webnovel

CHAPTER 18

"ANG MAGKAPATID NA THEO AT TYLER"

ANG NAKARAAN,

Dumating sina Magayon kasama ang diwatang si Lakambini. At mukhang may malalaman tayong isang katotohanan sa kanya. Samantala sina sitan naman ay inihanda ang mga dating tagalipon para sa nalalapit na kaguluhan nilang binabalak.

SA KANLAON,

"Libulan ayus ka lang ba maupo ka nga!" Sabi ni Lidagat. At dumating naman si Haliya.

Haliya, the masked goodess of the moonlight and the arch-enemy of bakunawa and protector of moon. Her cult is composed primarily of women. There is also a ritual danced named after her as it is performed to be a counter-measure against bakunawa.

"Ayus ka lang ba Libulan?" Tanong ni Haliya sakanya.

"Akoy magsisinungaling kung sasabihin kung maayus ako. Kung ganun. Nakakaramdam ako ng panganib ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero? Ang hirap ipaliwanag!" Naguguluhang sabi ni Libulan.

Balik sa kubo kung saan nandoon sina Jenna, Alpia, kasama sina Magayon at ang diwatang si Lakambini.

"Magayon maari ko na bang sabihin sakanila ang katotohanan?" Sambit ni Lakambini.

"Ikaw kung gusto mo. Pero sandali, dapat narito sina Ian at Theo. Dahil karapatan din nilang malaman ito!" Sabi ni Magayon at isinasiwas niya ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay napunta sa loob ng kubo sina Ian, at Theo.

"Bakit kami nandito?" Tanong ni Ian. Habang si Theo naman ay tinitigan niya ng maigi si Lakambini.

"Bakit Love para kabang nanalamin?" Sambit ni Catalina sakanya.

"S-sino sya?" Tanong ni Theo.

"Theo at Ian siya ang diwatang si Lakambini. May sasabihin siyang importante sainyo." Sabi ni Magayon at nag simula nang magpaliwanag si Lakambini sakanila.

"Ako si Lakambini dati akong gabay diwata ng inyong ina." Panimula niya.

"Gabay diwata? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Theo.

"Katulad ninyo ang inyong ina ay naging sugo, o tagalipon din. At ako ang kanyang gabay diwata." Paulit na sabi ni Lakambini.

"Lakambini ang Lunas." Sigaw ni Magayon.

"Ah oo nga pala. Narito ang bulaklak ng Dama de noche, ito ang magpapawalang bisa ng sumpa ng oroskopyo sa aking Anak." Sabi ni Lakambini.

"What anak? Ibig sabihin?" Gulat na sabi ni Alpia.

"Anak? Hindi ka namin Tatay!" Sigaw ni Theo sakanya. At agad naman siyang pinigilan ni Ian.

"Bro kalma lang para kay Bunso!" Sabi ni Ian.

"Alam kung hindi kayo maniniwala saakin. Kayo Theo at si Tyler ang mga anak ko." Sabi ni Lakambini.

"Papano nangyari yun?" Tanong ni Jake ng makapasok ito sa kubo.

"Sino siya?" Tanong ni Lakambini.

"Ako ang nobyo ni Tyler. Papano ka magiging tatay nilang dalawa eh, ako may video si Mama ng ipininganak sina Theo at Tyler. At tanging si Uncle Arnel lang ang tanging naging lalaki ni Auntie. Papano?" Mapangahas na tanong ni Jake. At agad naman siyang hinila ni Ian sabay bulong.

"Hayaan natin siyang magsalita!"

"Ang totoo, nagkaroon kami ng relasyon ng ina ninyo Theo. At sa katunayan, kayong dalawa ay dugo at laman ko. At meron din kayong dugo ni Arnel. Pareho ninyo kaming ama ni arnel. Ngunit mas nangingibabaw sainyo ang inyong pagiging dugong diwata." Sabi ni Lakambini sabay sugat sa kanyang palad.

"Tama ang kanyang mga tinuran Theo, ang bulaklak ng dama de noche at dugo ni Lakambini ang magiging lunas sa sumpa na hinaharap ni Tyler." Dagdag ni Magayon.

"Maari kung silipin ang nakaraan. Kung gusto mo love." Sabi ni Catalina.

