webnovel

CHAPTER 24

" Ang Pangatlong Pagsubok "

Ang nakaraan....

Dahil sa balitang dala ni Gretchella sa mga Diwata. Nalaman nilang Wala na sa katawan ni Marco si Sitan.

At samantala ang mga Tagalipon at itinakda ay nasa ikatlong pagsubok na sila. At sa oras na ito ang magkapatid na Adonis naman ang haharap sa pagsubok ng mga diwata.

Sa kuta nila Sitan...

" Panginoon, nakakagulat ang iyong bagong itsura at katawang Sinaniban. " Sabi ni Miguel.

" Mas gusto ko ang katawang ito.. mas malakas ako. Di katulad sa katawan ni Marco, nakakainis may basbas ni Gretchella. Ang bruhang tagalipon na yun. Maiba tayu kamusta na ang mga dating tagalipon? Handa naba sila?" Tanong ni Sitan.

" Oo Kamahalan handa na sila nag mga lipi ng Kadiliman ay sumasalakay padin. Ngunit nakakainis. Dahil may mga sugo ang mga diwata upang gapiin sila at protektahan ang mga tao. Tsaka Hindi ko nararamdaman ang mga Enerhiya ng mga tagalipon..nasaan kaya sila ?" Tanong ni Miguel.

" Katulad natin, nag hahanda din sila. Hindi bobo ang ating mga kalaban miguel. Nais kung ipatawag mo si Lula.. " Utos ni Sitan.

" Si Lula ? Ang tagalipon? " Tanong ni Miguel.

" Binge ? O gusto mong mag microphone pako para may intense.. si Lula nga. Hay jusko miguel. Umayus ka!" Sabi ni Sitan at Agad namang hinanap ni Miguel si Lula.

Samantala nagtagumpay sina Mia, Ian at Katalina sa pagsubok na ibinigay ni Makiling ngayon naman ay si Diwatang Magayon naman ang mag bibigay ng Pagsubok sa kanila. Ngunit may pagbabago sa pagsubok.

" Mahal na diwatang magayon.. " Sabi ni Tyler sabay Yuko. At yumuko na din silang lahat.

" Magaling dahil nandito kayong lahat.. ang ikatlong pagsubok na ibibigay ko sainyo ay hindi sina Tyler, Theo o si Alpia Ang sasalang dito kundi kayong Lahat.... " Sabi ni Magayon.

Nagulat naman sila sa pagbabagong ginawa ni Magayon.

" Mahal na diwata ano pong ibig nyong sabihin.. " Tanong ni Jenna.

" Malalaman mo din Jenna...

 Nais kung tawagin ang mga diwata..! " Sigaw ni Magayon at isa-isang nagsilabasan ang mga diwata.

" Maria Makiling, Siya ang diwata ng Bundok Makiling... Siya ang tanging diwata na may kapangyarihan na taglay ang dalawang Elemento. Ang lupa at Tubig.

Sumunod naman si Lalahon...

Lalahon, Siya ang diwata ng apoy.. katulad ni Jenna may kakayahang baguhin, gayahin ng kanyang kapangyarihan. Ano mang itsura ng tao o maging Hayop..

Gassia, ang diwata na lumaki sa Mundo ng mga tao taglay ang elemento ng kalupaan..

Lihangin, Diwata ng hangin katulad ko sya ang may taglay ng elemento ng Hangin.

Sunod, si Dalikmata... Ang diwata na may kakahayang makita ang kasalukuyan at nakaraan. Siya ay kakayahang magpagaling ng sakit sa mata, anumang Uri ito.

At Ako, Si magayon.. ang diwata ng hangin.. " pag papakilala ni Magayon.

" May Tanong po ako.. " Sabi ni Raven.

" Ano yun Raven ? " Sagot ni magayon..

" Ano po bang gagawin namin ?" Tanong ni raven.

" Magbabalik tayo sa mundo ng Tao, Engkanto, Lamang lupa, At mundo ng mga syokoy at sirena. Hindi nyo lang alam.. sumasalakay na ang mga alagad ni sitan. At ang mission nyo. Walang gagamit ng Mahika. " Utos ni Magayon.

" Pano po yun, kung mga alagad yun ni sitan tyak may kapangyarihan o Mahika silang taglay. Matitsuge kami Maggy!" Sabi ni Mia.

" MAGGY ?? " gulat na Tanong ni Magayon.

" I like it sissy, ano kaba magayon.. she shorten your name na. Instead of long word magayon. She's so smart ah. Infairness !!" Sabi ni Gassia.

" Di ka namin maintindihan Gassia.. umayos ka. " Sabi ni Magayon.

" Ok fine, Sabi nya Maggy stands for magayon. She shorten ur name na duuhh??" Sagot ni Gassia.

" Lokaloka ka talaga gassia. so may Tanong pa ba kayo ?" Sabi ni Magayon.

