webnovel

Chapter 81

Hindi pa man lumulubog ang araw ay nakatulog na si Elysia dahil sa sobrang pagod. Tahimik namang binantayan ni Vladimir si Elysia at napapailing na lamang ito dahil sa pagkatuwa.

Noong mga panahon kasing malayo ito sa kaniya ay hindi niya maiwasan ang hindi mag-alala sa dalaga. Kahit anong pilit niya sa sarili niya na huwag intindihin ang dalaga ay mas malakas pa rin ang tulak ng dibdib niya na mag-alala rito.

Oo at minahal niya rin noon si Theresa, subalit hindi ito katulad ng pagmamahal niya kay Elysia. Si Therese noon ay isang babaeng mahinhin at puno ng yumi, isang prinsesa na karapat-dapat protektahan, samatalang si Elysia ay isang prinsesang puno ng tapang at katalinuhan. Mayumi ito sa oras na kailangan at matapang rin ito sa oras ng digmaan. Si Elysia ang isang uri ng tao na hindi dapat ikinukulong sa apat na sulok ng palasyo habang nananatilingisang magandang dekorasyon. Bagkus, si Elysia ang isang uri ng prinsesa na karapat-dapat na tumayo sa tabi ng hari at sabay na pamunuan ang isang kaharian.

Bukod pa rito, kay Elysia lang niya naramdaman ang iba't ibang uri ng emosyon, saya, lungkot, pagkasabik at pagkapusok na pilit niyang pinipigilan kapag kaharap ito.

Dalawang araw pa ang lumipas bago makabawi ng lakas si Elysia, sinimulan na niyang kamustahin ang mga taga-Targus at natuwa naman siya nanag malamang nasa maayos na ang mga ito. Bagaman naroroon pa rin ang banta ng mga chiroptera, inaasahan na niyang maayos na kumikilos na ang mga tauhan ni Vladimir sa iba pang bayan ng Nordovia.

"Prinsesa, nakita ko ang isang mensahero ng Hari na bumalik na sa palasyo at mukhang, hindi magandang balita ang dala nito. Nakita kong puno ng dugo ang kaniyang katawan at mukhang napalaban sila, anunsiyo ni Raya nang makarating ito sa harapan niya.

Napatayo naman si Elysia mula sa kaniyang kinauupuan at napatingin kay Raya, bakas sa mga mata ng dalaga ang matinding kaba at pag-aalala. Tila kumabog ang dibdib niya dahil sa masamang kutob na biglang lumukob sa kaniyang pagkatao.

Mabilis siyang tumalima pabalik ng palasyo. Saktong pagpasok niya ay naabutan naman niyang papalabas si Luvan. Hindi maipinta ang mukha nito at malalim rin ang simangot sa mga labi nito.

"Uncle, ano po ang nangyari?" Agap niyang tanong at napatingin naman sa kaniya ang ginoo. Saglit na bumuntong-hininga si Luvan bago inilahad sa kaniya ang mga nangyari.

Ayon pa rito, isang bayan sa dulo ng Nordovia ang hindi nagawang iligtas ng mga tauhan ni Vladimir. Dahil sa layo ng lugar ay hindi umabot ang tulong na pinadala ng binata. Huli na ng dumating sila at ang tanging nadatnan nila ay ang abo ng mga bahay at mga ulo ng mga taong naninirahan doon na tila ginawang palamuti sa dulo ng mga kawayang sinasabitan rin ng mga lamang-loob ng biktima na animo'y naging harang. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga nakatira roon at wala nang nagawa ang mga kawal kun'di ang ilibing ng sama-sama ang mga katawan ng nasawi dahil halos hindi na rin makilala ang mga ito.

"Si Vlad, nasaan?"

"Mamaya mo na siya puntahan Elysia, hindi maganda ang sitwasyon ngayon sa loob. Ayaw rin niyang makita mo siya sa ganoong sitwasyon, kaya mas makabubuti kung palipasin mo muna ang isang oras." Suhestiyon ni Luvan.

Natahimik naman si Elysia, hindi siya kumibo hanggang sa makaalis na sa harap niya si Luvan. Ngunit sa halip na sundin ang sinabi ni Luvan ay mas minabuti niyang puntahan si Vladimir.

Alam niyang sa mga panahon ito siya kailangan ni Vladimir. At kahit gaano pa kasama ang sitwasyon, kailangang kasama siya ni Vladimir.

Pagpasok niya sa bulwagan ng trono, agad niyang napansin ang napakadilin na silid. Malayo ito sa maaliwalas at maliwanag na silid na nakasanayan niya.

"Vlad, narito ka ba?" Mahinang tawag niya at umihip ang napakalamig na hangin na hindi niya alam kung saan nanggaling. Tila nanuot iyon sa kaniyang kalamnan at nagbigay iyon ng matinding kilabot sa buo niyang katauhan.

Dahan-dahan pa siyang naglakad papasok nang hindi niya makita si Vladimir sa malawak na bulwagan. Dahil napakadilim ay wala siyang gaanong makita maliban sa kakarampot na liwanag na nanggagaling sa mga kandilang naroroon.

Alinsunod sa natatandaan niya, maingat niyang tinahak ang landas patungo sa nag-iisang silid ni Vladimir doon sa bulwagan.

Lumangitngit ang pinto nang itulak ito ni Elysia, kasabay nito ang pagramdam niya ng kakaibang takot na noon lamang ni naramdaman sa buong buhay na pananatili niya roon.

