webnovel

Adventure of the Divine Summoner

Fantasía
En Curso · 31.4K Visitas
  • 14 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Etiquetas
2 etiquetas
Chapter 1Zeuz Trevor

Chapter 1 - Zeuz Trevor

Sa tuktok ng maliit na burol sa Azura City, Kontinente ng Primal Beast makikita ang isang batang lalaki na nasa edad siyam na taong gulang, siya si Zeuz Trevor. Siya ay may kulay puti na halos pilak na buhok, abong kulay na mata, payat at maliit na pangangatawan at mala-gatas na balat. Masasabing ang kulay ng balat ni Zeuz Trevor ay 'di katulad sa mga miyembro ng Divine Tortoise Clan, clan na kanyang kinabibilangan, dahil ang kulay ng balat ng mga clan members ay kulay lupa.

Ang mala-gatas na balat ni Zeuz Trevor ay nakuha niya sa kanyang ina na dating disipulo ng White-Scaled Python Clan. Ang mga magulang ni Zeuz Trevor ay namatay noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Nasawi ang mga magulang niya ng labanan nila ang umaatakeng wild beast sa Divine Tortoise Clan na may ranggong Heaven-Rank, ang Vicious Collosal Earth Bear. Samantala ang kanilang Summoner-Rank ay Legend-Rank lang, nagawa nilang mapaslang ang nasabing wild beast ngunit kapalit noon ay ang kanilang buhay.

Ginawa nilang magbuwis ng kanilang buhay ay dahil sila ay isa sa mga Clan Protectors kahit na alam nilang mayrooon silang anak na maiiwan kung sila ay namatay. Inisip nalang nila na nariyan naman ang clan upang alagaan at suportahan ang kanilang anak na si Zeuz Trevor. Ngunit ang hindi nila alam na ang iniisip nila ay hindi gagawin ng Clan kailan man dahil simula ng namatay ang magulang ni Zeuz Trevor ay namuhay na siyang mag-isa na ang bumubuhay na lang sa kanya ay ang suportang sampung tansong binibigay ng Divine Tortoise Clan kada linggo.

Ang sampung tansong iyon ay nagagamit ni Zeuz Trevor sa loob ng isang linggo at may naiipon pa siyang tatlong tanso kada linggo. Sa loob ng apat na taon simula ng nawala ang kanyang magulang ay nakaipon na siya ng mahigit 200 tanso na katumbas ng 2 pilak. Ang isang taon sa Kontinente ng Primal Beast ay may 12 buwan, ang isang buwan naman ay binubuo ng 35 araw at ang isang araw ay may 24 oras na nahahati sa dalawa ang araw at gabi. Ang currency dito ay nahahati sa tatlo ang tanso, pilak at ginto. Ang isang tanso ay nakakabili ng tatlong ordinaryong pagkain na sapat na sa isang araw ng isang ordinaryo rin'g tao katulad na lamng ni Zeuz Trevor. Ang pilak naman ay katumbas ng isang daang tanso at ang isang ginto ay katumbas ng isang daang pilak.

Hindi ganoon kaganda ang turing ng Divine Tortoise Clan kay Zeuz Trevor. Masasabi mong ang katayuan niya sa clan ay pinakamababa sa mga mabababa dahil ang mga batang nauulila at 'di pa mataguyod ang kanilang mga sarili ay nakakatanggap ng labing-limang tanso kada linggo samantala kay Zeuz Trevor ay sampu lamang at ang dahilan nito ay ang kanyang namayapang ina dahil kinukuwestiyon pa rin ng Divine Tortoise Clan ang clan na kanyang pinagmulan, ang White-scaled Python Clan na dating katunggali ng Divine Tortoise Clan. Sa ngayon ang White-Scaled Python Clan ay bumagsak na at 'di pa tukoy kung mayroon pa bang disipulo ang clan na bumagsak ilang dekada na ang lumipas. Isa rin sa dahilang kinukuwestiyon ng Divine Tortoise Clan ay ang pag-iisang dibdib ng ama at ina ni Zeuz Trevor dahil naniniwala ang mga Elders ng clan na mas mataas ang chance na maging malakas at angkop na guardian beast ang makukuha ng susunod na henerasyon kung ang mag-iisang dibdib ay nasa iisang clan lamang.

Ang Divine Tortoise Clan ay isa sa walong noble clan ng Primal Beast Continent na ngayon ay pito na lang dahil sa pagbagsak ng isang noble clan, ang White-Scaled Python Clan. Ang clan classification ay nahahati sa apat ito ay Ordinary, Aristocrat, Noble at Royal Clan. Ang kasalukuyang Primal Beast Continent ay may 2 Royal Clan, 7 Noble Clan, 11 Aristocrat Clan at hindi mabilang na Ordinary Clan. Ang Kontinente ay pinamumunuan ng isa sa Royal Clan, ang Dragon Emperor Clan.

Sa araw na iyon ay ang ika-siyam na kaarawan ni Zeuz Trevor kaya siya ay nasa itaas ng maliit na burol upang tanawin ang  sumisikat na araw dahil para sa kanya ang kaguluhan nun ay bagong simula.

