webnovel

Chapter 07 : ASA!

Kenneth's Pov

"Nak, pinapaalalahan lang kitang malapit na yung due date ng kuryente" bungad ni Nanay sa akin paglabas ko ng kwarto.

"Opo Nay. Susweldo rin naman ako ngayong sabado." sagot ko habang inaayos ang uniform. Nakangiti akong lumapit sa mga kapatid ko.

"Asan si Tito, Nay?"

"Nandoon kina Pareng Baldo" sagot niya at nagpatuloy sa pagkain."Nga pala Nak. Bakit hindi ka magsideline diyan sa kapitbahay natin?"

"Kapitbahay? Wala namang tumitira diyan sa tabi Nay." ani ko habang tutok ang atensyon ko sa bunso naming kapatid na si Aldrin. Nakangiti ko itong sinusubuan ng pagkain at ng ulam naming itlog.

"May lilipat diyan sa linggo, naghahanap daw ng taong maglilinis sa bahay niya. Naisipan kong ikaw nalang ang gumawa lalo na't hindi pa sapat yung kinikita mo sa pagtratrabaho mo sa restaurant" inilapag ko ang kutsara at napatingin kay Nanay na patuloy paring kumakain.

"Ganoon po ba? Sige, pagiisipan ko po" nakangiti kong ani. Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko.

"Gusto mo pa?" sambit ko at gigil na gigil na kinurot ang pisngi ni Aldrin. Nakangiti naman itong tumango habang pinapahiran ang pisngi niyang may kanin.

"Huwag ka nang magisip. Sinabi ko nang ikaw talaga ang gagawa ng trabahong iyon. Bakit ka pa mag iisip? Alam mo namang kapos tayo sa pera kailangan mo kumayod ng doble." nakaramdam ako ng kunting kurot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi Ni Nanay.

"Ganoon po ba..." sagot ko."Alis na po ako" pahabol ko at tumayo na. Ginulo ko ang buhok ni bunso dahilan para mapabungisngis ito.

"Hindi ka ba kakain?" rinig kong sigaw ni Nanay.

"Hindi na po" pabalik kong sigaw. Malalim akong huminga pagkatapak ko sa labas ng bahay namin.

GOOD MORNING KENNETH! sambit ko sa isipan ko at gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Sinabayan ko ito nang pag-unat ng kamay ko, pagkatapos ay naglakad na ako papasok sa paaralan ko.

Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad ako papuntang Labrador. Malalim akong nagiisip habang nakayuko nang bigla akong bumangga.

"Sorry" hinimas himas ko ang noo ko dahil medyo malakas ang pagkakatama ko sa likod ng taong mabunggo ko. Naramdaman kong humarap sa akin ang lalaking nabunggo ko. Napatingala ako at otomatikong nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mukha ni Luke.

"Bulag ka?" sambit niya na ikinataas ng kilay ko.

"Ano sa tingin mo?" problema niya ba? Umagang umaga ang init ng ulo niya. Para rin tong babae si Luke, kahapon lang ay ang ganda ng pakitungo niya sa akin tapos NGAYON---ARRGHH! Ang sarap talagang tirisin ng lalalaking ito. Akala ko ay sasagot pa siya sa akin pero walang pagaalinlangan niya akong tinalikuran pagkatapos ay naglakad siya paalis.

Inihiga ko ang sarili ko sa damuhan at ginawang unan ang kaliwa kong kamay. Napapikit ako dahil bahagyang tumatagos ang sinag ng araw sa mga dahon ng puno. Ang sarap talaga sa pakiramdam kung nag iisa kalang sa isang tahimik na lugar. Lalo pa at pagod na pagod ako dahil tatlong oras yung PE namin. Sa lahat talaga ng subject sa PE talaga ako kulelat dahil hindi ako sporty na tao. Idagdag mo pang may pasayaw sayaw sa PE, yan talaga yung pinakakahinaan ko. Alam mo yung feeling na yung sasayaw ka nalang para sa grades. Hayst~ Naramdaman kong may tumabi sa akin. Iminulat ko ang aking mata at napatingin sa gilid ko. Hindi ako nagkakamali sa hinala ko, si Au nga yung tumabi sa akin.

"Badtrip ka parin ba sa sinabi sayo ni Coach Harold?" tanong ni Au. Hinablot niya ang kaliwa kong kamay na ginawa kong unan para gawin niyang unan. Hindi na ako nagreact pa at ginawa nalang unan ang kabila kong kamay.

"Sinong hindi? Pero kasalanan ko rin naman iyon. Tama naman kasi ang sinabi ni Coach na hindi ako magaling sa kahit anong sports."