"Kung ganun, pagaling mo ang kapatid ko A-ama!" Pautal-utal na sabi ni Theo sabay yuko sa kay Lakambini.

"Hindi mo na kelangan pang yumuko. Ama mo ako." Ngiting sabi ni Lakambini at ipinatak niya ang kanyang dugo sa bulaklak ng dama de noche. At isang iglap lang ay naglaho ang mga bulaklak at naging isang prutas.

"Ipakain ninyo sa aking anak upang tuluyan ng maglaho ang sumpa." Sabi ni Lakambini at biglang niyakap ni Theo si Lakambini na ikinagulat naman nina Jenna, Alpia at Catalina.

"Totoo ngang Blood is thicker than water!" Sabi ni Ian habang nakangiti.

"Masaya ako at nakasama mo ang mga anak mo Lakambini." Sabi ni Magayon.

Habang si Jenna naman ay agad hiniwa sa maliliit na bahagi at agad pinakain sa wala pa ding malay na si Tyler.

"Gagana ba yan ama?" Tanong ni Theo.

"Magtiwala ka anak." Ngiting sabi ni Lakambini.

"Sana maging okay na sya." Mahinang sabi ni Jake. At nang marinig ito ni Lakambini ay nilapitan niya ito at niyakap sabay sabi.

"Maraming salamat sa patuloy na pagmamahal sa anak ko. Sana wag mo siyang sukuan. Boto na ako sayo." Ngiting sabi nito.

"Oo naman po mahal na diwata." Gulat na sabi ni Jake.

"Tatay na ang itawag mo sakin." Sabi ni Lakambini.

Ilang sandali pa ay gumalaw ang kamay ni Tyler hanggang sa nagising na ito. Kasabay naman ng kanyang pagising ay dumating ang diwatang si Burigadang pada sinaklang bulawan.

Who is Burigadang Pada Sinaklang Bulawan?

Goddess of greed & wealth due to her power over precious metals and stone.

Also known as the sister to twins Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata and Sarawali.

"Mumuntikan ng maging magkasintahan sina Lakambini at ang inyong ina noon, Ngunit dahil sa batas naming mga Diwata. Pinagpasyahan ng inyong Ina na putulin ang kanilang pag-iibigan. Sya nga pala ako si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan." Pakilala ng diwata na may maraming kumikinang na diamante sa kanyang kasuotan.

"Anong dahilan bakit ka nagpakita saamin?" Tanong ni Magayon.

"Narito ako upang balaan kayo sa paparating na trahedya. Hindi ko alam kung saan at Kelan ito? Narito kayo sa aking Lupain, mag iingat kayo." Sabi ng diwatang si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

"Papano mo naman alam ang kwento nina Lakambini?" Tanong muli ni Magayon sakanya.

"Dahil ako ang nag takip sa katotohanan upang hindi malaman ng bathala. Ngunit, Hindi ako nagsisi doon dahil naging matalik kung kaibigan ang kanilang ina." Sagot nya.

Samantala tuluyan ng nagising si Tyler. Pagkamulat ng kanyang mga mata. Ay nagulat ito sakanyang mga nakita.

"Bakit andaming diwata dito? Nasa langit naba ako?" Tanong nito.

"Maligayang pagbabalik anak!" Ngiting bungad ni Lakambini sakanya.

"Anak?" Gulat na sabi ni Tyler. At agad namang pinaliwanag ni Theo ang lahat kasama si Lakambini.

"Alam nyo ba ang tungkol dito? Daragang Magayon?" Tanong ni Tyler.

"Oo, kaya napili din kayo ng liwanag na maging tagalipon ng labing dalawang oroskopyo." Sagot ni Magayon.

At dumating naman si Gassia kasama si Maria Makiling.

"Ang inyong pagsasanay at pagsubok ay magsisimula na! Maghanda na kayo!" Sigaw ni Gassia. at biglang nag bago ang paligid.

"Kelangan na ninyong maghanda dahil lumalakas na si Sitan!" Dagdag na sabi ni Maria Makiling.

Itutuloy...

Hi Everyone, Medyo di ko na magagawang e-revise Ang book 2 ng Adonis Brothers Series. Medyo sobrang busy ko Lang po talaga. However for confusion about sa story. I'm open sa mga negative comments hehe lol. Thanks everyone keep safe

Siguiente capítulo