Hindi rin naging sapat ang hukbo ng toretirim at white counsel upang pigilan ang mga kalaban.
Winawasak nila ang mga bahay at pader sa loob ng tarzanaria, patuloy pa rin ang sagupaan ng dalawang panig.
"Hindi natin sila mapipigilan!"
"Ang dami nila!"
"Parang hindi sila namamatay!"
Sigawan ng mga kawal ng dalawang kaharian na makikitang nahihirapan ng lumaban. May mga iilang naiiyak na lamang habang pinapanood ng bawat isa ang pagbagsak ng mga kakampi nila't kauri.
Patuloy pa rin ang pagdating ng mga evilders, isa isang pinatamaan ng mga rebdi ang pader ng tarzanaria gamit ang mga tipak na bato.
"Malapit ng bumigay ang tulay!"
"Sa oras na magiba ang tulay! Darating na sila!"
"Papatayin nila tayo! Mauubos tayo dito!"
Saad ng mga tao sa loob ng isang malaking silid, sa ngayon protektado pa sila dahil sa mga mandirigmang nakabantay sa pinto at sa bawat paselyo ng gusali.
Hanggang sa marinig ng mga taong nasa loob ang tunog ng tambuli na dumagondong. Naramdaman ng mga tao ang pagyanig ng lupa dahil sa lakas ng tunog nito, ang hindi nila alam na ang tunog na iyon ay ang tambuling babala.
Ang sentro ng tarzanaria ay napasok na at ang tulay ay sira na. Bumagsak na rin ang mga tore sa harapan ng sentro at may mga mandirigmang humarang sa mga halimaw ngunit hindi rin sila nagtagal.
Hanggang sa marating ng mga evilders ang malaking gusali na pinagtataguan ng mga tao, doon ay makikitang nagkaroon ng hindi magandang pangitain si tamberow laurhim tungkol sa haring masasawi.
Minabuti ng mga kawal ng white counsel na ligtas ang mga taong nasa loob kaya't habang abala sa pagsira ng pinto ang mga evilders ay siya namang sinamantala ni haring vinner gair hari ng mga dwarves na humukay palabas ng gusali. Ang mga dwarves ay mahuhusay sa paghahalungkal ng lupa dahil ang pangunihan nilang trabaho ay maghanap ng mga ginto.
"Malapit ng masira ang pinto! Bilisan nyo na!" Sigaw ni haring lurril steil habang nakatuon ang pansin sa mga dwarves at mga kawal nyang abalang tumutulong na maghukay.
Hanggang sa mabutas ng mga ito ang makapal na pader, bumungad sa mga ito ang malawak na ilog at may mga lumang barkong nakadaong sa mga pangpang.
Isa isang nagbabaan ang mga tao patungo sa lumang barko. Kinailangan pa nilang humawak sa mga batong nakausli upang hindi mahulog sa nagraragasang tubig. May talon sa harapan ng mga ito at ang tanging paraan para makaalis sa lugar at makapunta sa barko ay ang kumapit sa mga ugat at lumot ng bangin, masyadong madulas ang mga batong naaapakan at nakakapitan ng mga tao.
Hanggang sa nasira ang pinto kaya't ang mga natitirang mandirigma ng white counsel ay pinigilan ang pagpasok ng mga ito hangga't hindi pa nakakalabas ng tuloyan ang mga tao.
Nakita ni haring lurril steil na isa isang nagbabagsakan ang mga kawal ng white counsel kaya't napaisip ito saka tinignan ang ang mga mandirigmang nahihirapan na sa pagpigil sa mga halimaw kaya't ang haring lurril steil ay hindi na nakatiis kaya't kinuha nito ang panang nasa tabi ng pinto at isa isang pinatamaan ang mga halimaw na pilit na pumapasok sa loob ng gusali.
Hanggang sa nasira ang pinto at ang mga mandirigma ng white counsel ay nakaabang na sa paglusob ng mga evilders.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-