"ANG PAGKAKAWATAK-WATAK NG LIMANG TAGAPAGBANTAY (Part1)"
ANG NAKARAAN,
Matagumpay na nakatakas Sina Aira, Liam at Joshua sa Kulungan.
Ngunit agad naman itong nalaman ni Hex.
"Oras na para magkaharap kayo ng kapatid mo!"
Sambit ni Hex kay Via.
Ngumiti lang si Via na tila may masamang planong namumuo.
Habang si Samuel naman ay nakaapak na din sa kanyang mundong pinagmulan.
"Ganito pala ang itsura ng Jamais?"
"Naloko na!" Sabi ni Xavier at napakamot nalang si Zandro sa kanyang ulo.
ANG KARUGTUNG...
"Hayaan nyo na! Yun din ang utos ng Prinsesa Selena." Sabi ni Victoria.
"Napaka delikado pa!" Sabi ni Xavier.
"Bubuksan ko muli ang lagusan! Sandali!" Sabi ni Zandro.
"Sandali! Bat parang wala kayong tiwala saakin? Kelangan ako ng Boyfriend ko, Pinsan ko at Best friend ko! Hindi man sapat ang kaalaman ko sa mahika. Pero may eagerness akong maligtas sila!" Sabi ni Sam.
"At ang Pagiging mapusok ang magtutulak sayo para mapahamak ka! Hindi Kita pinadala dito upang ibigay kay Hex. Narito ka upang lubusan mong maunawaan ang lahat at upang ganap na ang iyong pagiging Jamaisan!" Sabi ni Selena.
Nang lingunin Nina Zandro, Xavier at Victoria ang kanilang likuran ay nakita nila si Selena na muling nagbalik ang anyo sa pagiging bata.
"Prinsesa Selena? Bakit kayo naging Bata?" Tanong ni Victoria.
"Hindi na maganda ang nangyayari sa Jamais. At kelangan na ni Sam na kontrolin ang apat na katangian ng Diamanteng hawak mo!" Sabi ni Selena.
"Literal na nasa edad sampu ka sa anyo mo ngayon Prinsesa Selena." Sabi ni Zandro.
"Binibining Selena? Papano at bakit nahuli sila?" Tanong ni Xavier.
"Hindi ligtas dito mag usap. Sumunod kayo sa bagong kuta!" Sabi ng batang Selena.
"Anyare kay Prinsesa Selena? Nagpa derma ba sya? Bumata sya ng bongga! Sana may ganun din sa Mundo ng mga tao!" Sabi ni Sam.
Ngumiti si Zandro at nag salita.
"Yan ang proweba na Hindi na nagiging balanse ang mundo natin. Si Prinsesa Selena ang tagapagbantay at nangangalaga sa Balanse ng ating mundo. Kumbaga, nararamdaman nya kung maayus pa ba ang Jamais o hindi na. At base sa itsura nya ngayon. Hindi na! Bago ako umalis naging matanda ang Prinsesa ngayon naging bata na sya." Paliwanag ni Zandro.
"Hindi ko pa din gets!" Sabi ni Sam.
"Mahina kasi utak mo kaya ganun!" Sambit ni Xavier.
"Ikaw? Ano ka matalino kaba? Oo sige ako na ang Bobo!" Sigaw ni Samuel.
"Pwede bang tumahimik kayo? Narito na tayo sa Kaharian ng mga duwende. " Sabi ni Selena habang kaharap nila ang Isang malaking puno.
"Ang kaharian ng Lakur!" Sabi ni Xavier.
At sa likuran ng puno ay lumabas ang isang Lambana at isang matandang Duwende.
"Maligayang pagdating sa Lakur. Mahal na Prinsesa Selena! " Bati ng Lambana Kay Selena.
"Salamat Lila. Kasama ko na ang Prinsepe ng Harte." Sabi ni Selena.
"Kayo pala Prinsepe Xavier at Zandro! Ikinagagalak kung Makita kayong muli!" Bati ng Matandang duwende.
"Kami rin Lolo!" Sabi ni Zandro.
"Pumasok na kayo sa Kaharian at marami pa tayong pag-uusapan!" Sabi ng Matandang duwende.
Samantala sina Aira, Joshua at Liam ay nakalayo na sa Kastilyo ng Harte.
Kasalukuyang nasa Kagubatan silang tatlo.
"Hindi na ata tayo masusundan dito. Narito tayo sa Kagubatan ni Magindara. Ligtas tayo dito!" Sabi ni Liam.
"Magindara?" Sambit ni Aira.
"Oo ang diwata ng Tubig! Sya ang nangangalaga sa kagubatang ito. Teka sandali tatawagin ko sya." Sabi ni Liam.
"Sandali, mag iingat ka baka marinig tayo! Nasa Harte pa din tayo!" Paalala ni Joshua.
"Oo nga, susubukan ko ding kausapin ang hangin upang makibalita." Sabi ni Aira at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Ilang minuto pa ay lumakas ang hangin sa paligid.
Si Joshua naman ay sinusubukang pakiramdaman ang paligid.
"Husua? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Liam.
"Hinahanap ko kung may lagusan ang mga puno papasok sa Lakur. Ngunit tila Wala akong mahanap ni Isang lagusan. Nakalimutan ko pinasara ko pala ang lagusan papasok at palabas ng Lakur. " Sabi ni Joshua sabay kamot sa kanyang ulo.
"Sge humanap ka muna. Tatawagin ko si Magindara sa Batis na yun!" Sabi ni Liam.
"Sige pero wag kang lalayo saamin!" Sabi ni Joshua.
