webnovel

EPISODE 5

"HEX at ang kanyang mga Alagad!"

ANG NAKARAAN,

Nakilala na ni Sam ang kanyang tiyahin na si Selena.

"Anong itsura ng aking Ina? Si Ama? Anong mga katangian nila? May namana ba ako. At Ano yun?" Sunod sunod na tanong ni Sam kay Selena.

Napangiti nalang ang babae.

Habang sa kalagitnaan ng pagsasanay nila, may narinig na silang sigaw at humihingi ng tulong.

"Ano yun?" Gulat na sabi ni Sam.

"Malamang Sigaw ano pa nga ba?" Masungit na sambit ni Xavier.

Agad namang nagpalit anyo si Liam at suot nya ang kanyang kasuotang pandigma.

Habang nakatingin lamang si Sam at namangha.

ANG KARUGTUNG,

Nagpalit na nag kasuotang pandigma Sina Liam, Aira at Joshua.

"Xave~ " Naputol ang sasabihing engkantasyon ni Xavier upang makapagpalit ng kasuotang Pandigma. Ngunit pinigilan sya ni Aira.

"Maiwan ka sa Pinsan ko!" Sambit ni Aira.

"Anlabo mo Aira! Bakit ako?" Reklamo ni Xavier.

"Kung ayaw ni Xavier ako nalang Aira." Presenta ni Joshua.

"Ako ang masusunod! Sasama ka sakin Josh at Liam. Xavier babantayan mo si Sam." Utos ni Aira na tumaas na ang tono ng kanyang boses.

"Pep-ro, okay fine!" Sambit ni Xavier.

"Tayo na! At Xavier tuturuan mo si Sam kung papano kontrolin ang Elemento ng apoy." Sabi ni Aira at agad silang nag laho.

Pagkaalis ng tatlo, agad pinaapoy ni Xavier ang kanyang mga kamao. At gumawa ng bolang apoy.

"Xavier, Kung gusto mong sumama sakanila. Ayus lang ako dito. Scout master ako. Kaya kung ng alagaan sarili ko." Sambit ni Sam.

"Wala akong paki di kita tinatanong! Ang hihina kasi ng mga tagae kaharian nyo. Puro kayo diplamasya.

Kaya ngayon ang Jamais. Nasakop ni Hex!!" Galit na Sabi ni Xavier.

"Pasensya na Kung ganun. Ako na ang humihingi ng tawad on behalf sa mga magulang ko. Hindi ko man sila kilala pero Alam Kung Hindi nila kasalanan ang malagay sa panganib ang mundo ninyo." Sabi ni Sam akmang tatalikod na si Sam ay biglang may palaso ang muntik ng tumama sakanya mabuti nalang ay naitulak agad sya ni Xavier.

"Kanino galing yun?" Sabi ni Sam habang inililibot ang kanyang mga mata sa paligid.

Samantala sa Jamais..

"Panginoon, nahanap na po namin ang apat na asungot ng apat na kaharian. At ngayon ay kasama nila ang sinasabi sa propesiya ni Selena." Sabi ng lalaking nakaluhod sa itim na nilalang.

"Zandro ipagpatuloy mo ang iyong pakikipag halubilo sa itinakda. At mag-iingat ka sa mga asungot na sinasabi mo! Lalo na kay Aira. Walang matatagong lihim ang hindi maibubunyag nya. Iwasan mong mabasa nya ang iyong isipan." Sambit ng itim na nilalang.

"Oo panginoon. Hindi ko po Yan kakalimutan." Sagot ni Zandro sabay yuko sa itim na nilalang.

"Hayaan mo ang mga alagad ko ang gumawa ng Eksena sa pagsasanay ng itinakda." Nakangiting Sabi ng itim na nilalang.

At yumuko muli si Zandro bilang tanda ng kanyang pag sang-ayon.

Balik naman kina Xavier at Sam.

"Sa likud ka lang!" Sabi ni Xavier sa kanya at agad itong nag palit ng kasuotang Pandigma.

"Xavier Tagapagbantay ng Elemento ng apoy!"

Habang nagpapalit anyo si Xavier. Naisip ni Sam Kung ano at saang Elemento sya nabibilang.

"Kung si Liam ay sa tubig, si Joshua sa Lupa, si Pinsan Aira ay sa Hangin. Ako saan ako?" Tanong nya sa kanyang sarili.

"Mamaya kana magsalita mag-isa. Tumakas ka dito!" Sigaw ni Xavier.

At sabay sabay ang mga palaso na lumipad papunta sa kanila.

Habang Sina Liam, Joshua at Aira naman ay natuntun na ang lugar kung saan nanggagaling ang humihingi ng tulong.

Nakita nila ang isang alagad ni Hex.

"Victoria?" Sambit ni Aira.

"Nagulat kaba? Dati kung matalik na kaibigan?" Ngiting Sabi ng babae.

"Hindi! Bakit may dapat ba akong ikagulat?" Taas kilay na sagot ni Aira.

