"Tinawag ko siya dahil alam kong kakailanganin mo siya!" Wika ni baronfiild orin sa salamangkerong si tamberow laurhim.
"Aces! baronfiild mga kapatid!"
Nagkaroon ng kaunting pag-uusap ang tatlo hanggang sa marinig ng mga ito ang tunog ng tambuli na nagmumula sa barko ng teruvron. Nakatawid na ang mga ito sa dagat at patungo na sila sa nether land.
"Bilisan na natin!" Tinungo nila ang daan pabalik ng nuhrim eartin ngunit ang salamangkerong si baronfiild ay nagpaiwan gano'n din si aces tactirien.
"Hindi namin iiwan ang kagubatan ng balandor at ang nether way,may mga nilalang kaming dapat protektahan!"
Saad ni baronfiild orin sa matandang salamangkero.
"Tamberow!mag-iingat ka!may gampanin kami dito sa nether way na dapat gawin!"
Ibinilin nitong masisira lamang ang susi kung magpapakita ang diyos ng mga panahon. Ngunit masyadong mailap ang diyos ng mga panahon lalo na't ipinagbabawal ng zarapa na bumaba sa lupa ang mga diyos.
Ngunit isang bagay ang sinabi ni aces tactirien kung saan matatagpuan ang diyos ng mga panahon, ito ay puntahan ang ipinagbabawal na lupain ng mga diyos.
"Ang lander hell! Pero ang lupaing iyon ay lupain ng mga patay? Paano namin hahanapin ang diyos ng mga panahon sa lugar na iyon? " Tanong ni tamberow laurhim sa kapwa nito salamangkero.
"Sinumpa siya ni rakeon ang diyosa ng mga insekto! Ginawa siya nitong isang malaking taong may tatlong ulo! Siya ang nagbabantay sa lupain ng lander hell!"
"Paano namin matatanggal ang sumpa sa kanya?"
"Kailangan nyong makuha ang sandata nya mula sa mga kamay ni bathalang rakeon! Naroroon siya ngayon sa zunarin!"
Tinungo ng mga ito ang zunarin upang kalabanin si rakeon ang diyosa ng mga insekto. Siya ang dahilan kung bakit naging halimaw ang diyos ng mga panahon, ang diyos ng mga panahon ang isa sa mga kasama ni aces tactirien na likhain ang susi ng itim na aklat.
Siya lamang ang makakasira nito wala ng iba.
Habang naglalakbay ang apat ay nagkaroon muli ng panibagong digmaan sa toretirim, ang akala ni haring thron ay nasa mga kamay ng mga tao ang susi kaya't nagpadala ito ng mga evilders at goblins sa lupain ni haring vinner gair.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-