Bagong simula, para sa kabataang tumungtong sa ika-siyam nilang kaarawan ay ibig sabihin noon ay bagong simula. Dahil lahat ng nasa edad siyam na taong gulang ay sasailalim Annual Summoner and Guardian Beast Awakening, ito ay isang pagdiriwang sa Primal Beast Continent at maging sa iba pang Kontinente sa Beastial Planet.

Ang Beastial Planet ay may limang kontinente na nahahati sa West, East, South, North at Central Region. Ang Primal Beast Continent ay ang kontinenteng matatagpuan sa East Region.

Ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening ay isa ngang pagdiriwang na ginaganap taon-taon na dinadaluhan ng mga kabataang nasa siyam na taong gulang. Ang layunin ng pagdiriwang na ito ay gawing ganap na Summoner ang bata at gisingin ang kanilang Guardian Beast na makakasama nila sa paglalakbay patungo sa pinakataas ng kanilang mithiin.

Ang Summoner ay ang main class ng mga tao sa Beastial Planet. Ang mga Summoner ay lumalaban kasama ang kanilang mga summons o mga beast.

Ang Guardian Beast naman ay kasama na ng isang tao ng sila ay sanggol pa lamang na natutulog sa panahong iyon at ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening ay ang paggising sa Guardian Beast ng isang tao, kung ito ay nagising ibig sabihin lamang na ang taong iyon ay isa ng ganap na Summoner at maaari na niyang masummon ang kanyang guardian at magkaroon pa ng summon beast.

Ang summon beast ay mga wild beast na sumasailalim ng blood contract sa mga summoner.

Ang blood contract ay kontrata sa pagitan ng summoner at beast. Ang layunin ng blood contract ay magkaroon ng koneksiyon sa pagitan ng beast at summoner. Ang kontratang ito ay pantay at wala dapat lamangan.

Nang pabalik na si Zeuz Trevor sa kanyang tahanan upang simulang ang pang-araw-araw niyang gawain ay mapapansin ang mga taong kanyang nadadaanan ay lahat nagbubulungan. Alam niya na ang pinaguusapan ng mga ito ay siya ngunit hindi niya pinapansin ang mga ito bagkus siya ay nagtuloy-tuloy na lamang pauwi sa kanyang tahanan. Alam niya rin na kung pagtutuunan niya pa ng pansin ang mga ito magsasayang lamang siya ng oras. Pagkat bata ang pangangatawan at ang mukha ni Zeuz Trevor ay iba naman ang kanyang pag-iisip dahil ang pag-iisip na mayroon si Zeuz Trevor ay mahahalintulad sa pagiisip ng mga nasa edad labin-limang taong gulang.

Ano nga ba naman ang aasahan sa batang naulila sa edad na lima di'ba?

Nais ni Zeuz Trevor na lumisan sa Divine Tortoise Clan at magsolo dahil kabaligtaran ang buhay na inaakala niya rito dahil imbes na guminhawa ay naging impyerno ito. Ngunit ano nga ba ang nagagawa niya? Alam niya sa sarili niya na siya ay isang hamak na bata lamang at hindi pa isang ganap na Summoner. Kaya kung siya ay lilisan ng walang-wala ay tiyak paglabas niya pa lamang ng tarangkahan ng Divine Tortoise Clan ay kamatayan na agad ang kanyang makikita.

Kaya pinangako niya sa kanyang sarili na  magiging isa siyang malakas na Summoner sa hinaharap.

Pangarap ni Zeuz Trevor ang maging isang magiting na Summoner katulad ng kanyang mga magulang upang magawa niyang maprotektahan ang kanyang sarili at mahal sa buhay.

Paglipas ng ilang minuto, naabot rin ni Zeuz Trevor ang kanyang munting tahanan.

Ang bahay na iyon ay gawa lang sa kahoy, maliit at masikip ang bahay. Pagpasok pa lang kita niya na ang isang maliit na kama na may katigasang sapin. Hindi nalalayo sa kama ang pares ng isang upuan at maliit na mesa na tila isang hampas lang ay masisira na ito. Mayroon siyang tansong maaaring pambili ng mesa at upuan ngunit hindi niya ginawa dahil naniniwala siya na magagamit niya ito sa iba pang bagay sa hinaharap.

Walang dekorasyon ang makikita sa munting bahay dahil lahat ng mga kagamitan na pag-aari ng kanyang ama at ina ay napunta sa Clan at ang dati nilang tahanan ay tahanan na ng ibang Clan member.

Ibang iba ang naging buhay ni Zeuz Trevor noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Noon nasa may kalakihan siyang bahay, may makukulay na dekorasyon, malambot na kama, hapag-kainan na palaging may nakahandang masasarap na pagkain. Gustong balikan ni Zeuz Trevor ang nakaraan kung saan kasama niya pa ang kanyang magulang ngunit alam niya na malabo iyong mangyari kahit na ang mundong kanyang ginagalawan ay hindi pangkaraniwan. Ang balikan ang nakaraan o buhayin man ang namayapa na ay malabong mangyari.

Ang tanging natira na lamang na gamit at alaala ng kanyang mga magulang ay ang suot niyang kwintas na may kulay itim na bato, kung titignan ang itim na bato ay para lamang normal na bato. Ang kwintas na ito ay bigay sa kanya bago sumabak sa huling laban ang kanyang mga magulang.

May isa pang 'bagay' ang naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang ito ay ang------

"Squeek---"

También te puede interesar

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
24 Chs

APOYOS