webnovel

CHAPTER 82

" ANG SULER "

....

TEAM LALAHON 🌋🔥

Ito na ulit ang Karugtung mga mahal..

Di ako magsasawang magpasalamat sainyo ng Bongels. Lol! Anyhow wag kalimutang bomoto at mag iwan ng komento sa Ibaba.

Salamat mga mahal.

PREVIOUSLY..

Katulad nina Gassia, Jake at Tyler.. Napagtagumpayan din nina Dalikmata at Charlie ang pagkuha sa Jujin. At nalaman din ni Charlie ang pagtingin ni Dalikmata sa isang Mortal. Samantala katulad nang iba ay nagsimula na ding maghanap sina Katalina at Jenna kasama ang diwatang si Lalahon.

RIGHT NOW...

Sa isang maulan na Kagubatan naman sina Lalahon, Jenna at Katalina itinuro nang Mapa.

" Jusko, ano ba yan... May bagyo ba? Bakit ke Lakas ng Ulan..." Sabi ni Jenna.

" Nasa Rain Forest tayo.. Di mo akalain yun meron pa pala sa Pilipinas ang ganun?" Dagdag na sabi ni Katalina habang patuloy padin nilang sinusundan ang dereksyon na itinituro nang Mapa nang biglang pinahinto sila ni Lalahon.

" Huminto kayo.. nandito ang alagad ni Sitan..." Sambit ni Lalahon sakanila.

Kukunin na sana ni Jenna ang kanyang Adjil na nasa anyong ipit sa buhok nang mga oras na iyon pero pinigilan sya ni Lalahon.

" Hanggat maari wag kayong gagawa ng hakbang na ikakapahamak natin. Wag mo munang gamitin ang Adjil pakiusap." Sabi ni Lalahon sakanya at sumunod naman si Jenna sa utos ng diwata.

" Kalikasan kami ay Iyong tulungan, Ikubli mo kami sa Iyong kagandahan..." Engkantasyon ni Lalahon habang kinakausap ang mga Halaman sa Paligid. At isa isang nagsitaasan ang mga Damo sa paligid pati na ang mga puno ay mas Kumapal pa ang mga dahol nito.

" Dito Di na tayo makikita ng alagad ni Sitan... " Sabi ni Lalahon. Tumahimik lang ang dalawang kasama ni Lalahon Tanda nang Pag sang ayon nila sa plano ng Diwata.

Habang sa Di kalayuan ay may isang malaking Ibon ang Lumilipad Lipad para bang may hinahanap ito. At tanaw ito nilang tatlo habang nagtatago.

" Kilala ko ang nilalang na yan.. Kung Hindi ako nagkakamali. Yan si Miguel!" Sabi ni Jenna.

" Tama ka insan.. ibigsabihin nyan. Hinahanap din nya ang Suler? Hindi pupwede yan kelangan nating maunahan si Miguel.." Sabi ni Katalina.

" Wag kayong mag aalala.. mukhang Di pa nya nahahanap ang Suler. Antayin na muna natin syang mawala. Di mag tatagal ay Di na sya makakalipad. Tingnan nyo ang pakpak nya basang basa na. " Sabi ni Lalahon.

" Mahal na diwata Tanong ko lang, anong ibig sabihin ng mga markang ito?" Tanong ni Jenna Sabay Turo sa nag iisang marka na nasa mapa.

" Yan ang Marka nang isang Tribo dito pilipinas. At kung Hindi ako nagkakamali nasa Lugar na yan nakatago ang Suler. " Sagot ni Lalahon.

" Ang mabuti pa sundan natin si Miguel.." Sabi ni Katalina.

" Hindi pwde... Dito tayo!" Sabi ni Lalahon at agad naman silang Naglakad papalayo sa Dereksyon kung saan naroon si Miguel.

Di nag tagal ay Di na maipagaspas ni Miguel ang kanyang mga pakpak dahil sa sobrang basa.

" Nalintekan na... Ilang araw na akong naghahanap sa mga Sandata at ni isa di pa ako nakakakuha. " Sabi ni Miguel at nagpalit anyo bilang isang Tao.

" Totoo ba ang mapa na ibinigay ng Reyna? Bakit sa mga bawat mapa na ibinigay nya ay parang mas lumalayo ako o Di naman maling Lugar ang napupuntahan ko." Sabi ni Miguel habang nagpapalit nang masusuot.

samantala sina Lalahon naman ay patuloy pa din sa paglalakad nang biglang may isang bata silang makasalubong na humahangos halatang Hindi ito taga Syudad. Basi sa Kasuotang meron nang bata.

" Bata! Bata! Sandali ayus ka lang ba?" Sabi ni Jenna. Habang ang bata ay parang Sobrang Takot na takot patuloy pa din itong Lumingon lingon sa Paligid.

" Sandali ligtas ka na.. sinong humahabol sayo? " Sabi ni Katalina.

