webnovel

KABANATA APAT

"So, hindi ka naman pala sigurado pa. Baka naman namimis-interpret mo ang nararamdaman mo?" Ani Cole habang umiinom din ng energy drink.

Mis-Interpret nga ba? Kung ganun nga, then, anong ibig sabihin ng pakiramdam na parang sinaksak ang dibdib niya ng malaman niya na may girlfriend ang kanyang Uncle? Hindi lang yun, bawat gabing umaalis ito ng bahay at madaling araw na umuwi, he secretly cried.

"Sana nga ganun. Sigh.. By the way, Kuya Cole, thanks for listening to me tonight. Pwede mo na ba ako iuwi? Nangako kasi ako kay Uncle na hanggang alas dose lang ako." Nilingon ni Davagne ang lalaki.

"Sure! Let's go."

Pakiramdam ni Davagne ay gumaan ang pakiramdam niya ng mailabas niya ang tinatagong saloobin. Sa ngayon, iisipin na lang niya kung paano itatago ang totoo sa kanyang Uncle. Hindi rin siya mangugulo sa relasyon nito dahil alam niyang wala siyang karapatan.

But he'll not stop adoring him hanggang sa araw na ikasal ito, at magdesisyon na itira na sa bahay nila si Joan. By then, siguro, gagawa na rin siya ng paraan upang makahanap ng taong pwede niyang pag-tuunan ng pansin para makalimutan niya ang nararamdaman sa binata.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa condo. Kung hindi pa siya tinawag ni Cole. Nagpasalamat siya sa lalake bago bumaba ng sasakyan. However, Hindi pumayag si Cole na hindi ito bumaba. Hihintayin daw nito na makapasok siya sa loob bago ito uuwi.

"No need to do that, really." Nahihiyang sabi niya sa lalaking naka-baba na.

"Nah! I still want to make sure na ligtas talaga kitang naihatid." Natatawang ginulo ni Cole ang buhok niya.

Kaya kahit talagang lasing pa rin, napa-hagikgik si Davagne at mabilis na napa-yakap sa lalaking bahagya pang nagulat.

So he's really a child. Yun ang naisip ni Cole. Masyadong na pamper ng pamilya Star ang binata, yun ang masasabi niya.

Ilang sandali pa, kumalas din ito sa pagkakayakap sa kanya at mabilis na pumasok sa loob. Napa-buntong hininga na lang si Cole bago napa-kamot sa kanyang batok at pumasok na ulit sa kanyang kotse.

Samantala, pag-pasok ni Davagne sa loob ng bahay, literal na napa-talon siya ng bumungad sa kanya ang madilim na anyo ng kanyang Uncle Eckiever.

"Dance studio? May dance studio ba na lasing na kung umuwi?!" Mariin ang bawat katagang binitiwan nito.

"U-Uncle.."

"Where did you go, exactly?"

Napapalunok na napasunod si Davagne sa lalaki ng tumalikod ito patungo sa sala.

"Sorry, biglaan kasi na sinabi na birthday daw ni Kuya Cole. Kaya, wala akong nagawa kundi sumama na rin."

"At nakuha mong uminom na hindi nagpapaalam?!"

Napa-flinch si Davagne. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang magalit ang lalaki. At literal na kinabahan at natatakot siya. Dahil dito, napayuko siya at lihim na napaiyak.

"I'm sorry.." Aniya.

Naalala nya tuloy bigla ang sinabi ni Daniela na adult na sya. Pwede na sya uminom. Pero ang problema, hindi talaga siya nakapag-paalam. Nang ampunin siya ng kanyang Mama at Papa, nangako siya na magpapakabait sa Pamilya. Pero heto at nakagawa na siya ng hindi tama.

"Damn it!"

Na-press ni Davagne ang sariling labi ng marinig yun.

"Adult na rin naman ako, Uncle. Hindi na ako bata. Alam ko mali ang hindi ako nag-paalam, pero hindi naman ata tama na murahin mo ako dahil lang sa hindi ako nag-paalam-"

"Now what the heck are you saying?! Hindi kita minura." Putol ni Eckiever sa sinasabi niya.

"But you did-"

"I said, I didn't. Sigh.. Are you drunk?" This time, medyo naging mahinahon na ang tono ng boses ni Eckiever.

Lumapit ito sa kanya at tsaka nito tinanggal ang kanyang sumbrero. Checking his face kung okay ba siyang naka-uwi.

Napa-iling si Davagne. Hindi naman siya masyadong lasing. "No, medyo nahihilo lang ako."

"At hindi ka lasing sa lagay na yan?" Napapataas ang kilay na tanong ni Eckiever sa kanya. "Let's go to your room, maligo ka, I'll dry your hair after. Next time, don't drink alcohol again, understand?"

"En.." Tipid na sagot ni Davagne habang sumusunod sa lalaki.

"Gawin mo. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mama at Papa mo kung sakaling makita ko sila kabilang buhay, balang araw." Ani Eckiever nang buksan ang pinto ng kwarto ni Davagne.

"You're dying?! Anong sakit mo?!" Mabilis na nayakap ni Davagne ang lalaki dahil sa narinig.

Napa-buntong hininga naman si Eckiever. Tsaka niya itinulak ang ulo ng binata. "Get away from me, you're reeks. At tsaka, wala akong sakit. Now, go to your bathroom. I'll wait here. Kumain kaba doon?"

