webnovel

Chapter 11

"Oh, Alex, himala yata at mas nauna kang nagising ngayon kay brendo." Puna ng nanay nito. Napakamot naman ng ulo si Alex at humalik sa noo ni Marsha.

"Si Mama naman eh, syempre nasanay na ako s atrabaho kaya ganun." kaila nito. Ang totoo ay hindi naman siya natutulog at nagtutulug-tulugan lamang kapag umuuwi siya sa kanila.

"Nagbibiro lang ako, ayan ipinagtimpla na kita ng kape mo. Mabuti at nakahanap na din ng trabaho si Celestia." Sambit nito at tumango lang siya.

"Naipasok ko kasi siya malapit doon sa pinagtatrabahuan ko. Kilala doon si Kuya Marcus kaya hindi na kami nahirapan." sagot naman niya. Hindi niya napansin ang nanunuksong tingin ang kanyang ina dahil nakatuon ang pansin niya sa paghahalo ng kanyang kape.

"Kayo na ba?" Biglang tabong ni Marsha sa anak na halos maibuga nito ang mainit na kape na kakainom lang niya.

"Ma, naman, huwag kayong nanggugulat ng ganyan. Mamamatay ako biglaan sayo eh." Reklamo ni Alex ngunit hindi siya nito pinansin bagkus ay patuloy pa rin itong nangulit sa kanya.

"O bakit ganyan ang itsura mo. Maganda naman si Celestia ah. Huwag mong sabihin na wala kang gusto sa kanya? Gusto ko siya bilang asawa mo. Mabait na bata si Celestia, anak at nararamdaman ko iyon." Wika pa ni Marsha at natahimik naman si Alex.

Totoong may nararamdaman siya kay Celestia pero hindi pa siya sigurado kung ang nararamdaman niyang iyon ay damdamin talaga niya o baka damdamin ni Zedeus. Hindi niya kasi maipagkakailang may mga pagkakataong tila nais niyang yakapin at hagkan ang dalaga , gayong hindi naman siya ganoon ka agresibo sa isnag relasyon. Minsan na din siyang nagkanobya ngunit dahil medyo torpe at mahiyain siya ay hindi rin iyon nagtagal. Nananawa kasi agad sa kanyan ang mga babae.

Kaya ang mga pangyayaring iyon na nararanasan niya kapag kasama niya si Celestia ay paniguradong si Zedeus ang dahilan nito. Kaya hindi rin siya sigurado sa nararamdaman niya sa dalaga.

"Ay naku ang hina talaga ng anak ko. Noong kapanahunan namin ng Papa mo aba't kabilis manligaw noon." Wika pa ni Marsha at natawa lang naman si Alex. Saglit pa silang nagkabiruan habang nag-aalmusal. Ganoon dumaan ang umaga nila.

Pagsikat ng araw ay sabay nang umalis ng bahay si Alex at Celestia. Iyon na ang nakagawiang routine ng dalawa upang kahit papaano ay hindi mag-alala ang mga magulang ni Alex. Ngunit lingid sa kaalaman nilang dalawa ay matagal nang nararamdaman ng mag -asawa ang pagbabago sa kanilang anak. Hindi iyon napansin ni Alex dahil wala namang nagbago sa pakikitungo nito sa kaniya.

Samantala, agad nang nagtungo amg dalawa sa hideout nila Marcus. Naabutan pa nila itong kinakausap ang pitong taong nahahanay sa kanilang grupo. Iyon din ang magiging kasama nila sa pagsugpo sa mga ulipon at balrog.

"Handa na ang mga ito, Celestia. Nakahanda na rin ang mga espada at mga baril na gagamitin nila. Nagtagumpay na rin ang mga kaibigan nating scientist na makagawa ng elementong makikita sa dugo mo." Wika ni Marcus at tinitigan ni Celestia ang mga kasamahan nila.

Tila ba muling nanumbalik sa isipan niya ang mga panahon bumuo rin siya ng grupo kasama ang mga tao. Siyam sila noon at dalawa sa kanila ay may mga edad na rin. Lahat ng mga kasama niya ay nasawi sa labanang iyon.

"Ganoon ba, sa inyo ko na ipauubaya ang mag ulipon. Hangga't maaari, kami lamang ni Alex ang pwedeng humarap sa mga balrog. Kapag nalagay sa alanganin. Magdalawang grupo kayo. Huwag niyong kakalabanin ang mga balrog ng nag-iisa dahil hindi niyo sila kakayanin." Wika ni Celestia. Ipinaliwanag niya rito ang mga kakayahan ng balrog at ang kakaibang bilis nito na hindi normal sa mga tao.