"Oo at Hindi lang. Siguro Oo, dahil magugulat ka dahil pagbalik nyo. Baka ang prinsepe ng Hestia o ang itinakda ang paglalamayan nyo. Sa Hindi naman. Kasi Wala akong maisip! " Sabi ni Victoria at mabilis nyang ikinumpas ang kanyang mga kamay at nag usal ng mga mahiwagang salita.

At sabay sabay nyang pinatamaan ang tatlong tagapangalaga.

"Naloko na! Isa itong patibong!" Sambit ni Joshua sa kanyang isipan.

Habang tinitingnan nyang nanghihina pa ang kanyang mga kasama dahil sa malakas na pwersa at mahika ang tumama sa kanila.

Samantala sina Sam at Xavier naman..

Patuloy pa din ang pagamit ni Xavier sa pananggalang apoy sa mga tumatamang palaso.

"Bat andami? Unli ba sya?" Sigaw ni Sam.

"Pumikit ka!" Utos ni Xavier sakanya.

"Ha? Bakit?" Pagaalalang sagot ni Sam.

"Pikit na!" Sigaw ni Xavier at Wala syang magawa kundi sundin ang binata. Agad nyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Ngayon pakiramdaman mo ang paligid. Hanapin mo Ang nilalang na gumawa nito. Nasa paligid Lang sya." Utos ni Xavier.

"Papano?" Sagot nya.

"Mag focus ka! Hindi ko na kakayanin pa na patagalin ang pananggalang na ito. Kapag nakita mo sya saiyong isipan. Sabihin mo agad sakin." Sabi ni Xavier.

At ganoon nga ang ginawa ni Sam. Nagfocus sya, at ilang sandali pa ay may nakita sya sa kanyang isipan. Nakikita nya ang kanyang sarili na nakapikit at pinagpapawisang si Xavier.

"Nasan ako ngayon?" Tanong nya.

"Nasa Astral state ka. Hindi ka nya makikita. Ngayon hanapin mo sa mga kakahuyan ang nilalang na may gawa nito. " Sigaw ulit ni xavier.

At iginala nya ang kanyang mga mata sa paligid hanggang sa Makita nya Ang isang lalaki na gumagamit ng mahika. At nanggagaling sa lalaking yun ang mga palaso na sobrang dami.

"Nakita ko na sya." Sabi ni Sam.

Nang marinig iyon ni Xavier ay agad nyang itinigil ang paggamit ng pananggalang apoy at mabilis nyang niyakap si Sam sabay halik sa mga labi nito.

Pagkadampi ng labi ni Xavier sakanyang labi ay naimulat nya ang kanyang mga mata sabay silang napunta sa kinalalagyan ng lalaking may gawa ng mahika.

Agad itinulak ni Sam si Xavier.

"Bastos ka!" Sigaw ni Sam. At di ito pinansin ni Xavier bagkus ay pinapunta ng binata sakanyang likuran upang protektahan.

"Ben? Papano ka nakatakas sa kulungan?" Tanong ni Xavier.

"Xavier ang Mahal Kung kapatid. Hindi kaba natutuwa na Makita ako??" Ngiting sabi ng lalaki.

"Ben umanib kana ba kay hex? Hindi mo ba Alam na sya ang pumaslang kay Ina." Sabi ni Xavier.

"Ang totoo nyan kapatid ko. Wala akong pakialam!" At agad sinugod ni Ben si Xavier.

Samantala sina Aira, Joshua at Liam naman ay sinundan nila si Victoria.

"Hindi patas ang labanan. Tatlo Laban sa Isa.?" Kelangan Kung puntahan si Ben!" Sambit ni Victoria at agad itong naglaho. Bago paman ito nakapaglaho ay napuruhan ni Joshua si Victoria gamit ang nakakasugat na dahon.

"Sundan natin sya!" Sabi ni Liam.

At agad silang naglaho upang sundan si Victoria.

Napadpad sila sa mga kakahuyan kung saan nakikipag laban si Sam gamit ang kanyang mahinang mahika kay Ben. Habang si Xavier naman ay nawalan ng malay.

"Hindi!" Sigaw ni Aira at nag usal ng mga mahiwagang salita sabay kumpas ng kamay.

"Aero turnato!"

Umiihip Ang malakas na hangin upang dahilan ng mawalan sa focus si Ben at matagumpay na mapatumba ni Sam si Ben.

"Wag mo nang pag aksayahan ng oras Yan! Marami pang oras Ben! Sabi ni Victoria.

"Pero??" Sabi ni Ben.

"Wala nang oras!!" Sabi ni Victoria at agad silang naglaho.

Nilapitan Naman ni Joshua si Sam at kinamusta.

"Ayus kalang Mahal ko?" Tanong ni Joshua.

"Ah eh? A-ayus lang nam~an ako!" Nauutal na sagot ni Sam.

Niyakap ni Joshua si Sam at hinalikan sa noo.

"Tama na yan love birds." Biro ni Liam sa dalawa.

Itutuloy....

Siguiente capítulo