" Pero Mahal na diwata magagamit ba namin ang aming mga kapangyarihan kapag kinakailangan?" Tanong ni Ian.

" Yes, pero pag emergency lang.gagabayan kayo ng mga diwata dito.. " Sabi ni Magayon.

" So let's start na... " Sabi ni Mia.

" Sabihin mo Go sabay taas ng kanang kamay mo. Dali na !" Sabi ni Gassia kay magayon.

" Go !" Sabi ni Magayon sabay taas ng kanyang kamay.

Balik kina Sitan at Miguel...

" Pinatawag nyo Po daw ako kamahalan?" Sabi ni Lula.

" Oo, alam kung may kakayahan kang mang gaya ng mga itsura ng mga tao. May nais akong ipagawa sayo. " Sabi ni Sitan.

" Ano yun kamahalan ?" Tanong ni Lula .

" Nais kung gayahin mo ang itsura ng mga taong to. " Sabi ni Sitan sabay hawak sa Ulo ni Lula at ipinakita ang mga ibat ibang mukha na nais nyang ipagaya sa kanya.

" Kuha ko na kamahalan !" Sabi ni Lula ngunit nasa anyong Lalaki na ito at tyak na magugulat sina Tyler at Theo.

" Magaling... Mag punta ka sa syudad at patayin mo ang mga anak mo..bwahahah!" Sabi ni Sitan. At yumuko lng si Lula at ngumiti.

Balik sa mga Diwata...

" Ang unang nyong pupuntahan ang Syudad ng mga mortal. O ang inyong mundo, ang mundo ng mga tao..." Sabi ni Magayon at ilang sandali pa ay nasa syudad na sila.

" Hindi ba tayu nakikita nila.. " Sabi ni Jake.

" Hindi naman sguro Jake.." sagot ni Tyler.

" Ah Ty, may panyo ako dito punasan na kita pinagpapawisan kana.. " Sabi ni Raven at agad nyang pinunasan si Tyler sa mukha. Habang si Jake naman ay naiinis sa palaging pag singit nya sa moment nila ni Tyler.

" Ah Raven pare, may gusto kaba sa syota ko?" Sabi ni Jake. Agad namang lumapit si Theo at Ian upang bantayan silang dalawa.

" Bro baka mag aaway yung dalawang mokong. " Sabi ni Ian.

" Puntahan natin.. naloko na. " Sagot ni Theo.

Pagkatapos itininanong ni Jake kay Raven.. agad namang sumagot si Raven ng...

" Oo, tska di na kayo ni Tyler bro. " Sagot ni Raven.

" Cool off lang kami bro. Mahal ko yang nililigawan mo. Mag syota kami nyan.. tang Ina. " Tumaas ang boses ni Jake.

" Kayo pa ba ni Jake.. ? " Tanong ni Raven kay Tyler.

" Jake.. Wala na tayo at ayukong makipag argue sayo please.. " Sabi ni Tyler. 

" See.. wala na kayo pare. wag kang assuming! Puta ka din!" Sagot ni Raven.

Nakita nina Ian at Theo ang reaksyon sa mukha ni Jake. At ang Kamao nya parang hinahanda nya itong isusuntok sa mukha ni Raven.

" Whoah! Whoah! Ano yan jake.. chill lang tsk bad yan..halika nga rito pina tawag ka ng ate Kat. Mo.. " Sabi ni Theo agad nyang hinawakan ang kamay ni Jake. Agad namang kumalma si Jake. Habang si Ian naman ay humarang sa harapan ni Raven. Agad nyang pina yello ang bolang enerhiya na nagmumula sa kamay ni Raven.

" Raven.. ano yan ! Halika nga palamig ka muna. " Sabi ni Ian sabay kumpas ng Kamay at ginawang yelo ang bolang Enerhiya sa kamay ni Raven.

Habang si Theo ay Tinawag si Katalina.. at sakto namang natapos si Magayon sa kanyang ibinigay na instructions.

" Ate kat oh.. kausapin mo nga tung batang to. " Sabi ni Theo. Alam nya kasing makikinig si Jake kay Katalina.

" Jake. Ano bang problema ? Nag away nanaman kayo ni Tyler ? " Sabi ni Katalina..

Samantala si Theo ay tinanong si Jenna kung anong mga ibinilin ni Magayon. At sinabi naman ni Jenna lahat.

Alrighty, looks intense na mga mahal..

Nakakaloka ang Love triangle ni Jake, Tyler at Raven. Para sainyo mga mahal kanino kayo bet ?

Sa Ex na bumabalik pa? Team Tylake..

O sa Bago... ? Team Ravler.

Kakaloka. Well anyhow thank you so much sa inyong always na pag antay mga mahal.

TO BE CONTINUE...

Siguiente capítulo