webnovel

EPISODE 22

"SAMUEL AT SAMANTHA"

ANG NAKARAAN,

Nabunyag na ang tunay na katauhan ni Hex sa tulong ng mga diwatang kaibigan nina Selena at Aira. Nalahad na din sakanila ang tunay na Plano ni Hex sa Jamais at sakanyang anak na si Sam.

Ngunit mukhang may isa pang problema si Sam, ang pag-aagawan nina Xavier, Zandro at Joshua sa puso ng Dalaga.

SA PAGPAPATULOY...

Habang nakaupo si Sam sa isang silya nakatingin sa malayo. Nilapitan sya ng kanyang Tiya na si Selena.

"Pamangkin ko? Mukhang malalim ang iyong iniisip? Tungkol ba ito sa pagsasanay mo? Pinapagalitan kaba nila?" Tanong ni Selena sakanya habang kasama naman ni Sam si Rosa.

"Maiwan ko muna Kayo Mahal na Prinsesa at pinuno" sabi ni Rosa at yumuko ito sa dalawa. Bago paman ito umalis nag iwan pa muna ito ng isang regalo.

"Isang bulaklak? Salamat Rosa. Napaka bait mo talagang kaibigan" napangiting Sabi ni Sam at si Rosa naman ay umalis at iniwan na sya kay Selena.

"Mukhang malungkot ka Sam? Bakit? Baka may maitutulong ako? Alam mo katulad ng Ina mong si Anya. Kapag nalulungkot yun. Ako lagi tinatakbuhan nun! Noong mga Dalaga pa kami panay iyak yun sa kanyang amang Hari na si Demus." Sabi ni Selena.

"Tiya, magkwento ka nga tungkol sakanila. Kay mama at papa. Kung anong klaseng pinuno sila dito sa Jamais." Sambit ni Sam habang nakatingin kay Selena.

"Ay oo naman syempre, Alam mo yang si Anya. Kasing kulit mo din noon. Noong mga Bata pa kami palaging tumatakas Yan sa palasyo para magtungo sa mundo Ng mga mortal. Minsan pa nga ako ang pinagpanggap nyang siya na natutulog sa kanyang silid. Muntik na akong maparusahan nun! Pero sobrang galing ni Anya sa mahika siya pa nga ang itinanghal na pinakamagaling na Prinsesa noon. " Natatawang Sabi ni Selena habang inaalala niya Ang kanyang kabataan.

"Kay papa? Mag kwento ka naman Tiya. Mahal na Mahal ba ni papa si Mama?" Tanong ni Sam.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Selena nang tanungin sya ng kanyang pamangkin.

"Bakit Tiya? May masama ba akong nasabi??" Sambit ni Sam.

Binawi naman ni Selena ang kanyang negatibong expression sa mukha at ngumiti ito sakanyang pamangkin.

"Ay oo naman, napakagaling nyang mamuno sa inyong kaharian." Sagot ni Selena.

"Ang swerte naman ni Mama dahil forever nya talaga ang kanyang nakasama." Malungkot na Sabi ni Sam.

"Forever? Ano yan? Hindi ko kabisado ang salitang mortal pamangkin." Sabi ni Selena.

"Tiya Forever means, panghabang buhay. " Sagot nya sabay tingin kay Xavier na dumaan.

"May forever ka din naman.. Si Joshua ! Bakit hindi mo ba Mahal si Husua.?" Tanong ni Selena.

"Mahal pero naguguluhan ako" mahinang sagot ni Sam.

"Naguguluhan? Tungkol ba ito sa dalawang taga Hestia? Alam kung naging una mong pag ibig si Zandro hanggang sa magkahiwalay kayo, si Xavier naman Sabi ni Aira sobrang talas ng dila at Kita mo may lihim din palang pagtingin sayo. At Oo nga pala, silang dalawa ang pinadala ko sa mundo ng mga Tao upang bantayan ka noong Bata ka pa." Sabi ni Selena.

