webnovel

EPISODE 44

"ANG NAKARAAN "

Sa Ayden, sa kaharian Harte... 

Ito ang kwento kung saan sinalakay na ng mga tauhan ni Hex ang Kaharian ng Harte.

"Mahal na Reyna, anong Plano mo sa kambal?" Tanong ni Via.

"Naitago na ni Selena si Samuel sa Mundo ng mga tao." Masakit man ang desisyun na ginawa ni Reyna Anya pero kelangan nyang ipaghiwalay Ang kambal.

"Si Samantha bakit nasa Jamais pa si Samantha?" Tanong ni Via.

"Yun na nga, kelangan ko nang tulong ninyo. " Sabi ni Reyna Anya.

"Alam ko kung saan itatago Ang anak mo Mahal na Reyna." Sambit ni Via.

"Saan Via? " Tanong ni Reyna Anya at biglang nagsibagsakan ang mga natibag na pader sa kinalalagyan nila mabuti nalang at dumating si Dalikamata.

Gamit Ang kapangyarihan ni Dalikamata. Sandali nyang pinahinto Ang oras.

"Hindi magtatagal Ang aking kapangyarihan, tungkol sa anak mo? Handa ang Kanlaon na itago si Samantha. Napag-usapan na Ito namin ng mga diwata. " Sabi ni Dalikamata.

"Kung ganun, yun nalang ang tanging gagawin natin Mahal na Reyna. Para mailigtas si Samantha." Sabi ni Via.

Agad inabot ni Reyna Anya si Samantha Kay Dalikamata.

Nang nasa kamay na ito ni Dalikamata...

"Sandali bibigyan ko ng basbas Ang bata!" Sabi ni Via.

Inilabas ni Via ang nakuha nyang buhok Mula Kay Herald.

Inilagay nya ito sa Ulo ni Samantha...

"Binasbasbasan Kita munting prinsesa ng Harte. Inu hasre senduja erco alvia Santi Herald Abiya. ( Dugo sa dugo, walang ano mang o Sino mang makaka panakit saiyo kahit na Ang iyong sariling ama!)

Pagkatapos bigyan ng basbas ni Via si Samantha, walang inaksayang oras si Dalikamata. Gamit Ang kanyang kapangyarihan ay agad itong nag laho.

Isang kawal naman ang lumapit kina Anya at Via.

"Mahal na Reyna, bagsak na kanlurang bahagi ng palasyo. Maging Ang mga kaanib ng mga kaharian. Ay nasakop na. " Ulat ng kawal sa kanya.

" Sandali, kelangan kung puntahan si Aira." Sambit ni Via ngunit pinigilan sya ni Selena.

"Ligtas na Ang mga prinsesa at prinsepe ng apat na kaharian. " Sabi ni Selena habang Dala Niya sina Liam, Joshua, Aira at Xavier.

"Nasaan Ang kapatid kung si Zandro?" Tanong ng Batang si Xavier.

"Wag kang mag-aalala Xavier hahanapin natin si Zandro." Sabi ni Anya.

Humangos namang nag tungo ang sugatang kawal.

"Mahal na Reyna Anya, at Prinsesa Selena. Patungo na si Hex dito. " Sabi ng kawal nang biglang naging abo ito.

Mula sa likuran ng kawal ng naging abot ay nakangiti si Hex na bumati kay Anya.

"Kamusta ka Mahal ko? Kung pumayag ka lang sanang ibigay sakin Ang mga anak natin. Hindi na sana magkakaganito Ang Mundo ninyo. " Sabi ni Hex.

"Herald kasuklam-suklam ka. Kelanman Hindi ko ipapahawak Sayo Ang mga anak ko." Sigaw ni Anya habang pinalilibutan sya ng mga kawal na nanatiling tapat sa kanya. Habang sina Via at Selena naman ay itinago Ang mga Batang sina Xavier, Liam, Aira at Joshua.

" Nasaan Ang anak ko? " Tanong ni Hex.

"Ligtas na silang dalawa. Malayong malayo sayo!" Sigaw ni Anya at sabay nyang itinaas Ang setro. Lumiwanag ito ng napakalakas. Halos mabulag si Hex sa sobrang liwanag.

