webnovel

Chapter 31: Sorry

Kinabukasan. Nalaman ko nalang na umalis na si Poro. He just replied to me last night a good night too. At ngayong araw. Kahit he didn't used to greet me a good morning. Nagpadala ito ngayon. Gumewang ang ulo ko gawa ng pagtataka. "Ano kayang meron bat sya nagmadaling umalis?." I asked myself while taking a bath. Di ko din inabala ang sarili ko na tanungin si Mama about him dahil alam ko, ramdam kong sadya ang maagang pag-alis nung tao.

Also. I didn't attempt to ask Papa. Though it's tempting because he's driving me now going to school. Sinabi nyang wag ko raw munang gamitin ang car ko dahil he'll fetch me at school. Anytime.

I was like. What?. Ano ako?. Grade school?. High school?. College na ako Pa?. Bat kailangang sunduin at ihatid pa ako?. Si Karen dapat ang gawan nya ng ganito. Not me!. Anong ibig sabihin ngayon ng ginagawa nila kung ganun?. Chain me?. From who?. From what?. Why?.

"Sabihan mo si Jane. Ako ang magsusundo sa'yo rito."

"Bakit po?. May nangyayari ba?. What is it?." para yatang akong mababaliw kakaisip kung anong meron sa kakaibang kilos nila. Para bang, may kinatatakutan silang hindi ko makita. Or either. May gusto silang iwasan na tao. O gusto nilang iiwas ako dito. Anupaman. Gusto kong malaman. Gusto kong marinig mula sa kanila.

"Nothing Ken. Just wait for me here. Okay?." napilitan akong tumango sa gusto nya. Kahit ang totoo. Nalilito pa rin ako.

Ang sabi ko nga. Kung may kalayaan silang binigay sakin. Yun ay ang kalayaang gawin ang gusto ko. Gawin ang lahat ng nais ko. NGUNIT laging may kaakibat na PERO. "Ang hirap naman intindihin ng Papa mo?. Ano ka ba talaga?. Malaya o bihag nila?." even Jane is annoyed about Papa's sudden behavior. She knew the rules I'm taking at minsan gusto nya akong hilahin paalis rito because she keeps on saying that, it's suffocating. Tama nga sya. Minsan nasasakal ako. Na kung pwede lang. Maglayas at wag ng bumalik rito. I'd rather do that. But I don't know. Hindi ko din sila matiis. Di ko sila maiwan basta. At lalong, hindi ko sila kayang suwayin nalang at saktan ng higit pa sa sarili ko.

Martyr ba tawag dito?.

Kung oo man. Sige na. Tawagin nyo na akong martyr. Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon.

Hindi nga ba?. Hanggang saan kaya aabot yang desisyon mo?. Wala bang hangganan yan?. O may limitasyon?.

"I don't even know." malamya kong sagot sa tanong nya. I got her annoyance. Dahil kung minsan. Naaasar din ako sa sarili ko. Tipong kahit halata na nga ang lahat sa harapan ko. Pilit ko pa ring sinasabi sa sarili kong, hindi yun totoo. Na guni-guni ko lang yun. "Nakakalito na nga sila." I let my heart out. Narinig ko lang na nagpakawala lang sya ng malakas na buntong hininga. Nauubusan na rin yata ng mga salitang maaaring masabi sakin para palakasin ang loob ko.

"What about Poro?. Did he contacted you today?." palubog na ang araw. Tapos na rin ang lahat ng aming klase. Pero ni isang reply nya sa text ko ngayon, wala.

Iniiwasan nya ba ako?. Bakit?.

Baka busy lang.

Yung side note na naisip kong busy lang sya for not replying anything to me is fine today. Hinayaan ko ito at pinaglagpas.

Pero ang kakaibang kabog ng dibdib ko ay hindi ako pinapatulog.

"Kaka, nagkita na ba kayo ni Poro?." kumatok ako sa silid nito at di natiis na magtanong.

Huminto sya sa ginagawang assignment yata saka binalingan ako. Umikot ang inuupuan nyang swivel chair saka nilaro ng mga daliri nya ang hawak na ballpark. Pinaikot-ikot iyon na parang professional.

"Hindi pa. Bakit?."

"Hindi kasi sya nagrereply sa text ko."

"Baka busy lang Ate. Alam mo naman kapag Law ang kurso mo."

Napaisip ako. Gaya nga ng naisip ko din. Baka busy nga!.

"Tawagan mo nalang kung gusto mong kausapin."

"Baka busy eh. Nakakahiya." mas lalong uurong ang dila ko kapag sinagot nya ang tawag ko't magtanong ng kamusta. Anong isasagot ko kung ganun?. Na hindi ako okay kasi wala syang reply?. Na di ako mapakali hanggat di nalalaman na he's okay. Sa kabila nito. Nahihiya pa rin akong gumawa ng unang hakbang.

Mahihiya ka pa ba gayong pagkakataon mo na ito to clear things out?.

Oo nga naman. Kung sagutin nya nga tawag ko. Kung?. What if not?. Anong gagawin ko?.

E di continue life. Life goes on and move forward.

Ha?.