" Ssa-salamat pero bakit kayo nandito.. Di nyo ba alam na Di ligtas sa Lugar na ito?" Sabi nang Bata.

" Anong ibig mong Sabihin?" Sagot ni Jenna.

" Naririto lang sya... " Balisang Sabi ng bata.

" Katalina maari mo bang silipin kung anong kinatatakutan ng bata.." utos ni Jenna.

" Sige.. " sagot ni Katalina at agad nyang tinitigan sa Mata ang Bata.

" Bakit tinititigan mo ang bata?" Tanong ni Jenna. Habang si Jenna naman ay Alisto rin at baka sumalakay sa kanila ang kinatatakutan ng bata. Di nila alam kung hayop ba o kung anong nilalang ang humahabol sa bata.

" Ito kasi ang itinuro ni Susmihta sa akin..." Sagot ni Katalina.

" Anong nakikita mo...?" Tanong ni Jenna.

" Mga ate.. bakit kayo nag punta dito. Kayo pa talagang Dalawa. " Sabi ng bata.

" Ibig sabihin? Di mo nakikita si... " Di panaman natapos ang sasabihin ni Jenna. Ay dinugtungan na ito ni Lalahon.

" Hindi nya ako nakikita, dahil Hindi ko nais magpakita sakanya. May kakaiba sa batang yan. Diba Katalina?" Sabi ni Lalahon.

Biglang Umatras si Katalina nang makita nya ang nasa loob ng bata.

" Bakit ? " Tanong ni Jenna.

" Hindi sya tao.. " Sabi ni Katalina. At biglang ngumiti ang bata nang sobrang nakakapanindig balahibo.

" Sabi ko sainyo diba? Bakit kayo nandito? Ang Lakas ng loob ninyong mag tungo sa Aming lugar...?" Sabi ng bata at biglang naging kulay itim ang mga mata nang bata. Dahil sa takot napaatras sina Jenna at Katalina.

" Anong uri nang nilalang ka.!" Sabi ni Jenna. At isang baboy damo ang lumapit sa bata. Habang sina Jenna at Katalina ay patuloy pa ding naguguluhan.

" Kayo pala Ama.. may mga bisita tayo." Sabi ng bata sa baboy damo at ilang sandali ay nag bagong anyo ang baboy damo.

" Napakadami namang Shapeshifters dito..." Sabi ni Jenna.

" Ang batang yan at ang kasama nya ay isang..." Di pa natapos ang sasabihin ni Lalahon agad namang dinugtungan ni Katalina.

" Mga Aswang sila..." Sabi ni Katalina.

" Magaling anak mukhang masarap ang ating hapunan mamaya.." Sabi ng lalaki na kanina ay nasa anyo ng baboy damo.

" Hoy! For your information.. Alas nuebe palang nang umaga..Kung makahapunan kayo.!" Sigaw ni Jenna.

" Di na muna namin kayo kakainin dahil papahirapan ko muna kayo.." Sabi ng bata.

" Bat ganun mahal na diwata... Bat may pa aswang pa? Unfair naman..bakit sila Jake walang aswang aswang. Bakit tayo meron. Ano to?" Sabi ni Katalina.

" Sinong kausap mo?" Sabi ng Lalaking Aswang.

" Eh Anong Paki mo? Walang basagan ng trip. Eh may imaginary friend ako.." Sabi ni Katalina.

" Nasainyo ba ang Suler ?" Sabi ni Lalahon.

Biglang nagulat ang mag ama sa pagpapakita ni Lalahon.

" Saan ka galing bat? Bat? " Sabi ng Lalaki.

" Ako ang diwata ng mga Bundok at Apoy. Kung ayaw nyong matusta. Nasainyo ba ang Suler..?" Galit na sabi ni Lalahon.

" Lalahon? " Banggit ng lalaki sa ngalan ng Diwata.

" Ako nga... Kung ayaw nyong matusta ang mga kauri nyo dito sa mundo. Nasaan ang Suler. " Sabi ni Lalahon.

" Ama ito ba yung nasa Kubo ni pinuno?" Sabi ng bata.

" Sandali mahal na diwata... Bakit takot na takot sila saiyo." Bulong na sabi ni Jenna.

" Dahil Minsan na naging sakim ang kanilang tribo. " Sagot ni Lalahon.

" Kung ganun yun nga.. mahal na diwata kung gusto nyo sumama kayo saamin. Ako nga pala si Ulas. At ito naman ang anak ko na si Lena. " Sabi ng Lalaking Aswang.

" Ah ulas? Tanong ko lang... Kumakain ba kayo ng tao?" Tanong ni Jenna.

" Hindi naman talaga kami ganung uri ng aswang. May mga aswang na kumakain talaga ng kauri nyo. Mabuti pa pagkwentuhan natin yan habang nasa Daan. Malapit lang naman ang aming Bayan." Sabi ni Ulas.