"Hindi naman kasi tungkol doon yung tinutukoy ko Kenny. I mean okay ka lang ba matapos niyang sabihing---"

"Na ang panget ko para umaktong babae? Inshort pangit ako para maging bakla. Hindi naman ako bata para masaktan dahil lang sa ganoon. Trust me Au, I heard much worse than those but look at me now still gorgeous and slayin at 17" buong tapang kong sambit na tila nasa isa akong Beauty Pageant. Narinig ko naman ang tawa niya na ikinatawa ko narin.

"Ang taas! Confident masyado. Maganda! Maganda! Maganda!" pumapalakpak niyang ani sa gitna ng kaniyang mga tawa.

"Feeling ko nga crush ako niyan ni Coach Harold, kaya niya sinabi iyon sa akin kasi nagpapansin" biro ko na lalong ikinatawa niya.

"Bet ba?" makahulugan niyang sambit.

"True ka bet na bet. Daddy vibes charot~ Iba si Coach kahit may edad na masherep parin HAHAHAHA" hirit ko. Tumatawa kami habang tinatampal ang balikat ng bawat isa.

"Pero mas bet mo si Luke" mapang-asar niyang ani.

"Jusme Au! Ayan ka na naman!"

"Naku kinikilig si bakla!" ani niya habang sinusundot ako sa tagiliran.

"Au! There's nothing going on between the two of us" seryoso kong ani na tila umaarte sa isang soap opera. Bigla naman akong natawa ng makita ko ang mukha ni Au na pinipigilan ang kaniyang sarili na hindi tumawa.

"Iba maganda! Pero seryoso Kenny, ang gwapo niya tingnan kanina. Ang galing niyang maglaro. Ang hot niyang tingnan kanina." kinikilig niyang sambit.

"Well, I'll give him credits for that. Hindi naman ata siya mapapasok sa basketball team kung hindi siya magaling." nakangiti kong sambit.

"Anong ngiti iyan?" mapanukso niyang lintaya habang tinuturo ako.

"Anong ngiti?" madiin kong tanggi.

"Ngiti ng baklang in love i see~" pang aasar niya.

"Ito alam mo?" itinaas ko naman ang kamay kong nakakuyom. "Kamao ng isang baklang nainis sa kaibigan niya. You wanna see?" pagbibiro ko na ikinatawa niya.

"Medyo harsh. Arte ni bakla akala mo babae. Aminin mo nang bet mo rin si Luke."

"Che! Alam mo naman yung mga type ko hindi ba? Meron ba siya noong mga gusto ko sa lalaki? Hindi ko siya bet okay?" madiin kong paninindigan.

"Naalala ko palang kutis at mukhang koryano ang bet mo. Yung mapuputi I see~. Ang tanong maputi rin ba yung---?HAHAHAHA" makahulugan niyang ani na ikinatawa naming dalawa.

"Hindi na mahalaga iyon." mahinhin kong ani.

"Baklang santo I see~" hirit niya na ikinatawa ko. Sa kalagitnaan ng pagtawa ko ay ikinalabit niya ako. Nagtataka akong napatingin sa kaniya habang may nginunguso siya. Napangiti ako nang makita ko ang mga lalaking athlete na nasa kalagitnaan ng pagtakbo. Nagkatinginan kami ni Au at nagpalitan ng makahulugang tingin.

Pasimple kaming bumangon at naglakad palapit sa mga lalaking athlete na tumatakbo. Natatawa kaming umupo sa isang bench malapit sa tinatakbuhan nila. Magkasabay naming inunat ang ang kamay namin at malalim na huminga.

"Ang ganda ng view dito" bumubungisngis na ani ni Au.

"Medyo~" pigil ang tawa kong lintaya.

"Medyo pero ngiting tagumpay ka Kenny" ani niya dahilan para matawa ako ng sobra.

"Tanggal na ba ang stress?" napalingon ako sa kaniya ng biglang sumeryoso ang tono ng pananalita niya. Nakangiti naman akong tumango na ikinangiti rin niya.

"Minsan kasi Kenny matuto karing magsaya. I know that you're a responsible student, brother and a son but sometimes---you need to chill out and do shts. You're just 17--We're still considered teens you need to have fun. Don't take all of your parent's responsibilities."

"Ito na nga nagsasaya na" nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Sana dalasdalasan mo. Kaya hanggang ngayon wala ka paring boyfriend kasi puro ka pamilya. Can you choose your self sometimes? Can you Kenny?" naiilang akong napayuko.

"Ang hirap din kasi Au. Hindi naman kasi ako katulad niyo na kahit tumunganga lang ay mabibigyan ng pera. Patay na si Tatay, baldado na si Tito, si Nanay naman walang mahanap na trabaho. You can't just expect me to stay still and not do anything knowing that my family is struggling. Tsaka believe me Au, masaya ako na natutulongan ko ang pamilya ko. Hindi ko man nagagawa yung nagagawa ng katulad kong teenager. I know one day that I can enjoy, what an adult can enjoy" sinsero kong ani. Narinig ko naman ang buntong hininga niya dahilan para tumingala ako.