"Sugod mga kawal..." Utos ni Hex sa kanyang mga kawal.

"Protektahan Ang Reyna!" Sabi ni Selena.

Nagdikit dikit Ang mga kawal sa Tabi ng Reyna. Ngunit kakaiba Ang tinataglay na lakas ng mga kawal ni Hex. Kasing bilis Ito ng hangin kung gumalaw at inisa-isa nilang pinaslang Ang mga kawal na nakabantay Kay Reyna Anya.

Nagkatinginan naman sina Selena at Via.

"Via ngayon na!" Sigaw ni Selena. At agad namang ikinumpas ni Via Ang kanyang mga kamay isang malaking kidlat Ang mga tumama sa mga kawal ni Hex. At naging abo ito. Hindi Nila alam na natamaan si Reyna Anya ng palaso sa likud.

"Mahal na Reyna Anya. Itatakas ka namin dito!" Sabi ni Via.

"Hindi na, itakas ninyo ang mga bata. Dahil sila ang magbabalik sa mga anak ko dito upang sugpuin ang kasamaan ng kanilang ama." Sabi ni Anya.

" Tayo na Mahal na Reyna Hindi pwdeng iiwan ka namin dito." Sabi ni Selena.

Dinampot ni Reyna Anya Ang kanyang setro at ikinumpas nya ito. At sa isang iglap biglang nag laho sina Selena at Via kasama ang mga Batang itinakda.

"Anong tingin mo sa sarili mo Anya? Mandirigma? Hindi pa naisisilang ang Jamaisan o diwatang papaslang saakin." Sabi ni Hex.

Ngumiti naman si Anya sabay sabing...

"Isinilang na sila... " Ngiting Sabi ni Anya kahit nahihirapan na ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hex.

"Dahil ako Ang nagsilang sakanya.." magulong Sabi ni Anya. Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng Malay.

"Kunin ninyo sya at ikulong!" Sabi ni Hex.

Dahil sa sinabi ni Anya ay naguguluhan na si Hex. Kung ang kanyang anak ba na si Samuel Ang tinutukoy ni Anya. Pero bakit sila?

Tanong ni Hex sakanyang isipan. At umupo na Ito sa trono ng Harte.

Balik sa Kasalukuyan....

"Napaka tuso talaga ni Anya. Hindi ko alam na dalawang supling Ang kanyang isinilang. " Sabi ni Hex. Habang nakatingin sya kina Samantha na ginagamot Nila si Via.

"Ate via? Gumising ka!" Sigaw ni Aira.

" Insan! " Sabay sabi nina Samuel at Samantha.

Lumapit naman si Denise at Zandro.

"Samuel at Samantha kelangan na ninyong matalo si Hex." Sabi ni Denise.

"Kung ganun handa nako! " Sabi ni Samuel.

"Hindi kapa ba handa kanina?" Tanong ni Samantha.

Ngumiti lang si Samuel at naghahanda na itong sumalakay pero. Hinawakan sya ni Samantha.

"Sandali, kung may basbas ako ni Ate Via. Kelangan mo to Samuel."

Hinubad ni Samantha ang kanyang polseras at kwentas na ibinigay ni Susmihta ng Ayden.

"Ang mga kalasag mo?" Sambit ni Samuel.

"Ikaw na Ang gumamit. Mas mabuti nang sigurado Tayo." Sagot ni Samantha. At isinuot nya ito Kay Samuel.

"Tayo na!" Sigaw ni Samuel.

"Ayus!" Masayang wika ni Xavier sa loob ni Samuel.

Nang nasa tapat na Nila si Hex. Pinatamaan ni Samantha si Hex ng kanyang Pana.

"Pana ng pagkadalisay, sugatan at tapusin Ang kadiliman!" At pinakawalan na nya Ang palaso. Si Samuel naman ay gumawa ng bolang apoy itinapon nya ito kasabay ng mga palaso ni Samantha.

Ngunit, Hindi man lang nasaktan si Hex.