Natulala ako kaiisip sa kung anong pwedeng mangyari. "Kung ganun. Antayin mo nalang reply nya. Wag ka ng parang praning dyan." Pinaikutan ko sya ng mata.

"Di ako praning noh?." umikot ako upang lumabas na ng silid nya.

"Psh.. indenial yarn.. gusto mo ba sya?."

Di ko sya pinansin. Pumasok ako ng silid namin ni Ate saka sinalampak ang katawan sa ibabang parte ng double deck na higaan. Sa ceiling na tumitig. "Wag ka ng umasa. May hinihintay syang tao.." di ko alam na sumunod pala sya sakin.

Lumunok ako. Not mouthing any words. May hinihintay sya?. Sino naman?. Tsaka. Saan galing?. Sa buwan ba?. Bat kailangang hintayin?. Bakit kailangan nya pang mag-antay kung marami naman dyang iba?.

Ay, Asa!.

"Hindi ko sya gusto. Sino naman sya?." nguso ko.

Mahina syang tumawa. "You can fool anyone but not me Ate. Alam kong sya yung tipo mo sa lalaki. At alam ko ring alam mo yan."

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa ceiling ng kwarto. Kulay asul naman ang pintura nito pero bakit ngayon ko lang natanto na dapat lagyan na ng ibang kulay. Kahit palitan na rin siguro ng itim o kulay abo para mas maganda.

Anyare sa makulay mong mundo?. Bakit biglang nabago?.

"Anong kulay nga pala ng pintura ng ceiling mo?." taliwas sa topic naming dalawa. Ito ang naitanong ko. Sinilip nya ang mukha ko't nginiwian.

"Umiiwas talaga. Bakit?. Nasasaktan ka?."

"Hindi ko alam. Malay ko ba kung busy lang sya. Mas gusto kong humawak sa isiping yun kaysa sa maniwala na umiiwas nga sya."

"Hay.. so, indenial ka nga?." di na naman ako nakasagot. She got me again. Tahimik ang paligid ng ilang minuto bago sya nagsalita muli. Naglakad sya't umupo sa study table ni Ate Keonna. "Nakalimutan mo na ba?. Same tayo ng kulay ng ceiling. Bakit bigla mo yatang naitanong?. Sawa ka na ba sa kulay na paborito mo?."

"Napaisip lang ako. Ano kaya kung palitan natin ng itim?."

Tumawa sya.

"O di kaya ay abo?." mas lalong lumakas ang tawa nya.

"Hay naku Ate.. Tara na nga lang sa baba.. ipagbake mo nalang ako ng cookies mo. Gutom ako e."

"Marunong ka diba?. Bat ako pa inutusan mo?."

"Para di kung anu-ano at saan-saan Lumilipad isip mo. Baka mabaliw ka bigla dyan.."

Lumabas na sya. Bumangon na rin ako. "Hoy! Hindi ako baliw noh?."

"Sus.. baliw ka na. Ayaw mo lang aminin.." hinabol ko sya pababa. Wala si Mama at Kim. Mukhang may binili sa labas. Si Papa. Bumalik muli ng istasyon. Sinundo lang ako't hinatid dito sa bahay. Si Ate. Wala pa. May pasok pa yata.

"Ikaw yata ang baliw.." siring ko.

"Ikaw kaya. Baliw sa taong hindi nakita o nagreply ng isang araw.."

"Shut up!.." hinila ko buhok nya. Usual na gawain namin pag naasar sa asaran namin. "Marinig ka ni Mama. Walanghiya!."

"Hi babe!.." si Kian ang bumati. Ang sabi kong si Mama ang makarinjg. Mali ako!. Dahil hindi lang si Kian ang dumating. Napakagat ako ng labi dahil yung taong tinutukoy ni Karen ay, nasa harapan ko ngayon. Preskong nakapamulsang nakatingin sakin. Maling mali ako ng akala na walang makakarinjg dito. Kingwa!.

Set up ba to Kaka?. Nilingon ko si Karen. I mouthed her this. Nginisihan nya lang ako.

Damn girl!.

Malapitan lang kita mamaya! Naku!. Hihilahin ko pababa yang medyo kukot na dulo ng buhok mo!. Humanda ka sakin!

"Hi.." he greeted. Tama lang para sakin. Yung lovebirds. Naglambingan na sa kusina. Mga walanghiya!.

"Hi.." nanginig ang labi ko dito. Bakit ba Ken?.

"I'm sorry about today.. busy lang.."

Ah.. Nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko!

Busy lang pala talaga!!...

"Ikaw?. Ayos ka lang?." humakbang sya't kinapa ang noo ko. Napaatras ako ng ilang inches. "Namumutla ka.." he declared.

Natulala ako sa totoo lang. Tinanggal nya ang kamay sa noo ko't nginitian ako ng sobra.

Without thinking straight.

Amoy na amoy ko na ang panlalaki nyang pabango. Nanonoot na ito sa ilong ko't lalamunan dahil sa yakap na ginawa ko!.

Kung mali man ito. Hayaan sana ng panahon na tumama ang ginawa ko. Dahil kung hinde. Susuungin ko ang malakas na bugso ng bagyo. Makasama ko lang ang taong gusto ko.

Siguiente capítulo