webnovel

EPISODE 26

"ANG AYDEN"

ANG NAKARAAN,

Nahanap na nina Xavier, Liam, Joshua at Sam si Aira sa Baryo Marikit. Habang sa di kalayuan nakatanaw sakanila si Jake na halatang natutuwa sakanilang pagkikita-kita.

ANG KARUGTUNG...

"Narito na tayo!" Sabi ni Sam.

"Sure ka?" Tanong ni Xavier.

"Oo sigurado ako, ito kasi ang sinabing palatandaan ni Tiya Selena. And I'm sure, ito ang bundok na sinabi ni Tiya." Sabi ni Sam.

"So sam, ano na nasaan ang Lagusan papuntang Ayden?" Tanong ni Aira.

"Sandali Insan. " Sambit ni Sam habang napatigil ito sabay kamot sa ulo.

"Bakit may nararamdaman kabang panganib Mahal ko?" Tanong ni Joshua.

"Hindi.. " ngiting sagot ni Sam sa kanyang nobyo.

"Bes parang Alam ko na ang mga ganyang reaction mo!" Sabi ni Liam.

"Ano Liam??" Tanong ni Xavier.

"Nakalimutan ko yun spell? Na itinuro ni Tiya. Pasensya na." Nahihiyang Sabi ni Sam.

"Samuel? Papano Yan? Hindi kami sinabihan ni Selena kung anong spell yun dahil Kayo lang dalawa ni Binibining Selena ang nag usap tungkol dyan!" Galit na Sabi ni Xavier.

"Sinisigawan mo ba ang nobyo ko Xavier? Magpaliwanagan nga tayo? " Alma ni Joshua.

"Sandali! Wag nga kayong mag away. Wala na nga dito si Zandro. Kayo namamang dalawa ang mag aaway! Utang na loob. Wag ngayon!" Sabi ni Aira.

At humarap sya Kay Sam at sabay sabing..

"Samuel isipin mo kung ano yun?"

"Naalala ko na, pero dapat nasa tapat tayo ng malaking puno. " Sabi ni Sam.

"Ayan ito na ang pinakamalaking puno dito sa bundok mahal. " Sabi ni Joshua.

"Hindi ko mabasa, pero isusulat ko nalang~ dito!" Sabi ni Sam sabay kuha ng isang baling sanga at isinulat nya sa lupa.

"Hindi ko mabasa Yan Insan? Hindi yan salitang pang Jamaisan o Aeran." Sabi ni Aira.

"Ako Rin. Kahit sa Andromeda hindi rin Yan. Hindi ko mabasa." Sabi ni Liam.

"Kahit din sa Lakur Hindi ko naiintindihan Yan! Alam ko ang mga ibat-ibang salita. Pero sa pagkakaalam ko Isa itong sinaunang salita." Sabi ni Joshua.

"See kahit kayo di nyo ako masisi kaya di ko maalala kasi di ko mabasa." Natatawang Sabi ni Sam.

Tumayo si Xavier at humakbang papalapit sa malaking puno.

"Hindi ito salita galing sa Hestia pero Alam ko Kung papano ito basahin! Sinasabi ko na nga ba minsan na akong makapunta dito noon!" Sabi ni Xavier.

Nang nasa tapat na nang puno si Xavier ay agad niyang binasa ang nakasulat at binigkas nya nang dahan dahan ang mga salita.

Samantala...

Sa Kastilyo ng Harte,

"Via!" Sabi ng isang dama habang si Via ay nakaupo sa upuan nakatingin sa malawak na Lupain ng harte.

"Bakit? Pinatatawag ba ako ni Hex?" Tanong nya.

"Hindi.. nais ko lang ibalita sainyo na nakatakas ang Reyna Anya sa kanyang kulungan." Sabi ng dama.

"Ano?? Mag tawag ka nang mga kawal ipahalughug mo sa buong palasyo ang Reyna. Alam Kung Hindi pa yun nakakalayo! Malalagot nanaman tayo nito!" Sigaw ni Via.

Yumuko ang babae at sabay sambit.

"Masusunod!" At agad itong tumakbo patungo sa nagkukumpulang kawal.

Habang si Reyna Anya naman ay itinakas ni Selena at nasa Lakur sila nagtatago.

"Jenna? Maraming salamat pero bakit mo ako itinakas? Naririnig ko sa mga kawal at sa malapit Kung dama na narito ang Anak kong si Samantha?" Sabi ni Reyna Anya.

"Syang tunay Anya ngunit naglalakbay na sila ngayon kasama ng Prinsesa at Prinsepe ng Hestia, Lakur, Andromeda at Aera. Patungo sila sa aking kaibigang si Jessel sa Ayden." Sabi ni Jenna.

"Alam naba niya na si Hex at ang kanyang ama ay iisa?" Tanong ni Anya.