"Yun na yun? Ikinahihiya ko na maging anak kayong dalawa. " Sabi ni Hex na nasa likuran na ng dalawa. Isang malakas na Suntok Ang kanyang pinakawalan para sa dalawa. Mula sa ire ay bumagsak Ang kambal sa lupa.

"Kakaiba ang lakas natin Sam. Hindi Tayo masyadong na pupuruhan sa mga atake ni Hex." Sabi ni Samuel.

"Dahil yan sa Kalasag ng Ayden. Pero mag iingat ka Samuel. Nasa kanya pa Ang itim na libro. Kelangan nating gumawa ng para na makuha natin yan sakanya at sirain." Sabi ni Samantha.

"Sige Isa pang lipad?" Tanong nya.

"Ang mahuhuli panget!" Sagot ni Samuel.

Tumalon sina Samantha at Samuel. Ilang sandali pa ay nasa ire na ulit sila.

"Sam Ang libro.. lilituhin ko si Hex. " Sabi ni Samantha. Tumango si Samuel at nag antay ng pagkakataon. Si Samantha naman ay ikinumpas nya Ang kanyang mga kamay at bigla nalang syang dumami.

"Magaling Samantha.. kakayahan din yan naming mga taga lakur. " Sabi ni Joshua.

Naging invisible si Sam at dahan dahang nag tungo sa likuran ni Hex. Gumawa naman ng Huwad na Samuel si Samantha para di halatang nawawala si Samuel.

" Hex sumuko kana.. kakayanin mo bang kalabanin kaming sampung libo?" Sabi ni Samantha. Na sabay sabay na nagsalita.

Kukunin na sana ni Hex Ang kanyang libro nang biglang may sumaksak sa kanya.

Nang tingnan nya ito, nakangiti si Aira sakanya sabay sabing..

"Anong pakiramdam ng sarili mong sungay ang nakabaon sa likud mo!"

"Lapastangan kang Aeran!" Sigaw ni Hex sabay sampal kay Aira.

"Yan lang ba kaya mo?" Pang aasar ni Aira.

"Aira umalis kana dito Insan!" Pakiusap ni Samantha.

"Gusto mo talagang sumunod sa kapatid mo. Pwes, ibinigay ko Sayo Ang kamatayan na gusto mo!" Sambit ni Hex. Tumalas Ang kanyang mga kuko. Nang akmang susugurin nya si Aira. Sumugod naman Ang mga ginawang clone ni Samantha pero Hindi nya ito pinansin kahit magkasugat sugat na sya.

Dudukutin na sana ni Hex Ang puso ni Aira ng biglang isang malakas na sipa Ang pinakawalan ni Samuel.

Ang nagpakita na sya Kay Hex.

"Hinahanap mo ba ito? Ama?" Ngiting Sabi ni Samuel.

Habang sina Samantha at Joshua naman ay nag uusap na sa gagawin.

"Samantha.. ibubuhos ko na Ang huli kung kapangyarihan. Tulungan mo Ang kapatid mo!" Sabi ni Joshua.

"Mahal mo pa din sya no. Ayiieee!" Pang aasar ni Samantha.

"Samantha ?" Saway ni Joshua.

"Oo na ito nam yung Plano natin..." Sabi ni Samantha.

"Kalikasan, ikay aking tinatawagan. Lakas mo aking kelangan. Gawin akong isang hayup na kayang tumalo sa kadiliman!" Sabi ni Samantha. At isang malakas na hangin ang pumalibot sakanya at may kasama pa itong mga dahon.

Samantala sa Kanlaon...

"Sanay mag wagi kayo!" Sabi ni Magayon.

"Magtiwala ka Magayon.. Hindi Tayo bibiguin ng mga Napili ni Bathala." Sagot naman ni Gassia.

Itutuloy...

Kapit lang mga Mahal, nalalapit na Ang pagtatapos ng ating kwento.

Pero wag mag-aalala, may bago ka nanamang kwentong aabangan. Ito ay Ang Dondé Esta Rexy Morales?

Nasa wall ko lang Po try to read baka magustuhan ninyo salamat Po.

Siguiente capítulo