webnovel

EPISODE 13

"ANG PATIBONG AT ANG NAKARAAN (part1)"

ANG NAKARAAN,

Nagkita na ang magkapatid na Zandro At Xavier.

"Sumunod ka sa utos ng tagapag-mana ng Kaharian ng Harte." Sambit ni Zandro habang namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ni Xavier.

"Ano ba? Xavier itigil mo Yan!" Utos ni Sam sakanya.

Habang sina Liam, Aira at Joshua ay mukhang malalagay sa kapahamakan.

"Hindi kayo dapat nandito! Lalo na't hindi pa kayo kompleto! Mahina pa ang mga kapangyarihan ninyo." Sabi ni Selena habang nakatingin sa mga mata ni Aira na sya namang ikinabahala ng Prinsesa ng Aera.

ANG KARUGTUNG...

Sa isang coffee shop nag usap sina Samuel at Zandro.

"Zee kamusta na si~" nalulungkot na tanong ni Sam.

"Samuel, hindi ko anak ang dinadala nya. Walang nangyari saamin. Hindi sumagi sa isip ko na gawan ka ng masama. O lokohin ka!" Sabi ni Zandro sabay hawak sa mga kamay nya. Na agad namang binawi ni Sam ang kanyang mga kamay habang hawak ito ni Zandro.

"Hindi yan ang gusto kung pagusapan natin Zee! Yung totoo mong pagkatao! Totoo bang magkapatid kayo ni Xavier?" Tanong ni Sam.

"Oo, nagmula kami sa iisang mundo. At yun ay sa mundo natin sa Jamais." Ngiting sagot ni Zandro.

"Kelan at papano mo nalaman na taga Jamais ako at taga Lakur ako? Bakit hindi mo sinabi sakin? Kung totoo mang matagal mo nang Alam!" Naguguluhang tanong ni Sam.

"Matagal na Sam, pinadala ako ng Haring Gerald upang bantayan ka. At kabilin-bilinan nya saakin na wag ipaalam ang tunay mong pinagmulan. Lalo na't hindi kapa handa. Sa sandaling handa kana. Ako ang magsasalaysay at magtuturo sayo ng mahika. " Salaysay ni Zandro.

Samantala sa Jamais...

"Kelangan nyo nang magbalik sa mundo ng mga tao. Hindi na kaya ng aking kapangyarihan na panatiliing bukas lagusang ito. Isasara ko muli ang lagusan sa pangalawang pagkakataon!" Sabi ng kaibigan ni Selena na si Victoria.

"Tandaan nyo. Kompleto kayong babalik sa Jamais." Dagdag na sabi ni Selena.

Tumango lang silang tatlo at isa-isa silang pumasok sa maliwanag na lagusan.

Nagpahuli si Aira.

"Aira? Pumasok kana! Hindi ko na Alam Kung hanggang kelan pa ako tatagal." Sabi ni Victoria habang pinagpapawisan ng husto.

"Mag iingat kayo rito!" Sabi ni Aira pagkatalikud nya at humakbang na sya papasok ng lagusan. Nang biglang may mahika ang pumigil sakanya upang makapasok sa lagusan.

"Re-ver-se!" Sambit ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ito ni Aira ang kanyang likuran.

"H~Hex?" Gulat na Sabi ni Aira at sa isang iglap ay nagbalik din sa Jamais sina Joshua at Liam.

"Bakit anong nangyari?" Reklamo ni Liam ng nagulat sya sakanyang nakita.

"Wag! Utang na loob! Wag mong sasaktan ang aking tiyahin." Sabi ni Aira. Habang kitang-kita nyang naka bantay ang mga matatalas na kuko sa Leeg ni Selena si Victoria naman ay hawak ng mga tauhan ni Hex.

"Tumakas na kayo! Mag tungo kayo sa Isa pang lagusan." Sigaw ni Selena.

"Tumahimik ka Aeran! At isang pagkakamali ang inyong pagbalik dito sa Jamais" ngiting Sabi ni Hex.

"Ano bang kelangan mo!" Sigaw ni Liam.

"Simple lang ang inyong mga kapangyarihan! Isuko ninyo ang inyong mga katapatan saaking pamumuno!" Sagot ni Hex.

