Funky kaya agad ko naman syang siniko sa tyan nya. Nasa gilid ko lang kasi sya eh.

"Good morning din, Brix! " pag-bati sakin ni Kean.

"Ano 'yang nasa mukha mo? HAHAHA! " tanong ni Gray.

"Oo nga, si Funky ba ang may gawa nyan? HAHAHA! " tanong din ni Khal.

"Kayo ha? Bromance, ayieeeeeee. " panunukso ni Harry. What?!

"Napagtripan ko lang sya. Bromance daw eh. " sabi ni Funky saka tumingin sakin habang pasimpleng tumatawa. Pinandilatan ko naman sya ng mata na para bang sinasabi ko na, 'anong tinatawa-tawa mo dyan?! '

"Maupo na kayo at kakain na. " walang-emosyong sambit ni Jerix. Napaka-sungit talaga ng koryanong 'to eh.

Nagtungo muna ako sa lababo para linisan ang mukha ko, naramdaman ko namang sumunod si Funky sakin.

"Ako na ang magtatanggal nyan. " sabi nya saka inalis ang drawing sa mukha ko. Nakatingin naman ako sa mukha nya.

*dug dug dug dug dug dug*

Argh! Puso, shut-up! Ano ba naman 'to! Abnormal na 'yung puso ko!

"Ayan, okay na. " napakurap ako ng ilang beses at saka umiwas ng tingin.

"Tara na, kain na tayo. " sabi ko at nauna ng maglakad papuntang lamesa.

Naupo na ako sa tabi ni Jerix at sa tabi ko naman si Funky.

"Let us pray. " panimula ni Jerix saka nagdasal. Tsibugan naaaa!

Kumuha na ako ng tatlong jumbo hotdog at dinamihan ko ang lagay ng kanin sa plato ko. Napahinto ako dahil napagtanto kong lahat pala sila ay nakatitig sakin.

"Wow! "

"Grabe. "

"Kaya ka siguro strong 'no? "

"Oo nga, ang takaw mo eh. "

Kanya-kanya nilang komento. Nahiya naman ako ng kaunti.

"Ayt, sorry hehe. " sabi ko saka akmang ibabalik na sana ang iba pang kanin ngunit agad akong pinigilan ni Funky.

"'Wag, kainin mo 'yan. " sabi nya sakin.

"Kailangan mo 'yan. Tingnan mo nga 'yung katawan mo oh. Ang payat! " aba't--! Akala ko naman concern, 'yun pala mangaasar lang.

"Nangaasar ka ba dre? " maangas na tanong ko.

"Suntukan! Suntukan! " sigaw ni Kean.

"Tama na 'yan. Kumain na tayo. " sabi naman ni Jerix.

"Kain lang, walang tayo, boss. " biro ni Gray.

"Gago! " nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Nagmura sya sa harap ng hapag?

Matapos nun ay kumain na lang kami ng tahimik, paminsan-minsan ay nakikita ko si Funky na sumusulyap-sulyap sakin.

"Bakit ka ba tingin ng tingin ha? " iritang bulong ko sa kanya. Tusukin ko 'yung mata nya eh.

"Anong tingin ng tingin? Assuming ka lang talaga. " bulong din nya saka bumungisngis.

"Oy, ano 'yang binubulong-bulong nyo ha? Kayo ha? " saad ni Zef kaya napatingin kami sa kanya at doon namin napansin na tapos na silang kumain, kami na lang ni Funky ang hindi.

"Ayieeee bromance na talaga ituuuu. " panunukso pa ni Khal.

"Umayos nga kayo. " seryosong sabi ni Jerix kaya nanahimik na sila.

"Ah, Brix, gusto mo bang malaman kung anong section mo? " tanong sakin ni Funky. Hala! Oo nga pala!

"Oo, alam mo ba? Nakalimutan ko kasing itanong sa dean eh. "

"Yup, alam ko. Sige na, magbihis ka na at magasikaso pagkatapos pupunta tayo sa section mo. " nakangiting wika nya.

"Yehey! Sige sige, ligo lang ako. " sabi ko saka tumakbo na papunta ng kwarto ko, I mean namin pala ni Jerix saka kumuha ng damit at nagtungo ng CR.