" Nako mahal na diwata.. baka Lapain tayo doon.." Sabi Katalina.

" Kilala ko ang Tribo nila Katalina.. wag kang mag aalala. Hindi na sila kumakain ng Tao. " Sabi ni Lalahon.

" Okay Sabi mo eh.." Sabi ni Katalina.at nag Simula na silang maglakad.

Pagkalipas nang ilang oras..

Nakarating na sila.

" Nandito na tayo.. mahal na diwata." Sabi ni Ulas.

" Teka mang Ulas. Bakit nyo sinasabi kanina na kami ay magiging hapunan nyo. Diba Sabi nyo Di na kayo kumakain ng Tao..? " Tanong ni Jenna.

" Magmasdan mo ang nasa paligid..pinoprotektahan namin yan." Sabi ni Ulas.

Namangha si Jenna at Katalina sa kanilang nakita. Dahil napakalawak ng mga taniman ng palay at ang ibang bahagi pa ay ang mga puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Lahat ng Punong Kahoy ay hitik sa bunga. Para bang nasa Paraiso ang kanilang napuntahan.

" Pati na ang mga Bulaklak kay Gaganda nila.." Sabi ni Katalina.

" Yan ang Turo saamin ng Diwatang si Lalahon. Ingatan ang Kalikasan. " Sabi ng Babaeng Lumabas sa isang Kubo.

" May mga bisita pala tayo Ulas. Ipang handa mo sila nang maiinom o makakain." Sabi ng magandang babae.

" Kayo pala pinuno.. sila ang Kaibigan ng diwatang si Lalahon. Naparito sila dahil sa Suler. " Sabi ni Ulas.

" Ang Suler..? " Sabi ng babae.

" Oo ang SULER. " Sabi ni Lalahon.

" Kung ganun.. Tama nga ang sinasabi ng Nasa Libro.. sandali kukunin ko lang." Sabi ng babae at bumalik ito sa Loob ng Kubo nya. .

" Mga ate pasensya na kanina ah.. Di ko naman talaga kayo balak takutin. Pero kelangan lang naming protektahan ang aming Lugar. Nagtataka nga kami ni tatay kung bakit nyo agad nalaman ang Lugar nang aming bayan." Sabi ng batang si Len.

" Okay lang iyon Len. Magkaiba man ang ating uri. Lahat naman tayo ay magkaugnay. Masaya ako dahil Di na kayo gumagawa ng kasamaan. " Sabi ni Jenna.

" Oo nga. Pero bakit ?" Tanong ni Katalina.

" Dahil, katulad ninyo kami ay isang Tao din..." Sagot ng Babaeng pinuno nila habang papalapit sa kanila.

" Tao din kayo? Talaga po?" Papano po kayo naging isang Alam muna?" Tanong ni Katalina.

" Heto mahal na diwata... Ito ang Suler. " Sabay abot ng babae kay Lalahon ang isang espada.

" Maraming Salamat..." Sabi ni Lalahon.

" Isa ang bayan namin sa nilukuban ng masasamang Pwersa. Ngunit ngayon pinipilit naming Lahat nabumalik sa Pagiging tao. Ako nga pala si Josefa." Pakilala ng pinuno nina Ulas at Len.

" Ako naman si Jenna at siya naman ang pinsan kung si Katalina." Sabi ni Jenna.

" Kay gandang ngalan.. pero mahal na diwata nais namin humingi ng tulong sainyo. Nais na naming bumalik sa Pagiging tao. May magagawa ba kayo? " Tanong ni Josefa.

" Sa Totoo lang Josefa. Hindi saklaw ng Aking kapangyarihan ang ganoong bagay. Pasensya na.." sagot ni Lalahon.

" Pero.. Aling Josefa ito po. Makakatulong to sainyo.." Sabi ni Jenna Sabay Abot kay Josefa sa Bibliya.

" Iha... Di namin yan mahahawakan. Para kaming masusunog nyan. " Sabi ni Josefa.

" Aling Josefa, nasa Loob nyan ang mga Salita ng Panginoon. Heto isuot nyo po.." Sabi ni Jenna. At inibot naman nya kay Josefa ang Rosaryo. Kahit nakakaramdam man ng pagkapaso ay tinanggap pa din ito ni Josefa.

" Aling Josefa, tandaan nyo Hindi maramot ang Diyos. Sa sobrang Dami ng kasalanan natin pinapatawad pa din nya tayo. " Sabi ni Jenna.

" Mahal na diwata maari ba namin dasalan sila bago tayo umalis ?" Pakiusap ni Katalina kay Lalahon at tumango lang ito.

Okay there you have it mga mahal.. sana nagustuhan nyo ang kabanatang ito.

Abangan ulit ang Karugtung. God bless you all. Salamat sa pag basa.

Siguiente capítulo