webnovel

Chap 1: Plano

ANDREA'S POV:

Nasa school kami ngayon dahil malapit na ang summer vacation, nag uusap kami kung anong magandang gawin sa bakasyon.

Si Feebie at Alexandra ang nasa unahan at nagtatanong sa amin kung anong magandang gawin sa bakasyon.

"Mag hiking na lang tayo." abi ng kaklase kong si Rose.

"Ay ampanget naman." Sabi naman ni Justine.

"Eh kung swimming na lang kaya" Pagsingit ni Loraine.

"Ang papanget naman ng mga naiisip nyo." Sabat ni John.

"Hoy! Loraine alam mong madaming mag si-swimming ngayon, mahihirapan tayo maghanap, duh." Pataray na sabi ni Ryza.

"So ano na?" Pagtatanong ni Feebie samin habang nakapamaywang.

"Alam ko na!" Biglang sumigaw si Kim-j kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oh anong plano mo?" Pagtatanong ni Alexandra sa kanya.

"Mag camping tayo." Sagot ni Kim-j kay Alexandra.

Titingin sana ako sa orasan para malaman kung anong oras na, pero pag lingon ko saktong nakatingin sakin si Ezekiel, pero agad syang umiwas ng tingin, dahil nakita nya yata na tumingin ako, bakit kaya yun nakatingin?

"Ano? Gusto nyo bang mag camping?!" Malakas na sigaw ni Alexandra, kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Oo!" Sigaw ni Julian at Juvilyn na tuwang tuwa.

"Sige parang gusto ko yan." Sabi naman ni Justine, kaya naman ang lahat ay sumang ayon na.

"May matutulugan pa tayo doon?" Pagtatanong ni Feebie kay Kim-j.

"Meron, malapit lang don yung bahay ng tito ko at malaki din ang bahay nya." Sagot ni Kim-j.

"Bakit? Sa bahay ka matutulog? bakit nag camping pa? Dapat sa tent matulog, diba guys?" Biglang pasok ni Ethan, ang president namin.

"Pake mo ba? Edi ikaw matulog sa tent, ako sa bahay." Sabat ni Feebie kay Ethan.

"May pinag-memeetingan yata kayo?" Tanong ni Ethan.

"Paano mo malalaman, eh wala ka naman dito, president ka ba talaga namin? Ha?!" Sagot ni Alexandra kay Ethan.

"Sorry naman haha, tutulungan ko na kayo dyan." Natatawang sabi ni Ethan kay Alexandra.

"Okay 36 tayo sa room diba?" Nagsisimula ng magsalita si Ethan.

"Ang sasakyan natin ay dalawang van at apat na kotse, gamitin na natin yung kotse ko edi kailangan pa natin ng tatlong kotse, sino pa pwedeng gamitin yung kotse dito?" Pagtatanong samin ni Ethan.

"Yung akin pwede." Sagot ni Ezekiel kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay sino pa?" Pagtatanong ulit ni Ethan.

"Yung akin na din." Pagpe-presinta ni Vincent.

"Pati na din yung akin." Pagsingit ni Mike sa usapan.

"May maitutulong naman pala itong si Ethan." Si Alexandra.

"Oo nga." Si Feebie.

"Pinaguusapan nyo ba ako?" Tanong ni Ethan kay Alexandra at Feebie, habang nakakunot ang noo.

"Hindi ah." Sagot ni Alexandra.

"Oh pano yung dalawang van?" Si Feebie.

"Ako na ang bahala sa van." Si Kim-j.

"Ayun naman pala eh." Si Ethan.

"Kailan tayo aalis?" Si Aubrey.

"Sabado ng umaga." Si Ethan.

Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila habang nakatingin ako sa labas, parang uulan.

"4:00 tayo aalis para hindi tayo gabihin ng dating okay? Pag usapan naman natin ang tungkol sa sasakyan nyo, 36 tayo diba? Sina... wait nga, Feebie patingin ng listahan." Si Ethan.

"Oh ito." Si Feebie at inabot kay Ethan yung listahan.

+

+

**Male**

Rayven

Louie

Kim-j

Cyrus

Elmark

Kurt

Lorence

John

Mike

Mark

Richard

Justine

Aaron

Vincent

Ezekiel

Ethan

+

+

**Female**

Andrea

Rose

Kathleen

Aubrey

Feebie

Alexandra

Faith

Marianne

Loraine

Ryza

Julian

Juvilyn

Jenny

Marie

Jasmine

Jane

Kyla

Daniela

Rhianne

Riza

+

+

Binanggit ni Ethan yung mga pangalan naming lahat at may sinusulat sya sa board.

Car 1: Ethan, Feebie, Alexandra, Cyrus

Car 2: Ezekiel, Andrea, Kathleen, Aubrey

Car 3: Vincent, Aaron, Justine, John

Car 4: Mike, Faith, Rose, Lorence

Van 1: Marianne, Richard, Mark, Loraine, Ryza, Kurt, Kim-j, Rayven, Daniela, Sarah

Van 2: Julian, Juvilyn, Elmark, Louie, Jenny, Marie, Jasmine, Jane, Kyla, Riza

+

+

"Picturan nyo na yan, baka makalimutan nyo pa kung saan kayo sasakay. Pwede na kayong umuwi, malinaw na ang sinabi ko ha." Sabi samin ni Ethan.

Kaya agad kong kinuha yung bag ko at nagtatakbo agad palabas ng room. Nagmamadali ako kasi baka maabutan ako ng ulan, wala pa naman akong payong.

Nakakainis ito na nga, umaambon na.

*

*

SOMEONE'S POV:

Ang galing ng mga plano nila, makakaganti na din ako sa kanila.