Inisa-isa rin niya ang mga bagay na kailangan nilang gawin kapag nasa labanan na sila.

"Rick, bakit nanginginig ka?"

"Wala to pare, bigla lang akong nilamigan." Kaila nito. Habang gabutil na pawis ang namumuo sa kanyang leeg.

"Normal ang makaramdam kayo ng takot. Patunay lamang iyon na buhay pa kayo." Wija pa ni Celestia. Alanganing napangiti naman ang mga kalalakihan sa kaniya.

"Hindi natin alam kung kailan ulit aatake ang mga ulipon o ang mga balrog, ngunit madalas na nangangalap ng pagkain ay ang mga ulipon. Marcus, magtalaga ka ng tatlong grupo, dalawa kada grupo. Meron akong ibibigay na mga lugar na malimit ko silang naamoy. Doon kayo magbantay. " Wika ni Celestia.

Agad naman na isinagawa iyon ni Marcus. Binigyan din niya ang mga ito ng communication devices na siyang magiging daan naman para makontak nila ang isa't-isa kahit nakikipaglaban pa sila.

Nagtatakang tinitigan naman ni Celestia ang maliit na bagay na iyon. Kakatuwa ito kung titingnan. Kasinglaki lamang ito ng isang maliit na barya at kukay itim din ito. Nakita naman agad ni Alex ang iginagawi ng dalaga kaya mabilis niyang ipinaliwanag ang gamit nito. Namangha naman si Celestia nang ilagay ni Alex sa tenga nito ang bagay na iyon. Ginaya naman niya ang binata at may kung ano itong pinindot at agad naman niyang narinig ang boses roon ng binata.

"Kahit magkalayo ang grupo, magagawa natin silang makausap gamit ito. Magiginga madali rin sa atin na malaman ang kinaroroonan nila."

"Para ka ring nakikipag-usap sa utak ko."

"Iba naman amg tawag dun, ito kasi gawa ng tao. Para din siyang telepono, ang pinagkaiba lamang ay mas maliit ito at hindi basta-basta napapansin ng mga kalaban. " Paliwanag naman ni Alex.

Kinahapuan ay nagkanya-kanyang lakad na nga sila. Tulad ng nakagawian ay magkasamang lumakad si Alex at Celestia. Ngunit hindi tulad ng dati, balrog na ang kanilang tutugisin. Kinakabahan man, ay naroroon din ang kasabikan sa puso ni Alex.

Tahasan nilang sinusundan ang amoy na naiwan ng isang balrog sa kalsada. Oatungo ito sa isang masukal na talahiban sa labas ng siyudad. Hindi nilla alam kung bakit ito doon papunta pero isa lng ang kutob nila. Marahil ay kaya hindi nila makita-kita ang kuta ng mga ito sa siyudad ay dahil sa labas ng siyudad ang mga ito nagpupugad.

Sa kanilang pagsunod sa amoy nito at napadpad sila sa isang malawak na manggahan. At sa dulo nito ay natatanaw nila ang isang malaking mansyon na animoy abandonado na. Umihip ang malamig na hangin patungo sa kanilang direksyon at doon nila naamoy ang masangsang na amoy ng mga ulipon at ang halimuyak na amoy ng mga balrog.

"Tandaan mo ang amoya na ito Alex, iyan ang natatanging amoy ng mga balrog. Higit na mas mataas ang uri ay higit na mas mabango. Kadalasan ay ito ang ginagamit nilang pang-akit sa kanilang mga biktima. " Mahinang wika ni Celestia.

"Oo Celestia, tatandaan ko ito. " Wika ni Alex at nagulat pa si Celestia nang magtama ang kanilang paningin. Doon niya nakita ang ginting mata ni Alex na nagliliwanag sa dilim.

"A-alex?"

"Bakit?" Nagtatakang tanong ng binata nang mapansin nito ang pagkagulat sa mata ng dalaga.

"Wala, tayo na." Iling niya at ipinagpatuloy na nila ang paglapit sa lugar. Napapaisip si Celestia dahil kahit alam niyang nasa kalooban ni Alex si Zedeus ay ni minsan ay hindi nito nagawang magparamdam sa kaniya.

Oo, at may pagkakataong minsan nakikita niya ang pagkakapareho nila ni Alex ay hindi pa rin niya ito makausap.

Samantala habang naglalakad sila papalapit sa lugar ay nakarinig siya ng isang malumanay na boses sa kaniyang isipan. Una ay akala niya nanggagaling iyon sa suot-suot nilang communication device. Subalit kalaunan ay napagtanto niyang wala pang narerehistrong tawag doon.

"Alex , makinig ka." Muli ay pukaw ng boses sa kanya.

Siguiente capítulo