"Ano kami nahihibang? Mamatay kami nang lumalaban alang-alang sa kapayapaan ng Jamais!" Sabi ni Joshua.

"Prinsepe ng mga duwende. Patay agad? Uh-uh!? Hindi ako ganun. Gusto ko! Sa harap mismo ng inyong tinuturing nyong pag-asa ko kayo tatangalan ng hininga!" Tumatawang Sabi ni Hex.

"Sa ngayon, magiging dagdag kayo sa Koleksyon ko sa Lakur. Ang saya nito!"dagdag na Sabi ni Hex.

"Pakawalan mo na ang mga bata Hex. Ako nalang ang ikulong mo! O alilain mo!" Sabi ni Selena.

"Ayuko? Kasi wala ka nang silbi sa sinasakupan mo. Ni isang kumpas mo Wala nang mahikang lumalabas dyan sa kamay mo! Isa pa, nararamdaman ko na magtutungo dito ang Anak ni Anya at Gerald upang iligtas ang mga polpol na tagabantay." Sabi ni Hex at sabay sabay silang naglaho sa Kuta ni Selena.

"Mahal na prinsesa! Anong gagawin natin?" Sabi ni Victoria kay Selena.

"Oras na para magbalik ang tagapag-mana ni Anya dito sa kanyang pinagmulan! At Victoria kelangan ko ng Tulong mo!" Sabi ni Selena.

"Sabihin nyo saakin Mahal na Prinsesa Kung anong gagawin ko. Handa ako!" Sagot ni Victoria.

Balik sa Syudad...

Patuloy pa din sa pagkukwento si Zandro kay Samuel tungkol sa Jamais.

"Pagkatapos ano?" Tanong ni Sam kay Zandro.

"Alam kung hinahanap ninyo ito!" Sagot ni Zandro sabay lapag ng mga diamante na may mga simbolo ng mga kaharian ng Jamais.

"Lakur, Harte, Hestia, Andromeda at ~" Sambit ni Sam habang dinudukot nya sakanyang bulsa ang huling diamante na nagsisimbolo sa Aera.

"At Aera! Papano mo ito nakuha?" Ngiting Sabi ni Sam.

Hinawakan ulit ni Zandro ang kanyang kamay at sabay sabing.

"Sinusubay-bayan kita. Kahit saan ka mag punta, upang siguraduhing ligtas ka!" Sagot ni Zandro.

Sa tambayan nila..

Kung saan nakaupo si Xavier at inalala Ang mga nangyari.

"Buhay nga si Kuya, pero papano? At bakit?" Tanong nya sa isip ng biglang umihip ang isang napakalakas na hangin at sa harapan ni Xavier nagbukas ang isang lagusan.

"Salamat dumating na sila!" Sabi ni Xavier nang nagulat sya sakanyang nakita.

"Dama Victoria?" Sambit ni Xavier.

"Ako nga! Nandito ba ang Anak nina Reyna Anya at Haring Gerald?

"Nasaan Sina Aira? Bat di mo sila kasama? Wag mong ibig sabihin na namamasyal pa sila?" Tanong ni Xavier.

"Yun na nga ang pinunta ko dito! Nasa panganib silang Tatlo. Hawak sila ni Hex ngayon." Balita ni Victoria.

"Ha? Papano? Sandali buksan mo ulit ang lagusan pupuntahan ko sila!" Sigaw ni Xavier.

'"Hindi pwde kelangan nating isama Ang Anak ng Reyna Anya. Hindi natin kakayanin ang lakas ni Hex." Sabi ni Victoria.

Balik sa Jamais sa piitan..

"Uh! Bat hindi ko magamit ang mahika ko! Anong nangyayari??"! Naiinis na sabi ni Aira.

"Wag mo nang aksayahin lakas mo Aira. May engkantasyon ang piitang ito."Sabi ni Joshua

"May Idea kaba Aira Kung papano tayo makakabalik.?" Tanong ni Liam.

"Correction boys.lalabas pa tayo dito

At babalik sa mundo ng mga tao?!" Sabi ni Aira.

Itutuloy....

Siguiente capítulo