Napa-tango si Davagne. "I ate beef."

"Good."

Pag-pasok ni Davagne sa banyo, siya namang pagtunog ng cellphone ni Eckiever. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag kung saang hating-gabi na, bahagya siyang natigilan. Bagamat sinagot parin niya.

"Joan, what's wrong?" Nag-aalalang tanong niya sa nobya.

"You're still awake. Great..! Now listen to me."

"Hold on, you're drunk?" Napansin kasi ni Eckiever ang paraan ng pagsasalita ng nobya.

Joan is 25 years old. Model. Mag-iisang taon palang silang mag-on. They met each other sa isang birthday party na ginanap sa Star company building. Endorser ang babae ng product na binibenta ng kompanya. At dahil compatible naman sa isa't-isa, he decided to court her.

"Forget about me being drunk. Sa halip, gusto kitang tanungin, are you aware?"

Sa paraan ng pagsasalita ni Joan, halatang seryoso ito. Kaya binago din ni Eckiever ang tono ng pananalita.

"About what?" Sinulyapan niya ang nakasarang pintuan ng bathroom.

"About your niece. Alam mo ba na he's actually gay?"

Parang nakarinig ng malakas na kulog si Eckiever ng marinig ang sinabi ni Joan. Napakunot din ang kanyang noo. "What are you talking about?!"

Kung tumawag ang babae upang sirain ang relasyon nila ng pamangkin, hindi siya magdadalawang isip na hiwalayan ang babae.

"Oh shit! So you're not aware?! Eckiever! Davagne is gay! He told me himself doon sa resto kanina! He even told me, na gusto ka niya at gusto niyang maging kanya ka!"

Now that was a bomb. Parang nanigas sa kinatatayuan si Eckiever. Lalo na ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Davagne na naka-tapis lang ng twalya.

"I'll call you later." Hindi man lang humiwalay ang labi ni Eckiever ng mag-salita. Nakatitig lang siya sa binatang basa habang lumalakad palapit sa kama neto.

Pagka-patay niya ng tawag, nagdalawang isip pa siya kung tatanungin nya ba si Davagne o hindi. Pero kung hindi, siguradong hindi rin sila magkakaunawaan dahil siguradong hindi rin aamin sa kanya ang lalaki. So hanggat lasing pa ito, why not ask?

"Hey, Davagne." Tawag pansin niya sa pamangkin bago pasimpleng kinuha ang hair blower.

"En?"

"I have something to ask you. Pero ang gusto ko, magsabi ka ng totoo." Aniya, bago sinimulan ang pagtutuyo ng buhok nito.

"Sure.." Nakapikit na sagot ng binata. "Why is the world is spinning, by the way?" Bulong pa neto.

"Because you're drunk." Mabilis na sagot ni Eckiever. "So here's my question..."

Hindi umimik si Davagne habang naghihintay sa tanong.

"Are you gay?"

Mabilis na napabalikwas ng tayo si Davagne na nagpagulat din kay Eckiever. Namimilog ang mga mata neto habang nababakas sa mukha ang takot.

"How- w-who told you?!"

Sa narinig, mariing pinagtagis ni Eckiever ang mga bagang. Pagkatapos ay dahan-dahang ibinalik sa lamesa ang hair dryer.

"So you are." Bulong ni Eckiever. "Then, do you like me, romantically?" Dugtong pa niya kahit hindi na naka-tingin sa pamangkin.

"U-Uncle..."

"Hah! Dry yourself, simula ngayon, ayaw kong masyado kang dumikit sa akin. Got it?"

Kagat-labi na napa-yuko si Davagne. "Was it that bad? Hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo rin ako ah. I also tried to keep it myself."

Ang unfair naman. Alam niya at aminado siyang gusto niya si Eckiever. Pero humiling ba siya na magkagusto ito sa kanya? Nag-demand ba siya? Hindi naman diba?

"Hindi rin naman ako nangingialam sa relasyon mo. I actually respects it. So why can't you respect my feelings? Pwede naman na hayaan mo lang ako, sigurado naman, sooner or later, matatauhan din ako. Pero yung sasabihin mo sa akin na wag na akong dumikit sayo- parang sinabi mo na rin na nakaka-diri ako, Uncle."

Davagne burst out. And yes, he cried. Siguro ay dahil na rin sa lasing siya kaya lalo lumakas ang kanyang emosyon.

Hindi nakasagot si Eckiever. At dahil walang makuhang sagot, lumabas ito ng kwarto ng hindi nagpapaalam. Naiwan ang binatang napa-subsob na lang sa unan habang umiiyak.

His first broken heart, is too painful. Now, anong gagawin niya simula bukas? Kung sana, panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon. At isa pa, paano o sino ang nag-sabi sa kanyang Uncle? Wala namang ibang nakarinig.

Imposible din na sila Daniela at Dominic dahil hindi naman alam ng mga ito ang pangalan- sandali, pangalan.

That girl! Is she perhaps Joan?!

Lalong nalungkot si Davagne. Umiiyak siyang nakatulog. At dahil doon, alas dyes na siyang nakagising. Wala na si Eckiever sa bahay dahil pumasok na ito sa trabaho. Pag-tingin niya sa salamin, namamaga ang kanyang mga mata. Alam niya, kailangan niya parin pumasok mamayang hapon.

Siguiente capítulo