At nagsimula nang maglakad si Liam patungo sa Batis. Habang sina Aira at Joshua ay patuloy pa din sa kanilang ginagawa.
Ngunit ang hindi nila alam, naka tingin sa kanila si Via.
"Akala nyo makakatakas kayo sa panginoon ko? Nagkakamali kayo!" Sabi nya habang nakatingin kina Aira, Joshua at Liam.
"Ikaw Aira kapatid ko sa ama! Oras na para kunin ang nararapat saakin !" Ngiting Sabi nya at Lumabas ang kulay itim na usok sa katawan nya at umihip din ang malakas na hangin sa kanyang kinatatayuan.
Balik sa Lakur...
"Ito ba ang mga Magulang ni Joshua?" Tanong ni Sam sa Lambana.
"Oo Mahal na Prinsepe, sila ang reyna Magnolia at Haring Husua." Ngiting Sabi ng lambana na si Lila.
"Husua? O Joshua?" Tanong ni Sam.
"Husua sa aming mundo. Kung Joshua sa inyong Mundo ay parehas lang. At Oo, Mahal na Prinsepe magkapareho sila ng pangalan ng kanyang Ama."paliwanag ni Lila.
"Like Junior? Husua Junior? Haha Ang sagwa! Pero magpapaliwanag sakin si Joshua o Husua sakin bakit di nya sinabi sakin ang to!" Sabi ni Sam.
Samantala kinausap ni Selena ang matandang Duwende tungkol sa kanilang pakay.
"Kung ganun Mahal na prinsesa. Laging bukas ang Lakur para sa mga Aeran, Hestian, Andromedian, at lalo na sa mga Hartian. ngunit bakit dinala na ninyo si Samuel? Napaka delikado pa lalo na't sinabi mo na nadakip Sina Prinsepe Joshua." Sabi ng matandang Duwende.
"Kaya nga narito ako. Dahil sa apat na kaharian ang kaharian ninyo ang hindi nasira sa itim na mahika ni Hex." Sabi ni Selena.
"Dahil, ang Lakur ang pinaka malapit na Kaharian sa Harte. Pero noong sinasalakay na kami agad naming nilinlang ang mga kalaban. Maling puno ang kanilang sununog! Sandali tungkol sa Sunog!" Natigilan ang pagsasalita nya nang maalala ang kaawa-awang sinapit ng kaharian nina Xavier at Zandro.
"Bakit Nuno?" Tanong ni Selena.
"Zandro? Kakampi ka ba talaga namin?" Tanong ng matandang Duwende.
"Bakit Nuno? Nasa Jamais ang katapatan ko." Sagot ni Zandro.
"Nung minsang nagtungo ako sa Kaharian ninyo. Dahil bilin iyon ni Husua saakin na palaging tingnan ang inyong kaharian. Nakita kung sinunog mo ito kasama ang tauhan ni Hex. " Sabi ng matandang Duwende.
"Zee?? " Tanong ni Xavier.
"Kelan ito nangyari?" Tanong ni Zandro.
"Noong nagbukas na muli ang lagusan." Sagot ng Matandang duwende.
"Malaking Kalokohan! Noong nagbukas na ang lagusan. Agad akong nagtungo sa Mundo ng mga tao upang tulungan sila Husua na kolektahin ang mga Diamante. Diba Prinsesa Selena? Ikaw nagpadala saakin sa Mundo ng mga tao." Sabi ni Zandro.
"Totoo yun Nuno! Papano manyayari yun?" Naguguluhang sabi ni Selena.
"Siguraduhin mo lang Zee, minsan mo nang pinagkalulong ang mga kalahi mo! Kapag nalaman kung ikaw ang sumira at Pumaslang sa kalahi natin..~" Sambit ni Xavier at tumayo ito sabay turo Kay Zandro.
"Pangako Wala akong kasalanan!" Sabi ni Zandro.
"Maiba tayo! Nangyari na yan Xavier! Kelangan nating masugpo ang kasamaan ni Hex. Bago pa sya nakahanap ng paraan upang gamitin si Sam at isalin sakanya ang trono ng Harte. Hindi pa magiging ganap ang kanyang pagiging Hari sa Jamais hanggat Hindi pa naipapasa sa kanyang ang trono. At Alam natin si Samuel lang ang makakagawa nun!" Sabi ni Selena.
Balik sa Kagubatan ng Harte.
"Hangin ng Kadiliman, inuutusan kitang pumasok sa katawan ng Lakurian na yan." Sabi ni Via at isang maitim na usok ang lumapit kay Joshua.
" Sino Yan?" Tanong nya at sabay lingon sa paligid.
Nakita nya pa din si Aira na nakapikit at ngayon ay nasa loob na nang ipo-ipo.
Hindi nya namalayan na nalanghap na nya ang maitim na usok na nangaling Kay Via.
Mula sa dikalayuan ay napangiti na si Via.
"Oras na para manggulo at harapin ang hilaw kung kapatid!" Sabi ni Via at humakbang ito papalapit kay Joshua.
Tyempo namang tapos na si Aira sakanyang ginagawa.
"Via?" Sabi ni Aira akmang sasaksakin nya si Joshua.
"Hindi!" Sigaw ni Aira at mula sa kanyang kamay ay pinakawalan nya ang malakas na pwersa. Hindi Naman sya nabigo dahil natamaan nya si Via.
"Anong nangyayari?" Gulat na sabi ni Joshua.
"Nandito ang ahas kung kapatid! Muntikan ka nang masaksak!" Sabi nya.
Naka salampak Naman sa Damuhan si Via.
"Hindi ka parin nang babago kapatid ko!" Ngiting Sabi ni Via.
Itutuloy....