webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
34 Chs

15

"HEY!" reklamo ni Fabielle nang sandamakmak na tubig ang tumilamsik sa kanya nang walang sabi- sabing tumalon si Josh sa waterfall lake sa paanan ng bomod-ok falls. Nasa gilid pa naman siya at nakaupo sa isang bato habang nakasawsaw ang paa sa malamig na tubig niyon.

Si Josh ang naghila sa kanya malapit sa tubig ngunit hindi siya nagpapilit na lumusong sa tubig nang subukan niya ang temperature niyon. Habang ang taas ng araw sa langit at nanunuot sa balat ang init niyon, siya naming lamig ng tubig na nagmumula sa talon. Kaya naman nagkasya na lamang siya sa pag-upo sa gilid ng waterfall lake.

"Just get in! The water is really nice." Bulalas ni Josh nang lumitaw ito di mula sa pagkakalublob sa tubig. Pinadaan din nito ang mga daliri sa buhok nito upang hawiin iyon mula sa pagkakatabing sa mukha.

Wala sa loob na napalunok siya. How hot can this guy be? Ni hindi nito hinubad ang suot na shirt nang lumusong ito sa tubig. Ngunit ngayong basa na ang damit nito ay humahapit na iyon sa matipunong katawan nito. She can even see the muscles beneath the shirt now.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya at bago pa kung saan matuloy ang iniisip niya ay bahagya niyang iniiwas ang tingin rito.

"A-anong 'the water is nice' ang pinagsasabi mo?" parungit na balik niya upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman kahit pa sigurado siyang hindi naman nito napansin ang pamumula ng mga pisngi niya. "Ang lamig kaya!"

Hinintay niyang tumugon ito sa sinabi niya ngunit ang tanging narinig niya ay ang lagaslas ng tubig. He must have swam away. What a guy! Iniwan lang siya nitong basta---

"Ay palaka!" gulat na bulalas niya nang sa pagbaling niyang muli ay ang mukha ni Josh ang bumungad sa kanya. Ilang dangkal na lamang ang layo nito ngayon sa kanya. "W-wag mo nga akong ginugulat!" kastigo niya rito nang bahagyang mahimasmasan.

"Galit ka ba sa'kin?" tila naman walang narinig na tanong nito.

"H-ha?" Sa halip na sumagot ay walang sabi-sabing sumampa ito sa batong kinauupuan niya at naupo sa tabi niya. Hindi pa ito nakuntento at inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya at pinakatitigan iyon. "W-what?"

"Hindi ba dapat ako ang nagagalit sayo?"

Awtomatiko namang kumunot ang noo niya nang marinig ang follow-up question nitong iyon.

"Excuse me?" taas ang kilay na tanong niya.

"Hindi mo ako pinansin buong umaga. And you spent most of your time with that good-for-nothing guy. I wasn't fair especially after I told you how I feel." Nakasimangot na hinarap siya nito. "And after that kiss."

Bumundol ang kaba sa dibdib niya. How could he say that so bluntly?

Naiilang na nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman niya ang biglaang pag-iinit ng mga pisngi niya. Bakit parang sinusumbatan siya nito samantalang ito naman ang naunang makipagmabutihan sa sandamakmak na babae noong umaga.

"Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong itulak sa mga bangin-bangin ang lalaking 'yon. Nakuha pang umakbay-akbay sa'yo." Pumalatak ito na nakapagpalingon sa kanya rito. Sakto namang humarap itong muli sa kanya. "Kapag ako, naging kriminal, kasalanan mo." Dugtong nito.

"Anong kasalanan ko? Sino ba sa atin ang naunang makipag-usap sa tatlo-tatlo pang babae ha?" hindi napigilang kastigo niya rito. Instant naman ang epekto ng mga sinabi niya rito. Unti-unting napalis ang pagkakasimangot nito at napalitan ng ngiti hanggang sa unti-unting nagkatunog iyon. Ilang sandali pa ay tumatawa na ito. "A-and you're laughing? Sa tingin mo nakakatuwang makita na may kasamang iba 'yong lalaking nung gabi lang eh hinaha—ahh basta!"