"Okay, I surrender. Ikaw na talaga Kenny! Basta next time lalandi tayong dalawa? We're gonna have fun!" masigla niyang ani at itinaas ang kaliwa kong kamay sa ere.

"Punta muna ako sa cafeteria. Libre kita dito ka lang ha" hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis siyang tumayo at naglakad palayo. Kasabay ng pagalis niya ay nakatanggap ako ng message galing din sa kaniya.

[From : Au]

Galingan mo sa paglandi */wink emoji

Napatawa nalang ako sa isipan ko matapos kong mabasa ang message niya. Muli naman akong tumingin sa mga lalaking athlete na patuloy parin ang pagtakbo. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang team captain ng basketball team kung saan kasali si Luke.

"Oh James. Kailan kaya?" kinikilig kong sambit habang nakapako ang paningin ko sa gwapo niyang mukha. Bakit ganoon? Ang hot niya tingnan habang pinagpapawisan siya.

Pasimple akong naglakad malapit sa may puno para mas malapitan ko siyang makita. Halos gumapang na ako para walang makapansin sa akin nang biglang may paang humarang sa akin. Napapikit ako at nahihiyang iniangat ang sarili ko. Nang iminulat ko ang mata ko, bumungad ang nakangising si Luke.

"Hindi ko alam na mas gusto mo pa lang gumapang kesa maglakad ng maayos" sarkastikong ani ni Luke na ikinainis ko. Agad akong tumayo at pinantayan ang tingin niya.

"James!" nanlaki ang mata ko nang bigla niyang tawagin si James, ang team captain ng basketball team.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?" mahina kong sambit habang nakangiti kay James na tumatakbo papalapit sa amin.

"Tinutulongan lang kitang makilala mo yung crush mo" nakangising sambit ni Luke at tinabihan ako.

"Bakit bro?" bungad ni James. May ginawa silang kung anong gesture, yung madalas gawin ng mga lalaki---yung may patamaan ng dibdib. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang marinig ko ang boses ni James. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya. Tsaka ang broad ng shoulders niya idagdag mo pa na mamuscle ito. Jusme! Tukso layuan mo ako.

"Pakilala ko lang itong kaibigan ko. Interesado kasi siyang matutong mag basketball." siniko ko si Luke nang marinig ko ang sinabi niya. Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya dahil sa inis. Bahagya siyang humakbang para hindi ko siya maabot. Inakbayan niya si James at tiningnan nila akong dalawa.

Ang awkward~!

Nakakahiya!

Letche ka talaga Luke!

First time kong maramdaman na tinititigan ako ng crush ko. Jusme pakiramdam ko hinuhubaran ako charot~. Kumalma ka Kenneth!

"Loko ka tol! Kilala ko yan, Kenneth right?" hindi ko naman maitago ang saya ko nang malamang kilala niya pala ako. Jusko mga bakla feeling ko nanalo ako sa loto. Winner na Winner mga bakla! Nagulat ako nang inilahad niya ang kamay ko na hinihintay na kamayan ko siya.

"Ah Oo" nanginginig kong sambit. Pigil ang ngiti kong iniabot ang kamay ko sa kaniya. Bakit ganoon? Hindi ko naman ineexpect na malambot yung kamay niya kasi nga athlete siya pero bakit kilig na kilig parin ako? Puno ng kalyo yung kamay niya pero mas gumwapo siyang tingnan ngayong nalaman ko ito. Jusme when kaya? When mo ako sasakalin gamit ang kamay mo James charot~

"Nice to meet you" nakangiti niyang lintaya pagkatapos naming magkamay.

"Sige tol. Alis na ako hinahanap na ako ni Aimee." baling ni James kay Luke. Ngumiti naman siya bago siya umalis. Pasimple kong inamoy ang kamay kong kinamayan niya nang makalayo na siya. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Luke.

"Huwag umasa masyado narinig mo namang may jowa siya"

"Hello? Alam ko kaya matagal na!" mataray kong ani. Para akong baliw na ngingiti tuwing makikita ko ang kanang kamay kong kinamayan ni James.

"Alam mo rin bang pumapatol siya sa bakla?" nanlaki ang mata ko at agad akong napalingon kay Luke nang marinig ko ang sinabi niya. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin dahil mukhang may ibubulong siya.

"ASA!" natatawa niyang sigaw at naglakad palayo sa akin.

"LUKE!" sigaw ko at hinabol siya.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 07 : ASA!

Siguiente capítulo