"Naikwento na din po nila yan saakin, gaano po ba ako kaimportante? Aside from being the princess or prince of Harte. Ano ba talaga ako? Naguguluhan ako kung pipililiin ko ba maging Samantha o Samuel? Naguguluhan na po ako!" Sabi ni Sam.

"Hindi ko man masyadong naiintindihan sinasabi mo. Pero Alam lahat tayo may kanya kanyang tadhana at choices. Narinig ko yan Kay Aira. Nasasaatin lang yan kung anong tadhana ang pipiliin mo at dapat tanggap mo ang kinalabasan ng pinili mong landas. Bakit Sam? Gusto mo bang maging lalaki?" Tanong ni Selena.

"Tiya sa mundo ng mga tao kung saan ako lumaki. Ang mga katulad kung bakla. Lalaki nga ako manamit pero puso ko naman ay babae. Sa Mundo kasi namin, bibihira lang kaming mga bakla na makahanap ng lalaking totoong magmamahal saamin. Kung hindi man kami gagamitin sa pang material na bagay, gagamitin din para sa Sexual na bagay. Pero kadalasan sa mga material na bagay. Mga baklang katulad ko din naman, pumapayag sa ganoong kalakaran sa pag ibig as long as nararamdaman nilang Mahal sila ng lalaking yun. Lalo na pag bet at Daks ang lalaki nako panalo di na lugi ang wampayb mo. " Salaysay ni Sam.

Tumawa naman si Selena at sabay sagot.

"Hindi ko naiintindihan mga sinasabi mo pamangkin pero parang naiintindihan ko din ng konti. Pero sabagay, walang perpektong mundo Sam. Kung sa mundo ng mga tao, Ang mga baklang sinasabi mo ay ganun. Nasasakanila na din yun kung magiging masaya sila kahit Alam nilang pinag sasamantalahan lang sila. At Isa pa Sam, kahit anong mangyari. Piliin mo ang Alam mong Tama! Kasi kahit mga dugong bughaw o Tao dapat piliin pa din nating maging masaya at piliin mo ang tama." Sabi ni Selena.

"Maraming salamat tiya!" Sabi ni Sam at niyakap niya si Selena.

At nakita naman Nina Liam, Aira, Joshua, At Xavier ang dalawa.

"Mukhang naguguluhan si Samuel sa mga nangyari." Sabi ni Liam.

"SAMANTHA hindi Samuel!" Sabi ni Xavier.

"Tahimik! Hayaan na muna natin silang dalawa makapag usap. Balik na tayo sa Plano natin. Balita ko, at ayun sa ulat ni Adrian saakin. Nakuha ni Hex ang libro ng mga mahika. At mukhang kelangan natin ng tulong." Sabi ni Aira.

"Bakit Aira?" Tanong ni Joshua.

"Tutungo ako sa mundo ng mga Tao upang kausapin ang mga reinkarnasyon ng mga tagalipon noon." Sabi ni Aira.

"Hindi ko kilala pero Kung sino man sila. Naway matulungan tayo sa ating sularinin!" Sabi ni Xavier.

"Kaya kayo bantayan ninyo si Samuel o samantha!" Sabi ni Aira.

"Masusunod your highness!" Sabi ni Liam.

"Kelangan Kung magbalik sa silid aklatan Joshua. Tulungan mokong hanapin ang nilalang na Sitan. Pero minsan na din yang nasabi saakin ni Habagat pero. Bahala na!" Sabi ni Aira at hinila si Joshua.

"Tutulong ako!" Sabi ni Liam.

"Ako naman ay... Pupuntahan ko si Zandro!" Sabi ni Xavier.

Sa Kastilyo ng Harte...

"Ngayong nasaatin na ang libro ng mahika. Anong binabalak mo Panginoon?" Tanong ni Via.

"Syempre bubuhayin ko si Ama." Sagot ni Hex.

"Ama? " Gulat na sambit ni via.

"Oo si Amang Sitan!" Sabi ni Hex. Habang nakabuklat sa pahinang may larawan ni Sitan.

Itutuloy....

Siguiente capítulo