" Ang Pagkakagising sa Bangungut P2 "
Previously..
Pumunta si Jenna sa kanlaon upang humingi ng tulong sa mga diwata, habang si Raven naman ay inutusan ni Alpia na sunduin si Ofelia sa health center kung saan sila unang nagtago. Dahil sa pag-aalala ni Mia sa magkapatid. napagdesisyunan nyang sundan ulit sa panaginip ang magkapatid upang maka tulog. nalalagay na rin sa panganib ang kanilang mga buhay.
Right Now...
Nasa Hardin sina Tyler at Jake nag uusap.
" Totoo nga ang sinasabi ko Jake.." Sabi ni Tyler.
" I can't believe lang naman kasi.. " Sabi ni Jake.
" Halika nga... Pa hug nga." Sabi ni Jake.
" Tigilan moko Jake... " Sabi ni Tyler.
" I'm serious tai..." Sabi ni Jake habang nakatitig sa mga Mata ni Tyler.
" Tigilan mo nga ako Jake... " Sabi ni Tyler sabay talikud.
" Yes, Tai I'm sure and Serious.... Ikaw lang naman ang di naniniwala.." Sabi ni Jake. at Lumalapit ng paunti-unti si Jake kasabay naman nun ay kumuha sya ng isang punyal. at biglang dumating si Mia gamit ang kanyang kakayahang maglaho. Nang sasaksakin na sana ni Jake si Tyler, Naitulak ni Mia si Tyler at sya ang nasaksak.
" Mmmmiiiiiaaaaa!!!!!! " Sigaw ni Tyler. nagulat si Tyler na ang dating kaharap nyang poging si Jake ay naging isang matabang babae na kahindikhindik ang itsura nito. at hawak hawak padin ang Punyal na ginamit nyang pansaksak kay mia.
" Tai gumising kana... " sigaw ni Mia.
" naguguluhan ako.. anong nangyayari dito..." Sabi ni Tyler palapit sa duguang si Mia.
" Nanaginip ka.. hindi totoo ang lahat ng to." Sabi ni Mia.
" Baliw ka... may sugat ka.." Sabi ni Tyler at pumunit sya ng tela na sa damit nya at tinakpan nya ang sugat sa braso ni Mia.
" Tai nag punta tayo dito sa mga panaginip nila upang gisingin sila.. naalala mo ba?" sabi ni Mia.
" Wag kanang mag salita pa mia.. tayo na." sabi ni tyler nang biglang saksakin ulit sya ng batibat, ngunit dahil sa tulong ni mia ay di natamaan si tyler.
" Tumigil kana..." Galit na sabi ni Tyler at agad syang naglabas nang napakalakas na hangin. ang buong paligid ay napapalibutan ng maliliit na ipo ipo.
" Tunay nga ang tinuran ng reyna.. na malakas ka at di ka basta basta matatalo.. " Sabi ng batibat.
" Pakawalan mo na kami.." Sigaw ni Tyler. bago pa man tapusin ni Tyler ang kanyang sasabihin ay tinapik sya ni mia sa Likud at agad syang naglaho.
" Alam mo napakapakialamera mo..." Sigaw ng Batibat.
" Hindi ka magtatagumpay hahaha! " natatawang sabi ni Mia habang nanghihina sa kanyang sugat.
" Pwes! dito kana mamatay Engkantao..." sabi ng batibat.
" Hindi moko mapapatay... " Sabi ni Mia. habang nakatutok sakanya ang punyal.
" HAHAHAHHA! pinapatawa moko dating engkanto..." sabi ng batibat.
" anong ibig mong sabihin?" Gulat na sabi ni Tyler.
" Ang mga Engkanto na nabuhay muli gamit ang bulaklak ng mga diwata ay magiging,...." Salaysay ng batibat sakanya.
" Ay magiging ano? pano mo nalaman na muli akong nabuhay...?" Sabi ni Mia.
" Amoy na, Amoy ko ang halimuyak ng bulaklak ng narciso na bumabalot saiyong Kaluluwa.." Sagot ng batibat. Habang nang-iinis ang batibat sakanya. Sinusubukan ni Mia na magpalabas ng Kidlat sa kanyang mga palad. Ngunit maliliit lang ang kidlat na lumabalabas. at sa tuwing titirahin nya ang batibat ay di man lang ito nakaramdam ng sakit.
" Walang epekto ang kapangyarihan mo engkanto.. AHHAHAH! " Tawang sabi ng batibat.
" Anong nangyayari sa kapangyarihan ko..? bakit parang humihina ata ang likas na kapangyarihan ko..." Tanong sa sarili ni Mia.
" parang dito kana mamatay engkanto...." Sabi ng Batibat. akmang sasaksakin na si Mia ay agad may kung anong kakaibang liwanag ang tumapat sakanyang kinalalagyan. at agad syang naglaho.
Nagising si Mia galing sa pinakamatindi at masamang bangungot nakanyang naranasan.
" Mabuti naman at nagising kana mia.." Sabi ni Alpia.
" Sandali.. nagising na ba ang magkapatid?" tanong ni Mia. Galing sa kusina ay lumabas sina Susmihta at Jessel.
" uminom ka muna ng nilagang dahon ng oregano upang makapagpahinga ang iyong isipan at maging kalmado ang iyong buong katawan." Sabi ni Jessel sabay abot sa isang mangkok ng pinakuluang dahon ng Oregano.
" Hindi na tayo ligtas dito sa lugar nato.. " Sabi ni Jake habang pinipigilan ang mga atake ng mga kawal ng kadiliman na nais pumasok sa loob ng kanilang unit.
" Kelangan ng magbalik nina Raven at Ofelia.. " Sabi ni Ian habang pinupunasan ang kanyang kasintahang si Charlie. na hanggang ngayon wala padi itong malay.
"Salamat sa pinakuluang oregano Jessel.. " sabi ni Mia sabay ngiti.
"Nanghihina parin si Katalina.." sabi ni Susmihta habang ginagamot nya ito.
" hindi ayus lang ako.. ang importante ay nasa mabuting kalagayan na ang magkapatid. " sabi ni Katalina.
" Doon muna tayo sa bahay namin.. may engkantasyon akong iniwan doon.. " Sabi ni Theo. habang nilalagyan nya ng mga halamang gamot ang sugat ni mia sa braso. Lumabas naman mula sa loob ng kwarto si tyler at kumuha ito ng benda upang pangtakip sa sugat.
" heto na kuya.. " sabi ni Tyler sabay abot kay Theo ang benda.
" Mabuti pa, kasi di ko na kakayanin ang mga atake nila.. kayo relax lang!" sabi ni Jake.
wala na silang sinayang na oras dahil agad nilang ginamit ang kanikanilang kapangyarihan upang makalayo sa unit.
" Mag handa..
ISA...
DALAWA.....
TATLO... " hudyat ni Theo. at sabay sabay silang nagsilaho sa loob ng unit. agad namang pumasok ang kawal ng kadiliman ngunit wala na sa loob ang kanilang tinutugis.
TO BE CONTINUE...