Bahagya namang humupa ang pagtawa nito ngunit mababakasan pa din ng amusement ang mga mata nito. Nagulat pa siya nang umangat ang kamay nito at lumapat sa pisngi niya.

"So this is how you are when you're jealous. Cute." Sabi nito at walang sabi-sabing pinisil ang pisngi niya.

"Aw!" pinalis niya ang kamay nito bago ito sinimangutan. "Excuse me lang, hindi ako nagseselos." Pairap na sabi niya.

"And you don't have to." Nakangiting sabi nito. "Kung alam ko lang na ganoon ang magiging reaksiyon mo sa pakikipag-usap ko sa mga babaeng iyon, sana nilayuan ko na sila kaagad. I could have saved myself the pain of watching you having fun with another man." Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.

Tila naman napalis ang inis at paghihinampong nararamdaman kanina lamang nang marinig ang sinabi nito. Hindi tuloy siya kaagad na nakasagot.

"Gusto sana kitang katukin sa kuwarto mo kaninang umaga. Pero alam kong nagulat kita sa mga nasabi at nagawa ko kagabi kaya pinigilan ko ang sarili ko. I should atleast wait for you to digest everything bago kita guluhin ng husto." Patuloy na paliwanag nito. "Ang kaso, buong umaga naman, ibang lalaki ang kasama mo. So I changed my mind. Bahala ka nang ma-pressure sa akin, because I'm not going anywhere away from you."

"J-josh---"

"At hinding hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. I meant what I said." Then he smiled. Not an amused smile but a geuine one. Na para bang ina-assure siya nitong hindi siya magsisisi kung paniniwalaan niya ang lahat ng sasabihin nito. "And I'm not really the type of person who believes that relationships must depend on the time you've known each other. I just trust what I feel."

Her heart skipped a beat. Paano ba nito nasasabi ang mga ganoong salita nang hindi man lamang nakakaramdam ng pagkailang. Lahat ng pagkailang yata ay siya na ang sumasalo.

"You seem uncomfortable..." maya maya ay sabi nito. "That's good. At least I know I could affect you this much." Simpleng sabi nito bago walang paalam na muling tumalon sa tubig dahilan para tumilamsik na naman ang tubig sa mukha niya.

"Josh!" hindi napigilang tili niya sa pagkagulat.

"Yep?" walang-anumang sabi nito nang muling iahon ang ulo sa tubig. Nakangisi pa itong parang walang ginawang anumang kasalanan sa kanya.

"You do realize you've just thrown water at me again?" naniningkit ang mga matang kastigo niya rito.

"I did? I didn't know. Sorry." patay-malisyang sabi nito. "This, I know, by the way." Sabi nito at basta na lamang hinawakan kamay niya. Natagpuan na lamang niya ang sariling nahuhulog na patungo sa malamig na tubig. Napapikit siya at hindi na rin napigilang mapatili.

Ngunit bago pa man sumayad ang mga paa niya sa ilalin ng waterfall lake ay naramdaman na niya ang paghawak sa beywang niya. That made her half-way soaked in the cold water.

"Careful. There are stones at the bed. You might hurt yourself." Wika ng lalaki. Nang imulat niya ang mga mata ay napansin niya ang iilang pulgadang layo na lamang ng mga mukha nila. Mahigpit pa rin nitong hawak ang beywang niya. "How's the water? It's nice right?"

Parang nagising sa katotohanan na gumapang sa buong katawan niya ang lamig na dulot ng tubig na nakapalibot na ngayon sa kalahati ng katawan niya. She shivered.

"Ang lamig!!!!" tili niya na sinagot naman ng mas malakas na tawa mula rito. "I hate you, Josh!!!!"