BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG DIGMAAN SA KABILANG PANIG NG NUHRIM EARTIN
TAMBEROW LAURHIM:
NADALA na naman ng takot si haring thron kaya't nakipag-alyansa ito sa nether land ngunit hindi namin iyon hahayaang makarating ang mga hukbo na nais nya mula sa nether land.
"Kakailanganin ko ang tulong nyo kapatid! Alam mong magaganap ito ngunit hindi sapat ang hukbo na nasa pangpang ng dagat na ngayo'y nakikipaglaban!"
Ang aking kasamahan na si aces tactirien at baronfiild orin ay aking pinakiusapan na tulongan ako. Sila ang mga salamangkero ng mga hayop at insekto dito sa nether land, matagal na silang namumuhay sa kabilang parteng lupain ng nether land.
"Magpapadala kami ng mga karagdagang hukbo para tulongan ka! Ngunit isa lamang ang kapalit nito!"
"Ano?"
"Ang pagbabalik mo sa ating mundo! Ang tanging hiling lamang ng ating pinuno ay bumalik kana at lisanin ang mundong ito!" Saad ni baronfiild sa'kin, alam ko na matagal na nila akong hinahanap para harapin ang parusa.
"Pumapayag ako sa alok mo!"
Nagpadala ang dalawa kong kasamahan ng mga nilalang na may kakayahang lumaban, gaya ng mga malalaking ibon at mga paro parong may matitigas na galamay.
May mga malalaking gagamba at ahas at mga maliliit na daga ang siyang aking kasama sa pagbabalik sa pangpang ng dagat.
Malayo pa lang ay natatanaw kona ang naglalagablab na lupain, apoy ang siyang nangibabaw sa bahaging iyon.
"Nahihirapan na siguro ang susunod na hari ng mga tao!"
"Hindi!hindi siya nahihirapan dahil alam nyang darating ka!"
"Tama! kaya't ano pang hinihintay natin at tayo'y sumugod na!"
Kasama ko ang matatapang na tigre na nagsasalita, sila ang naging sasakyan ko pabalik sa digmaan. Abalang nakikipaglaban ang mga kasamahan ko ngunit dahil sa dragon na may tatlong ulo na bumubuga ng apoy sila'y nahihirapan at unti unting nababawasan ang kanilang bilang.
Pinatunog ni staider burin high ang tambuli hudyat na kami ay parating na, mabilis na sinalakay ng mga tigre at mga insekto ang mga orc habang ang mga dragon sa himpapawid ay sinalakay ng mga paro paro at mga agila.
Nagsalpukan ang mga lumilipad na nilalang sa himpapawid habang nagbanggaan naman ang malalaking braso at kalasag ng mga mandirigmang nasa lupa.
May digmaan sa himpapawid at may digmaan sa lupa, digmaang walang tigil.