"Hindi pa! Pero ako na Ang magpapaliwanag. Ang mas isipin natin Kung papano ka magiging ligtas." Sabi ni Jenna.

Dumating naman si Katalina kasama si Tyler dala ang isang libro.

"Narito na Jenna. Dala na namin ang iyong libro." Sabi ni Katalina.

"Maraming salamat. "Sagot ni Jenna.

"Katalina? Ikaw nga? Akala ko bumalik kana sa Mundo ng mga tao. Kamusta na ang mga anak mo?" Tanong ni Anya.

"Sa katunayan Anya, Wala akong balita. Pero Alam Kung ligtas sila." Sabi ni Katalina.

Ilang sandali naman ay bumalik na Sina Theo at Jake.

"Jake? Kamusta ang lakad mo ?" Tanong ni Jenna.

"Tagumpay Jenna. Patungo na sila sa Ayden ngayon." Ngiting sabi ni Jake.

"Magaling... Ikaw Theo? Nahanap mo ba ang lagusan ng impyerno dito sa Jamais? " Tanong ni Jenna.

"Oo Jenna.. mabuti na lang at Wala dito si Sam. Alam naman nating siya Ang susi upang mabuksan ang pintuan ng impyerno." Sabi ni Theo.

"Bat ba kasi Hindi matapos tapos ang digmaang ito!" Sabi ni Tyler.

Agad naman syang niyakap ni Jake sabay titig sa kanyang mga mata.

"Hayaan mo! Minsan na nating natalo si Sitan? Mapigigilan natin ang kanyang muling pagbabalik." Sambit ni Jake sabay halik sa kanyang noo.

"Sana nga! Pero kakayanin kaya ni Samantha? Na labanan ang kanyang ama?" Sabi ni Anya.

"Magtiwala ka Anya." Ngiting Sabi ni Jenna.

Balik kina Sam..

Binigkas ni Xavier ang mga nakasulat sa lupa at biglang umalog ang lupa Habang ang puno naman ay nagliwanag na halos sumakop sa buong kagubatan.

Nang unti-unti nang mawala ang liwanag na nakabulag. Tumambad sakanila ang isang napalaking pintuan.

Habang sa Ayden naman ay naramdaman ng Reyna ng Ayden ang PAGBUKAS ng lagusan.

"Bakit Jessel? Anong nararamdam mo?" Sabi ni Susmita. Ang kaibigan ni Jessel.

"Ayus Lang ako Sus. Pero parang may nararamdaman ako na kakaiba. " Sabi nya.

"Ano? Itim ba na kapangyarihan?" Tanong ni Susmita.

"Hindi. Nagbukas ang lagusan.? Sa pagkakaalam ko sina Jenna lang binigyan ko ng bagong spell upang magbukas sa Lagusan. Hindi kaya? Buhay Sina Jenna?" Sabi ni Jessel.

"Impossible Jessel? Dahil nakita natin kung papano sila tumanda at namatay. " Sabi ni Susmita.

"Alam ko! Pero papano kung binuhay sila ni Bathala? Hindi ako nagkakamali Sus." Sabi ni Jessel.

"Kung ganun? Gusto mo tingnan ko sa Kagubatan?" Alok nya.

"Samahan mo nalang akong magtungo doon sa kagubatan.hindi Lang tayo magtatagal!" Sabi ni Jessel.

"Pero pano Kung Sina Alpia o Mia lang yun?" Sabi ni Susmita.

"Hindi iba ang ibinigay ko sakanilang salita. Mga dalaket sila Hindi gagana sakanila ang salita na ibigay ko kina Jenna." Sabi ni Jessel.

"Sige ikaw bahala.. antayin moko dito. Kukunin ko lang ang susuotin natin" Sabi ni Susmita.

"Bilisan mo!" Sambit nya.

"Oo Mahal na Reyna!" Ngiting Sabi ni Susmita at nagtungo ito sa loob ng silid nya.

Samantala sina Sam naman ay matagumpay na nakapasok sa Ayden.

"Ito naba ang Ayden?" Sabi ni Xavier.

"Nasa kagubatan tayo ng Ayden mag iingat kayo dahil may nagbabantay dito na isang halimaw. Yun Sabi sakin ni Tiya Selena." Sabi ni Sam.

"Ano namang Halimaw yun?" Tanong ni Liam.

Nang biglang may narinig silang yabag nang paa na papalapit sa kanila.

"Hangin protektahan kami ng iyong kapangyarihan gawin kaming. Kawangis mo!" Sabi ni Aira. At sa isang iglap lang ay naging invisible silang lima.

"Wow Ang galing!" Sabi ni Sam.

"Tahimik Samuel nararamdaman ko na sya! Sabi ng mga halaman at puno!" Sabi ni Joshua.

"Sino kayong mga lapastangang pumasok sa Kagubatan ko!" Sigaw ng isang babae.

Itutuloy.....

Siguiente capítulo