Nahigit niya ang hininga nang makita ang dalawang pares ng mapupukang mata sa gitna ng kadiliman bumabalot sa kanila.

"Umalis ka rito, Elysia." Wika ni Vladimir sa garalgal at tila nagpipigil nitong boses. Sumasabay sa tinig niya ang isang nakakakilabot na angil na ni minsan ay hindi pa niya narinig sa binata.

Alam niyang galit na galit si Vladimir dahil sa nangyari, ngunit ayaw niyang iwan ito.

"Huminahon ka Vlad, pakiusap. Hindi na natin maibabalik pa ang mga buhay nila, pero kaya pa natin silang ipaghiganti. Lahat ng buhay na nawala sa atin ay bibigyan natin ng hustisya, kaya pakiusap, tama na." Nakikiusap na wika ni Elysia ngunit malakas na angil lang ang tinugon ng binata.

"Elysia, labas na. Naaamoy ko ang dugo mo." Angil ng binata. Ngunit sa halip na umatras ay lalo siyang lumapit rito.

"Kung iyon ang magpapakalma sa'yo, ibibigay ko, halika rito." Anyaya niya habang ibinubuka ang mga kamay upang palapitin ang binata.

Napaigik pa si Elysia nang bigla siyang dambahin ni Vladimir. Doon niya nakita ang namumutla nitong mukha at ang matutulis na pangil na nakausli sa magkabilang bibig nito. Namumula rin ang mga mata ng binata at may ugat pang nakausli sa magkabilang dulo ng mga mata nito, senyales na nagpipigil ang binata na pahintulutan ang isa pa nitong pagkatao.

Oo at isa siyang bampira, ngunit mas matimbang sa katauhan niya ang dugo ng isang tao. Aubalit kapag nasosobrahan siya ng galit ay nagiging mas matimbang ang pagiging bampira niya at minsan ay nawawala din siya sa sarili niya.

Nang mga oras na iyon, nag-aagawa ang dalawang katauhan niya sa kaniyang katawan. At dahil kay Elysia at sa samoy ng dugo nito ay tila lalong mas nabaliw ang bampira sa katauhan ni Vladimir.

"Vlad, huminahon ka, hindi mo kailangan magalit. Wala kang kasalanan. Iisa ka lang at marami ang kalaban. Hindi mo kayang iligtas ang lahat. Hindi ba't iyan din ang sinabi mo sa akin noon?" Hinahaplos niya ang pisngi ng binata. Hindi niya alintana ang pagbabago sa mukha nito.

"Kung kailangan mo ng dugo ko para kumalma ka, sige lang. Handa akong ibigay sa'yo ito." Pagkawika ni Elysia at siya namang pagsunggab ng binata sa kaniyang leeg.

Naramdaman niya ang matutulis nitong pangil naabilis na tumusok sa kaniyang balat. Tila bigla namang umikot ang mundo niya dahil sa ginawa nito. Naikuyom niya ang kamao habang nakahawak sa braso ng binata at napakagat sa labi niya dahil sa sakit na dulot ng kagat ng binata. Matapos ang sakit na iyon, unti-unti namang napalitan iyon ng kakaibang sensasyon, magkahalong init at lamig ang bumabalot sa kaniyang katawan na hindi niya maintindihan. Tila idinuduyan rin siya ng lupang kinahihigaan niya hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman.

Sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata, natagpuan niya ang sarili na nakahiga na sa makapal na carpet habang yakap-yakap ni Vladimir. Nang gunalaw siya ay naramdaman niya ang apgsidhi ng sakit sa baba ng kaniyang leeg, sa parte kung saan nagtatagpo ang kaniyang leeg sa kaniyang balikat.

Marahan niyang idinampi roon ang kaniyang kamay at napangiwi siya sa sakit nang mahawakan ang dalawang sugat na dulot ng pangil ng binata. Doon ay nanumbalik sa alaala niya ang mga nangyari kani-kanina lamang.

Pagtingin niya sa bintana ay nakita niyang madilim na kaya siguradong gabi na nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay at kung ano ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Nang balingan naman niya ng tingin ang binata, bumalik na sa normal ang itsura nito. Nawala na ang mga ugat sa mata nito at maging ang pangil nito ay naglaho na rin. Hindi na rin ito namunutla katilad kanina na tila isinawsaw sa suka ang kutis niya.

Napabuntong-hininga naman si Elysia nang makitang maayos na ang kalagayan ni Vladimir.

Hinaplos niya ang pisngi nito at magkahalong awa at lungkot ang naramdaman niya. Naaawa siya dahil kailangan pang danasin ni Vladimir ang bagay na iyon sa tuwing nagagalit siya mg sobra. Nalulungkot siya dahil wala siyang ibang magawa kun'di ang titigan lang siya at hindi niya magawang tulungan ito.

Kung sana ay mas naging malakas pa siya. Kung sana ay mas naging malawak pa ang kapangyarihan niya. Wala sanang mga nasawi. Isang bayan ang nasawi, kabilang na roon ang mga bata at matatanda. Wala silang itinira sa buhay na naroroon at tila mga hayop na ipinarada ang mga lasog-lasog nilang mga katawan. Sino ang hindi masusuklam at magagalit?

Hindi na niya namalayang naglandas na sa kaniyang mga mata ang masaganang luha ng paghihinagpis. Tahimik siyang umiyak sa tabi ng binata, na tila ba iyon ang paraan niya para ipabagid ang pagluluksa sa mga nasawi sa bayang iyon.

Siguiente capítulo